Kabanata 13
Naging tahimik sa Jensen residence noong kinagabihan. Iilang mga kuwarto na lang ang bukas pa ang mga ilaw. Nakahiga si Shannon sa princess bed habang suot ang pink dress at nakatitig sa painting sa kisame—isa itong gabi na puro bituwin na nagniningning, at may mga glow in the dark na ilaw dito. Malapanaginip ang dating at masarap sa pakimramdam.
Maliit na bagay lang ito pero ang considerate kung iisipin dahil ginawa ito ng mga magulang niya, nag-aalala na dahil bata siya, baka matakot siya sa dilim kung magigising siya sa disoras ng gabi. Mula sa dekorasyon ng kuwarto, makikita kung gaano nasasabik si Adam at asawa niya sa kanyang pagdating sa mundo.
Sense ito ng familial love na hindi niya naramdaman sa buhay niya dahil wala kahit isa sa pamilya Gray ang umaasa na dadating siya sa kanilang buhay. Ang inaasahan lang nila ay ang kanyang kamatayan—ibig sabihin ay magiging suwerte na si Rachel habambuhay at mapupuno na lang ng mga mabubuting mga bagay at suwerte.
Ipinikit ni Shannon ang mga mata niya, hindi na gusto isipin ang pamilya Gray. Sa halip, sinimulan niyang ikunsidera ang isa pa na issue—walang nagbanggit tungkol sa nanay niya sa oras na pumasok siya sa Jensen residence. Dahil ba patay na siya, o dahil may lihim na dapat itago?
Habang iniisip niya ito, nakarinig siya ng pamilyar na reklamo. Bumukas ang mga mata ni Shannon, nagbago ang ekspresyon niya ng may maisip siya. Pagkatapos, bumaba siya mula sa kama, kumuha ng jacket at tumakbo sa bintana. Doon nagmumula ang reklamo.
Binuksan ni Shannon ang bintana at tinignan ang liwanag ng gabi bago naglabas ng talisman mula sa kawalan. Inihagis niya ito sa kalangitan at bumulong, “Bulong ng hangin, pakinggan ang aking dalangin. Mabilis na dalhin, umangat ka at pukawin.”
Pagkatapos, tumalon siya mula sa bintana ng third-floor na kuwarto. Isang bugso ng hangin ang sumalo sa talisman at sumugod sa kanya, binalot siya habang papahulog siya sa sahig. Dinala siya sa sahig kung saan nakalanding siya ng maayos.
Ang kuwarto ni Scott ay nasa second floor Nakaupo siya sa bintana, kalaban ang mga kaibigan niya ng may mahulog sa sahig mula sa gilid ng mga mata niya. Napatingin siya bigla para makita ito, pero sapat na ito para matalo siya sa laro.
“Pambihira!” sambit niya at napatayo siya. Noong inalala niya kung kaninong kuwarto ang nasa taas niya, dumiretso siya sa bintana para makita kung anong itinapon ni Shannon. Gusto niya itong kunin at ibato sa mukha niya.
Pero noong tumingin siya sa bintana, ang nakita lang niya ay taong tumatakbo sa hardin. Bago pa niya ito makita ng mabuti, nawala na ito.
Tinitigan ni Scott ang direksyon kung saan naglaho ang tao at nanlaki ang mga mata niya. “Ano iyon?”
Avid gamer siya, pero 20/20 pa din ang mga mata niya. Kaya bakit kamukha ng tumatakbong tao si Shannon? At kailan pa siya bumaba?
…
Tumakbo palabas ng Jensen residence si Shannon patungo sa isang direksyon. Nakita niya ang three-story manor sa malayo, at maliwanag dito. Habang palapit siya, nakakarinig siya ng komosyon.
Muli, narinig niya ang pamilyar na reklamo. Umakyat siya sa gate ng manor at nakita ang ilang mga guwardiya na tumatakbo at hinahabol ang pamilyar na nilalang.
Noong nakita ni Shannon ang isang guwardiya na naglabas ng pamalo para saktan ang nilalang, nagbago ang ekspresyon niya. Sumigaw siya, “Tigil! Alaga ko yan!”
