Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 8

Nanatiling tahimik si Hera habang dahan dahan niyang ninanamnam ang kaniyang pagkain. Hindi masyadong nakaramdam ng gutom si Mildred. Hindi niya halos makain ang kaniyang pagkain kaya agad niyang ibinaba ang kaniyang mga kubyertos pagkatapos nilang magsimula sa hapunan. Habang masiglang kinakain ni Hera ang kaniyang pagkain na kaniyang sinimot, hindi naiwasan ni Mildred na ipakita ang kaniyang pagkainis dito. “Magdahan dahan ka at baka mabulunan ka. Baka iyan pa ang ikamatay mo.” “Lola, hindi pa nagkaroon ng oportunidad si Hera na makakain ng masarap noong manirahan siya sa bundok. Ito ang una niyang pagkakataon na makatikim ng masarap na pagkain kaya natural lang na magenjoy siya rito. Mababalanse naman po ng paglalakad mamaya ang kaniyang mga kinain,” paliwanag ni Giselle. Kahit na mukhang dinedepensahan ni Giselle si Hera, pasimple pa rin nitong ipinaalala ang hindi magandang pagpapalaki kay Hera at ang kawalan nito ng manners sa mga bagay bagay. Bahagyang natuwa si James nang dahil sa angking ganda ng kaniyang anak. Pero agad pa rin itong naglaho kaya agad siyang nagpakita ng inis habang tinititigan niya si Hera. “Sige, tapos na ang usapin tungkol sa iyong pagaaral.” Sabi ni James habang tumatayo ito sa kaniyang upuan. Pupunta na dapat ito sa study room. Nang kagatin ni Hera ang huling subo ng kaniyang pagkain at ibaba ang kaniyang mga kubyertos. Nagpapasalamat niyang pinunasan ng table napkin ang magkabilang gilid ng kaniyang bibig bago niya sabihing, “Hinding hindi ako magsasayang ng pagkain.” Napatigil si James sa paglalakad. Itinayo ng mga Everett ang kanilang kumpanya gamit ang nakuha nilang yaman sa minahan pero nahirapan silang imaintain ito. Ilang buwan na ring nasa pula ang profit margin ng kanilang kumpanya. Ginawa nila ang lahat para kumita. Pero sa mga nakalipas na taon, masyadong tumindi ang kompetisyon sa industriya na nagpaliit sa kanilang market share. Hindi na magagawa ng mga Everett na mapanatili ang mararangya nilang pamumuhay kung wala ang suportang ibinigay ng mga Gaskell sa kanilang mga negosyo nitong mga nakalipas na taon. Masyadong mahirap ang pagkita nila ng pera, at kahit na hindi pinipilit ni James ang kaniyang pamilya na magtipid ng kahit na isang sentimo, inemphasize pa rin niya ang importansya sa pagtitipid ng pera. At ngayon ay nagawa ni Hera masabing nagsasayang sila ng pera. “Isa itong napakagandang katangian.” Sabi ni Giselle na nagpakita ng matamis na ngiti. Pero naramdaman niya na peke ang ipinapakitang ito ni Hera. Inisip ni Giselle kung hanggang kailan magpapakitang tao si Hera. Hindi pinansin ni Hera ang sarcasm ni Giselle nang tumayo ito sa kaniyang kinauupuan. “Binabalak akong magaral sa Cavenridge. Kung hindi ninyo ito magagawa, huwag na lang kayong magplano ng kahit na ano para sa akin.” Deklara ni Hera bago siya bumalik sa kaniyang guest room. “Hindi mo ba maintindihan ang sinasabi ko?” Nanggigigil na sagot ni James habang naglalakad palayo si Hera. Dito na dali daling pinagaan ni Giselle ang loob ni James. “Huwag na po kayong magalit, Dad. Gusto lang po siguro ni Hera na magaral sa kasama ko.” “Sino ba siya sa tingin niya? Iniisip ba niya na magagawa niyang magenroll sa Cavenridge kailan man niya gustuhin? Nagmula siya sa probinsya kung saan siya nagkaroon ng pangkaraniwang mga grades kaya paano niya magagawang pumasa sa entrance exam ng Cavenridge? Gusto ba talaga niyang ipahiya ang mga Everett?” Sigaw ni James. “Pero paano niya malalaman na mayroon siyang kakayahan kung hindi niya ito susubukan?” Naging mahinahon ang boses ni Giselle na para bang ipinagtatanggol nito si Hera.” Sumangayon naman dito ang tumatangong si Mildred. “Tama si Giselle. Hindi niya malalaman kung gaano siya kalayo sa standard ng Cavenridge kung hindi natin