Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 13

Nakahinga na rin nang maluwag si Hera nang makalabas siya sa Dean of Student’s office. Maaari kaya na ang professor na nandoon ay ang miyembro ng pamilya Killian na nakita niya noong araw na iyon? Alam ni Hera na nagpapakita lamang ng kabaitan sa ibang tao ang mga Killian sa panlabas nilang anyo pero sa totoo lang ay wala talagang awa ang mga ito. “Miss, hayaan niyo pong samahan ko kayo papunta sa inyong exam room.” Isang mainit at charming na boses mula sa likuran ni Hera ang sumira sa kaniyang iniisip. Napatigil at napatingin siya sa paligid nang makita niya ang paglapit ni Bernard mula sa mahabang corridor ng building. Nagpakita ito ng tangkad ag kagwapuhan sa nakangiti nitong mukha. Nagpakalat naman ang liwanag ng tagsibol ng isang elegante at pinagpalang hangin sa paligid nito. “Hindi ito—” Tatanggi sana si Hera pero nagawa na siyang mahabol ni Bernard. “Okay lang. Dadaan din naman ako roon.” Hindi makukwestiyon ang tonong ginamit ni Bernard sa pagsasalita kaya wala nang nagawa si Hera kundi manahimik. Samantala, nakatayo namang naghintay si Douglas sa corridor. Nang marinig niya ang mga sinabi ni Bernard, hindi nito naiwasang magsabi ng, “Bernard—" Alam niya na hindi talaga papunta roon si Bernard. Sabagay, kanina pa siya hinihintay ni Andrew. Tiningnan ni Bernard si Douglas gamit ang matalim nitong pagtingin na tumagos sa ginto niyang salamin. “Napakaganda talaga ng araw ngayon.” Awkward na tawa ni Douglas habang binabago niya ang topic ng kanilang usapan. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo habang tumitingin siya sa kaniyang paligid. Tumingin naman si Bernard kay Hera. “Halika na, Miss.” Masyadong guwapo at matapang ang kaniyang katangian. Kumalat ang bahagya nitong ngiti sa kaniyang mukha na tumanggal sa paninindak ng kaniyang mukha na higit pa sa inaasahan ni Douglas. Hindi naman nakapagsalita rito si Douglas. Msayado ngang obvious ang ipinapakitang favoritism ni Bernard! Pero kahit na ganoon, hindi pa rin niya maitatanggi na attractive si Hera. Sinundan ng walang kamuang muang na si Hera si Bernard. Magkasamang naglakad sina Bernard at Hera sa corridor. Masyadong makapigil hininga ang itsura nilng dalawa sa sinumang makakakita sa kanila. Habang paparating sila sa palikong bahagi ng hagdanan, biglang napahinto ang nauunang si Bernard. Mabuti na lang at napahinto sa tamang oras si Hera kaya hindi niya nagawang bumangga rito. Tumalikod si Bernard bago niya titigan nang husto si Hera. “Miss, nakita na ba kita noon?” Kumabog nang malakas ang dibdib ni Hera pero nanatili pa ring seryoso ang kaniyang mukha habang napapaatras siyang sumasagot ng, “Masyado ng gasgas ang pamamaraan ninyo para makausap ako, Professor.” Nanatili namang tahimik si Bernard. Lumapit ito kay Hera habang punong puno ng emosyon ang tensyonado niyang mga tingin. Hindi ba siya makilala ni Hera? O sinasadya talaga nitong hindi siya pansinin? Habang papalapit si Bernard, gumawa ng anino na tumama kay Hera ang 6.5 talampakan niyang katawan na mayroong taas na nasa 5.5 talampakan. Sapat na ito para maoverwhelm si Hera sa presensya ni Bernard. Hindi na nagpakita pa ng kahit na anong bakas ng pagiging gentleman si Bernard noong mga sandaling iyon. Napaatras si Hera habang unti unting lumalapit si Bernard. Biglang napatigil si Hera nang maramdaman niya ang pader sa kaniyang likuran. “Hindi mo ba talaga ako naaalala? Cecily Killian!” Nilagay nito ang kaniyang kamay sa pader bago niya titigan pababa si Hera. Nagpakita ng iba’t ibang emosyon ang kaniyang mga mata. Nang mabanggit ni Bernad ang pangalang iyon, nakaramdam ng panginginig si Hera sa kaniyang katawan. Nagawa nga siyang makilala nito. 17 taon na ang nakalilipas mula noong aksidentang mapalaki ng pamilya Killian si Hera ng anim na taon. 11 taon na rin ang nakalilipas mula noong mamatay ang ama ni Bernard na si Albert Killian. Habang nasa huling mga sandali ng kaniyang buhay, inappoint ni Albert