Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 6

"Hindi mo siya kilala?" Umismid si Maurice nang nakita niya ang naguguluhang mukha ni Severin. Hindi siya naniniwala na tutulungan ng kahit sino ang pamilya niya nang walang rason. Iniling ni Severin ang kanyang ulo. "Nakita niyo na po ba ang itsura niya?" Umiling si Judith at sabi, "Hindi. Kung sino man ang nagpapala nito sa amin, kumakatok siya ng dalawang beses sa pintuan at aalis din agad. Hindi pa namin nakikita ang mukha niya, at kadalasan ay nakita namin siyang sakay ang isang electric bicycle. Hindi rin namin alam ang oras ng pagpunta niya dahil paiba-iba ito. Minsan sa umaga, minsan sa gabi, pero pumupunta siya rito ng mga a-kinse ng bawat buwan!" Tumango si Severin. "Wala nang dapat pa ipagpa-alala, siguradong babalik naman ang pabor sa mga tumulong sa atin." Pagkatapos aluhin ang kanyang mga magulang na hindi niya makakalimutan ang kabaitan ng lahat, huminto saglit si Severin ng ilang sandali bago sabihin sa kanyang mga magulang, "Tigilan niyo na ang pagpupulot ng basura para ibenta, Mama. At huwag ka na rin pumunta sa construction site, Papa. Ngayong nandito na ako, ako na ang mag-aalaga sa inyong dalawa simula ngayon!" Tapos ay sabi ni Judith, "Tama siya. Kailangan mo ng pera pagkatapos malabas ng kulungan. Saan kami kukuha ng pera kung hindi kami magta-trabaho?" Nag-isip ng ilang sandali si Severin sa isang malabong ngiti, "Magpahinga muna kayo ngayon. May pera tayo, kaya hindi na kailangang mag-alala pa sa pera. May mga pera rin akong naiwan sa akin mula sa taong nagbigay rin sa akin nito! Hindi ako magiging masaya kung pupulot pa tin kayo ng basua at magta-trabaho pa rin sa isang construction site." Nang makita ang bahagyang mapang-asar na tingin ni Severin, ngumiti si Judith at sinabing, "Sige, sige. Dapat tayong mag-relax ng kaunti ngayong nakabalik ka na. Nabayaran na rin ang perang inutang kay Easton, para makahinga na tayo ng maluwag." Tumingin si Severin kay Maurice, at sinabihan, "Tsaka, kailangan ni Papa ng pahinga. Ang kanyang mga kalamnan sa baywang ay na-strain nitong mga nakaraang araw, at siya ay nagdurusa sa pananakit ng ibabang bahagi ng likod nito. Kung ito ay magpapatuloy, ang kanyang kalusugan ay lalala lamang. Hindi ito katumbas ng halaga!" "Paano mo nalaman na masakit ang likod ko? O may strain ang kasu-kasuan ko?" Mayroong gulat na ekspresyon si Maurice dahil hindi niya kailanman nabanggit ang mga sakit na nararamdaman niya kay Judith! Totoo, nagdurusa siya mula sa backache nitong mga nakaraang dalawang araw, pero hindi siya pumupunta sa ospital dahil sa takot na gumastos ng pera. Sa dulo, nagdesisyon na lang siya na indahin ito na baka maging mas maayos naman ito mag-isa. "Bakit mo sinasabi sa akin, Maurice?" Sinamaan ng tingin ni Judith si Maurice at pinagalitan ito, "Ano ba mas mahalaga sa'yo? Pera o kalusugan? Ano nang gagawin ko kapag natumba ka bago pa ang pagbabalik ni Severin?" "Hindi naman ganoon kaseryoso. Nagpa-plano nga akong maglagay ng pain reliver dito mga nakaraang araw!" Ilang na ngumiti si Maurice. "Kailangan mo nang tigilan ang pagta-trabaho sa construction site simula bukas. Tungkol naman sa bewang mo, may ointment ako rito, pwede mo na lang ipahid! Sa tantiya ko, aabutin ng ilang araw bago tuluyang gumaling!" Ngumiti si Severin, inilagay ang kamay sa bulsa ng pantalon, at naglabas ng isang maliit na bote ng ointment, na ibinigay niya kay Maurice. "Ganun ba? Haha, ang galing! Makakatipid ako sa patch na pampawala ng sakit!" Tumawa si Maurice. Parehong masayang-masaya ang matandang mag-asawa pagkabalik ni Severin. Uminom ng maraming alak si Maurice nang gabing iyon at nakipagkwentuhan kay Severin ng matagal. Kinaumagahan, bumangon si Maurice at nag-inat ng bewang. Masakit man para sa kanya sa paglalakad, natuklasan niyang hindi na ito masakit. Pinindot niya ang kanyang baywang ng ilang beses at kinumpirma na wala talagang sakit. "Magaling na yata ang bewang ko, Judith! Hindi na masakit!" Nagmamadaling ginising ni Maurice si Judith. "Talaga? Aba'y himala. Sinabi mo sa akin na masakit noong pinapahid ko ang ointment sa baywang mo kagabi,ah. Gumaling ba talaga sa loob lang ng isang gabi?" Medyo nahirapang paniwalaan ito ni Judith. "Si Severin siguro may nakilala na talagang kamangha-mangha noon! Sa wakas makakapagpahinga na tayo!" Napangiti si Maurice, at saka sinabing, "Bibisita ako sa construction site mamaya at sasabihin ko sa foreman na bayaran ang suweldo ko, dahil