Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 13

Binuksan ni Cameron ang message at sinave ang numero. “Magandang gabi, Mr. Morgan!” mabilis na nagmessage si Dakota kay Cameron. Mayroon pang emoji sa dulo ng pangungusap. “Magandang gabi,” tinype ni Cameron. “Maraming salamat para sa ginawa mo kanina!” pinasalamatan siya muli ni Dakota. Kung hindi dahil sa tulong ni Cameron, hindi sana sasangayon si Bobby Kane makipagtrabaho sa pamilya niya. Si Cameron ay literal na tagapagligtas ng pamilya niya! “Masyado kang mabait, Ms. Jennings. Kung gusto mo talaga ako pasalamatan, okay lang sa akin ang ilan pang mga kape, haha!” “Sige! Pero sa tingin ko hindi ito mangyayari sa mga susunod na araw. Ikakasal na ang bestfriend ko, ang taong tumawag sa akin noong nag-uusap tayo. Sasamahan ko siya habang sinusubukan niya ang mga bridal gowns at ako ang magiging bridesmaid niya. Siguradong ililibre kita ng kape pagkatapos nitong lahat!” “Bridesmaid? Mukhang masaya iyon.” “Oo. Nag-aaral ako overseas noong huling beses na ikinasal si Maddy. Maganda itong pagkakataon para bumawi sa pinagsisisihan ko noon. Walang kuwenta pa naman ang pinakasalan ni Maddy noon.” Hindi mapigilan ni Dakota na magalit ng banggitin ito. Hindi lang inistorbo ng walang kuwenta na iyon si Maddy, pero sinaktan pa ang kapatid niya. Kasuklam-suklam siya! Ikinuwento ni Madison kay Dakota ang lahat sa tawag kanina. “Heh. Totoo?” naiilang na kumibot ang mga labi ni Cameron habang nagtytype ng mensahe. Napapaisip siya kung iboblock siya agad ni Dakota kapag isiniwalat niya ang pagkakakilanlan niya. “Totoo! Nagagalit ako kapag iniisip ko siya!” galit na tinype ni Dakota. “Huwag na natin siya pag-usapan kung ganoon,” naiilang na type ni Cameron. “Mr. Morgan, ang Venizon Cruise ship day dadaong dgito sa Yrando sa loob ng tatlong araw. Pupunta ka ba?” sagot ni Dakota, naghahanap ng ibang topic na pag-uusapan. “Oo.” “Dadalo ka ba sa kasal ni Maddy at Mr. Price, Mr. Morgan?” “Uh… hindi, pupunta lang ako para tignan ang barko.” “Sige. Anong malay natin, baka magkita tayo muli sa barko.” Umaasa si Dakota. “Haha, oo.” habang nagtytype si Cameron, nagdadasal siya na sana hindi sila magkita. “Oo nga pala, puwede ba ako magtanong sa iyo, Mr. Morgan?” Biglaang nagtype si Dakota. “Ano iyon?” “Nagkakilala na ba tayo noon?” “Bakit napatanong ka bigla?” bumilis ang tibok ng puso ni Cameron. Nakilala ba siya ni Dakota? “Iniisip ko kanina kung bakit mo ako tinulungan sa Darth Holdings,” sagot ni Dakota. Ngumiti si Cameron at sinabi, “Baka. Baka tadhana lang din. Naniniwala ka ba sa tadhana?” Tadhana? Bumilis ang tibok ng puso ni Dakota. Nagtatapat… ba si Cameron ng nararamdaman niya para sa kanya? “Ano… Anong ibig mo sabihin doon, Mr. Morgan? Hindi ko maintindihan.” Nanginginig ang mga daliri ni Dakota habang nagtytype. “Haha, huwag mo alalahanin iyon. Wala akong ibig sabihin doon,” type ni Cameron, malinaw na hindi alam ang iniisip ni Dakota. Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Dakota. Tama ba siya kung ganoon? P-Paano siya dapat sumagot? Sasabihin ba niya na naniniwala din siya sa tadhana? Pero hindi bat sumosobra siya kung sasabihin niya iyon? Bukod pa doon, paano kung nagbibiro lang si Cameron? Hindi ba’t maiilang sila sa isa’t isa? Ang akala ni Cameron ay hindi interesado si Dakota dahil nag-aalinlangan siya, kaya agad niyang tinype, “Pasensiya na, may kailangan ako asikasuhin ngayon. Mag-usap tayo ulit sa susunod.” “Okay, Mr. Morgan,” sagot ni Dakota. Ngunit, nagsisisi si Dakota. Kung sumagot lang siya agad kanina! Tunay kaya na gusto siya ni Mr. Morgan? Mabilis na isinantabi ni Dakota ang