Kabanata 10
Bilang nakatatandang anak ng pamilya Jensen, walang may malakas ang loob na kontrahin si Hector kapag nagsalita na siya kahit na nakangiti siya. Minsan, mas epektibo ang mga salita niya kaysa sa mga tito niya at tita.
Tulad na lang ngayon, natahimik agad si Scott ng makita ang babala sa mga mata ni Hector. Sinulyapan ni Cecily si Hector at yumuko siya para hindi nila makita ang mukha niya.
Kinuha si Carla ng mga security guard para bantayan. Ngunit, hindi madaling maresolba ang bagay na ito. Sa labas, mukhang walang ninakaw si Carla mula sa pamilya Jensen, kaya hindi nila matatawagan ang mga pulis sa kanya. At best, ang masasabi lang nila ay masyado siyang superstitious.
Wala nga naman silang malinaw na pruweba na ninanakaw niya ang suwerte sa pera ng pamilya Jensen. Pero malinaw na hindi na nila dapat panatilihin si Carla dito.
“Paano natin ito aasikasuhin, Ms. Shannon?” tanong ni Thomas. Hindi niya alam kung paano niyang nalaman na may nakalibing dito sa taniman ng mga bulaklak, pero malinaw na alam na alam niya ang mga bagay na ganito.
“Sunugin mo lang.” inilabas ni Shannon ang phoen niya at pinindot ito. Mula sa sulok ng mga mata niya, nakita ni Hector na inilipat niya ang kalahati ng pera na galing sa kanya sa ibang account.
Tumaas ang kilay niya, pero hindi niya ito kinuwestiyon. Ang perang ito ay kanya na ng maitransfer niya; puwede niya gawin ang kahit na anong gusto niya dito.
…
Sa study room, inulat ni Thoas kay George ang nangyari sa hardin. “May nakita akong nakalibing sa tabi ng taniman ng mga bulaklak. Ito ang bagay na sinasabi ni Ms. Shannon na nagnanakaw sa suwerte sa pera ng pamilya Jensen.”
Nagulat si George. “Alam niya ang tungkol sa mga ito?”
Inisip ito ni Thomas. “Maaaring nagkataon lang. Mula sa surveillance footage, nakita ko na itinanim ito isang buwan na ang nakararaan. Base kay Ms. Shannon, marahil nawalan na ng pera ang pamilya Jensen ngayon. Pero tinanong ko si Mr. Adam—ang kumpanya o kahit sino sa pamilya ay hindi nagtamo ng kahit na anong problema sa pera.”
Ibig sabihin ang talisman na inilibing ni Carla ay hindi umepekto, kung saan nagdududa sila sa sinabi ni Shannon.
Nakinig ng mabuti si George at ngumiti. “Mukhang interesanteng hobby niya ito. Well, kung wala itong naapektuhan na malaki, hahayaan ko na lang siya.”
Kahit na hindi gumana ang plano ni Carla, hindi na siya maaaring manatili sa Jensen residence dahil may sinubukan na siyang gawin para saktan ang pamilya Jensen.
…
Noong narinig ni Shannon na ang Jensen Corporation o kahit sino sa pamilya Jensen ay nagtamo ng problema sa pera, hindi siya naniniwala dito. “Imposible.”
Kahit na kaunti, siguradong nanakaw ni Carla ang suwerte sa pera ng pamilya Jensen. Sapat na ang kaunting ito para kumita ng malaki si Carla at pamilya niya—sigurado si Shannon dito.
Napaisip si Scott kung masyado ba siyang nagmamadali sa mga ideya niya ng makita niya na tama si Shannon tungkol kay Carla. Noong narinig niya na wala naman na nangyari, suminghal siya at sinabi, “Sinabi ko naman na may pinagmumukha lang ang sarili niya na nakakatakot, hindi ba? Hindi pa ako nakakarinig sa pagnanakaw ng suwerte sa pera kahit kailan!”
Tinignan siya ni Shannon. Malinaw na pinapagalitan siya. Humarap siya kay Hector. “Makikita mo na tama ako kung ipapatingin mo ang mga account ni Carla at anak niya. Tignan mo ang mga transaction sa nakalipas na buwan.”
Napapaisip si Hector makita kung anong kaya niyang gawin, kaya okay lang sa kanya ang mag-abala. May tinawagan siya at hindi nagtagal, natanggap niya ang mga resulta. Noong nakita niya ang transaction records, naging kakaiba ang ekspresyon niya.
Napapaisip si Scott at Cecily na malaman ang nangyayari, kaya lumapit sila. Bago pa sila may makita, itinabi niya ang phone at tinignan si Shannon. “Ang pamilya ni Carla ay sinuwerte kailan lang. Nanalo sila ng limang milyon sa lotto.”
Ang itsura ni Shannon ay parang gusto niyang sabihin na “Sabi ko sa inyo.” Alam niya na hindi maaaring mali siya. Sinabi niya, “Binabalanse ng suwerte sa pera ang sarili niya. Kung kumita sila ng limang milyong dolyar, ang pamilya Jensen ay nawalan ng ilang milyong dolyar kung saan.”
Mukhang seryoso si Shannon, pero walang masabi si Hector sa kanya. Sinabi niya, “May naging problema sa isa sa mga proyekto ng branch ng kumpanya, at nawalan tayo ng ilang milyong dolyar mula doon.”
