Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 11

“Sa totoo lang naset ko na ang date para sa kasal namin, ma’am. Gusto ko lang sorpresahin si Madison tungkol dito,” paliwanag ni Archie. “Mangyayari ito sa loob ng tatlong araw sa Venizon Cruise, na nasa daungan ng Yrando sa mga oras na iyon. Doon sa barko magaganap ang kasal.” “Sa Venizon Cruise?” tanong ni Pia. Hindi pa niya naririnig ang barkong iyon. Nasabik si Madison. Tinanong niya si Archie, “Sa Venizon Cruise? Iyon ba ang pinakamagarang cruise ship sa buong mundo—ang Venizon Cruise?” “Oo.” mayabang na tumango si Archie. Hindi lahat may karapatan na ikasal sa Venizon Cruise. Ang magawa ito ay sapat na para ipakita ang estado ng pamilya Price sa Yrando! “Oh my goodness! Totoo ba iyon, honey?” sabik na sinabi ni Madison, hindi makontrol ang kanyang sarili. Ang Venizon Cruise ay ang worlds No. 1 cruise ship. Ang halaga ng paglikha dito ay umabot sa ten billion dollars! Maikukumpara ito sa isang palasyo na nasa dagat! Ang pinakamahalaga pa dito ay ang nagmamayari nito ay ang pinakamayamang tao sa buong mundo—si Blackheart! “Ang pinakamagarang cruise ship?” kuminang sa tuwa ang mga mata ni Pia. “Napakabait mo, Archie!” “Kahanga-hanga ka, Archie!” puri ni Skyler. “Tungkulin ko ito. Ang mahalaga ay masaya si Madison,” masayang sinabi ni Archie. Pagaktapos, tinignan niya si Madison, tinatanong siya, “Masaya ka ba sa plano ko, Madison?” “Siyempre naman!” tumango si Madison. “Gaganapin ang kasal natin bago iparehistro ang kasal, okay?” tanong ni Archie. Parte din ito ng plano niya. Gagamitin ni Archie ang kasal para makuha si Madison. Kapag nakuha na niya ang lahat ng kailangan niya, buburahin na niya si Madison. Ang marriage registration ay hindi mangyayari! Plano lang ito para idelay ang lahat. “Okay!” hindi makapaniwala si Madison sa mga plano ni Archie. “Mahala na mahal kita, dear!” Hinalikan niya ang kanyang pisngi. “Mahal din kita,” sagot ni Archie ng nakangiti. Naaayon ang lahat sa plano. “Oo nga pala, honey, hindi pa dumadaong sa Yrando ang Venizon Cruise. Bakit sila dadaong ngayon?” napapaisip na tanong ni Madison. Ang isang magarang cruise ship tulad ng Venizon Cruise ay hindi dadaon sa kung saan lang na daungan. Kailangan nito sa isang malaking daungan at hindi ito tumatagal ng isang araw. Kaya bakit nito napili na tumigil sa Yrando? “Base sa alam ko, dahil may iwewelcome na malaking tao si Blackheart,” sagot ni Archie. “Anong klaseng tao ito para mapapunta mismo si Blackheart ng personal?” nagulat si Madison ng marinig ito. At ang malaking taong ito ay nasa Yrando din mismo! “Hindi ako sigurado doon.” Umiling-iling si Archie. “Makikilala ba natin sila sa kasal, dear?” sabik na tanong ni Madison. “Siyemrep. Hindi naman mahirap makita si Blackheart kahit isang beses lang,” mayabang na sinabi ni Archie. “Personal na ibibigay ni Blackheart ang blessing niya sa atin.” Hindi ito dahil sa ginawa ni Archie, pero dahil binabati ni Blackheart ang lahat ng ikinakasal sa Venizon Cruise. Hindi ito alam ng marami. Nalaman lang ito ni Archie matapos makausap ang secretary ni Blackheart. “Ang galing mo talaga, honey! Mahal na mahal kita!” sambit ni Madison. Malinaw na hindi niya ito alam. Si Blackheart ang pinakamayaman na lalake sa mundo! Isang taong sa panaginip lang may pagkakataon si Madison na makilala! Para sa misteryosong tao na iwewelcome ni Blackheart, umaasa si Madison na makilala niya ng personal ang taong ito. Kung magkakaroon sila ng koneksyon ni Madison, magiging parte na talaga siya ng elite society! Kumpiyansa siya sa kanyang itsura at abilidad! … Samantala, lumipat si Cameron sa pinakamagarang villa ng Azure Residence, Azure Villa No. 1. Ito ay napalilibutan ng hamog para hindi makamundo ang dating nito. Matapos