Kabanata 11
Napansin ni Hector ang kumplikadong ekspresyon ng katulong. Nagtanong siya, “Anong problema, Stella?”
Ang katulong, na si Stella Jones, ay humakbang palapit at sinabi, “Noong bago makapasok si Carla dito sa Jensen residence, nabanggit niya na may problema sa isip ni Jet. Naalala ko na nasa iskuwelahan siya ng para sa intellectually disabled.”
Halos sabay sila na nagsimula ni Carla na magtrabaho sa Jensen residence at nagkasundo sila. Ito ang dahilan kung bakit may alam siya na kaunti tungkol sa sitwasyon sa pamilya ni Carla.
Nagtanong si Shannon, “Alam mo ba kung kailan naging normal si Jet?”
Malalim na nag-isip si Stella. Pagkatapos, sinabi niya, “Sa tingin ko mga walong taon na ang nakararaan. Naalala ko na napakasaya niya isang araw at sinabi na dahil ito kay Jet. Summer ata noon.”
Humarap si Shannon kay Hector. “May malapit ba na bata kay Carla o kaya bata sa pamilya Jensen na naging intellectually disabled walong taon na ang nakararaan na normal naman noon?”
Nabigla ang lahat sa tanong niya, pati si Adam, na hindi pa nagsasalita mula pa kanina. “Ang ibig mo ba sabihin…”
“Ang paraan lang para bumalik ang wisdom ng batang nawalan ay kunin ito mula sa normal na bata. Pero ang batang mawawalan ng wisdom ay papalitan ang unang bata at magiging intellectually disabled,” paliwanag ni Shannon.
Nagtanon siya sa mga tao sa paligid ni Carla at pamilya Jensen dahil halos isang dekada ng nagtatrabaho si Carla dito. Mas matagal siyang nagtrabaho dito, dahilan para maging limitado ang pagpipilian niya.
Naintindihan ng lahat kung anong ibig sabihin ni Shannon ngayon. Galit na galit si Scott dahil hindi siya pinapansin, pero naisip niya bigla ang paglalarawan niya. Sinabi niya bigla, “Ang retarded na anak ni Mr. Shaw, si Emily Shaw!”
Napaharap sa kanya ang lahat. Mahigpit na sinabi ni Adam, “Huwag mo siyang tawagin ng ganyan!”
Humarap siya kay Shannon. Hanggang sa puntong ito, kahit na hindi siya naniniwala na may espesyal na abilidad si Shannon, hindi niya mapigilan na maging seryoso. Kung totoo nga ang mga nangyayari tulad ng sinasabi niya, at may kinalaman ito kay Emily, hindi sapat asikasuhin si Carla.
May nakaraan ang pamilya Shaw at pamilya Jensen bilang magkaibigan. At totoo, naging intellectually disabled si Emily walong taon na ang nakararaan. Pero…
“Naging intellectually disabled si Emily dahil nauntog siya. Nahulog siya mula sa horse riding class,” sambit niya. Kung hindi dahil doon, gamit ang yaman ng pamilya Shaw, kumuha na sana sila ng geomancy master na titingin sa biglaang pagbabago ni Emily.
Hindi ikinunsidera ng pamilya Shaw na humingi ng tulong maliban sa medical na tulong dahil hindi nila naisip na ang dahilan ng kanyang intellectual disability ay dahil sa kagagawan ng ibang bagay.
Hindi siya kinontra ni Shannon. Sa halip, nagtanong siya, “Bumisita ba si Ms. Shaw sa Jensen residence walong taon na ang nakararaan?”
Seryoso si Hector ng sumagot siya, “Oo, bumisita siya.”
Bilang pinakamatandang apo, siya ang incharge sa pag-aalaga sa nakababatang henerasyon sa tuwing may mga bisita sa Jensen residence. Natural, naalala niyang nakilala niya si Emily. Kung tama ang naalala niya, nangyari ang insidente ng pangangabayo pagkatapos niyang bumisita. Pagkatapos nito, hindi na siya isinama ng pamilya Shaw.
“May mga litrato ba siya?” tanong ni Shannon.
Walang litrato si Hector ni Emily, pero madali na may utusan para dito. Hindi nagtagal, ikinuha siya ng litrato ng tauhan niya mula sa social media. Ipinakita niya ito kay Shannon. Tinignan ito ni Shannon at sinabi, “Siya nga.”
Mukhang kumpiyansa siya, pero hindi nakahinga ng maluwag ang mga tao sa paligid niya. Kung may kinalaman ito sa pamilya Shaw, hindi ito nakakatuwang bagay.
Makapangyarihan din ang pamilya Shaw kung saan ang pamilya nito ay may kasaysayan sa pagiging mayaman. Kung totoo ito, maikukunsiderang hindi direktang sanhi ng aksidente ang pamilya Jensen sa kundisyon ni Emily. Kahit na hindi nila alam ang puno’t dulo nito, wala itong kaibahan sa outsider dahil si Carla ang nasa likod nito.