ang pangatlo niyang anak na si Greg Killian bilang susunod na head ng kanilang pamilya. Pero nang magtetake over na si Greg, biglaan itong pinatay ng isang hindi pa nakikilalang salarin. Itinuro ng mga ebidensya sa pinangyarihan ng krimen ang ama ni Hera at ang ika anim na anak ni Albert na si Lucius bilang salarin sa krimen. Dito na inakusahan si Lucius ng pagpatay sa kaniyang kapatid para sa kapangyarihan na siyang nagdala rito sa kulungan. Hindi naman makapaniwala ang ina ni Hera na si Daphne na magagawang saktan ni Lucius ang kaniyang kapatid. At pagkatapos ng ilang buwan na paghahanap ng sagot, nagawa na ring makakita ni Daphne ng clue. Pero sa kasamaang palad, habang pabalik ito sa tahanan ng mga Killian, namatay si Daphne sa isang car accident kasama ng driver na nakabangga sa kanila. Nakaramdam dito ng panganib si Catherine kaya gumawa na siya ng aksyon para protektahan si Hera. Sinunog niya ang kanilang tahanan para palabasing namatay sila sa sunog bago niya dalhin sa probinsya si Hera. Siguradong hindi makakaligtas si Hera kung hindi gumawa ng akstyon si Catherine. Nabalot ng iba’t ibang emosyon ang puso ni Hera nang alalahanin niya ang mapapait na taon niya sa pamilya Killian. Kahit na hindi kadugo ni Hera sina Lucius at Daphne, nakaramdam pa rin siya ng matinding pasasalamat nang dahil sa pagpapalaki ng mga ito sa kaniya. Bumalik siya sa Norburgh para gamitin ang kaniyang impluwensya sa paghahanap ng ebidensya. Pinaplano na niyang magpunta sa Jedburgh para mapatunayang inosente si Lucius at ipaghiganti ang pagkamatay ni Daphne! Hindi siya magtitiwala sa kahit na sinong miyembro ng pamilya Killian hangga’t hindi niya nakikilala ang tunay na salarin. Kabilang na rito si Bernard kahit na gaano pa ito kalapit sa kaniya. Tinitigan ni Hera ang pulang mga mata ni Bernard pagkatapos niyang isantabi ang takot na kaniyang nararamdaman. “Hindi ako si Cecily Killian. Ako si Hera Youngworth.” “Hindi, isa kang Everett. Ikaw ang anak ng mga Everett!” Nagngingitngit na sagot ni Bernard. Ninenerbiyos na nanginig ang makapal na mga pilikmata ni Hera pero napagtanto niya rin na madaling malalaman ng kahit na sino ang tunay niyang pagkakakilanlan gaya ng nangyari sa kanila ni Bernard. “Ngayong alam mo na ang katotohanan, dapat mong malaman na wala na tayong koneksyon sa isa’t isa. Kaya tumabi ka na,” Determinadong sinabi ni Hera. “Ikaw…” Titig ni Bernard kay Hera. Naguluhan ito sa biglaan nitong panlalamig at kawalan ng pakialam sa kaniyang paligid kaya hindi niya maintindihan kung bakit napalayo nang ganito sa kaniya si Hera na dating malapit sa kaniya. Naramdaman niya na parang mawawasak ang isang bahagi ng kaniyang isipan kaya napasimangot na lang siya habang namimilipit sa sakit ang kaniyang mukha. Nagtaka rito si Hera. Napansin niya ang umuumbok na mg augat sa kamay ni Bernard na nakadiin sa pader na para bang nakikipaglaban ito para kontrolin ang isang bagay. Mayroon ba itong sakit? Parang inaatake ito ngayon! “Hindi maganda ang kondisyon mo ngayon—” Bago pa man matapos sa pagsasalita si Hera, agad na dinakma ni Bernard ang kaniyang lalamunan para patahimikin ito. Namula nang husto ang kaniyang mga mata habang bumibigat ang kaniyang paghinga. Nabalot ng pighati ang kaniyang mukha habang nagtatanong ito ng, “Bakit… bakit mo ako… nagawang iwanan…” Humigpit ang pagkakahawak ni Bernard na nagpahirap kay Hera na huminga. Sinubukan nitong alisin ang kamay ni Bernard gamit ang magkabila niyang kamay pero hindi niya ito magawa. Dito na dahan dahang namula ang kaniyang mukha. Habang papaliko si Douglas sa isang kanto, nakita niya ang pananakal ni Bernard kay Hera. Sa sobrang takot ay agad na sumugod si Douglas para paghiwalayin ang dalawa. “Grabe, Bernard! Pakawalan mo siya! Mapapatay mo na siya!” Numipis nang numipis ang hangin sa lalamunan ni Hera habang namumula nang husto ang kaniyang mukha. Mauubusan siya ng hininga kapag nagpatuloy pa ito!

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.