Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 9

Hindi nagtagal, magsisimula na na ang klase. Nagbilin na ang mga Everret sa isang driver para ihatid at sunduin ang mga nakababata nilang mga miyembro sa eskwelahan. Habang almusal, nagsabi si Lilith kay James na dapat lang magkaroon ng sarili nitong driver at sasakyan si Hera. Pero si Mildred mismo ang unang tumanggi sa naging suhestiyon ni Lilith. “Hindi pa natin alam ang resulta ng kaniyang entrance exam kaya bakit mo ito kailangang madaliin?” Hindi nakapagsalita si Lilith sa direktang nagiong sagot ni Mildred. Bagsak lang itong sumulyap kay James sa pagbabakasakaling susuportahan siya nito. Pero nagkunwari si James na hindi hindi niya ito napansin. Sumasangayon siya sa sinabi ni Mildred. Ngayong naniniwala sila na babagsak sa entrance exam si Hera, hindi nakakita si James ng rason para maglaan ng driver para sa kaniya. Magreresulta lamang ito sa panglalait ng iba na siyang magpapahiya sa mga Everett. “Puwede ka namang sumabay sa akin kung gusto mo, Hera.” Mabait na alok ni Giselle. “Okay lang, salamat. Mayroon na akong sasakyan papasok.” Tanggi ni Hera. Natigilan si Giselle sa malamig na pagtanggi ni Hera. Pero sinubukan pa rin ni Giselle na panatilihin ang maganda niyang imahe sa pamilya. Kinuha niya ang isang folder na kaniyang ibinigay kay Hera. “Ito ang mga test paper na sinagutan noon ni Chris. Isa ito sa pinakamagagaling na estudyante sa Cavenridge. Puwede mong tingnan ang mga ito. Magagamit mo ang ilan sa mga tanong dito sa iyong entrance exam.” Sabi ni Giselle. Nagmukhang concern at mabait ang kaniyang ginawa sa mga tao na nasa kaniyang paligid. Pero ibinaba lamang ni Hera ang kaniyang mga kubyertos bago siya tumayo at umalis sa hapag kainan. Hindi manlang nito tiningnan ang folder na hawak ni Giselle. “Anong klase ng paguugali ito? Gaya ng inaasahan, wala talagang manners ang mga taong nanggaling sa bundok!” Sabi ni Mildred habang naiinis niyang hinahampas ang lamesa. “Huwag ka nang mainis, Hera. Puwede ka namang sumabay sa akin. Huwag ka nang magtaxi papasok.” Sabi ni Giselle. Dali dali niyang ibinaba ang kaniyang kubyertos para habulin si Hera bago pa man ito magawa ni Lilith. Nilinaw ni Giselle ang kaniyang sarili sa harapan ng pamilya bilangisang mabait, concern at maalagang miyembro ng pamilya Everett. Nang makalabas si Giselle, nakita niya ang pasakay ni Hera sa isang mamahaling itim na limousine. Napansin ni Giselle na ang emblem ng sasakyan ay mula sa Lincoln, pero bago pa man niya maaninag ang plaka nito, agad na nawala ang sasakyan sa kasunod na kanto. Kilala sa karangyaan ang mga Everett sa Norburgh, pero sa totoo lang ay nasa mababang uri pa lang sila ng tunay na karangyaan. BMW lamang ang mga sasakyan ng ginagamit ng mga bata nilang miyembro na nagkakahalaga lamang ng ilang daang libong dolyar. Hindi maisip ni Giselle kung paano nagawang sumakay ni Hera sa ganito karangyang sasakyan. Sigurado siya na binook lang ni Hera ang sasakyan na kaniyang sinakyan. Dahil kung hindi, paano magagawa ng katulad ni Hera na kagagaling lang sa bundok na magkaroon ng koneksyon sa isang tao sa Norburgh na nagmamayari ng mamahaling mga sasakyan? Hindi pa kailanman nakakasakay si Giselle sa isang Lincoln stretch limo. Maaari kayang nakipagrelasyon si Hera sa isang mayamang lalaki para maging kabit nito? May sense ang kaniyang mga nakikita kung totoo nga ito! Habang iniisip niya ang iba’t ibang mga posibilidad, isang makintab at kulay pulang Ferrari ang huminto sa kaniyang harapan. Nang mabuksan nito ang pintuan ng sasakyan, isang lalaki ang bumaba mula rito. Nakasuot ito ng kulay puting suit at leather shoes habang ipinapakita ang binata nitong itsura sa paligid. “Excuse me, Miss. Mayroon bang dalagang nagpunta sa inyong tahanan nitong nakaraan?” Nagising sa katotohanan si Giselle. Natigilan siya nang makilala niya ang lalaki sa kaniyang harapan. “Mr. Ludden?” “Kilala mo ako?” Nasusurpresang tanong ni Aaron. Mula noong magenlist siya sa army sa edad ng 14 taong gulang, madalang nang magpunta si Aaron sa Norburgh. Hindi niya maalala na nakilala niya si Giselle kaya inakala niya na ito ang nagligtas kay Bernard noong isang araw. “Oo, nakita na kita.” Tango ni Giselle. Si Aaron ang pinakamatandang anak ng pamilya Ludden na isa sa apat na maimpluwensyang mga pamilya sa kanilang lugar. Nakita na niya si Aaron sa mga picture noon. “Matalas ang iyongh mga mata. Hindi ako basta bastang makikilala ng kahit na sino sa sandaling lagyan ko ng camo make up ang aking mukha lalo na noong araw na iyon.” Sabi ni Aaron. Naalala niya noong araw na bumaba siya sa helicopter, nakita niya ang likuran ng isang babae mula sa malayo. At kung titingnan ang itsura nito, kamukha ito ni Giselle. Kahit na hindi ganoon kagandahan si Giselle, naisip ni Aaron na magagawa pa rin nitong pumantay kay Bernard na may hindi mapapantayang kagwapuhan. Naramdaman ni Aaron na ang tao sa kaniyang harapan ay si Hera. Naguguluhan namang nagtanong si Giselle ng, “Anong araw?” Agad niyang napagtanto na napagkamalan siya ni Aaron pero pinanatili pa rin niya ang maganda niyang ngiti habang hindi siya nagsasalita tungkol dito. “Salamat sa pagliligtas mo sa aking boss. Inutusan niya ako na ibalik ito sa iyo.” Sagot ni Aaron bago nito ipakita kay Giselle ang isang malinis na hibla ng tela. Boss? Maaaring may koneksyon sa mga Killian ang “Boss” na tinutukoy ni Aaron na siyang pinakaprominenteng pamilya sa apat.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.