Kabanata 12
Sa kabilang banda, si Sheila at Rachel ay bumalik na sa bahay at nakita si Francis na pababa ng hagdan habang nasa phone. Mukhang siyang aligaga. “Hindi ba’t naayos na ang lahat, Mr. Tate? Malapit na natin maayos ang negosasyon; bakit bigla umatras ang Jensen Corporation sa kooperasyon?”
Nanlumo si Sheila at Rachel ng marinig ito. Nagkatinginan sila. Humakbang palapit si Rahcle, may gustong sabihin kay Francis, pero itinaas niya ang kamay niya para sabihin na sandali lang.
Tumalikod siya, mukhang pinipigilan niya na marinig ang pagkabalisa niya mula sa kanyang boses. Ang tono niya ay parang sipsip, “Dahil ba masyadong malaki ang hinihingi ng Gray Corporation? Puwede naman ito pag-usapan, willing kami magbigay ng portion ng napagkasunduang kita. Interesado talaga ako makatrabaho ang Jensen Corporation.”
Hindi alam nina Sheila at Rachel ang sinasabi ni Joey Tate, ang tao sa kabilang linya. Ang nakita lang nila ay kumibot ang mukha ni Francis. Pagkatapos, ibinaba niya ang tawag at mukhang nanlumo siya. Napahiga siya halos sa upuan sa foyer.
Nagmadali na lumapit si Sheila at Rachel. Nagtanong siya Sheila, “Anong problema, Francis?”
Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang parehong mga kamay, mukhang naiinis siya. “Anong problema? Paano ko malalaman kung anong mali? May tumawag mula sa Jensen Corporation bigla at sinabi na tapos na ang kasunduan noong okay naman ang lahat bago ito!”
Tinginan niya si Sheila. “Hindi ba’t isinama mo si Rachel para makita ang asawa ni Adrian? May nangyari ba noong nandoon kayo?”
Bumilis ang tibok ng puso ni Sheila. Malinaw na walang sinabi na kahit na ano si Joey tungkol sa nangyari sa Jensen Residence. Ibinuka niya ang kanyang bibig, gusto na magpaliwanag. Pero hinawakan ni Rachel ang braso niya para pigilan siya. “Walang nangyari, Ama. Hindi namin nakita si Mrs. Jensen.”
Tinignan siya ni Sheila. Pinisil niya ng kaunti ang braso ni Sheila, malinaw na ayaw niyang ipaalam kay Francis ang totoo. Hindi naghinala si Francis. Hinawakan lang niya ang hindi gaanong makapal na buhok niya at bumulong, “Anong nangyari? Ang gandang business partner ng Jensen Corporation…
“Kung nagtuloy ang kooperasyon, ang kumpanya at pamilya natin ay aabot sa mas mataas na estado! Hindi, hindi ko maaaring hayaan na mawala ang oportunidad na ito.” Tumayo siya at nagmamadaling lumabas ng bahay, nakalimutan na si Sheila at Rachel.
Sa oras na wala na siya, humarap si Sheila kay Rachel. “Bakit mo ako pinigilan? May tiyansa na ang Jensen Corporation ay itinigil ang business deal dahil sa babaeng iyon.”
“Ma!” pinigilan siya ni Rachel. Matigas ang ulo niya ng sabihin, “Inisip ko na ito habang pauwi na tayo. Hindi sinabi ng direkta ni Mr. Jensen na anak niya si Shannon, hindi ba? Baka mali lang ang dinig natin!”
Ayaw niyang maniwala na si Shannon ay biglaang naging anak ng prestihiyosong pamilya tulad ng pamilya Jensen noong pinalayas siya. Hindi niya matanggap na higit si Shannon sa kanya.
“Paanong mali ang maririnig ko? Kung hindi anak ni Mr. Jensen si Shannon, bakit niya ikakansela bigla ang kooperasyon? At bakit sasabihin ng butler ang mga bagay na iyon?” halos positibo na si Sheila na si Shannon ay anak ng pamilya Jensen at natunton na siya. Hindi maaaring nagkataon lang ito!
Kung ganoon, kailangan nila itong linawin kay Francis sa lalong madaling panahon. Ang pamilya Gray ang nagpalaki kay Shannon, tama lang na suklian sila ng pamilya Jensen sa pagbibigay ng kaunti mula sa yaman nila! Paano nilang kinansela ang kooperasyon? Inggratang ugali ito!
“Anuman ito, hindi ako naniniwala. Isipin mo, Ma. Kung si Shannon talaga ay anak ng pamilya Jensen, bakit hindi siya nagpadala ng tao para iuwi siya?
“Ang mga tao na kumontak kay Ama kanina ay sinabi na masama ang signal dahil nakatira sila sa bundok, hindi ba? Hindi kailangan ng pamilya Jensen na magsinungaling sa atin.” Ginagawa ni Rachel ang lahat para makumbinsi si Sheila at sarili niya.
