Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 17 Hindi Mahalagang Tao

Hindi mapigilan ni Yvonne na mapangiti ng maisip iyon habang naliligo siya nang mas mabilis kaysa sa dati. Sa oras na siya ay lumabas mula sa banyo, walang siya nakitang bakas ni Henry sa kwarto, ang suit lamang niya na kaswal niyang itinapon sa sofa. "Saan siya pumunta?" Bulong ni Yvonne sa sarili. Inayos niya ang mga bathrobes, saka lumabas ng kwarto. Nagwawalis pa rin si Sue ng sahig sa sala sa baba at masayang binati si Yvonne nang makita siyang bumababa ng hagdan. "Madam." "Sue, nakita mo ba si Henry?" Hinawak ni Yvonne ang kwelyo ng kanyang bathrobe at nagtanong. Huminto si Sue sa kanyang trabaho para sagutin, “Opo. Lumabas lang si Mr. Lancaster." "Lumabas?" gulat na itinaas ang kanyang kilay. Saan siya pupunta sa oras na ito? Tumango si Sue. "Opo, nakatanggap siya ng isang tawag sa telepono pagkatapos nagmamadali siyang umalis. Hindi mo alam, madam?" Pinilit ni Yvonne ang isang ngiti pero hindi maitago ang pagkabigo sa kanyang mga mata. "Hindi niya sinabi sa akin..." "Baka emergencey ma’am at wala siyang oras para ipaalam sa iyo. Huwag mo masyadong isipin yun, madam." "Baka nga. Sige babalik na ako sa kwarto ko ngayon." Tumalikod si Yvonne at dahan dahang umakyat ng hagdan at ang kamay ay nakahawak sa railing. Humiga siya sa kama at tinitigan ang kisame hanggang sa napagod ang mga mata niya. Tumagilid iya at kinuha ang telepono sa tabi ng unan niya. 10:20 na ng gabi. Sa puntong ito, hindi na sigurado si Yvonne kung babalik si Henry ngayong gabi. Dahil siya ay isang tao na may iisang salita, baka naman babalik siya. Umupo si Yvonne sa kama, saka kinuha ang nobela na palaging binabasa mula sa mesa sa tabi ng kama. Habang naghihintay para sa pagbabalik ni Henry, binasa niya ang libro para mapanatili siyang abala. Sa oras na pinipilit niyang mantailing gising, hindi pa rin nakabalik si Henry kaya't sumuko siya at nagpahinga na para sa gabi. Nang magising siya kinabukasan, malamig ang kabilang panig ng kama. Maayos pa ang pagkakasunod-sunod ng unan. Kita niya sa unang tingin na walang nahiga rito. Ibig sabihin hindi bumalik si Henry kagabi? Kinagat ni Yvonne ang kanyang labi, parang nababagabag. Pagkatapos maghilamos ay bumaba na siya. Inilapag niya ang kubyertos pagkatapos kumain ng agahan at bumiyahe patungong trabaho. Pagkalabas niya ng elevator sa kanyang pinagtatrabahuhan, nakita niya ang ilang mga assistant na nakatayo sa koridor na nag-uusap at sadyang pinagaan niya ang kanyang mga yapak. "Narinig ko mula kay Mr. Woods na si Mr. Lancaster ay hindi pupunta sa opisina ngayon." "Bakit hindi? Saan siya pupunta? Baka mawala ang motivation ko na magtrabaho ngayon nang hindi nakikita ang guwapong mukha ni Mr. Lancaster! " "Alam ko, narinig kong nakipagusap si Mr. Woods sa CEO kanina lang. Inatasan siya ni Mr. Lancaster na maghatid pamalit na damit sa ospital." "Ospital?" Mabilis na umakyat si Yvonne sa mga kababaihan nang marinig iyon at ginambala sila. "Ano ang nangyari kay Hen...Mr. Lancaster?" nag-aalalang tanong niya. Hindi siya bumalik kagabi. Nagkasakit ba siya? "Hindi ba parang mali na tinatanong mo kami? Hindi ba ikaw ang personal assistant niya? Wala ba siyang sinabi sa iyo?" Ang tatlong sekretarya ay tumingin sa kanya ng may paghamak at panibugho. Umiling iling si Yvonne. "Kung hindi mo alam, lalong di namin alam. Kung nag-aalala ka tungkol kay Mr. Lancaster, bakit hindi mo siya tawagan? Tingnan natin kung sasabihin niya sa iyo. Tara na nga girls, oras na para sa trabaho." Dinaanan siya ng tatlong sekretarya na naka-high heels. Ang huling lumakad na dumaan sa kanya ay binangga pa ang balikat niya. Sinadya man o hindi, naging sanhi ito ng pagkatisod ni Yvonne ng dalawang hakbang bago niya makuha ang balanse. Hinawakan ni Yvonne ang masakit nitong balikat at mahinang bumuntong hininga. Mula nang siya ay biglang naitaas sa posisyon ng assistant, siya ay naechapwera ng iba pang mga assistant. Napakaraming araw na mula noon at halos nasanay na siya. Kinusot ni Yvonne ang balikat niya habang sinusubukan na huwag hayaang makarating sa kanya ang walang kuwentang bagay. Kinuha niya ang kanyang telepono mula sa bag at natagpuan ang numero na nai-save niya sa kanyang listahan ng contact sa loob ng tatlong taon pero hindi kailanman nagkaroon ng lakas ng loob na tawagan. Nakatitig sa pamilyar pero hindi pamilyar na numero nang mahabang panahon, ikinuyom niya ang kanyang mga kamay at nagtamo ng lakas ng loob na pindutin ang dial sa kanyang telepono dahil sa pag-aalala niya kay Henry. "Sino ‘to?" Ang malalim at malamig na tinig ng lalaki ay dumating sa kabilang dulo ng linya. Ang ilaw sa mga mata ni Yvonne ay lumabo. "Ako ‘to…" Hindi man lang niya nai-save ang numero ni Yvonne sa kanyang telepono.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.