Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 14

Sa kabila ng kaguluhan, sinundan ni Hera ang bras oni Bernard hanggang sa makarating siya sa isang acupuncture point, LI 11 na kaniyang diniinan nang husto. Dali daling tumakbo si Hera palayo nang gumaan ang pagkakahawak ni Bernard sa kaniya. Isinandal niya ang kaniyang likuran sa pader habang humihinga siya nang mabigat. Nang bigla silang makarinig ng isang malakas na lagabog. Dito na nila narinig ang pagsuntok ni Bernard sa pader na nasa tabi ni hera. Nagiwan ang kamao nito ng kulay dugong marka sa kulay puting pintura ng pader. “Bernard!” Sugod ni Douglas para ibalot ang kaniyang braso sa baiwang ni Bernard para ilayo ito sa pader na siyang magiiwas sa paglala ng pinsalang tinamo nito sa kaniyang kamao. “Tumawag ka na ng doktor ngayundin!” Sigaw ni Douglas kay Hera. Huminga naman nang malalim si Hera. Namutawi ang takot sa kaniya habang nakikita niyang nagpupumiglas si Bernard. Muntik na siyang masakal nang tuluyan nito! Nang makita niya ng pagdadalawang isip ni Hera, nagmamadaling sumigaw si Douglas ng, “Ano pang hinihintay mo? Dalian mo na. Hindi ko siya mahahawakan ng ganito katagal!” “Pakawalan mo siya. Ako na ang bahala rito.” Bumagsak ang kamay ni Hera sa kaniyang tabi. At sa pamamagitan ng isang mabilis na paggalaw, isang silver na karayom ang nagpakita sa gitna ng kaniyang mga daliri. Hindi nakapagsalita si Douglas sa pagiging kalmado ni Hera. Agad itong nagiging isang mabangis na halimaw sa bawat sandaling magkakasakit ito. Magwawala ito nang husto na aabot sa punto na kung saan mahihirapan kahit ang dalawang malaking mga lalaki na pigilan siya. Kaya paano siya magagawang ihandle ni Hera? Habang tahimik na nagsasalita si Douglas, bigla siyang nakatanggap ng siko mula kay Bernard. Umungol si Bernard habang puwersahan siyang pinapatalsik nito hanggang sa tumama ang kaniyang katawan sa lupa. Sa bingit ng pagatake ng kaniyang sakit, nagmukhang mabangis na halimaw si Bernard na aatake sa sinumang makikita niya. Sumugod ito papunta kay Hera pero nanatili pa rin itong kalmado at walang pakialam. Itinutok niya ang silver niyang karayom sa M-HN-3 acupuncture point ni Bernard. Nanigas dito ang katawan ni Bernard bago ito paika ikang lumapit kay Hera. Namangha si Douglas nang makita niya na may itinatagong sandata si Hera! Pagkalipas ng isang sandali, sinubukan na nitong isipin ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Paano nagawa ni Hera na kontrolin si Bernard gamit lamang ang isang karayom? Hindi magagawa kahit ng dalawang maskuladong lalaki na pigilan si Bernard sa sumpong nito. … Dahan dahang gumising si Bernard sa infirmary. Kumurap kurap ang kaniyang mga mata nang makita niyang nasa itaas niya si Hera. Nagpakita ito ng magandang mukha at kaakit akti na mga matang nagpakita rin ng kaunting panlalamig. Dito na niya napansin ang mabangong amoy na nagmumula rito. Dahan dahan nitong minamasahe ang akniyang mga sintido para makapagrelax ang kaniyang isipan. Matagal na ang panahong lumipas mula noong marelax siya nang ganito. Naenjoy ni Bernard ang pakiramdam na iyon kaya muli niyang ipinikit ang kaniyang mga mata para magkunwaring tulog. Pero napansin ni Hera ang kaniyang ginawa kaya agad na nagecho ang nanlalamig nitong boses sa itaas. “Huwag ka nang magkunwari. Gumising ka na riyan.” Naghihintay naman si Douglas malapit sa dalawa kaya agad siyang sumugod sa kamang hinihigaan ni Bernard nagn marinig niyang gising na si Bernard. “Okay ka lang ba, Bernard? Parating na si Johnson. Hindi ka pa nawawalan ng malay nang ganito katagal kaya nagalala na ako sa iyo.” Hindi naman sumagot si Bernard pero hindi na siya nakapagpanggap pa. Pilit niyang pinaupo ang kaniyang sarili habang nagiging seryoso ang kaniyang itsura. “Alis!” Nagulat si Douglas sa biglaang pagsabog ni Bernard. Nasaktan at nagtaka siya sa masakita na salitang binitawan ni Bernard. Dahil dito, mabigat siyang sumagot ng, “Sige.” Dito na siya tahimik na umalis sa infirmary. Nanatili namang tahimik si Hera. Sumandal sa