Inabot niya ang kanyang talisman. Pero bago pa siya may magawa, tumunog ang walkie-talkie ng guwardiya at may nagsalita. Ang isa sa mga guwardiya ay nagsignal, at ang guwadiyang aatakihin sana ang nilalang ay binawi ang kanyang pamalo.
Sa sumunod na sandali, bumukas ang gate sa harap ni Shannon. Nagmadali siyang pumasok at ang nilalang na napapalibutan ng mga guwardiya ay lumapit sa kanya at ipinakita ang sarili.
Isa itong puti na fox bilugan ang katawan at mabalahibong buntot. Mayroon pa itong bag sa likod—mukhang may laman ito. Tumatalbog ang bag habang palapit ang fox sa kanya.
Manbilis na umakyat sa katawan ni Shannon ang fox mula sa kanyang paa. Habang paakyat ito, maririnig ang ungol at hikbi mula dito, ibang iba ang itsura sa kung paano siya nakasinghal sa mga guwardiya kanina.
Nasalo ni Shannon ang fox at binuhat ito na parang sanggol. Hindi niya mapigilan maisip bakit sa maling direksyon ito pumunta gamit ang kanyang sense of smell. Habang iniisip ito, isang gintong liwanag ang nakita niya mula sa sulok ng kanyang mga mata.
Tumingala siya at nakita ang gintong liwanag na nakatayo sa entrance ng manor. Nagfocus siya dito at nakita ang pamilyar na tao—si Benjamin “Ang Gintong Demonyo” Cooper.
Sandali, so tahanan ito ni Benjamin?
Mas malinaw tignan ang ginintuan niyang suwerte. Natagalan si Shannon bago nasanay. Humakbang siya palapit habang buhay ang fox sa mga bisig niya, nahihiya siya ng kaunti. “Pasensiya na tungkol dito, Mr. Cooper. Alaga ko ito, si Marshmallow. Hinahanap ako nito pero sa maling direksyon siya nagpunta.”
Nakita ni Benjamin na ang suot lang niya ay jacket at pajama—malinaw na nagmamadali siyang umalis. Gumalaw ang ilong ni Marshmallow habang nalulukot ang damit ni Shannon at nag-iwan ng ilang bakas ng paa sa damit niya habang kumportableng nakayakap sa kanya. Napasimangot siya ng kaunti, pero nanatiling malayo ang ekspresyon niya. “Mukhang hindi siya sa maling direksyon pumunta.”
Ang tono niya ay malamig ng sulyapan niya si Marshmallow. Tinignan ito ni Shannon at nakita na nag-iinat ito, gusto na lumapit kay Benjamin kahit na humihikbi kanina sa mga bisig niya.
Tinitigan ni Marshmallow si Benjamin, malaki at makinang ang mga mata niya. Walang duda na kakapit sana ito kay Benjamin kung hindi lang niya hawak ang fox. Sa isang iglap, naintindihan niya kung bakit sa “maling direksyon” tumungo si Marshmallow. Naakit siya sa gintong suwerte ni Benjamin!
“Marshmallow!” singhal niya, malinaw na may babala sa tono niya. Hinigpitan ni Shannon ang kapit sa fox. Kung hindi pa siya nakakalapit sa gintong suwerte ni Benjamin, hindi niya hahayaan si Marshmallow na makalapit. Nananaginip ito!
Umatras sa takot si Marshmallow matapos pagsabihan. Hindi na nito sinubukan lumapit kay Benjamin, pero ang mga mata nito ay nakatitig pa din sa kanya. Naawa si Shannon at humakbang palapit. “Mahilig lang ito sa mga magandang mga tao…”
Nagulat siya dahil umatras si Benjamin noong humakbang siya palapit. Nanigas siya at kumibot ang mga labi. Pinandidirihan… ba siya?
Tinignan niya si Marshmallow na medyo madumi sa paglalakbay buong gabi. Sigurado si Shannon na nandidiri si Benjamin kay Marshmallow at hindi sa kanya.
Oo, iyon nga siguro ang dahilan.