Nagpatuloy siya, “Baka nagalit si Mr. Jensen dahil gumawa tayo ng gulo sa Jensen residence. Sigurado ako na nagkataon lang na kinansel ang kooperasyon—hindi naman siya siguro padalos-dalos pagdating sa business! Sigurado ako na wala itong kinalaman sa nangyari sa Jensen residence kanina.”
Nagsimula magduda sa sarili si Sheila sa mga sinambit ni Rachel. “Totoo?”
“Totoo. Sigurado ako na ganoon ang nangyari.” Mukhang kumpiyansa si Rachel. Inilabas niya ang kanyang phone at sinabi, “Nakita ko sa group chat ko na pinaguusapan ang anak ng pamilya Jensen.
“Nagkataon na magpapaparty ang pamilya Jensen makalipas ang ilang araw para pormal siyang ipakilala sa mundo. Ang kailangan lang natin gawin ay makadiskarte para makuha ng imbitasyon papunta sa party. Malalaman natin ang tunay na nangyayari kapag nakita na natin kung sino ang anak nila.”
Nag-aalinlangan si Sheila. Kung tumawag ang Jensen Corporation para ikansela ang kooperasyon sa Gray Corporation, hindi magiging madali na makakuha ng imbitasyon sa party.
Matapos ang pag-aalinlangan, sinabi ni Rachel, “Kung hindi si Shannon ang anak ng pamilya Jensen, magagamit natin ang pagkakataon para ipaliwanag ang hindi pagkakaintindihan kay Mr. Jensen. Baka makuha ulit ni Ama ang kooperasyon! Sigurado ako na mahihirapan si Mr. Jensen na tanggihan tayo sa ganoong sitwasyon.”
Tumigil siya sandali at nagalit habang iniisip ang isa pang posibilidad. “Kung—at kung lang—si Shannon nga talag ay tunay na anak ng pamilya Jensen, hindi niya maitatanggi na pinalaki siya ng pamilya natin. Hindi niya tayo puwede isawalangbahala na lang sa oras na makasama niya ang tunay niyang mga magulang, hindi ba?”
Nahimasmasan si Sheila sa mga salita ni Rachel. Oo, bakit hindi niya iyon naisip? Miyembro man ng pamilya Jensen o hindi, may mapapala sila sa sitwasyon!
“Tama ka, Rachel. Kung ang babaeng iyon ay miyembro nga talaga ng pamilya Jensen, hindi tayo mapapalayas ni Mr. Jensen sa dami ng tao na nanonood. Kapag dumating ang oras, kailangan niya tayong pasalamatan sa pagbibigay ng business deal sa atin o pag gawa ng ibang bagay. Pinalaki nga naman natin ang anak niya!”
Lalo naging kumpiyansa si Sheila habang iniisip niya ang mga bagay-bagay. Pumalakpak siya at sinabi, “Iisip ako ng paraan para makakuha ng imbitasyon. Isasama natin ang ama mo sa party, kailangan mo makakuha ng ilang mga evening gowns para sa okasyon. Kailangan dabest kang tignan sa party.”
Ang mga bisita ng pamilya Jensen ay mga miyembro ng nakatataas na antas ng lipunan. It ang unang publikong pagpapakita ni Rachel sa mga taong ito, kaya dapat mabighani sila.
Yumakap si Rachel kay Sheila habang nahihiya. Pero sa loob-loob niya, pareho sila ng iniisip ni Sheila.
…
Hindi alam ni Shannon kung anong plano ng pamilya Gray. Pagkatapos ng dinner, isinama siya ni Linda sa kanyang bagong kuwarto. Isa itong suite sa dulo ng corridor sa third floor, at malawak ito. Mayroon itong dalawang kuwarto, isa sa labas at isa sa loob.
Ang suite ay dinesenyo para maging tila mula sa panaginip na princess style na nababagay sa mga bata. Iba’t ibang mga laruan at regalo ang nakaipon sa isang sulok ng outer room, mayroon din na stroller at mga bagay na para sa mga baby.
“Ito ang nursery na inihanda para sa iyo; itinabi ito ni Adam all these years. Masyadong pambat ang disenyo para sa iyo at gusto ko na dalhin ka muna sa ibang kuwarto pansamantala habang binabago ito.
“hindi ko inaasahan na magagalit ka. Huwag ka magalit sa akin, okay?” yumakap si Linda sa braso ni Shannon ng malambing habang nagsasalita.
Lumayo si Shannon mula sa kanya. “Hindi ako galit.”
Nanigas ang ngiti ni Linda sa pagiging malayo niya. Pinaalalahanan siya ni Shannon ng ilan pang mga bagay bago tumalikod at umalis. Sa oras na sumarado ang pinto, ang mainit na ngiti niya ay naglaho. Naging masama ang mga mata niya habang nakatitig sa pinto.