iniisip niya. Paanong magiging interesado sa kanya ang katulad ni Mr. Morgan? Tahimik na pinagalitan ni Dakota ang sarili niya habang nananaginip ng gising na pinapagaan lang ni Mr. Morgan ang mood niya. Ibinaba niya ang kanyang phone at naghanda para matulog. Pero ang naiisip lang niya ay ang sinabi ni Cameron kanina. Paikot-ikot si Dakota sa kama, hindi makatulog ng maayos. Samantala, si Cameron ay gising na gising sa villa. Iniisip niya kung paano niya ipapaliwanag ang relasyon niya kay Madison at Dakota sa hinaharap. … Mabilis na lumipas ang tatlong araw. Ngayon na engrandeng araw na dumaong ang Venizon Cruise sa Yrando. Apat na well-trained na mga sundalo ang nakatayo sa entrance ng cruise ship para tignan ang pagkakakilanlan ng mga sasakay. Mayroon 21 levels sa cruise ship, ang bawat lebel ay engrande. Nagtipon ang mga bisita sa ballroom sa sixth floor ng barko. Ang kasal ni Madison at Archie ay doon magaganap. Hindi mabilang na mga mayayamang mga tao ang pumunta doon para ibigay ang pasasalamat nila. Hindi sila nandito dahil lamang sa impluwensiya ni Archie pero dahil sa personal na ibibigay ni Blackheart ang blessing nila sa kanila. Kaya gusto mapabilang ng mga tao sa pangyayaring kabilang ang pinakamayamang tao sa mundo. Kung suwerte sila, baka makita pa nila si Blackheart ng personal! Sa oras na iyon, dumating si Cameron sa cruise ship ng pangkaraniwan ang suot. Hindi mabilang na mga emosyon ang naramdaman niya habang nakatitig sa pamilya na puting cruise ship. Pitong taon niyang kasama ang cruise ship na ito habang itinataguyod ang kanyang corporate empire. Papasok na sana si Cameron ng isang boses ng babae ang narinig niya mula sa likod, “Anong ginagawa mo dito, Cameron?” Napatigil siya sa pamiylar na boses. Noong humarap siya, nakita niya si Pia. Sa tabi ay si Skyler na mayroon pa din na plaster cast ang braso. Parehong malamig ang mga mukha nila. “May batas ba na bawal ako dito?” tanong ni Cameron, nakataas ang isa niyang kilay. “Nandito din kayong dalawa.” “Hmph!” suminghal si Pia. “Nandito kami dahil ang kasal ni Madison ay gaganapin dito. At ikaw naman?” “Nandito lang ako para maglakad-lakad,” sagot ni Camero. “Maglakad-lakad? Sa tingin mo ba palengke ito? Ang tagal mong nasa entrance. Sinusubukan mo ba guluhin ang kasal ng anak ko?” “Pasensiya na, pero hindi ako interesado sa kasal ni Madison.” “Kalokohan!” galit na sinabi ni Pia. “Bakit ka nag-aaksaya ng oras sa kanya, Ma? Sa tingin mo ba may kakayahan siyang sirain ang kasal ni Madison kahit na gusto niya?” sagot ni Skyler, mapanghamak ang tono niya. “Kailangan niya ng persmiso mula sa may ari ng barko o kaya wedding invitation para sumakay. Sa tingin ba niya pangkaraniwan itong barko na kailangan lang ng ticket para makapasok? “Tama ka, Skyler!” sumangayon si Pia. “Siguradong hindi siya magtatagumpay sa mga plano niya!” “Exacto, Ma,” sagot ni Skyler. Binali ni Cameron ang braso niya noong huli, kaya nangako si Skyler na ipapahiya niya si Cameron ng husto ngayon! “Tapos ka na ba? Kung tapos ka na, huwag kayo maging sagabal sa pagsakay ko sa barko,” sagot ni Cameron. Nagbago ang ekspresyon ni Skyler. Pakiramdam niya sinuntok niya ang hangin. Nag-tiim bagang siya at tinitigan si Cameron ng masama, “Bakit nagkukunwari ka pa din? Titignan ko kung paano mo balak sumakay ng walang imbitasyon!” “Manood ka ng mabuti kung ganoon,” sambit ni Cameron. Pagkatapos, naglakad siya papunta sa Venizon Cruise ship. Hindi na gusto mag-aksaya ng oras ni Cameron sa mga taong katulad ni Skyler at Pia. Magkaiba nga naman sila ng pagkakaintindi sa mundo.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.