Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 5

"Pumasok na tayo. Magluluto lang ako ng pagkain natin!" Sabi ni Judith ng may ngiti sa labi, Tapos ay naligo na rin si Maurice. Punong-puno ang isipan ni Severin nang pumasok siya sa kanyang lumang kwarto. Malinis naman ito, at nakaramdam si Severin ng yakap ng init nang nakita niya ito. Sigurado na wala nang ibang tao ang mag-aalaga sa kanya maliban sa kanyang mga magulang. Mukhang nililinis nila ang kanyang kwarto oras oras kahit na wala siya rito, Nang binuksan ni Severin ang kanyang aparador, nakita niya ang ilang mga lumang damit niya, Tumanda na ang mga ito sa taon pero nanatili pa ring malinis ang mga ito. Pumasok si Judith maya maya at ngumiti kay Severin habang nagpapaliwanag, "Nililinis namin ang kwarto mo habang wala ka rito. Siguradong maliit na rin ang mga damit mo, at wala na rin sa uso ngayon. Ang mga matatanda na gaya namin hindi na rin maintindihan ang fashion trend ng mga bata ngayon!" Nang sinabi niya iyon, nilapitan niya si Severin at nilabas ang dalawang daang dolyar, na siyang pinahawak niya nang mahigpit kay Severin. "Mag-shopping ka bukas at kumuha ng maaayos na damit!" "Hindi ko matatanggap ang pera na ito, Ma..." Binalik ni Severin ang pera, at sinabi kay Judith sa isang kalmadong tono, "Hindi mo na kailangang mag-alala sa akin. May pera ako, at hahayaan ko kayong manirahan ni Papa sa isang malaking villa sa hinaharap. Nagdusa kayo buong buhay niyo dahil sa akin, habang ako ay ilang taon lang nagdusa. Hindi ko magagawang gastusin ang pera niyo nang ganoon lang!" "Sigurado ka bang may pera ka pa?" Tumingin si Judith kay Severin at medyo nag-aalinlangan pa rin, naniwala siya na ang mapagbigay na taong nakilala niya sa kulungan ay binigyan siya ng isang malaking halaga na pera, suguradong sobra pa sa ilang libo. Tsaka, kung hindi binayaran ni Severing ang natitirang utang na dalawampung-anim na libo sa anim na mga lalaki kanina, wala nang paliwanag pa ang dapat sabihin kung bakit sila umalis na lang. Parehong si Judith at Maurice ay kilala ang ugali nila pagkatapos ng limang taon na pagpunta ng mga ito! "Syempre po. Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo?" Ngumiti si Severin at inalu ang kanyang ina. "Tapos na si Papa maligo, kaya ako naman na ang susunod. Kumain tayo ng masarap at masaya pagkatapos!" Pagkatapos maligo at magpalit ng damit, umupo siya kasama ang kanyang pamilya sa isang maliit na lamesa at nagsimulang kumain. "Matagal na rin simula nang uminom ka, 'di ba, Pa?" Hindi mapigilan ni Severin magtanong sa oras na lumagok si Maurice ng wine. Ang tanong ang nagpatigil kay Maurice ng ilang sandali. Naglagay siya ng pekeng ngiti at sabi, "H-hindi nga! Alam mo kung gaano ko kagusto ang mga inumin na ganito, Nakakapagod gawin ang mga pisikal na trabaho, kaya ilang lagok lang ay mas makakatulong na sa akin makatulog, hindi ba?" "Oo nga! Lagi 'yang umiinom!" Natatakot si Judith na baka buong oras mag-alala si Severin sa kanila, kaya dagdag niya, "Araw-araw rin kaming kumakain, 'di ba?" "Oo! Medyo araw-araw na bagay rito!" Naiilang na ngumiti si Maurice. Sumakit ang puso ni Severin nang makita ang mahinang pag-arte ng kanyang mga magulang. Kung hindi siya bumalik sa araw na iyon, halos sigurado siya na walang anumang alak o anumang nilagang karne sa mesa. Kadalasan, meron lang na ginutay-gutay na patatas at isang plato ng mga dilaw na dahon ng repolyo. Ang mga dahong naninilaw ay tanda na marahil ay mga itinapon na bahagi ang mga ito na pinulot sa palengke ng gulay. "Bakit mo kami tinititigan? Halika, kumain ka ng karne! Kumain ka ba o nakatulog ka ba nang nasa loob ng kulungan?" Nang makita ni Judith ang blangko at tahimik na ekspresyon ni Severin, sumandok siya ng dalawang pirasong karne at inilagay sa plato nito. "Ayos lang po. Diba sabi ko sayo na may tulong ako mula sa isang nakilala? Hindi ako makakalabas ng ganoon kaaga kung hindi!" Agad na ngumiti si Severin, at sumandok din ng karne para sa kanyang mga magulang. "Dapat mas marami kayong kinakain. Parehas kayong pumayat, at kulay abo na ang buhok ni Mama!" "Namuti ang buhok ng mama mo dahil sa sobrang pag-aalala niya. Hindi pa ako kailanman naniwala na nakakaputi ng buhok ang sobrang pag-aalala,pero nagkamali ako dahil sa mama mo!" Natawa si Maurice sa kabila ng kanyang sarili ngunit nakaramdam ng matinding pait sa kanyang puso. "Huwag kayong mag-alala, medyo may natutuhan akong kaalaman