ang limang taon, bumalik na din sawakas si Cameron sa villa. Naupo siya sa sofa, iba’t ibang emosyon ang nararamdaman. Noong kinagabihan, napagdesisyunan ni Cameron na magluto ng hapunan dahil sa gutom. Pero walang masyadong gamit sa pridyider. Hindi niya gusto mang abala ng gabi na, napagdesisyunan niyang umorder ng takeout. Pero dahil sa mahigpit na seguridad sa Azure Residence at privacy policy, hindi makakapasok ang magdedeliver. Walang nagawa si Cameron kung hindi lumabas para kunin ang pagkain niya. Matapos makuha ang takeout niya, naglakad na pabalik si Cameron sa villa. Pero sa oras na iyon, isang Rolls Royce ang nagmaneho palapit sa kanya. Walang iba kung hindi si Archie at Madison ang nakasakay sa loob. Nakita nila sa malayo si Cameron. Napuno ng panghahamak ang mga mata ni Madison ng makita si Cameron. Sinabi niya, “Siya nanaman. Tama ang nanay ko ng sinabi niyang nananatili siya sa tabi tabi! Itigil mo sandali ang sasakyan, dear. Gusto ko linawin sa kanya ang lahat para hindi na niya ako istorbohin.” Hindi gusto ni Madison na guluhin ni Cameron ang relasyon nila ni Archie. “Sasama ako,” sinabi ni Archie, gusto linawin ang estado nila ni Cameron. Oo, ginagamit ni Archie si Madison, pero hindi niya hahayaan na may magkagusto sa babae niya sa ngayon. Tumigil ang Rollys Royce sa harap ni Cameron. Sumingkit ang mga mata ni Cameron sa liwanag ng ilaw. Matapos masanay sa liwanag, nakita ni Cameron na dalawa ang bumababa—si Madison at Archie. Naglakad palapit si Madison kay Cameron, sumisigaw, “Hindi pa ako nakakabawi sa iyo para sa pananakit mo sa kapatid ko, at naparito ka na agad at iniistalk ako?” “Ang lakas din ng loob mo na babaan ako kanina? Sabi mo ayaw mo na istorbohin ka ng pamilya ko? Bakit mo ako sinusundan ngayon?” “Sinusundan ka?” singhal ni Cameron. Hindi pa niya nasasabi kung gaano siya kamalas at nakasalubong si Madison ngayon. “Hindi ba?” tanong ni Madison, nakatitig ng masama kay Cameron. “May problema ba kung nakatira ako dito?” tanong ni Cameron. “Nakatira ka dito?” natulala si Madison. Noong nakita niya ang takeout sa mga kamay niya, suminghal siya, “Sobrang hirap mo at takeout lang ang kinakain mo, pero umaarte ka pa din na mayaman? Sabihin mo, saang villa ka nakatira?” “Azure Villa No. 1,” sagot ni Cameron. “No. 1? Hahaha! Sabi niya nakatira siya sa Azure Villa No. 1!” tumawa si Madison na tila nakarinig niya ng magandang biro. “Hmph!” singhal ni Archie. Ang Azure Residence ay nakapaelite na lugar. Kahit si Archie nagawa lang makabili ng villa na nasa baba ng bundok. Ang Azure Villa No. 1 ay pagmamayari mismo ni Blackheart! “Walang hiya ka talaga, Cameron Morgan! May ideya ka ba kung sino ang may ari ng Azure Villa No. 1?” tanong ni Madison. “Sinabi ko na sa iyo—ako,” sambit ni Cameron. “Sawa na talaga ako sa iyo, Cameron. Nakikita mo ba ang sarili mo? Seryoso ka ba kaya mo mabili ang Azure Villa No. 1?” nagalit si Madison sa sinabi ni Cameron. Sa tingin ba nila hangal silang dalawa? “Anong kinalaman nito sa iyo kung afford ko?” kalmadong sagot ni Cameron. “Ikaw!” nagalit si Madison. Napagdesisyunan niyang hindi na itago ang totoo, “Si Blackheart, ang pinakamayamang tao sa mundo ang nagmamayari ng Azure Villa No. 1! “Oo nga pala, ikakasal ako kay Mr. Price sa loob ng tatlong araw. Pakiusap huwag ka na magpakita na parang ligaw na aso. Wala ka ng pag-asa na makasama ako!” “Ikakasal ka? Congrats,” sagot ni Cameron ng nakangiti ng kaunti. Nabigla si Madison. Hindi niya inaasahan na ganito ang ugali niya. Nagmukhang tanga si Madison. Lalo siyang nagalit habang iniisip ito. Dahil ang gusto ni Madison ay makitang napapahiya si Cameron matapos malaman na ikakasal siya kay Archie, hindi kalmado tulad ngayon!

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.