Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 12

“Sige magkunwari ka!” ngisi ni Madison. Para sa kanya, umaarteng kalmado si Cameron para sa pride niya. “May problema ba sa utak mo?” nagsalubong ang mga kilay ni Cameron, nairita na sa pagiging arogante ni Madison. “Anong sinabi mo sa utak ko?” namula sa galit si Madison. Sumigaw siya, “Hindi ba’t sinabi mo na nakatira ka sa Azure Villa No. 1? Ibig sabihin kilala mo si Blackheart. Alam mo ba na pupunta siya sa Yrando sa loob ng tatlong araw?” “Pupunta si Blackheart sa Yrando?” nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano, hindi mo alam?” singhal ni Madison. “Hindi niya sinabi sa akin.” “Siyempre hindi, dahil hindi kayo magkakilala!” sagot ni Madison dahil kuntento na siya at nasiwalat niya ang kasinungalingan ni Cameron. “May isa pa akong sasabihin sa iyo: magkakaroon ng grand celebration si Blackheart para sa isang lihim na tao sa Venizon Cruise. Doon din gaganapin ang kasal namin ni Mr. Price!” “Sa Venizon Cruise?” bulong ni Cameron, may naalala siya. Ngumisi lalo si Madison. “Ang Venizon Cruise ay ang pinakamagarang cruise ship sa mundo. Pagmamayari din ito ni Blackheart! Personal kaming babatiin ni Blackheart sa kasal namin doon! “Kung afford mo talaga ang Azure Villa No. 1, bakit mo pinili ang walang kuwentang hotel para sa kasal natin? Tignan mo nga kung ikukumpara kita kay Mr. Price. Ano pa ba ang kaya mo gawin maliban sa magsinungaling?” “Dahil lang iyon sa sinabi mo na gusto mo ng tahimik at payapang buhay,” sagot ni Cameron. “Tama na, Cameron!” sigaw ni Madison hindi na maikubli ang galit niya. “Paano mo nagagawan maging walang hiya para bigyan ng dahilan ang kawalang silbi mo?” “Hindi mo na kailangan magalit sa katulad niya, Madison. Hayaan mo na lang siyang mabuhay sa pantasya niya. Hindi ba’t sinabi niya na pagmamayari niya noon ang Darth Holdings? Hindi nga siya makapaglabas ng isang milyong dolyar,” sagot ni Archie. Humarap siya kay Cameron, “Babalaan kita, bata—asawa ko na si Madison, kaya huwag mo na kami guluhin.” “Huwag ka mag-alala, hindi ako interesado sa kanya.” Sagot ni Cameron. Nawalan na siya ng gana kay Madison matapos malaman ang tunay na kulay niya at matapos madiskubre na hindi sya ang may ari sa hair bow. Nagsalubong ang mga kilay ni Archie. Paano nagagawa ni Cameron na magkunwari ng ganito? Galit na tinuro ni Madison si Cameron, sumisigaw siya, “Paano ko hindi nakita na pekeng tao ka, Cameron Morgan? Sabi mo hindi ka interesado sa akin, pero nandoon ka lagi kung nasaan ako. Bakit ka nasa Azure Residence ngayon?” “Sinabi ko na sa iyo, dito ako nakatira.” Kalmadong sagot ni Cameron. “Bakit hindi ka na lang pumunta sa impyerno!” sagot ni Madison. Hindi talaga tumitigil si Cameron sa pag arte niya! “Kalimutan mo na, Madison. Huwag na tayo makipagtalo sa lebel niya. Bakit hindi natin siya hayaan? Baka pagod na siya matapos umarte ng matagal,” tinignan ni Archie ng mapanghamak si Cameron. Karaniwang hindi binibigyan ng pansin ni Archie ang mga katulad ni Cameron. “Sige, Mr. Price.” Tumahimik agad si Madison. Ngumiti si Archie, na tila ipinapakita kay Cameron kung ano ang tunay na lalake. Walang ekspresyon sa mukha ni Cameron. Ang mas inaalala niya ngayon ay lumalamig na ang fries niya. “Bumalik na tayo, Madison,” sinabi ni Archie, pakiramdam niya naipakita na niyang higit siya kay Cameron. “Sige, dear,” sagot ni Madison, nakakapit sa braso niya. Bumalik silang dalawa sa Rolls Royce. Nagmaneho ito papasok sa Azure Residence… Naging tahimik na sawakas sa paligid ni Cameron. Bumalik na siya sa villa. Ding! Tumunog bigla ang phone niya. Si Blackheart. Sinagot ni Cameron ang tawag. Magalang ang boses, “Nakalipat ka na po ba sa villa, sir?” “Oo,” sagot ni Cameron. “Narinig ko na pupunta ka sa Yrando, Blackheart? At balak mo na magsagawa ng selebrasyon para sa akin sa Venizon Cruise?” “Narinig mo na po ba ang lahat ng iyon, sir?” gulat na tanong ni Blackheart. “Mhm.” “Gusto lang po kita sorpresahin, sir. Kaya hindi ko po ipinaalam sa iyo agad…” takot na paliwanag ni Blackheart. “Sige, gusto ko lang kumpirmahin sa iyo. Hindi kita sinisisi sa kahit na anong paraan,” sagot ni Cameron ng nakangiti. Phew. Nakahinga ng maluwag si Blackheart sa loob loob niya. “Kung ganoon, paano ang selebrasyon, sir?” “Hindi mo na ito kailangan gawin. Magtotour na lang ako sa barko,” sagot ni Cameron. Limang taon na ng huli niyang binisita ang cruise ship. “Opo, sir!” sagot ni Blackheart. “Isa pa pong bagay, sir…” “Ano iyon?” “Sa loob ng tatlong araw, ikakasal si Archie Price kay Madison Parker sa Venizon Cruise. Gusto mo ba na turuan ko sila ng leksyon, sir?” “Hindi na kailangan,” sagot ni Cameron. Hindi nararapat pagaksayahan ng effort at oras ang mga iyon. “Opo, sir. Iyon lang po ang gusto ko ipaalam sa inyo. Hindi ko na po kayo iistorbohin. Maghihintay po ako sa cruise ship sa loob ng tatlong araw, sir!” “Sige.” Ibinaba ni Cameron ang tawag at bumalik sa Azure Residence. Noong nakabalik siya sa villa, inubos niya agad ang burger at fries. Ding. Tumunog ulit ang phone niya dahil sa notification. Noong nakita ni Cameron ang messaging app niya, nakita niya ang isang message mula kay “Dakota Jennings.” Ngumiti siya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.