sa medikal, kaya paiitimin ko ulit ang buhok niya! Pero itim man o abo ang buhok niya, siya pa rin ang pinakamagandang mama sa buong mundo!" Kumalas si Severin ng baso kay Maurice at humigop ng alak sa baso niya. "Masyado kang bolero ngayon, ha, Sige!" Hindi masyadong umaasa si Judith sa sinabi ni Severin, pero kahit papaano ay may ngiti sa labi niya ngayong bumalik na ang anak. Hangga't nakabalik siya nang ligtas at maayos, ang kulay ng kanyang buhok ay hindi na mahalaga! "Nga pala, anong meron sa sobre na iyan, Ma?" Labis na nakuryuso si Severin kung bakit may naglagay ng sobre sa pintuan ng kanilang bahay ang babaeng nakasuot ng uniporme bilang delivery woman, at kung bakit nakakuha si Judith ng dalawang daang dolyar mula rito. Matapos itong pag-isipan, hindi naiwasang magtanong ni Severin, "May kamag-anak kaya sa ating pamilya ang tumulong sa atin?" Nang marinig ang tanong ni Severin, mapait na ngumiti si Maurice at sinabing, "Tch. Yung mga kamag-anak natin dati paminsan-minsan, pero hindi na sila gaanong nakikisalamuha sa amin simula noong nakulong ka!" Idinagdag din ni Judith, "Tama. Pagkatapos mong makulong at maibenta ang matrimonial home, iniwasan kami ng lahat matapos malaman na isang daan at limampung libo ang utang namin sa mga Lough." "Ginawa nila 'yon? Pati sina Tita Marie at Tita Edwina, o Tiyo Paul at Tiyo Vincent? Hindi man lang ba nila tayo tinulungan?" Bahagyang nagulat si Severin. "Lalo na si Tito Paul. Hindi ba mayaman ang pamilya niya?" Tapos ay sabi ni Judith, "Ang dalawang tiyuhin mo at Tita Edwina mo ay may sari-sariling dahilan para lang maiwasan nila ang pagbibigay ng pera, pero sa totoo lang ay natatakot sila na hindi namin sila mabayaran pabalik. Tsakam matanda na kami, mahirap para sa amin na baguhin pa ang buhay namin para maging maayos. Hindi tulad sa kanula, ang Tita Marie mo at ang kanyang pamilya ay sobrang mahirap, pero sila ang handang tumulong sa amin. Nakahiram kami ng walong libong dolyar mula sa kanya, at sinisigurado namin na maitala ang bawat sentimo na ipinapahiram niya sa amin!" Nang nabanggit iyon, seryoso siyang sinabihan ni Judith, "Kailangan mong tandaan ang kabaitan ng Tita Marie mo at gawin ang lahat ng iyong makakaya para mabalik ang pera sa pamilya niya hangga't maari. Alam kong ilang beses din ang away nila ng tito mo dahil sa nangyari, at ang malala pa, wala na rin siya pera sa operasyon niyang ngayong nagkasakit siya. Sa dulo, kinailangan ng pinsan mo na humiram ng pera sa buong lugar, kahit na umabot siya sa isang may mataas na interest loan para lang matipon ang pera sa operasyon!" Bumuntonghininga si Maurice nang marinig 'yon. "Bumalik ang pinsan mo sa bahay natin para magtanong kung may maibabayad kami, pero wala kaming magawa dahil wala rin kaming pera. Ang mga alagad ni Easton ay laging bumabalik sa amin para kolektahin ang utang buwan-buwan, at humingi pa sila ng pitong daan bawat oras. Hindi na rin kami nakakaipon, kaya wala rin kaming maubigay sa tulong na binigay ng tita mo. Talagang galit ang pinsan mo sa oras na iyon, kaya binigay namin ang pera na mayroon kami sa oras na rin na 'yon. Nasa limampu o pataas ang binigay namin, pero binato niya ito sa lupa at umalis!" Pagkatapos ibalik ang insidente, lumagok nang mabilis si Maurice sa kanyang baso. "Huwag mo siyang sisihin dahil doon. Kung pipiliin kung sino dapat ang sisihin, kami 'yon. Wala na kaming magawa, at hinayaan naming pabagsakin ang buong pamilya." "Naiintindihan ko, Pa!" Tumango si Severin. "Naging mabait si Aunt Marie sa atin, kaya pangako na ibabablik ko ang lahat ng kabutihan nila ilang daan na patong!" Nilabas ni Judith ang envelope at binigay ito kay Severin, "Para naman sa tagapagpadala ng envelope na ito, wala kaming ideya kung sino 'yon. Kung sino man 'yon, buwan-buwan nila kaming binibigyan ng pera. Kadalasan ay nasa daan at benta o daan at trenta, pero minsan ay umaabot sa daan at limampu! Ang letra sa loob ay nagsasabi na kaibigan mo siya na isang beses mo lang nakita. May sinasabi rin siya na maayos lang ang kalagayan mo, at sinabihan mo siya na ipadala ang pera sa amin!" "Isang kaibigan? Na isang beses ko lang nakita?" Sumimangot si Severin. Hindi siya makapaniwala na ang tinatawag niyang kaibigan na isang beses niya lang nakita ay tutulungan ang kanyang mga magulang nang ganito. Nang sinabi 'yon, lito si Severin kung sino ang nagpapadala nito.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.