Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 17

Nang makarating si Hera sa exam hall, kalahating oras na lang ang natitira sa ikalawang exam ng morning session. Agad na pinigilan ng proctor na si Daniel Chapman si Hera sa labas. “Walang sinuman ang pinapayagang pumasok sa exam hall 15 minuto pagkatapos magsimula ng exam.” Bumagsak dito ang dibdib ni Hera. Nang biglang magring ang phine ni Hera. Makikitang caller ID ni James ang tumatawag. Narinig niya ang galit na boses ni James sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag. “Hera, paano mo nagawang tumakas sa iyong exam? Sinusubukan mo bang ipahiya ang pamilya Everett? Wala akong pakialam kahit nasaan ka pa. Umuwi ka ngayundin! Itigil mo na ang pagpapahiya sa iyong sarili at sa iyong pamilya sa labas.” Napakaingay naman ng isang ito! Walang pakialam na ibinaba ni Hera ang tawag. Bago pa man matapos si James sa panenermon, nakarinig siya ng nagbebeep na tunog na nagpapakitang binabaan siya ni Hera ng tawag. Galit itong tumawag muli kay Hera. Pero hindi na nito sinagot pa ang kaniyang tawag. Sa sobrang galit, gusto nang wasakin ni James ang kaniyang phone. Ang lakas ng loob ni Hera na babaan siya ng tawag. Pilit siyang gumawa ng isa pang tawag nang malaman niyang inoff na ni Hera ang kaniyang phone. Nang mapatay niya ang phone, tinawag ni Hera si Daniel na pabalik sa exam hall. “Mr. Chapman, makakahabol pa po ako rito.” “Ikaw ba si Hera?” Tingin ni Daniel sa kaniya. Nagiwan ng hindi magandang impresyon kay Daniel ang pagtatanong kanina kay Melanie ngayong ayaw niya sa mga estudyanteng nahuhuli sa exam. Siguradong hindi makakakuha ng magandang resulta ang mga ganitong klase ng estudyante kaya nagsasayang lang siya ng oras kung hahayaan pa niyang makapagexam ang mga ito. “Opo.” Tango ni Hera. “Bumalik ka na lang next semester. Hindi ka na umabot sa exam ng Jadonish at late ka na rin para sa iyong exam sa mathematics. Hindi ka na aabot sa admission score kahit na maperfect mo pa ang iyong exam sa Terranish mamayang hapon.” Kinaway ni Daniel ang kaniyang kamay para mapaalis si Hera. Hindi naman gumalaw sa kaniyang kinatatayuan si Hera. “Kaya kong sagutan ang apat na mga exam sa dalawang natitirang mga session sa hapon.” Natigilan dito si Daniel. Sampung taon na siyang nagpoproctor ng mga exam pero hindi pa siya nakakaengkwentro ng ganito kaaroganteng estudyante. Hindi magagawa maging ng nangunguna nilang estudyante na si Christopher na makapagsabi ng ganitong mga bagay. Paano nagawa ng isang probinsyana na magyabang nang ganito! Dito na galit na sumagot si Daniel ng, “Talaga? Ngayong kaya mo naman pala lahat, bakit hindi ka pa dumiretso sa unibersidad imbes na magexam sa high school?” Natahimik naman dito si Hera. Kaya niya itong gawin pero ayaw niyang kumuha ng atensyon sa ibang tao na magdudulot lamang sa kaniya ng problema. “Hera, nandito ka pa pala. Mabuti na lang!” Humihingal na sinabi ng kadadating dating lang na si Robert. “Mr. Larkin?” Nasurpresa si Daniel na makita ito. Ipinatong ni Robert ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga tuhod para maghabol ng hininga. “Mr. Chapman, pasensya na sa abala. Maaari niyo bang iextend ang session para makapagtake si Hera ng exam?” “At Bakit?” Hindi natuwa si Daniel lalo na’t kakailanganin niyang magovertime para magawa iyon lalo na para sa isang estudyante na late sa kaniyang exam. Pinunasan ni Robert ang pawis sa kaniyang noo habang nagpapaliwang ito kay Daniel, “Nalate si Hera sa exam dahil tinulungan niya si Professor Killian sa ilang mga bagay. Ako mismo ang ipinadala rito ni Professor Killian para klaruhin ang sitwasyon. Ayaw niyang mawalan ng pagkakataon ang napakabait at matulunging estudyante na ito na makapasok sa prestihiyoso nating paaralan.” Nasusurpresa namang tiningnan ni Hera si Robert. Ganito ba talaga kaconcern si Bernard? o sinasadya niya talaga itong gawin para sa kaniya? Kahit na ayaw na magovertime ni Daniel, wala na siyang nagawa kundi tumango at sumangayon ngayong personal nang nagpunta rito si Robert sa ngalan ni Bernard na iginalang maging ni Andrew. Nang makaalis si Robert, dinala niya si Hera sa isang bakanteng classroom para ilagay ang apat na mga papel sa harapan nito. “Hindi ba’t sinabi mo na kaya mong sagutan ang apat na mga exam nang sabay sabay? Sige simulan mo nang magsagot.” Pagkatapos nito, agad siyang tumalikod para umupo sa podium. Hindi naman makapagsalita si Hera ngayong nahihirapan na siyang umiwas sa hindi kinakailangang atensyon ng ibang tao sa kaniya. Kalmado siyang umupo sa kaniyang upuan bago niya kunin ang kaniyang test paper na kaniyang binasa. Nakasanayan na niyang basahin muna ang lahat ng tanong at buohin ito sa kaniyang isipan bago niya isulat ang kaniyang mga sagot. Umupo si Daniel sa podium at nagbrowse sa kaniyang phone. At nang makita niya ang nabablangkong pagtingin ni Hera sa kaniyang exam paper nang hindi nagsusulat, hinid na niya naiwasang suminghal sa kaniyang sarili habang nakakaramdam siya ng pagkairita rito. Kung titingnan ang kaniyang reaksyon, hindi nito maintindihan ang mga tanong sa exam. Saan ba nito nakuha ang lakas ng loob niyang sabihin na masasagutan niya ang apat na exam sa loob lang ng dalawang session? Nagsasayang lang sila ng oras dito! Pagkalipas ng 15 minuto, kinuha ni Hera ang pen gamit ang kaniyang kanang kamay para magsimulang sagutan ang mga papel. Nang matapis ang unang exam session, agad na inutusan ni Daniel ang nagsasagot na si Hera ng, “Wala ka ng oras. Ibigay mo na sa akin ang dalawang naunang mga test paper mo.” Nagpatuloy naman si Hera sa pagsusulat. Hindi nito pinansin si Daniel. “Sinabihan na kitang tumigil sa pagsusulat. Hindi mo ba ako naririnig? Ano pa bang masasagot mo sa ganito kaiksing oras?” Lapit ni Daniel para pigilan si Hera. Hindi tumigil sa paggalaw ang kanang kamay ni Hera habang kinukuha niya ang dalawang mga test paper gamit ang kaliwa niyang kamay para ibigay kay Daniel nang hindi tumitingin dito.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.