Kabanata 18
Natigilan si Daniel. Agad niyang kinuha ang mga test paper.
Natapos ni Hera ang mga exam sa math at sa Terranish. 25 porsyento na ang natatapos ngayon ni Hera sa kaniyang comprehensive exam.
Nagawa nga nitong matapos ang dalawang mga exam na may magkaibang subject sa iisang session. Isa ba itong bagay na kayang gawin ng sinuman? Siguradong nagbibiro lang ito sa kaniyang ginawa!
Marami nang nakita si Daniel na mga estudyanteng ipinasok lamang sa academy. Nagkukunwari lang ang mga ito na nageexam nang confident pero sa huli ay bumabagsak pa rin sila sa Class K.
Nang maisip niya iyon, naiinis na tumingin si Daniel sa multiple choice na mga tanong sa math exam ni Hera.
Kahit na Physical Education ang itinuturo niyang subject sa paaralan, pamilyar pa rin siya sa syllabus ng math sa high school.
Para sa unang tanong, letter C ang isinagot ni Hera. Ito ang tamang sagot. Malaki ang tiyansang sinwerte lang ito!
Letter A naman ang isinagot nito sa ikalawang tanong at ito rin ang tamang sagot sa tanong na iyon! Sinuswerte nga lang ba si Hera?
Para sa ikatlong tanong, tama rin itong nasagutan ni Hera!
Nabahala si Daniel nang makita niya ang papel. Tama ang unang tatlong mga sagot ni Hera sa multiple choice niyang exam sa math. Hindi naman siya nakasiguro sa mga sumunod pang mga tanong.
“Hintayin mo ako rito.” Dito na siya lumabas para hanapin ang guro sa math dala ang test paper ni hera.
Tapos na ang mga klase s aumaga noong sandaling iyon kaya nagsilabas na ang mga guro at estudyante para maglunch.
Nang makarating si Daniel sa faculty room, kasalukuyan nang nilolock ng math teacher sa Class A ng junior year na si Yuliana Jenkins ang pinto.
“Ms. Jenkins, mayroon akong hihinging pabor sa iyo. Puwede mo ba akong tulungan na masagutan ang test paper na ito?” Bigay ni Daniel sa test paper kay Yuliana.
Gumraduate si Yuliana sa nangungunang unibersidad sa buong mundo, ang Vardhar University. Sampung taon na siyang nagtuturo sa Cavenridge at kilala rin siya ng lahat bilang workaholic.
Nasabik ito nang marinig niya na magchecheck siya ng mga papel kaya agad niyang binuksan muli ang pinto papasok sa opisina na kaniyang nilolock.
“Sige. Narinig ko na mas mahirap daw ang mga tanong sa entrance exam ngayong semester kaysa noon. Ito ang direktiba ni Dean Ludden para mapataas ang threshold ng admission sa Cavenridge.”
Nagpunta si Yuliana sa kaniyang mesa bago niya itulak pataas ang kaniyang salamin at tingnan ang test paper.
Nagtuloy tuloy ito sa pagchecheck ng test paper gamit ang pula niyang ballpen, namula naman ang mukha ni Daniel sa bawat check na ginagawa ng math teacher sa papel na para bang katumbas ito ng isang sampal sa kaniyang mukha.
“Napakahusay niya para masagutan ang huling tanong sa exam na ito. Nagawa niyang pantayan si Christopher. Hindi na masama!” Puri ni Yuliana habang nagniningning ang kaniyang mga mata.
“Saan bang school nanggaling ang estudyanteng si Hera? Nandito pa ba siya? Gusto ko siyang makilala.” Tingin ng teacher sa pangalan ng test paper.
Humarap si Yuliana kay Daniel nang mapansin nito ang kakaibang itsura sa kaniyang mukha. “Okay ka lang ba, Mr. Chapman? Parang hindi yata maganda ang lagay mo ngayon.”
“O-okay lang ako. Ano ang score niya sa exam?” napapalunok na sinabi ni Daniel.
“Perfect Score!” Natutuwang nilagay ni Yuliana ang score sa papel.
Hindi makapaniwala si Daniel na nakaperfect si Hera ngayong sinagutan niya ang exam sa kalahati ng oras na pangkaraniwang binibigay sa bawat subject. Isa itong kahanga hangang estudyante! Hindi ito magagawa maging ni Christopher pero kalmado itong ginawa ni Hera.
Pinagsisihan niya ang pagiging malupit niya sa bata kanina.
Dito na biglang nanghina ang mga binti ni Daniel. “Sige. Nageexam pa ang estudyanteng ito. Kailangan ko na siyang balikan.”
Nagliwanag naman dito ang mga mata ni Yuliana. “Nandito pa ba siya? Halika na! Gusto ko siyang makilala.”
Wala na sa classroom si Hera nang makabalik si Daniel kasama ni Yuliana. Makikitang iniwan nito ang dalawang tapos na test paper at ang ballpen na ginamit nito sa pagsagot ng mga exam.
Maingat na kinuha ni Yuliana ang mga test paper bago niya tingnan ang bawat isa sa mga ito. Malinis ang mga papel at elegante ang estilo sa pagsusulat ng estudyante. Wala ring katulad ang mga ideyang ipinakita nito sa mga exam.
“Dalian mo nang ibigay ang mga test paper sa mga guro ng bawat subject para mamarkahan na nila ito. Nararamdaman ko na siya ang susunod na prodigy ng Cavenridge.”
…
Bumalik si Hera sa tahanan ng mga Everett nang makita niyang nakaupo sa sala si James nang may madilim na mukha habang nakaluhod naman sa carpet si Lilith na parang isang makasalanan.
Tumayo naman sa tabi si Giselle, nagpakita siya ng nababahalang itsura pero kasalukuyan talaga nitong ineenjoy ang nagaganap na drama sa pamilya.
Makikita sa carpet ang dalawang basag na piraso ng baso habang nababalot ng tensyon ang paligid.
“Ang lakas pa ng loob mong umuwi rito. Paano mo nagawang tumakas sa iyong exam? Luhod!”
Muling tumindi ang galit ni James nang makita niya si Hera. Kinuha nito ang ashtray sa coffee table para ipangbato kay Hera.