Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 7

“Pasensiya na, sasagutin ko lang ito sandali,” humingi ng tawad si Dakota kay Cameron. “Sige.” Ngumiti si Cameron sa kanya. Sinagot ni Dakota ang tawag. Narinig niya ang boses ni Madison mula sa kabilang linya. “Bakit ang tagal mo sumagot, Dakota?” “Huh?Tinawagan mo ba ako kanina?” tanong ni Dakota, nagulat siya. “Oo. Ilang beses din.” Tinignan ni Dakota ang call history at nakita niyang may ilang missed calls mula kay Madison. Humingi ng tawad si Dakota, “Pasensiya na, naging busy ako at nakalimutan ko na sumagot.” “Alam ko na busy ka sa trabaho.” “Paano mo nalaman?” “Hindi ba’t kilala kita ng husto? Natapos mo na ba ang trabaho mo?” “Mhm. Anong balita, Maddy?” “Oh, wala naman masyado. Gusto ko lang ipaalam sa iyo na hiwalay na ako,” sambit ni Madison. “Hiwalay? Bakit ka nakipaghiwalay bigla?” “Ugh. Bulag ako at nakipagrelasyon sa lalakeng iyon. Mabuti ang trato ko sa kanya pero nangaliwa siya in spirit!” “Nangaliwa in spirit?” “Ganito ang nangyari…” ipinaliwanag ni Madison ang mga pekeng love letters kay Dakota, sinasabi na hindi lang ginamit ni Cameron ang resources niya pero nagdemanda pa ng isang milyong dolyar na allowance kada buwan. Hiniwalayan siya ni Madison dahil nagsawa na siya. “Ang sama ng lalakeng iyon!” galit na sinabi ni Dakota ng marinig ang paliwanag ni Madison, hindi alam ang totoong nangyari. “Kalimutan mo na. Nakaraan na ito. Gusto ko lang maglabas ng kaunting sama ng loob. Anyway, matapos ang lahat ng pinagdaanan ko, may nakuha akong maganda ngayon sa buhay ko at iyon si Mr. Price.” “Kung ganoon dapat kita batiin,” sinabi ni Dakota. “Oo nga pala, Dakota, naaalala mo pa din ba ang pink hair bow na binili natin noong bata pa tayo?” “Oo, bakit?” tanong ni Dakota. “Naalala ko lang ng makita ko ito habang naglilinis kanina. Ito nga naman ang patunay ng pagkakaibigan natin!” “Oo nga. Matagal kong itinago ang bow na iyon!” may kaunting guilt sa boses niya. Nawala ang bow niya noong bata siya. Hindi niya sinabi kay Madison dahil nag-aalala siyang baka magalit si Madison sa kanya. Nawala ang pag-aalala ni Madison ng marinig ang sagot ni Dakota. Mukahng hindi nangaliwa si Cameron. May tiwala nga naman si Madison kay Dakota. Bukod pa doon, hinding hindi magugusutuhan ni Dakota si Cameron! “Iyon lang ang gusto ko pag-usapan, Dakota. Hindi na kita iistorbohin.” “Sige, Maddy. Huwag ka malungkot, okay? Lagi kitang kakampihan,” sagot ni Dakota. “Okay.” Ibinaba ni Madison ang tawag. Tila nahulog ang puso ni Cameron sa dibdib niya. Nabanggit nila ang hairbow sa tawag! Tama nga, si Dakota Jennings ang babaeng nakilala niya labing limang taon na ang nakararaan! Nanginginig si Cameron sa emosyon. “Okay ka lang?” gulat na tanong ni Dakota ng makita na nasasabik si Cameron. “Okay lang ako… May naalala lang ako bigla. Kaibigan mo ba ang kausap mo?” “Mhm. Bestfriend ko. Kakatapos lang niya makipaghiwalay,” sinabi ni Dakota. “Hiwalay?” nagkunwari na walang alam si Cameron. “Oo. Ang sama sa kanya ng lalake!” nagalit si Dakota habang iniisip. “Hm…” kumibot ang bibig ni Cameron. “Gaano siya kasama?” “Well…” ikinuwento ni Dakota kay Cameron ang lahat ng sinabi ni Madison kanina. Nagalit siya lalo habang nagsasalita. “Sinong mag-aakala na may katulad niyang lalake sa mundo? Hindi lang siya umasa sa kanya, pero nangaliwa pa siya in spirit?” “Heh, oo…” awkward ang sagot ni Cameron. Puwede ba niya sabihin kay Dakota na siya ang lalakeng ito? Pero malinaw na siniraan siya ni Madison. Tungkol sa love letters, maaaring mali lang siya ng intindi sa sitwasyon. Pero ang tungkol sa paghingi ni Cameron ng isang milyong dolyar kada buwan? Kasinungalingan iyon. Malinaw na siniraan siya ni Madison para itago na nangaliwa siya. Hindi alam ni Dakota ang totoo. Tinignan niya si Cameron at sinabi, “Sangayon ka, tama? Kapag may nakilala akong lalake na may ginawang masama, siguradong habang tulog siya… “ “Siguradong ano?” tanong ni Cameron, hindi maganda ang pakiramdam niya. Sumenyas si Dakota gamita ng mga daliri na tila may ginugupit. “Heh… hindi naman kailangan maging bayolente, tama?” tanong ni Cameron. Kinilabutan siya sa baba. Awkward na sinabi ni Dakota, “Well… hindi ko naman talaga gagawin iyon. Galit lang ako. Kung katulad mo lang lahat ng lalake sa mundo.” “Oh, ganoon ba…” naiilang na natawa si Cameron. “Siyempre naman!” sagot ni Dakota, akala na nagiging humble lang si Cameron. “Oo nga pala, hindi ko pa din alam ang pangalan mo. Inabala ka ni Maddy kanina,” idinagdag niya. “Hm, well… bakit hindi mo na lang ako tawagin na Mr. Morgan sa ngayon?” Napagdesisyunan ni Cameron na hindi isiwalat ang pagkakakilanlan niya. Hindi niya gustong magupit ni Dakota. “Nakakatawa ka talaga,” sagot ni Dakota habang nakatingin kay Cameron. Pakiramdam ni Dakota iba siya sa mga lalakeng nakilala niya. “Kung ganoon, Mr. Morgan na lang ang itatawag ko sa iyo.” Nakipagusap pa si Dakota kay Cameron. Noong tumawag lang ang ama niya at doon siya namaalam sa kanya. “Ito ang contact ko, Mr. Morgan. Nag-enjoy ako sa oras natin. Magkita tayo ulti sa susunod,” tinignan ni Dakota si Cameron na tila namimiss siya habang nasa pinto. “Ako din. Hanggang sa susunod muli.” Ngumiti ng matamis si Cameron. “Aalis na ako kung ganoon,” sinabi ni Dakota. Pagkatapos, nagmaneho siya sakay ang BMW 320i. Pinanood siya ni Cameron na umalis. Batid niya na base sa pag-uusap nila kanina na positibo at tuwid na tao si Dakota. Hindi lang sigurado si Cameron sa iiisipin ni Dakota kapag nalaman niya na siya ang bastos na tinutukoy ni Madison. Sana lang hindi talaga siya putulan ni Dakota ng… Umiling-iling si Cameron habang nakangiti ng kaunti. Pero naniniwala si Cameron na malulutas din ang hindi pagkakaintindihan balang araw. May mas mahahalaga pang mga bagay na dapat asikasuhin bago iyon. Kailangan bumalik ni Cameron sa villa para makuha ang hair bow. Kung hindi si Madison ang may-ari, hindi siya nararapat na itago ito.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.