Kabanata 15
Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto nang matapos sa pagsasalita si Hera.
Sinasabi ng kaniyang isipan na hindi na katulad ng dati ang lalaki sa kaniyang harapan. Isa na itong sinusumpong at bayolenteng lalaki na mapanganib para sa kaniya.
Hindi niya gugustuhing makabangga ang ganito kadelikadong tao bago siya matapos sa kaniyang paghihiganti kung ayaw niyang mahulog sa mga kamay nito.
“Okay, pero huwag ka nang magkunwari na hindi mo ako kilala!” Abante ni Bernard para hawakan ang ulo ni Hera. “Ang laki laki mo na.”
Hindi naman nakapagsalita rito si Hera.
Noong bata pa siya, palaging hinahawakan ni Bernard ang kaniyang ulo habang tinatawag siya nitong cuddle bunny na niyayakap nito nang mahigpit. Palagi niya itong sinasagot noon ng, “Si Tito Bernard ang pinakapaborito ko sa lahat!”
“Tito Bernard!” Naiinis na nilayo ni Hera ang kaniyang ulo.
Dito na siya naglabas ng isang maliit at kulay itim na bote ng gamot mula sa bulsa ng kaniyang dress na kanyiang ibinigay kay Bernard. “Huwag mo na iyang itago sa iyong bibig. Idura mo na iyan at inumin mo ito. Babalikan kita sa weekend para icheck.”
Nasusurpresang kumislap dito ang mga mata ni Bernard. Sumangayon siya na makipagkasundo kay Hera para makausap niya ito pero hindi niya inasahan na gagamutin siya ng kaniyang pamangkin. Ito ay dahil walang kakayahan maging ang pinakamahuhusay na doktor sa mundo na gamutin ang kaniyang sakit.
Alam niya na mayroong kaalaman sa panggagamot si Hera ngayong nagawa nito na iligtas ang kaniyang buhay sa border at mapigilan ang pagdurugo ng kaniyang sugat sa tamang oras. Pero hindi niya inasahan na magiging ganito ito kahusay para malaman ang kaniyang sakit sa loob lamang ng isang tingin.
Ininom ni Bernard ang gamot bago siya tumingin sa kaniyang relo at magpaalaal ng, “Makakahabol ka pa sa ikalawang bahagi ng entrance exam mo ngayon.”
Napatigil dito si Hera. Muntik na niyang makalimutan ang tungkol dito kaya agad siyang tumalikod at umalis.
Nang magsara ang pinto papasok sa ward, dumura si Bernard ng dugo habang pinipigilan niyang bumagsak ang kaniyang katawan. Makikita ang matsa ng dugo sa magkabilang gilid ng kaniyang bibig na makikita nang malinaw sa namumutla at guwapo niyang mukha.
“Bernard!” Itinulak pabukas nina Douglas at Johnson Chime pabukas ang pinto. Nang makita niya ang eksenang iyon, agad na sumugod ang dalawa para tulungan si Bernard.
Tumitig si Bernard sa dugo na nasa kaniyang kamay habang nagpapakita ng pagkademonyo ang kaniyang mga mata. Naiintindihan niya ang pagiingat ni Hera sa pamilya Killian ngayong sila rin ang dahilan kung bakit siya nagkasakit nang ganito.
“Okay lang ako. Dalhan mo ako ng isang baso ng tubig.” Pinunasan niya ang mantsa ng dugo sa itim na bote ng gamot gamit ang basang tissure.
Nakita ni Johnson ang bote ng gamot kaya sinubukan niya itong agawin pero hindi niya ito nagawa. Dito na siya nakaramdam ng pagkabahala. “Bernard, saan mo nakuha ang gamot na iyan? Umiinom ka ba ng kung ano anong gamot nang hindi ko alam?”
Nagmumog naman si Bernard ng tubig sa kaniyang bibig bago ito magsabi ng, “Binigay ito sa akin ng isang dalagang nakilala ko rito.”
Nacurious naman dito si Johnson.
“Ito ba yung babaeng kausap mo ngayon lang?” Isip ni Douglas. “Sandali! Huwag mo itong iinumin—”
Umangat ang Adam’s apple ni Bernard nang malunok niya ang gamot.
