Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 10

“Walang anuman. May gusto ka pa bang sabihin?” Tanong ni Giselle. Nagulat siya sa mga nangyari pero pinanatili pa rin niya ang matamis na ngiti sa kaniyang mukha. “Paano mo nalaman na mayroon pa akong gustong sabihin sa iyo?” Dito na natutuwang kinuha ni Aaron ang isang eleganteng box ng cake mula sa passenger sean na kaniyang ibinigay kasama ng isang hibla ng dress ni Hera. “Ipinadala ng aking boss ang cake na ito bilang regalo sa pagkikita ninyong dalawa.” Madalas na umiiwas sa matatamis na pagkain si Giselle, lalo na sa mga cake para mapanatiling maganda ang kaniyang katawan. Pero agad itong nawala nang mapansin niya ang logo sa packaging ng cake—Blissful Bites. Kilala ang brand na “Blissful Bites” Sa mga mayayamang pamilya. Mamahalin ang mga cake ng mga ito na pinagaagawan ng lahat nang dahil sa limitadong mga stock nito. “Salamat, gustong gusto ko talaga ang mga cake ng brand na ito.” Masayang sinabi ni Giselle nang tanggapin niya ang cake. Naging seryoso ang mukha ni Aaron habang sinasabi nito na, “Gustong itanong ng boss ko kung gusto mo raw bang kontakin siya.” Dito lang nadiskubre ni Giselle ang isang maliit na card na may gintong disenyo sa taas ng kahon ng cake. Nang buksan niya ito, nakita niya ang isang nakahandwritten na phone number na malinaw at eleganteng pinirmahan ng pangalang “Killian.” Kumabog nang husto ang kaniyang dibdib nang makita niya ang pangalan. Isa bang miyembro ng pamilya Killian ang taong ito? Hawak ng kanilang pamilya ang pinakamataas na estado sa apat na pinakamaimpluwensyang pamilya sa kanilang lugar. Kahit na sino pang miyembro ng Killian ang tinatawag na boss ni Aaron, lumalampas pa rin ang kapangyarihan at ang estado ng taong ito kaysa sa pamilya Gaskell. “Walang problema.” Nahihiyang sagot ng tumatango at tuwang tuwa na si Giselle. “Sige, sasabihan ko rito ang aking boss. Hindi na kita masyado pang aabalahin ngayon.” Sabi ni Aaron bago siya sumakay sa mamahalin niyang sasakyan at umalis sa lugar na iyon. Tumingin naman si Giselle sa box ng cake sa kaniyang kamay habang nakakaramdam siya ng tuwa sa kaniyang dibdib. Dito na niya tiningnan ang hibla ng dress sa kaniyang kamay. Pamilyar ang disenyo nito pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Walang pagaalinlangan niya itong itinapon sa basurahan. Hindi na importante para sa kaniya ng telang iyon. Sabagay, utang na loob na ng taong iyon ang kaniyang buhay sa kaniya! … Nang makaalis siya sa tahanan ng pamilya Everett, dali daling idinial ni Aaron ang numero ni Bernard. “Boss, ginawa ko po ang lahat nang naaayon sa inyong utos, ibinigay ko po ang piraso ng tela at ang cake sa kaniya.” “Ano ang naging reaksyon niya sa mga ito?” tanong ni Bernard. “Nathrill siya rito. Nabanggit niya na mahilig daw siya sa mga cake ng ‘Blissful Bites’. Willing din daw siya na makontak ninyo.” Sagot ni Aaron. Dito na nagbibirong nagdagdag si Aaron ng, “Boss, maghinay hinay po kayo sa kaniya dahil mukha pa itong menor.” Sa kabilang linya, bahagyang napasimangot si Bernard nang marinig niya ang mga salitang ‘Nathrill siya rito.’” Dito na niya naalala ang nagugulat na reaksyon ni Hera at ang nagmamadali nitong pagalis nang tagawin niya ito sa kaniyang pangalan doon sa bundok. Masyadong naging intense ang reaksyon nito para puntahan siya ni Bernard nang direkta kaya agad nitong ipinadala si Aaron para mangalap ng impormasyon. Hindi niya inasahan na magagawa ng sinuman na ilagay sa panganib ang kaniyang buhay para sa kaniya. “Mukhang nagkakamali ka ng pinagbigyan.” Direktang sinabi ni Bernard. Nagmaneho ang itim na Audi papunta sa entrance ng Cavenbridge International Academy hanggang sa makarating ito sa faculty building. Makikitang nakaparada roon ang isang Lincoln stretch limo. Agad na natigilan ang kaninang nagbibiro na si Aaron nang sabihin iyo ni Bernard. “Ano? Hindi ko ito maintindihan. Sinabi niya na nakita niya raw ako sa bundok noong araw na iyon… Grabe!” Nang alalahanin niya ang usapan nila ni Giselle, napagtanto ni Aaron na masyado siyang nagpadalos dalos kaya hindi niya napansin na mayroon ng mali. “Babalik ako roon,” sabi ni Aaron. Hahanap na sana ito ng lugar para mag uturn nang pigilan siya ni Bernard sa pagsasalita, “Hayaan mo na.” Nang ibaba ni Bernard ang tawag, biglang nakuha ang kaniyang atensyon ng dalagang naglakad pababa sa backseat ng Lincoln. Nakasuot ito ng isang masikip at kulay puting dress habang nakabraid ng isang haba ang kaniyang buhok. Hindi nagpakita ng kahit na anong emosyon ang mahinahon nitong aura na para bang punong puno ito ng panlalamig. Huminto malapit doon ang assistant ni Bernard na si Douglas Copley. Tiningnan niya ang kaniyang balikat para sabihan ang nakaupo sa back seat na si Bernard ng, “Nakarating na tayo, Bernard. Hindi siya nakatanggap ng anumang sagot mula sa likuran. Bumaba si Douglas ng sasakyan para dahan dahang buksan ang pinto pero nananatiling hindi sumasagot sa kaniya si Bernard. Naguguluhang yumuko si Douglas para icheck si Bernard nang makita niya itong nakatitig sa kabilang bintana ng sasakyan. Makikita mula sa salamin ang main entrance ng faculty building kung saan makikitang sinasamahan ng isang nakasuot na lalaki ang isang babaeng nakasuot ng kulay puting dress papasok. Isang babae? Nanlaki rito ang mga mata ng hindi makapaniwalang si Douglas. Nagawa ba talaga ni Bernard na mapansin ang isang babae?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.