Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 5

Poker face lang si Adam habang nakaupo sa sofa. Sa harap niya ay baso ng tubig na tumutulo ang tubig sa gilid. Matapos ang katahimikan, tinginan niya si Scott at kalmadong sinabi, “Anak ko si Shannon. Sinasabi mo ba na hindi nararapat ang anak ko na maging pinsan mo?” Naglaho ang tigas ng ulo ni Scott. Mukha siyang takot noong umatras siya. “H-Hindi ganoon ang ibig ko sabihin, Tito Adam…” Napangiti si Hector habang pinapanood si Adam na patigilin si Scott ng isang tingin lang. Humarap siya kay Cecily. “Sa tingin mo ba pinahirapan ka habang nandito ka sa pamilya Jensen, Cecily?” Namutla siya at agad na sinabi, “Hindi, siyempre hindi. Mali ka ng intindi, Hector.” “Kung ganoon, hindi ka dapat magsabi ng mga bagay na magbibigay ng maling ideya sa iba.” Nanatili si Hector na nakangiti, ang tono niya ay mahinhin pa din. Pero, may bagay sa boses niya na nakakapagbigay ng takot para hindi siya kontrahin. Ibinuka ni Cecily ang bibig niya pero wala siyang nasabi at napayuko na lang. Sa oras na nakayuko na siya, napakagat siya ng labi. Ginamit ni Linda ang pagkakataong ito para pakalmahin ang tensyon. “Kasalanan ko dahil hindi ako nakapaghanda ng maayos. Hindi naman natin kailangan magtalo para lang sa kuwarto.” “Totoo na hindi ka nakapaghanda ng maayos, Tita Linda.” Bilang pinakanakatatandang apo, is Hector ay hindi nahiya na pagsabihan ang mga nakatatanda sa kanya. “Kapatid ko si Shannon at anak ng pamilya Jensen. Pagtatawanan tayo ng ibang tao kapag nalaman nila na hinayaan natin siyang matulog sa extra na kuwarto na ginagamit para lagyan ng mga manika.” Habang nagsasalita siya, umakbay siya kay Shannon, mukhang protective siya sa kanya. “Ang kapatid ko ay hindi umuwi dito para lang apihin ng ganito.” Mahirap sabihin kung sinadya niya itong sabihin sa ganitong paraan, pero namula si Cecily. Ipinahiwatig niya na nagdudusa sya, pero heto si Hector, prangkang sinasabi na si Shannon ang nagdudusa sa ginagawa niya sa pagpapatulog sa dating kuwarto na gamit ni Cecily. Pinapahiya ni Hector si Cecily! Samantala, si Shannon ay nanigas ng umakbay si Hector sa kanya. Hindi niya alamk ung dahil ba sa mga kilos niya o salita. Hindi naman niya masabi na nagdusa siya. Kumpara sa mga naranasan niya habang nakatira sa pamilya Gray, wala lang ang mga salita ni Cecily. Pero, ito ang unang pagkakataon na may nag-alaga sa kanya noong ginawan siya ng mali. Naantig ang puso niya—marahil ito ang unang pagkakataon na naramdaman niyang may pamilya siya. Nailang si Linda. Sa puso niya, minura niya si Hector dahil pinapahiya siya ni Hector tulad ng dati. Sinulyapan niya si Adam at George. Noong nakita niyang tahimik silang nakaupo, wala siyang magawa kung hindi kimkimin ang kahihiyan. “Tama ka, Hector. Kasalanan ko dahil hindi ko ito naisip agad. Ipapahanda ko ang ibang kuwarto para sa kanya,” sagot ni Linda. Ngumiti si Hector at tumango. “Salamat, Tita Linda.” Pagkatapos, humarap siya sa lahat at sinabi, “Ililibot ko si Shannon sa hardin.” Matapos iyon, isinama niya si Shannon sa hardin ng walang pakielam kung anong iniisip ng iba. Sa oras na wala na sila, naging nakakailang ang pakiramdam sa paligid. Si Linda, na nasaktan ay gustong magpaliwanag. Sa oras na iyon, si Thomas Holt, na family butler ay pumasok sa living room. Sinabi niya kay George, “Mr. Jensen Senior, tumawag ang mga security guard para sabihin na naparito si Mrs. Gray para bumisita.” Mrs. Gray? Agad na naisip ng lahat si Shannon. Hindi ba’t kaalis lang niya sa pamilya Gray? Bakit sila naparito agad para