“Bernard, paano mo nagawang inumin ang gamot na ibinigay niya sa iyo? Nakalimutan mo na ba kung paano mo siya sinakal kanina? Hindi ka ba natatakot na baka lason ang ibinigay niya para makaganti siya sa ginawa mo?”
Nabahala nang husto si Douglas kaya gusto na nitong ipasok ang kaniyang mga daliri sa bibig ni Bernard para mailabas nito ang gamot. Pero sa kasamaang palad ay hindi niya ito magawa ngayong hindi niya kapantay si Bernard.
Sumagot naman si Bernard ng, “Hindi.”
“Nako hindi! Johnson, icheck niyo na po siya. Nawawala na ito sa kaniyang sarili kaya nakalimutan na niyang magingat.”
Napatingin si Douglas nang hindi siya makatanggap ng sagot mula kay Johnson, dito na niya napansin na inamoy nito ang walang lamang bote ng gamot. Kulang na lang ay dilaan na nito ang bote.
“Nahawa ka na ba sa kaniya?” Sampal ni Douglas kay Johnson para pigilan ito sa kaniyang ginagawa.
“Kumalma ka. Mukhang gawa ito sa isang nakakakalmang herb at sa ibang mga halamang gamot. Siguradong gamot ito para sa sakit ng ulo.” Paliwanag ni Johnson.
“Ano na ang nararamdaman mo ngayon, Bernard?” Itinulak niya pataas ang makapal niyang salamin para tumingin kay Bernard.
Nakapikit namang umupo si Bernard sa kaniyang upuan habang nagpapakita ng pagkakalma ang guwapo nitong mukha. Isang misteryosong lakas ang nagpagaan sa tensyonado niyang mga ugat na siyang nagparelax sa kaniya.
Nang mapakinggan nila ang steady na paghinga ni Bernard, napatingin sina Douglas at Johnson sa isa’t isa.
“Nakatulog na siya?” Mahinang tanong ni Douglas.
Tumango rito si Johnson.
Dito na tahimik na umalis ang dalawa.
Nakaranas ng sleep disorder si Bernard nang dahil sa kaniyang sakit. Hindi niya magawang makatulog nang nakaupo maliban na lang kung wala talaga itong malay. Ipinakita lang nito ang epekto ng gamot na ibinigay ni Hera.
Kahit na nakakatuwa itong tingnan, naisip ni Douglas na dapat silang makasiguro na magiging okay si Bernard. “Nakausap mo na ba si Dr. Shadow?” Tanong nito.
Isang kilalang tao sa Divine Forum ang miracle doctor na si Dr. Shadow. Ang divine forum ay isang network na ginagamit ng mga eksperto sa larangan ng medisina na kinabilangan ng mga nangunguna at henyong mga doktor sa mundo. Isa itong nangungunang network na kinikilala ng medical community.
Isang misteryosong tao si Shadow na hinahanap ni Bernard. Isa itong eksperto sa alternatibong mga gamot na nagpakita ng kahanga hangang husay sa medisina. Marami na itong naipublish na mga academic papers na nagpamangha sa buong medical community.
Pero walang sinuman ang nakapaghalungkat ng anumang impormasyon tungkol kay Shadow kaya nagduda ang ilan na isa lang itong mascot na ginawa ng website.
Nakasiguro si Johnson na totoo si Shadow dahil nagawa na niyang makausap ito sa Divine Forum. Inidolo niya si Shadow na nagbigay sa kaniya ng napakaraming mga payo na nagamit niya sa panggagamot.
“Hindi pa. Madalang lang itong magonline. Tatlong buwan na ang nakalilipas mula noong huli itong magonline. Sinabi nito na hindi na siya tatanggap pa ng consultation mula sa kahit na sino,” Sagot ni Johnson.
“Kailangan na natin siyang mahanap sa lalong madaling panahon. Unti unti nang lumalala ang sakit ni Bernard,” Hikayat ni Douglas.
Sumagot naman si Johnson ng, “Alam ko.”