Base sa kung gaano kaprotective at kamahal ng pamiyla Shaw si Emily kahit na maaksidente siya, marahil matapos ang pagkakaibigan sa pagitan ng pamilya Shaw at pamilya Jensen kung hindi ito maasikaso ng tama.
“Tsk. Mga kalokohan tungkol sa wisdom ay kalokohan lang. Kung ganoon lang talaga kadali na pagpalitin ang mga bagay na ito, magagawa ko din ito!” Sa loob-loob ni Scott, hindi niya alam kung naniniwala ba siya kay shannon o gusto lang ba niya na kontrahin si Shannon.
Matapos makita na hindi sila nag-iingay mula pa kanina, sinagot siya ni Shannon sawakas Seryoso niyang sinabi, “Well, kakailanganin mo nga naman ng isa pa.”
Ang itsura ni Shannon ay mahinhin, at may baby fat sa mukha. Isang tingin lang at ang dating niya ay masunurin siya. Kaya, noong nagsalita niya na tila totoo ito, ang akala ni Scott nagbibigay siya ng suhestiyon sa kanya.
Sa sumunod na sandali, naintindihan niya ang ipinaparating ni Shannon at napagtanto na tinawag siyang bobo! Namula siya sa galit at dinuro siya, tila ba gusto niyang sugurin si Shannon. “Ang lakas ng loob mo na insultuhin ako!”
Sa oras na ito, si Alex, Adrian at iba pang miyembro ng pamilya ay bumaba. Noong nakita ito ni Adrian, nagmadali siyang lumapit at pinalo sa puwet si Scott. “Anong ginagawa mo? Bakit ba ayaw mo tigilan si Shannon?”
Hindi nagpigil si Adrian, kaya malakas at malutong ang tunog. Napahiyaw at talon si Scott. “Ama!”
Humarap siya kay Adrian at umiyak. “Bakit mo ako pinalo? Siya ang unang nanginsulto sa akin!”
“Kalokohan! Bakit ka iinsultuhin ni Shannon ng walang dahilan?” tinitigan siya ng masama ni Adrian tila hindi siya naniniwala kay Scott.
Pagod na si Scott. Itinuro niya si Shannon at sinabi, “Pero iyon mismo ang ginawa niy! Tinawag niya akong bobo!”
Si Adrian, Alex at iba pang miyembro ng pamilya ay tinignan si Shannon. Mabilis na ipinaliwanag ni Cecily ang nangyari, kabilang sa mga ideya ni Shannon na kinuha ni Carla ang wisdom ni Emily, dahilan para maging intellectually disabled siya.
Si Janice, na ina ni Scott, ay hinimas ang ulo ni Scott habang nasasaktan. “Hindi mali si Shannon.”
Makakabuti kay Scott ang magkaroon ng isa pang utak. Hindi makapaniwala siyang tumingin sa nanay niya. Nanay ba niya talaga ito?
Kumpara sa akusasyon na ininsulto siya ni Shannon, ang karamihan sa pamilya Jensen ay mas nag-aalala sa talisman na nakabaon sa hardin. Kahit na hindi sila naniniwala sa mga ganito, nakakapanindig balahibo pa din na may ganito sa tahanan nila.
Para naman kay Shannon, ang akala ng lahat ay nagkataon lang na nalaman niya ito. Hindi sila naniniwala sa mga sinasabi niya na nalipat ang wisdom ni Emily kay Jet.
“Hindi malaking bagay para sa mga batang babae na maging interesado sa mga horoscope at astrological na bagay, pero mas mabuti na huwag pag-usapan ang mga ganitong bagay sa bahay,” sambit ni Alex. Nasa entertainment industry siya at hindi naniniwala sa mga ganito.
Sa totoo lang, kakaiba ang tingin niya kay Shannon, may pagka papansin at walang alam dahil pinapalaki niya ang mga bagay na ganito. Ang akala niya kilala na niya si Shannon—gusto lang niya na ang presensiya niya ay makilala dahil nagbalik na siya sa pamilya Jensen.
Hidni alng siya ang nakaisip nito. Pati ang iba ay halos ganito rin ang iniisip.
Nagdilim ang mukha ni Adam ng maobserbahan ang ugali ng lahat kay Shannon. Sa huli, humarap siya kay Shannon at sinabi, “May kakausapin ako sa pamilya Shaw tungkol dito. Huwag ka makielam.”
Kakabalik lang niya sa pamilya Jensen, ayaw niya na maging puntirya siya ng kahihiyan. Tumingin si Shannon kay Adam dahil sa mga sinabi niya, pagkatapos ay tumango siya.
Dahil ang pamilya Jensen ay ayaw siyang makielam… gagawin niya ito ng palihim. Wala siyang pakielam kung anong tingin ng iba sa kanya—ang alam lang niya ay hindi niya dapat palampasin ang pagkakataong ito para kumita ng pera.