Hindi niya ito isinapuso dahil sa liit ng kawalan. Pero wala siyang pakielam dito, kaya bakit mababagabag si Adam? Nagpatuloy siya, “Ang akala ko ang ibig mo sabihin ay nawalan tayo ng ilang libong dolyar para maikunsidera na kawalan. Nagkataon na ilang milyong dolyar lang pala.”
Ang dating ni Hector ay parang sinasabi niya na mali siya ng naintindihan sa sinabi ni Shannon gamit ang maling mga salita. Hindi niya kasalanan na hindi niya binigyan ng pansin ang kaunting nawala sa kanila.
Walang masabi si Shannon. Hindi ito dahil sa ninakaw ni Carla ang suwerte sa pera ng pamiyla Jensen. Masyadong maliit lang ang halaga kaya hindi nila napansin na nawala ito.
Tsk. Ang mga mayayamang mga pamilya talaga at walang kaubusang mga asset. Kahit na miyembro na siya ng pamilya Jensen, hindi niya mapigilan na mainggit.
…
Matapos mahuli, inamin ni Carla ang ginawa niya at sinabi ang totoo. Dahil willing siya na magsalita, wala pang isang oras na nagimebstiga si Hector.
Sinabi niya, “Ang anak ni Carla, si Jet Black, ay may problema sa sugal. Ilang buwan na ang nakararaan, ang pamilya nila ay nawalan ng pera dahil sa utang niya sa sugal. Noong isang buwan, nakulong siya matapos may mapatay ng aksidente dahil sa pagmamaneho ng lasing.
“Humingi ng dalawang milyong kompensasyon ang pamilya ng biktima. Ito siguro ang dahilan kung bakit naisip ni Carla na nakawin ang suwerte sa pera ng pamilya natin.”
Noong nabanggit ni Hector ang aksidente, ginamit niya itong link bigla sa masamang enerhiya na nakapalibot kay Carla. Pero sa sumunod na sandali, may napagtanto siyang mali.
Kung may napatay si Jet, hindi direktang may kinalaman si Carla. Pero ang masamang enerhiya na nakapalibot sa kanya ay bagay na nagpapakita lamang kung may kinalaman siya ng direkta…
Matapos isipin, nagtanong si Shannon, “Puwede ko ba makita ang litrato ni Jet?”
Natuwa si Hector dahil nasana na siya na maging kapatid niya at humihingi ng tulong sa kanya. Nagtext siya at agad na nakuha ang litrato ni Jet.
Nag-zoom in si Shannon at litrato at sinabi. “Hindi, may mali dito. Hindi dapat ganito ang physiognomy ng lalakeng ito.”
Tinanong niya kung kailan ang kaarawan ni Jet at astrological house. Pagkatapos, naglabas siya ng tatlong divination coins mula sa maliit na pitaka sa bewang niya.
Suminghal si Scott ng mapanghamak ng nakita ito. “Walang tigil talaga mga kalokohan mo, ano?”
Hindi siya binigyan ng pansin ni Shannon at ginawa ang divination. Noong natapos na siya, malagim ang ekspresyon niya.
Sarcastic na nagtanong si Scott, “Kumusta? Tinanong mo ba sa mga diyos at nalaman na may paparating na sakuna?”
Nakita na niyang ganito ang ginagawa ng mga manghuhula sa kalye. Gusto nilang pinaguusapan ang mga sakuna lagi. Hanggang sa ngayon, hindi siya naniniwala na may kakayahan gawin si Shannon.
Nagpatuloy si Shannon sa hindi pagbibigay ng pansin kay Scott at sinabi kay Hector, “Base sa kanyang astrological house, dapat ipinanganak siyang intellectually disabled. May sinaunang paniniwala na ang bawat tao ay may eight wisdoms.
“Kung may nagawang kasamaan ang talo sa nakaraan nilang buhay at gusto na maging tao pa din sa susunod na buhay nila, isang wisdom ang ibabawas mula sa kanila, kung saan gagawin silang intellectually disabled na tao sa buhay na ito.”
Tumigil siya sandali at nagpatuloy, “Pero ngayon, malinaw na okay si Jet. Ang hula ko ay may ginawa si Carla para maging normal siya.”
Ngunit, malinaw sa kanya na hindi alam ni Carla ang isang bagay—kung ang taong may ginawa na krimen sa nakaraan nilang buhay at naging intellectually disabled sa buhay na ito ngayon, paraan ito ng kalangitan na maging balanse ang lahat.
Ang sapilitang pagbabago nito at pagbabalik sa wisdom ng isang tao ay katulad ng pagkontra sa kalangitan. Maliban sa pagpapaikli ng buhay, may malaking tiyansa din na ang taong ito ay maging masama din sa buhay na ito.
Sugarol si Jet at may napatay ba dahil sa pagmamaneho ng lasing. Malinaw na epekto ito ng pagbabalik sa wisdom niya.
Nakaupo si Shannon sa living room at open itong sinasabi. Ang isa sa mga katulong ay nakikinig sa buong oras at mukhang may sasabihin sana siya habang nagsasalita si Shannon tungkol kay Jet. Pero, alam ng katulong ang lugar niya at hindi siya nagsalita ng walang permiso.