Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 7

Gulat na gulat si Charmaine, hindi na babanggitin ang kaunting pagkadismaya, nang kausapin siya ni Severin sa ganoong tono. Humaba ang kanyang mukha at naglagay ng pekeng ngiti at sabi, "Bawal ba akong magtanong kung anong klaseng gamot ang ibinigay mo sa lolo ko? Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng cerebral hemorrhage na ginagamot nang walang operasyon. Hindi ba himalang kaya mong pawalain ito sa kaunting presyon ng ganoon lang, kasama ang isang tableta?" Matapos tanungin si Severin, iniunat ni Charmaine ang nakabukas na palad sa kanya at humingi ng higit pang mga sagot. "Doktor ka ba? May medical qualification certificate ka ba? Ipakita mo sa akin!" Umiling si Severin, "Wala akong mga ganoon, and tsaka, hindi naman siguro sila importante. Ang mahalaga ay nailigtas ko ang lolo mo, na ginawa ko naman, di ba? O mas sabik ka makita siyang patay?" Sandali siyang tinitigan bago nagpatuloy, "Hindi ko na ipapaliwanag ang sarili ko sa'yo. Medyo mababaw ang kaalaman mo sa mundo kung ito ang unang pagkakataon na nakakita ka ng ganito!" "Ikaw.." Naglabas ng galit si Charmaine habang nangngangalaiti ang kanyang mga ngipin at sinabing, "May ideya ka ba kung sino ang kausap mo? Ni hindi nga kita kilala!" Ngumiti ng masama si Severin at sinabi kay Charmaine, "Nakikipag-usap ako sa isang walang rason na babae!" "Bakit, ikaw..." Labis ang galit ni Charmaine na ikinuyom niya ang kanyang mga kamao at galit na pinandilatan si Severin, "Pangakong dadalhin ko ang mga bodyguard ko rito para turuan ka ng leksyon! Sobrang bastos mo! Bakit kita bawal tanungin kung ano yung binigay mo sa lolo ko?!" "Isa itong tableta na nakakasagip ng buhay. Sapat na ba 'yon sa'yo?" Sagot naman ni Severin. Ang dahilan kung bakit hindi siya nag-abalang ipaliwanag ito sa kanya noong araw na iyon ay dahil hindi maganda ang mood niya. Pagkatapos ng ilang pag-iisip, sinabi niya, "Kung alam kong magpapakita ka ng ganitong uri ng saloobin sa akin pagkatapos kong iligtas ang lolo mo, marahil ay dapat na akong umatras at maghintay na tumawag ka ng ambulansya. Sa sitwasyong iyon, baka manigas at malamig na ang katawan ng lolo mo!" "Charmaine, hindi mahalaga kung may lisensya man ang binata o wala, at ang pangalan ng gamot na ibinigay niya sa akin kanina ay hindi gaanong mahalaga. Ang mahalaga ay nailigtas niya ako, kaya't subukan mo namang makipag-usap nang maayos sa kanya," wika ni Henry sa wakas. "Pero Lolo..." Galit na galit si Charmaine, pero ang pagdadabog ng kanyang mga paa na parang layaw na bata ang kaya niya na lang gawin sa ngayon. "Ano ang iyong pangalan, aking kaibigan?" Nakangiting tumingin si Henry kay Severin at nagtanong. "Severin. Severin Feuillet," walang pakialam na sabi ni Severin. "Nga pala, ang dahilan kung bakit bigla kang nagkaroon ng cerebral hemorrhage ay dahil sa sobrang sabik mo noong naglalaro ka ng chess kanina. High blood ka, kaya dapat pumunta ka sa ospital at magpasuri. Magpareseta ka sa doktor para bigyan ka ng gamot para mapababa ang iyong presyon ng dugo, o kung hindi, maaari kang magdusa muli ng parehong kondisyon dahil dahil sa pananabik mo!" "Salamat sa iyong paalala, aking kaibigan. Severin Feuillet ang iyong pangalan, 'di ba? Ang ganda ng pangalan mo!" Ikinumpas ni Henry ang kanyang mga kamay bilang tanda ng pasasalamat kay Severin at sinabing, "Iniligtas mo ang aking buhay, binata, at iyon ang naging tagapagligtas ko. Huwag kang mag-atubiling ipaalam sa akin kung kailangan mo ng tulong ko sa susunod. Siya nga pala, Charmaine, pwede bang maghanda ka ng isang daan at limampung libong dolyar para sa kaibigan natin dito? "Masyado kang mabait, pero ayoko ng pera. Hindi ko ginawa 'yon para sa pera nang iligtas kita kanina." Tumawa si Severin, sumulyap kay Charmaine sa tabi niya, at sinabing, "Kuntento na ako kung ang isa riyan ay hindi ako maikonsidera bilang samaritan!" Isang pagtataka ang bumungad sa mga mata ni Charmaine. Ang binata sa kanyang harapan ay nakasuot ng punit-punit na damit, gayunpaman, tila ang kalmadi niya sa harap ng 150,000 dolyar! Marahil ay nagkamali talaga siya ng paghuhusga sa kanya. "Hindi ba pwedeng ihulog mo na lang yan!" Masungit na tugon ni Charmaine matapos maalala ang ugali ni Severin sa kanya kanina. "Iyan ba ang paraan para makausap ang bago nating kaibigan?" Sinamaan ng tingin ni Henry si Charmaine. nakangiting sabi kay Severin, "May sasabihin ako, binata. Palibhasa ayaw mo ng pera, baka pwede kitang ilibre ng tanghalian? Sana kahit papaano ay tanggapin mo