Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 9

Smack! Isang malakas na sampal ang nag-echo sa paligid. Nawala bigla ang ngiti ni Skyler. “S-Sinampal mo ako?” hindi makapaniwalang tanong niya. Itong mahina at walang kuwentang si Cameron ay sinampal ako? “Naging mahinahon ako. Isipin mo na lang na dinidisiplina kita para sa nanay mo, dahil hindi ka tinuruan ng tamang ugali,” malamig na sinabi ni Cameron. Tinitiis lagi ni Cameron ang ugali ni Skyler at Pia dahil pamilya sila ni Madison. Pero hindi na ngayon. “Disiplinahin ako? Anong karapatan mo?” sigaw ni Skyler. Kinuha niya ang vase sa tapat ng pinto at binato si Cameron. Hindi pa napapahiya ng ganito si Skyler at hindi pa siya nasasampal. Papatayin niya si Cameron para dito! Naging malamig ang mga mata ni Cameron ng hawakan niya sa braso ni Skyler. Pinaikot niya ito. Snap! Tumunog agad ang braso ni Skyler. “Ahhh!” iyak ni Skyler. Nabasag sa sahig ang vase. “Ang braso… ahh!” Nakahawak siya sa braso niyang nabali, sumisigaw ng malakas habang pinagpapawisan sa noo niya. “A-Ang lakas ng loob mo na saktan ang anak ko? Papatayin kita!” sinugod ni Pia si Cameron, nagagalit dahil sa pinsala ng anak niya. Pero sa oras na makita niya kung gaano kadilim at kalamig ang mga mata ni Cameron, nawala ang tapang niya. Kinilabutan siya! Nanatiling malamig ang mga mata ni Cameron ng umakyat siya sa itaas. Hindi naglakas loob si Pia na humarang. Makalipas ang dalawang minuto, bumaba si Cameron dala ang kahoy na kahon. Sa loob ay mga love letters at hair bow. “Ahh… aray…” sigaw ni Skyler, hawak pa din ang braso niya. Nakita ni Pia ang kahon at sinabi, “Anong ninakaw mo kay Madison?” “Sinabi ko sa iyo na naparito ako para kunin ang akin,” sagot ni Cameron. Noong dinaanan niya si Pia, kinuha niya ang aquamarine bracelet mula sa braso niya. “Kabilang ang bracelet ng nanay ko.” Pagkatapos, lumabas na siya ng villa. “Bracelet ko yan!” sigaw ni Pia matapos ayusin ang kanyang sarili. “Oh?” tinitigan siya ni Cameron ng masama. Nanigas si Pia, hindi makakilos dahil sa takot. Ito ba ang Cameron na naalala niya noon? Bakit parang nagbago siya matapos ang paghihiwalay? Tumalikod si Cameron at umalis ng makita na tumigil si Pia. Sumakay siya sa Maybach na naghihintay sa labas ng villa. “Iyon ba ay… isang Maybach?” nanlaki ang mga mata ni Pia. Diot lang niya napnsin ang Maybach sa labas ng villa. “Ma, b-bakit siya nasa Maybach?” gulat din si Skyler. Na tila nakalimutan niya ang sakit ng braso niya. Anong nangyayari? “Hindi ko rin alam. Dadalhin muna kita sa ospital at tatawagan ang kapatid mo. Makikita natin kung anong gagawin niya!” … Makalipas ang kalahating oras, si Madison, na nakasuot ng damit pang opisina, ay mabilis na pumasok sa ward 306 ng General Hospital ng Yrando. “Okay lang ba si Skyler, Ma?” tanong niya, matapos malaman ang kuwento mula phone. Sumama si Archie sa kanya. “Nandito ka na rin sawakas, Madison. Halos mapatay ni Cameron kanina ang kapatid mo!” sinabi ni Pia ng malungkot. “Tignan mo ang braso ko, Maddy!” umiyak si Skyler ng makita ang kapatid niya. Nagalit si Madison ng makita kung gaano kaputla ang kapatid niya at kung paano nakabalot ng plaster cast ang braso niya. “Sinaktan ka ba talaga ni Cameron?” “Oo! Hindi lang niya binali ang braso ko, ninakaw pa niya ang bracelet ni nanay!” reklamo ni Skyler. Ginatungan pa ni Pia at sinabi, “Wala ka doon para makita mo mismo. Pumasok si Cameron sa bahay sinasabi na babawiin niya ang kanyan. Noong pinigilan niya si Skyler, sinampal niya si Skyler! Binali pa niya ang braso niya para turuan siya ng leksyon!” “Tignan mo si Skyler, Mady! 21 pa lang siya at hindi pa ikinakasal. Kung hindi ako lumuhod at nagmakaawa kay Cameron, ano na lang ang mangyayari sa kapatid mo!” “Ang lakas ng loob ni Cameron!” sigaw ni Madison. Si Skyler ay kapatid niya! “Tatawagan ko siya para tanungin!” Lumabas siya ng ward at tinawagan ang numero ni Cameron. Samantala, si Cameron ay nasa Maybach patungo sa Azure Residence, ang pinakamayamang neighborhood sa Yrando. Sumingkit ang mga mata niya ng makita na tumatawag si Madison, pero sinagot pa din niya ito. “Ipaliwanag mo ang sarili mo, Cameron.” Sigaw ni Madison mula sa kabilang linya. “Paliwanag? Anong kailangan ko ipaliwanag sa iyo?” naguluhan si Cameron. “Gaano ka kawalanghiya? Alam mo ang ginawa mo, bakit hindi ka umaamin?” sigaw ni Madison. “Anong kailangan ko aminin?” sagot ni Cameron. “Sinaktan mo ba ang kapatid ko?” “Hindi ko inaasahan na magrereklamo sila agad sa iyo. Oo, pero…” “Sabi ko na!” hindi pinatapos magsalita si Madison si Cameron. “Anong karapatan mo na saktan si Skyler, walang hiya ka!” “Walang hiya? Bakit hindi mo ako tanungin kung bakit ko iyon ginawa?” “Kailangan ko pa ba malaman? Ikaw ang mali dahil sinaktan mo ang kapatid ko!” sagot ni Madison. “Heh. Kahit anong ginawa ko noon, ako pa din ang mali lagi.” “At least alam mo!” “Hmph,” ngumisi si Cameron. Hindi na gusto mag aksaya ng oras kay Madison, ibinaba niya ang tawag.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.