Kabanata 16
Pagkatapos ng kaniyang klase, direktang nagpunta si Melanie sa exam hall. Gusto niyang makita gamit ang sarili niyang mga mata kung ano ang magiging resulta ng exam ni Hera.
Nagsimula na ang ikalawang exam s aumaga nang makarating si Melanie sa exam hall, pero hindi niya makita rito si Hera. Nang tanungin niya ang proctor, napagalaman niya na hindi nagpunta rito si Hera para magexam.
Galit na tumawa rito si Melanie. Confident na sinabi ni Hera sa harapan ni Bernard kanina na kukuha ito ng entrance exam na magpapasok sa kaniya sa Class A. Pero hindi manlang nito nagawang magpakita. Isa siyang duwag!
Hinding hindi palalampasin ni Melanie ang ginawa ni Hera na pagiwas sa entrance exam pagkatapos nito pagmukhain na isa isang mangmang sa harapan ni Bernard kanina.
Dito na bumalik si Melanie sa Class A.
Ngayong si Hera ang inampong anak ng pamilya Everett, siguradong mahahanap ito ng kapatid niyang si Giselle.
Sumapit na ang break time kaya masigla na ang naging mood sa loob ng Class A.
Dinala ni Giselle ang cake na ibinigay ni Aaron para bigyan ang kaniyang mga kaklase. Agad namang pumalibot sa kaniya ang ilang mga babaeng estudyante na malapit kay Giselle.
“Gigi, isa sa mga limited edition ng Blissful Bites ang cake na ito. Paano mo ito nabili?” Tanong ng isa sa kaniyang mga kaklase.
Nilagay naman ni Giselle ang ilang mga hibla ng kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tainga. “Hindi ko talaga binili ito dahil isa itong thank you gift sa akin mula sa isang miyembro ng pamilya Killian na aking niligtas.”
“Isang miyembro ng pamilya Killian? Ang nangungunang pamilya sa apat na maimpluwensyang pamilya sa atin? Grabe! Gigi, napakagaling mo talaga!”
“Shh, huwag kayo masyadong maingay. Hindi dapat ito makarating sa iba.” Dali daling sumenyas si Giselle habang hindi maitago ang ngiti sa kaniyang mukha.
“Napakabait at napakaganda mo talaga, Gigi. Kaya natural lang na swertehin ka!”
“Babalik talaga sa iyo lahat ng ginagawa mo. Sabagay, hindi talaga magagawa ng sapilitan ang pagtulong sa kapwa gaya ng ginawa ng pamilya ni Gigi. Narinig ko na umampon pa raw ang pamilya Everett ng isang batang babae nang magvolunteer sila sa mahihirap na mga barrio noong summer vacation.”
“Isa raw mamamatay tao ang ama ng inampon nilang bata. Gigi, masyadong mabait ang iyong pamilya para makapagampon ng anak ng isang mamamatay tao.”
Dito na nababahalang nagsalita si Giselle, “Huwag kayong magsalita ng ganiyan sa aking kapatid. Magaaral din siya rito sa Cavenridge kaya baka malungkot siya sa sandaling marinig niya ang mga sinasabi ninyong hindi maganda tungkol sa kaniya.”
Mas malakas ang naging usap usapan ng mga kaklase ni Giselle nang marinig nila ito.
“Sa pamamagitan ng kaniyang mga grades sa probinsya na kaniyang pinanggalingan, magagawa niya bang pumasa sa entrance exam?”
“Mali naman ang naging tanong mo. Dapat mong tanungin kung mayroon bang Terranish na subject sa mga eskwelahan sa probinsya.”
“Haha! Oo nga.”
Gumaan ang pakiramdam ni Giselle nang marinig niya ang pagtawa at panglalait ng kaniyang mga kaklase habang nagpapakita siya ng nababahalang itsura sa kaniyang mukha. “Huwag niyo namang pagtawanan si Hera. Gusto lang naman niyang magaral sa Cavenridge kasama ko. Maganda rin ang mga grades nito sa probinsya.”
Dito na sinabi ng isa sa mga babae niyang kaklase na, “Masyado kang simple at mabait, Gigi.”
Agad namang nagdagdag ang isa sa kaniyang mga kaklase ng, “Ito ang dahilan kung bakit nainlove si Mr. Gaskell kay Gigi.”
“Pero Gigi, dapat kang magingat sa inampon nilang bata. Gusto rin nitong magaral sa Cavenridge kasama mo kaya baka agawin niya sa iyo si Mr. Gaskell.”
Napasimangot nang bahagya si Giselle sa kaniyang narinig. Hinding hindi niya hahayaan na maagaw ni Hera ang kaniyang kasintahan!
Samantala, bumalik si Melanie sa klase para puntahan si Giselle. “Giselle, inampon ng inyong pamilya si Hera hindi ba?”
Tumayo naman sa kaniyang kinauupuan si Giselle bago ito masunuring tumango ng, “Opo, Ms. Miller. Ano po ang kailangan ninyo sa kaniya?”
Natuwa si Melanie sa naging asal ni Giselle. Gustong gusto nito ng masunuring mga estudyante na may magagandang performance.
Gumaan ang tono ng kaniyang boses habang sinasabi niya na, “Hindi siya umattend ng entrance exam. Puwede mo ba siyang ikontak para malaman kung nasaan na siya ngayon?”
“Ano? Hindi nagexam si Hera?” Napatakip ng kaniyang bibig si Giselle sa sobrang gulat.
“Pasensya na Ms. Miller. Puwede ko naman po siyang tawagan para sa inyo. Humihingi po ako ng paumanhin sa abalang binigay niya po sa inyo.” Pagkatapos niyang humingi ng tawad kay Melanie, agad na nilabas ni Giselle ang kaniyang phone.
Nagbigay naman ng papuri ang mga kaklase ni Giselle sa ipinakita nitong asal. Ibang iba ito kay Hera, na kinain na ng kaniyang ambisyon sa kagustuhan nitong magenroll sa Cavenridge bago ito lumiban sa exam.
Agad na nagpunta si Giselle sa corridor.
Sa totoo lang, hindi nakasave sa kaniya ang phone number ni Hera na ibinahagi ni Lilith sa group chat ng kanilang pamilya dalawang araw na ang nakalilipas.
Ginamit ni Giselle ang kaniyang phone para pumasok sa forum ng kanilang school.
“Ayon sa mapagkakatiwalaang mga sources, lumiban daw sa entrance exam ang inampong bata ng pamilya Everett. Hindi nagawa ng probinsyanang ito na basahin ang kaniyang test paper.”
“Wala talaga sa tamang pagiisip ang namamahala sa pamilya Everett. Paano niya nagawang magpadala ng isang talunan sa Cavenridge? Iniisip niya ba na magiging madali na para sa kaniya ang lahat ngayong mayaman na siya? Wala na siyang kahihiyan!”
Agad niyang tinawagan si James nang maipost niya ito nang anonymous.