ang alok ko!" Nang makita ni Severin ang sinseridad ng matanda sa kanyang harapan, alam ni Severin na magiging masama kung tatanggihan niya ito. Tutal, nagpakumbaba ang matanda sa harap ni Severin. Sa huli, tumango si Severin at bumigay. "Walang problema." "Medyo maaga pa kaya magkita na lang tayo sa Richemont Hotel ng tanghali? Pagdating mo, ipaalam mo na lang sa front desk na bisita ka ni Henry Longhorn!" Ngumiti si Henry sa tunay na paraan. "Sige! Magkita tayo mamaya!" Tumango si Severin, saka tumalikod at umalis. "Lolo, sigurado ka ba na totoo ang sinasbi ng lalaking 'yon? Lahat ba ng pantas ay nagbibihis ng ganyang damit?" May pagdududa pa rin si Charmaine nang tingnan niya ang likurang anyo ni Severin. "Hindi ko siya mahuhusgahan kung kinuha niya ang inalok kong pera. Malamang naisip ko na siya ay isang taong may kaalaman sa medikal na nagkataong alam kung paano gamutin ang aking sakit. Gayunpaman, dapat na higit pa sa makikita ang mata na kaya lang niyang balewalain ang pera!" Napangiti ng tipid si Henry bago nagpatuloy, "At saka, maglalakas-loob ka bang sumugal sa sitwasyong binanggit niya kanina? Paano kung totoo ang sinabi niya? Paano kung namatay ako sa ambulansya sa kalagitnaan ng pagpunta sa ospital? At saka, mayroon siyang isang hindi kapani-paniwalang malakas na kakayahan." Sa wakas, kumpiyansa na sinabi ni Henry, "Nakaramdam ako ng bakas ng True Energy noong inilagay niya ang kanyang mga daliri sa mga pressure point ng katawan ko kanina!" "True Energy?" Napabuntong hininga si Charmaine nang marinig iyon. Saglit na nabigla ang nasa katanghaliang-gulang na kalaban ni Henry sa chess kanina, at sa wakas ay naunawaan na niya kung bakit naging ganoon kagalang si Henry sa pakikipag-usap sa binata kanina. "Tara na, Lolo. Tama na ang chess ngayon. Dalhin na kita sa ospital para magpa-check-up!" Medyo nag-aalala pa rin si Charmaine. Tumango si Henry, at mabilis na inutusan ang mga bodyguard magmaneho, at magkasama silang nakarating sa pinakamagandang pribadong ospital sa Brookbourn. Sa panahon ng check-up, tinanong ni Charmaine ang medically-savvy director ng ospital, si Doctor Russell Barker. "Doctor Barker, maayos ba ang utak ng lolo ko?" Tiningnang mabuti ni Russell ang scan at sinabi sa tonong may pag-aalinlangan, "Mukhang hindi ito tama. Kung titingnan natin ito mula sa itaas, kitang-kita na ang mga daluyan ng dugo sa utak ni Henry ay pumutok na. Dugo ang lumabas, pero hindi sobra at kaunti lang, kaya ang pinsala sa utak ay medyo minimal lang. Pero ang mga daluyan ng dugo dito ay buo pa rin!" "Anong ibig sabihin niyan?" nagmamadaling tanong ni Charmaine. "Ibig sabihin ay mahimalang mabilis na gumaling ang mga daluyan ng dugo pagkatapos ng pagdurugo ng utak niya! Wala akong paliwanag para rito. Paano ito nangyari? Ito ay isang tunay na himala!" bulalas ni Russell. Nagkatinginan sina Charmaine at Henry at naalala ang gamot na ibinigay ni Severin kay Henry kanina. "Doctor Barker, may dapat pa bang kailangang pansinin dito? Kailangan pa bang ma-ospital ang lolo ko?" Humingi ng kumpirmasyon si Charmaine matapos itong pag-isipang mabuti. Ngumiti si Russell at sinabing, "Hindi na. Hindi naman na nakaapekto ang dugo sa cranial nerve ng lolo mo. Pero mataas ang presyon niya sa dugo, kaya magbibigay ako ng reseta para mapababa ito. Ibalik mo na lang dito ang lolo mo para masuri isang buwan mula ngayon. Maliban doon, wala na akong magiging problema!" "Siya nga pala, Doctor Barker. Makakarating ba ang lolo ko sa ospital sa oras kung dumanas siya ng biglaang pagdurugo sa utak galing sa Brookhill Park?" Hindi napigilan ni Charmaine ang kanyang kuryosidad at muling nagtanong. "Brookhill Park? Sa tingin ko ay hindi na siya makakaabot kahit na siya ay ipadala sa pinakamalapit na ospital. Himala na lang kung humihinga pa siya sa oras ng pagdating niya, baka habang buhay siyang comatose kahit na makatanggap siya ng emergency treatment.. At iyon ay kung hindi siya dumanas ng anumang iba pang biglaang emergency treatment habang sumasakay sa ambulansya papunta sa ospital!" Walang pagdadalawang-isip na sagot ni Russell. Pinagpawisan si Charmaine nang marinig iyon. "Mukhang may nakilala talaga tayong pantas!" Pagkatapos lumabas ng ospital, emosyonal na sabi ni Henry, "Siguradong nasaktan mo si Severin, Charmaine, Grabe ang utang na loob natin sa kanya, at hindi lang dapat tanghalian ang ibigay natin sa kanya. Tsaka, hindi lang medikal na kakayahan ang mayroon siya... siguradong isa siyang malakas na pantas!"

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.