kaniyang hospital bed si Bernard, tumitig ang kaniyang mga mata sa nakabandage niyang kamay. Pilit niyang inalala ang mga nangyari kanina pero wala na siyang maalala pa na kahit ano kanina. “Professor Killian, mauuna na ako kung maayos na ang inyong pakiramdam.” Sabi ni Hera bago ito tumalikod at umalis. Gusto na niyang umalis kanina pero nagpumilit si Douglas na manatili siya roon hanggang sa magising si Bernard lalo na’t ito ang nagtusok kay Bernard ng silver na karayom. “Kung titingnan ang mga pamamaraang ginagamit ng mga kapatid ko, iniisip mo ba na hahayaan kang makaalis ng mg ito sa sandaling malaman nila na buhay ka pa?” Tanong ni Bernard. Itinaas niya ang kaniyang paningin na tumama sa imahe ni Hera. Ngayong hindi na nito suot ang ginto niyang salamin, kumislap nang husto ang nakatitig niyang mga mata. Agad namang napatigil dito si Hera habang bumabaha ang mga mapapait niyang alaala sa kaniyang isipan. Nagresulta ang gulo sa pagitan ng magkakapatid na Killian sa pagkakakulong ni Lucius at sa pagkamatay ni Daphne. Binanggit ni Bernard ang mga salitang “pamamaraan na ginagamit ng aking mga kapatid” para ihiwalay ang kaniyang sarili sa mga nangyari. Pero ganoon lang ba talaga kasimple ang katotohanan? “Oh, ikaw si… Tito Bernard?” Tumalikod si Hera na para bang ngayon niya lang nakilala ang lalaki sa kaniyang harapan pero nanatili pa ring nanlalamig ang kaniyang itsura. Nang maobserbahan niya ito, hindi na naiwasan pa ni Bernard na magpakita ng munting ngiti sa kaniyang mukha. Hindi ba’t masyado nang awkward ang pagarte nito ngayon? Nakita na niya ang katotohanan pero napagdesisyunan pa rin niya na hayaan ito sa pagarte. Bahagyang gumaan ang tumatagos nitong paningin habang nagtatanong siya ng, “Hindi ka naman nagmamadali na lumayo sa akin hindi ba?” “Ano bang gusto mo?” Tanong ni Hera. Hindi siya sigurado sa mga motibo ni Bernard. Kinokonsidera ba nito na sabihin sa mga Killian ang balitang buhay pa siya? Napansin ni Bernard ang pagiingat sa mga mata ni Hera na hindi nagpakumportable sa kaniya. Pero pinanatili pa rin niya ang pagiging kalmado ng kaniyang dibdib habang sumesenyas siya rito, “Halika rito. Patingin ako. Okay na ba ang leeg mo ngayon?” Tumayo sa kaniyang pwesto si Hera habang nanlalamig niya itong tinitingnan, “Mayroon na talagang mali sa iyo, Tito Bernard!” Hindi naman makapagsalita rito si Bernard. Alam niya na mayroong mali sa kaniya pero hindi siya mapalagay nang manggaling na ito kay Hera. “Binigyan ka na ng gamot ng iyong assistant. Kasama na rito ang Gabapentin at Carbamazepine. Para ito sa matinding pananakit ng iyong ulo.” “Kung titingnan ang mga sintomas na iyong nararanasan kapag sinusumpong ka. Mukhang matagal nang sumasakit nang ganito ang iyong ulo.” Paliwanag ni Hera. Naalala niya noong dalhin ni Douglas si Bernard sa infirmary. Hinayaan ni Douglas na gamutin ng doktor ang mga sugat sa kamay ni Bernard bago niya ito paalisin. Pagkatapos nito ay agad na naglabas ng isang maliit na bote ng gamot si Douglas na kaniyang ipinainom kay Bernard bago siya gumawa ng isang tawag. Napansin ni Hera ang pill na ipinainom kay Bernard. Nagmukha itong isang modernong gamot na pinagaaralan ng kaniyang kaibigan online para sa pananakit ng ulo na siyang nagpatindi sa kaniyang curiousity na tingnan ito. “Sige lang,” Hikayat ni Bernard. Naningkit ang kaniyang mga mata kay Hera na nagpakita ng kawalan ng pakialam sa kahit na sino habang nilalayo niya ang kaniyang sarili sa ibang tao. Paano nagbago nang ganito ang munting prinsesa na puno ng pagmamahal sa tuwing lumalapit ito sa kaniya sa bawat sandaling magkikita sila noon. “Mayroon itong side effects kaya hindi mo ito dapat gamitin nang pangmatagalan. Nakapagaral ako ng alternative medicine nang dahil sa aking lola kaya matutulungan kitang gamutin ang sakit mo.” Sabi ni Hera. Dito na siya nagpatuloy sa pagsasalita. “Pero bilang kapalit, dapat mong itago ang katotohanang buhay pa ako sa mga Killian hanggang sa dumating ako sa tamang edad.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.