siya bibigyan ng pagkakataong makapasok dito. Kung gusto niya talagang magaral sa Cavenridge, dapat lang na hayaan natin siya sa kaniyang gusto.” “Kahit na sinabi natin sa publiko na inampon lamang natin si Hera, dapat lang na tratuhin natin ng patas ang mga nakababatang miyembro ng ating pamilya. Pagbigyan na natin siya sa kaniyang gusto.” “Pero nasa kaniyang mga kamay na ang pagpasa ng entrance exam ng Cavenridge.” Nakumbinsi si James sa mga sinabi ni Mildred. Kahit na hindi makapasok si Hera sa Cavenridge, puwede pa ring sabihin ng mga Everett na hindi nila minamaliit si Hera nang dahil sa paglaki nito sa probinsya kaya napagdesisyunan nilang ipasok ito sa pinakamagandang eskwelahan na naaayon sa kaniyang kagustuhan. Ang nagiisang hadlang na lang dito ay ang kawalan niya ng kakayahan na makapasok sa ganitong klase ng eskwelahan. Pero kahit na ganoon, magpapatuloy pa rin ang mga Everett sa pageenroll kay Hera sa Norburgh High School nang walang kahirap hirap. “Giselle, masyado kang mabait at concern sa iyong kapatid,” bati ni James bago niya tapikin ang mga balikat nito. “Ipagpatuloy mo lang ang maganda mong relasyon sa mga Gaskell. At sa sandaling ikasal ka, sisiguruhin ko na makakatanggap ka ng magandang wedding gift na magsisiguro sa napakaganda mong buhay bilang may asawa.” “Thank you, Dad.” Matamis na sagot ni Giselle. Tumingin siya sa guest room kung saan pumasok si Hera bago ngumiti si Giselle sa kaniyang sarili. Importante pa ba ang pagiging magkadugo ni Hera at ng mga Everett? Itinuring na ni Giselle ang kaniyang sarili bilang isang tunay na miyembro ng pamilya Everett! … Bumalik si Hera sa kaniyang guest room bago niya buksan ang kaniyang WhatsApp. Hinanap niya ang isang tao na may pangalang “Mr. Annoying.” Si Andrew Ludden ang dean ng Cavenridge International Academy at binigyan siya ni Hera ng ganitong nickname dahil madalas siyang ginugulo nito. Pinindot niya ang conversation nilang dalawa. Makikita sa tabi ng nickname nito ang isang symbol na nagpapakitang naka “Do not disturb” status ang dean. Nagscroll up si Hera sa kanilang chat history na nagsimula dalawang taon na ang nakalilipas. Mr. Annoying: “Hera, nakonsidera mo na bang lumipat ng eskwelahan ngayong limitado lang ang resources diyan sa bundok? Bakit hindi ka na lang magaral sa Cavenridge International Academy?” Hera: “Ayoko.” Mr. Annoying: “Puwede mo bang ipaliwanag sa akin kung bakit? Dahil ba masyado pang kulang s aiyo ang resources namin sa Cavenridge International Academy? O?” Naglagay ito ng nagpapaawang emoji. Hera: “Wala lang. Tinatamad akong magdahilan sa iyo.” Nagpadala naman si Andrew ng isang nalulungkot at nasasaktang emoji. Pagkalipas ng tatlong buwan, muling nagchat si Andrew kay Hera. Mr. Annoying: “Hera, malapit ng magSeptember, magsisimula na ang fall enrollment season. Nakonsidera mo na bang magapply sa Cavenridge International Academy?” “Kung hindi, magchachat ulit ako bukas para tanungin ka ulit tungkol dito.” Kinabukasan, muling nagmessage si Andrew kay Hera. Mr. Annoying: “Hera, malapit na ang enrollment ngayong September. Napagisip isip mo na ba ang pagaaral sa Cavenridge International Academy?” “Kung hindi pa rin, babalikan kita pagkalipas ng dalawang araw.” Napuno ng paulit ulit na imbitasyon ng dean ang kanilang chat history na umabot ng dalawang taon. Nagtype ang mga daliri ni Hera sa screen at sinagot niya si Andrew gamit lamang ang isang salita. Hera: “Okay.” Nang maisend niya ang mensaheng iyon, agad na nagreply sa kaniya si Andrew. Mr. Annoying: “Magaling! Dalawang taon ko nang hinihintay ang araw na ito at sa wakas ay pumayag ka na rin sa akin. Magpapadala ako ng sasakyan para sunduin ka para sa unang araw mo sa eskwela!” “Hindi, ganito na lang! Ako na mismo ang susundo sa iyo!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.