hindi na ako pupunta roon!" "Sige, pupuntahan ko at tingnan kung nagising na si Severin. Lumabas tayo at kumuha ng tinapay mamaya. Oras na para kumain tayo ng masarap para sa almusal!" Nang maisip ni Judith ang pagbabalik ni Severin, pakiramdam niya ay naging bata ito ng ilang taon. Puno ng mga ngiti ang mukha niya, at mukhang mas energetic siya kaysa dati. Ilang sandali pa ay bumalik na si Judith sa kwarto. "Talagang maagang nagigising ang batang iyon ngayon! Tiyak na lumabas at namili ng damit!" "Hayaan mo na siya. Sa wakas makakapagpahinga na tayo at makakapagpahinga ng kaunti kung makakahanap siya ng magandang trabaho at mapanatili ito!" Bumuntong-hininga si Maurice at sinabing muli, "Magpapahinga muna ako ng ilang araw bago tingnan kung makakahanap ako ng trabahong hindi masyadong nagpapahirap sa akin." Noong mga oras na iyon, lumabas si Severin para mamasyal sa isang parke na hindi naman kalayuan sa bahay. Ang tanawin ng pamilyar na parke na iyon ay nagdulot ng kaunting tawa. Napakalaking kahihiyan na naniniwala siyang hihintayin siya ni Lucy, nang sa huli, ang buhay na binigay sa kanya ay masamang nakakagising. Habang binabalikan ni Severin ag nakaraan, isang magandang babae suot ang isang floral dress na siyang nagpagulat ng ilang mga tao sa parke. "Lolo! Ayos ka lang?" Nakita ni Severin ang matandang lalaki na nakahiga sa lupa. Ang buong mukha nito ay namumula, at nahihirapan na magsalita. Isang nasa tamang edad na lalaki na naglalaro ng chess ang napatalon, at bumaba siya para tingnan ang matanda. "Ayos ka lang ba, Mister Henry? Mister Henry? Sir?" Tumungo agad si Severin sa oras na mapagtanto niya ang nangyari. ""Siya ay nagdurusa ng isang biglaang cerebral hemorrhage!" Determinado si Severin pagkatapos ng isang mabilis na sulyap. "Hindi maganda ito. Diyos ko, anong gagawin ko? Kailangan kong tumawag ng ambulansiya!" Ang babaeng may suot na floral dress ay napakatamis tingnan,ngunit nang marinig niya na ito ay isang cerebral hemorrhage, ang kanyang mukha ay namutla sa takot. "Kaya pa rin natin siyang sagipin. Hayaan mong tingnan ko siya!" Agad na hiniga ni Severin ang lalaki sa isang patag na lupa at ginamit ang kanyang mga daliri para tapikin ang ilang mga punto sa katawan ng matandang lalaki Ang lalaki na si Henry Longhorn, na halos mawalan ng hininga kanina, ay nagkaroon ng panunumbalik sa kanyang kulay. Mabigat siyang huminga, na parang may bigat na nawala sa kanya. "Buksan mo ang bibig mo at kainin ang gamot na ito." Nilabas ni Severin ang kanyang tableta at nilagay ito sa bibig ni Henry. "Ito tubig!" Sabi ng babae suot ang floral dress na agad kinuha ang kalahating laman ng tubig sa isang bote sa lamesa at binigay ito. Pagkatapos lunukin ni Henry ang tableta, ang kondisyon niya ay bumalik sa normal ilang minuto ang nakalipas. "Bata, ilang minuto lang ay nakaramdam ako na parang isang hakbang na lang ay nasa pintuan na ako ng kamatayan. Praktikal na nawala rin ang paningin ko. Maraming salamat sa pagsagip sa akin." Tumingin si Henry kay Severin na nakatayo sa harapan niya. Ang damit ni Severin at trouser ay napakaliit niya, at mukhang luma na rin. Sa ganoon, akasama ang medyo mahabang buhok ni Severin, na siyang dahilan bakit mukha siyang pulubi sa kalsada. Kahit na ganoon, pinuri pa rin ni Henry ang binata sa harap niyang sumagip sa buhay niya kanina. "Ayos ka lang ba, Sir?" Sa oras na iyon, ang mga bodyguard sa itim na suit na naghihintay sa kalye ay sa wakas na nagpasya na pumunta. Tinanong ng kanilang pinuno kung maayos lang ba ang matanda. "Maayos na ako ngayon, salamat sa tulong ng batang ito!" Kinaway ni Henry ang kamay niya at sinenyasan ang mga bodyguard niya na umatras. "Nagdusa ba talaga ang lolo ko ng cerebral hemorrhage? Anong klaseng gamot ang ibinigay mo sa kanya?" Napakunot naman ang noo ng apo ni Henry na si Charmaine at may pagdududang nakatingin sa binata sa kanyang harapan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa gulat niya kanina, kaya hinayaan na lang niyang gamutin ng binata ang kanyang lolo. Pagkatapos niyang kumalma, nagsimula siyang mag-alala tungkol sa kanila. 'Maaaring ang tao ay isang charlatan? Paano kung hindi cerebral hemorrhage ang naramdaman ni Lolo? Paano kung may ibang motibo ang lalaking ito?' Pagkatapos ng lahat, ang mga Longhorn ay may mataas na katayuan sa Brookbourn. "May abilidad ka ba sa medisina?" Sumimangot si Severin,mukhang hindi nasisiyahan.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.