Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 8

Matapos lisanin ang café, pumunta si Cameron sa Riddikulus Riverview Villa. Walang bahid ng emosyon sa mga mata niya habang nakatingin sa pamilyar sa villa na minsan nilang tinirhan ni Madison. Pumunta si Cameron para pindutin ang doorbell. “Anong ginagawa mo at ang aga mo umuwi, anak ko? Sumangayon na ba si Mr. Price na magdinner tayo?” sambit ng nanay ni Madison, na si Pia Parker, mula sa loob ng villa. Nasasabik na tumungo si Pia sa pinto para buksan ito. Pero sa oras na binuksan niya, nagbago ang kanyang ekspresyon. “Anong ginagawa mo dito?” naiiritang tanong ni Pia. “Ma,” magalang na tawag ni Cameron. Hindi niya inaasahan na nandito si Pia. “Bah! Hindi mo ako nanay! Huwag ka ng babalik at magiging sakit ng ulo ni Madison!” galit na sagot ni Pia, iniisip na naparito si Cameron para humingi ng pabor. Hiniwalayan na ni Madison si Cameron sawakas at si Archie naman ang nakita, kaya hindi hahayaan ni Pia na maging sagabal muli si Cameron kay Madison! Gusto mabuhay ng marangya ni Pia ng wala nga namang inaalala. Pumunta siya sa bahay ni Madison ngayon para tanungin ang estado nila ni Archie. Tinignan ni Cameron ang masamang ekspresyon ni Pia na tila ba alam niyang mangyayari ito. Hindi siya masyadong nabagabag ng sinabi niya, “Hindi ako naparito para hanapin si Madison. Kukunin ko lang ang mga naiwan ko na gamit. Aalis din ako kapag nakuha ko na iyon.” “Anong ibig mo sabihin na iyo? Sa buong buhay mo na tumira ka dito kasama ng anak ko, kailan ka gumamit ng bagay na pagmamayari mo?” humarang si Pia sa daanan ni Cameron, mapanghamak siyang tinitignan. “Ikaw ang umaksaya sa limang taon ng kabataan ni Madison. Paano mo siya balak icompensate?” “Ako? Icompensate siya?” hindi makapaniwalang tanong ni Cameron. Hindi siya gumastos ni isang sentimo na pagmamayari ni Madison. Ang lahat ng ginastos niya ay gamit ang kanyang pera. Nagpasok pa siya ng one hundred million sa business ni Madison bilang capital! Ngayon at nangaliwa si Madison, hindi lang siya hindi humingi ng compensation, hindi niya hinihingi ang one million na ibinigay niya! Kaya bakit ang sitwasyon ay parang ang laki ng utang ni Cameron sa kanila? “Hindi ba dapat?” sagot ni Pia. “Mukhang kung ano ang puno, iyon ang bunga,” hindi mapigilan ni Cameron na ngumisi. Katulad na katulad ni Madison ang nanay niya! “Anong ipinapahiwatig mo?” nagalit si Pia sa ngisi ni Cameron. “Sinasabi ko na icompensate mo ang anak ko dahil sinayang mo ang kabataan niya! Huwag mo akong gawing katatawanan!” “Salamat sa paniniwala mo,” malamig na sagot ni Cameron. “Wala akong sinabi ng nangaliwa si Madison, pero heto ka nagdedemanda ng compensation. Nasaan ang kunsensiya mo?” “Anong ibig mo sabihin na nangaliwa si Madison? Ikaw itong walang kakayahan! Kung karesperespeto ka tulad ni Mr. Price, hindi sana ito mangyayari!” sagot ni Pia. “Heh. Oo, sisihin mo ako dahil wala akong kakayahan. Hindi ito ang ugali ninyo ng naglabas ako ng one million dollars para sa business ni Madison ilang taon na ang nakararaan,” hamak ni Cameron. “Isang milyon lang. Pinakasalan mo ang anak ko, hindi ba’t parte iyon ng responsibilidad mo? At lilinawin ko sa iyo, Cameron Morgan—nagtagumpay ang anak ko dahil sa effort niya! “Huwag kang kukuha ng kahit na ano sa bahay na ito ngayon. Binili ng anak ko ang lahat ng nandito gamit ang sarili niyang pera!” sambit ni Pia. Hindi siya nahihiya. “Heh.” Natawa si Cameron. Pumasok siya sa villa, hindi na nagaksaya ng oras kay Pia. Mabilis na humarang si Pia, nakaharang din pati mga kamay niya. Dahil sa ginawa niya, nakita niya ang aquamarine bracelet sa brason iya. Nanlaki ang mga mata ni Cameron. Iyon