bumisita? “Marahil nandito sila para makita si Shannon, tama? Mukhang nag-aalinlangan sila na iwan siya,” si Janice Clarkson, na asawa ni Adrian ay sinabi. Nakatulong ito na bawasan ang tensyon. Kanina, napansin nila na walang dala na maleta si Shannon o bagahe. Hindi niya alam ang dahilan para dito, pero baka naparito ang pamilya Gray para dalhin ang mga gamit ni Shannon. Hindi nga naman sila tanga para hindi siya bigyan ng kahit na ano matapos malaman na anak siya ng pamilya Jensen. Nag-alinlangan si Thomas, at sinabi, “Sinabi ni Mrs. Gray na nandito siya para makita ka, Madam Janice.” Nanigas ang ngiti ni Janice. Mukhang naguguluhan siya, “Ako?” Bakit naparito si Sheila para sa kanya at hindi para kay Shannon? … Samantala, si Hector at Shannon ay naglalakad-lakad sa hardin. Maraming mga bulaklak sa pader ng manor, at ang damuhan ay mukhang walang hanggan. Parang buhay na buhay dito sa ilalim ng araw. Sinundan ni Shannon si Hector at nakinig sa kanya habang ipinapakilala ang mga bagay sa hardin. Habang naglalakad, hinid niya mapigilan ang isip niyang maglakbay sa eksena na ipinagtanggol siya ni Hector sa living room. Kakaiba ang pakiramdam… para sa kanya. Matapos ang ilang sandali, hindi niya mapigilan na sabihin, “Salamat.” Tumigil si Hector at tinignan siya. Ngumiti siya at hinimas ang noo niya, “Kapatid mo ako. Hindi mo ako kailangan pasalamatan.” Tulala siyang nakatingin sa kanya. Mukhang nakakatuwa tignan si Shannon dahil tulala siya at magulo ang buhok. Lumapad lalo ang ngiti ni Hector. May sasabihin sana siya ng tumunog ang phone niya. Tinginan niya ang Caller ID at nagsignal kay Shannon na maglakad-lakad na muna siya habang sasagutin niya ang tawag. Nagpatuloy si Shannon. Matapos ang ilang dosenang paglalakad, napatingin siya sa katulong na nagpupunas ng mga lamesa at upuan sa pavilion. Mukhang nasa 50 ang edad ng katulong. Hindi agaw pansin ang itsura niya, pero nararamdaman ni Shannon ang masamang enerhiya mula sak anya—nagpapakita lamang ito sa mga tao na may masamang karma. Bilang general rule, hindi siya nakikielam sa mga bagay na may kinalaman sa ibang tao dahil madali itong magdudulot ng karma, mapamabuti man ito o masama. Pero kung hahayaan niya ang katulong, ang masamang enerhiya sa paligid niya ay maaaring maapektuhan ang pamilya Jensen. Lumapit si Shannon sa kanya. Ang katulong, na si Carla Stone, ay may hawak na basahan at pinunasan ang mga lamesa at upuan na parang robot. Ang ekspresyon niya ay tulala, habang patingin-tingin sa isang partikular na direksyon. Nahimasmasan lang siya ng lumapit si Shannon, “M-Ms. Shannon.” “Kilala mo ako?” nagulat si Shannon. Wala pa siyang isang oras ng dumating sa Jensen residence Pero naaalala na siya agad. “Si Mr. Holt, na butler, ay ipinakita sa lahat ng mga katulong ang litrato mo para makilala ka namin. Sa ganitong paraan, hindi ka namin aksidenteng mababastos,” paliwanag ni Carla habang nakangiti sa paraang makakasipsip sa iba. Hindi inaasahan ni Shannon na maghahanda ng ganito ang pamilya Jensen. Maliit na bagay lang ito, pero nakakatuwa ito. Naisip niya na inaasahan lang siguro ito mula sa malaki at prestihiyosong pamilya. “May kailangan ka ba, Ms. Shannon?” tanong ni Carla ng makita na hindi nagsasalita si Shannon. Sasagot sana si Shannon ng may dalawang pamilyar na tao ang pumasok sa compound ng manor—sina Sheila at Rachel. Habang sinasamahan sila papasok ni Thomas, nakita din nila si Shannon. Natulala sila ng makita siya sa pavilion. Sinabi nila, “Anong ginagawa mo dito?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.