Kabanata 7
Nanlamig at hindi nagpakita ng emosyon ang tingin ni Hera na para bang nakatingin siya sa isang bagay at hind isa isang tao na siyang gumigil kay Mildred.
“Oo! Makakakuha ka ng mas magandang kwarto sa sandaling makapasok ka sa top ten ng inyong klase at maipagmalaki ka ng mga Everett.” Direktang sagot ni Mildred.
“Okay.” Sagot ni Hera bago siya humarap kay Lilith para sabihig, “Halika na,”
“Huh?” Naguluhan nang bahagya si Lilith bago nito maintindihan na gusto ni Hera na dalhin niya ito sa mga guest room. Dito na lumalim ang pagkakonsensya ni Lilith.
Habang pinapanood ni Mildred ang pagalis ng dalawa, umikot sa inis ang kaniyang mukha. Para sa kaniya, imposible para sa katulad ni Hera na lumaki sa probinsyang may limitadong edukasyon na makapasok sa top ten ng kanilang klase.
…
Nakalaan sana ang dinner ngayong gabi para iwelcome si Hera sa pagbabalik nito sa pamilya Everett at para ipagdiwang ang muling pagsasama sama ng pamilya.
Pero hindi sumalo sa kanila ang nagkabukol na si Gino. Wala rin sa hapag kainan si Gideon na hindi pa nakikilala ni Hera.
Nang malapit na silang matapos sa kanilang kinakain, nagpasa si Lilith ng isang listahan ng mga eskwelahan para maalis ang awkwardness sa paligid.
“Hera, magsisimula na ang klase mo sa loob ng ilang araw. Nakapagresearch na ako ng mga school na puwede mong pasukan. Tingnan mo ang listahang ginawa ko kung may magugustuhan ka sa mga ito.”
Napatigil sa pagsubo si Hera nang mapatingin siya sa listahan ng mga eskwelahan. Mga high school ang mga ito sa Norburgh na nasa mid-tier at high-tier.
Ibinaba ni Giselle ang kaniyang mga kubyertos bago niya sabihing, “Dad, narinig ko na mahusay daw si Hera sa kanilang eskwelahan sa probinsya. Kaya bakit hindi natin siya ienroll sa Cavenridge International Academy? Puwede ko siyang tulungan doon.”
Nagpakita ng concern ang kaniyang itsura na para bang nagaalala siya sa kinabukasan ni Hera. Pero alam nito na masyadong malaki ang agwat ng mga international school sa mga eskwelahan sa probinsya.
Tumingin si James kay Hera bago ito magtanong ng, “Gumagamit ng purong Terranish ang Cavenridge International Academy. Nakakaintindi ka ba nito?”
Nagpalit na si Hera at nagsuot ng isang fitted at itim na dress na nagpakinang sa kayumanggi niyang balat. At gamit ang napino niyang manners sa hapag kainan, wala ng kahit na sino ang magaakala na nagmula siya sa probinsya.
Hindi na masyadong naging judgemental si James nang maobserbahan niya ang itsura ng kaniyang anak.
Nasurpresa naman si Giselle sa pagiging attractive ni Hera, puwede itong magresulta sa isang kasal na siyang magpapaangat sa pamilya Everett pagtanda nito.
Pagkatapos niyang kainin ang isang maliit na piraso ng rib, walang pakialam na sumagot si Hera ng, “Nakapagdesisyon na akong magaral sa Cavenridge International Academy.”
Natigilan ang lahat sa naging anunsyo nito.
Pero wala pa ring emosyong kumuha si Hera ng isa pang maliit na bahagi ng rib.
Dito na nafufrustrate na hinampas ni James ang kaniyang kamay sa lamesa. “Ano ba ang iniisip mo? Hindi nagkaroon ng mahusay na gurong nagsasalita ng Terranish ang munti ninyong eskwelahan doon sa probinsya.”
“Kaya paano mo magagawang magaral sa Cavenridge? Gusto mo ba talagang magdala ng kahihiyan sa mga Everett sa sandaling lumagapak ka sa iyong SAT?”
Tumingin ang mga Everett sa mga naunang grades ni Hera. Nanguna ito sa kanilang eskwelahan na itinayo para sa mga kapos palad na mga estudyante.
Iilan lang ang mga gurong inaasign para patakbuhin ang eskwelahang ito bawat taon at madalas silang natatambakan ng mga responsibilidad. Marami sa kanila ang nagreresign sa loob lang ng anim na buwan nang dahil sa hirap ng kanilang trabaho roon.
Kaya kahit na manguna si Hera sa kaniyang eskwelahan, marami pa rin ang magdududa sa kakayahan niyang matuto.
Habang nakaupo sa dulo ng hapag kainan, suminghal si Mildred bago ito manglait, “Nakakahiya para sa mga grade na mayroon ka na pumasok sa Cavenridge! Kung may potensyal ka talaga, mas maigi para sa iyong pumasok sa Norburgh High School.”
“Pilitin mong makapasok sa top ten ng inyong klase. Sa totoo lang, sapat na ito para magamit mo ang study room ni Gino.”
Nagsisilbing local public school ang Norburgh High School sa Norburgh. Ipinagmamalaki nito ang kanilang sarili sa pagpapadala ng mga estudyante sa prestihiyosong mga unibersidad na gaya ng Bradbury University at Quantford University taon taon.
Pero masyado pa ring mababa ang standards nito kung ikukumpara sa Cavenridge International Academy.
Itinayo ang Cavenridge International Academy ng pamilya Ludden na isa sa apat na maimpluwensyang mga pamilya sa lugar na ito. Higit isang dekada na itong itinuturing ng lahat bilang isang prestihiyosong institusyon.
Nakafocus ito sa paghahanda sa mga estudyante nila pumasok sa mga kilalang unibersidad sa iba’t ibang panig ng mundo. Kahit na hindi pa sila umabot sa requirements ng SAT para makapasok sa naglalakihang mga unibersidad, nakasisiguro pa rin ang pamilya ng sinumang magaaral dito na magkakaroon ang kanilang mga anak ng magandang trabaho at kinabukasan sa sandaling makapagtapos ang mga ito sa Cavenridge.
“Ano sa tingin mo, Hera?” Tanong ni Lilith.