lang ang bracelet na iniwan ng nanay niya sa kanya ng namayapa siya. Ang hiling ng nanay niya ay personal na tulungan ang babaeng pakakasalana niya na isuot ang bracelet. Ngayon at hiwalay na sila ni Madison, dapat na niyang bawiin ang bracelet. Mabilis na napansin ni Pia ang mga mata ni Cameron sa aquamarine na bracelet. Binawi niya nag kanyang kamay at nagalit, “Anong tinitingin tingin mo?” “Nakatingin ako sa bracelet na iniwan sa akin ng nanay ko.” Malamig na tinitigan ni Cameron si Pia. “Anong nanay? Ibinigay mo ito sa anak ko, akin na ito ngayon!” deklara ni Pia. Nakita ni Madison na makaluma ang aquamarine bracelet at cheap. Natakot siya na baka hamakin siya ng mga kaibigan niya kaya ibinigay niya ito kay Pia. Hindi ito naisip ni Pia ng isinuot ito. Doon niya napagtanto ang malamilagro nitong nagagawa. Madalas na sakitin si Pia. Pero matapos isuot ang bracelet, naging malakas siya at hindi na nagkasakit! Paano niya ibabalik ang bracelet kay Cameron? Naging malamig ang mga mata ni Cameron ng makita niya na gusto angkinin ni Pia ang bracelet. “So hindi mo balak ibalik sa akin ang bracelet?” “Oh? Binabawi mo ang binigay mo noon? Hindi pa ako nakakakita ng katulad mo!” ngisi ni Pia. “Oo, katulad ng pamilya mo na hindi ko pa nakikita ang katulad na isinisisi ang lahat sa akin ang kasalanan nila,” sagot ni Cameron. “Anong kasalanan?” nainis si Pia ng marinig ito. Sinabi niya, “Una sa lahat, dapat hinahalikan mo ang paa ko dahil ipinakasal ko ang anak ko sa katulad mong walang kuwenta! Para sa walang kuwentang alahas na ito na ibinigay ng patay mong nanay—sa tingin ko hindi naman ito malas pero heto ka at gusto itong bawiin?” “Anong sinabi mo?” batid ang galit sa mga mata ni Cameron. Walang may karapatan na insultuhin ang nanay niya! Nagulat si Pia sa galit bigla ni Cameron. Hindi pa niya nakikitang galit si Cameron, na kadalasang kalmado at magalang! Sa oras na iyon, isang lalake ang bumaba ng hagdan. Ito ang nakababatang kapatid ni Madison, si Skyler Parker. “Tamang-tama ang pagkakababa mo, Skyler. Itong walang kuwentang ito ay ninanakaw ang gamit ng kapatid mo. Gusto pa niyang kunin ang bracelet ko!” sagot ni Pia, naging matapang dahil nandito na si Skuler. “Ikaw nanaman? Ang lakas ng loob mo na bumalik dito matapos ang hiwalayan ninyo!” agad na sinabi ni Skyler ng makita si Cameron. Para kay Skyler, si Cameron ay walang kuwentang tao na umaasa sa kapatid niya ng limang taon. Hindi binigyan pansin ni Cameron si Skyler, nakatitig pa din kay Pia. “Ibalik mo ang bracelet ng nanay ko, Pia. Hindi ako humingi kahit isang sentimo sa pamilya Parker, kaya hindi mo dapat makuha ang kahit na anong akin.” “Wala kang hiningi sa pamilya ko? Ang lakas ng loob mo na sabihin iyan! Sa tingin mo ba talaga may ibibigay sa iyo ang anak ko kahit na humiling ka?” ngisi ni Pia. “Para sa bracelet na ito—dahil ibinigay mo ito kay Madison, akin na ito ngayon!” “Sasabihin ko ito para sa huling beses, Pia. Ibalik mo ang bracelet ng nanay ko. Hindi ko gusto gumawa ng eksena,” malamig na inulit ni Cameron ang sinabi niya. “Hoy, ayusin mo ang tono mo sa nanay ko!” sagot ni Skyler, dinuro si Cameron. “Alam mo ba kung sino ka? Isa ka lang walang kuwentang lalake na umaasa sa kapatid ko!” Nagsalubong ang mga kilay ni Cameron at nagdilim ng husto ang mukha niya. Ganito ba kababa ang ugali ng pamilya Parker? Naisip ni Skyler na sumuko na si Cameron dahil natahimik siya, kaya nagpatuloy siya sa pangiinsulto. “Sige, magsalita ka pa. Kapag natuwa ako sa iyo, baka bigyan pa kita ng pera. Haha!” Nanatiling tahimik si Cameron. Pero hindi tulad ng dati, sinampal niya si Skyler.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.