Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 9

“Anong malay natin kung gaano kasama ang magiging epekto nito sa akin sa hinaharap kung patuloy siya na magkakaroon ng kinalaman sa iba’t ibang mga babae?” sambit ni Stacy. Base sa ekspresyon ni Mrs. Whitfield Senior, nagalit siya sa nangyayari. “Anong nangyayari dito, Xavier? Isa ako sa mga saksi ng nangako ang mga magulang ninyo ni Stacy sa inyong kasal. Paano ito nangyari? “Kung wala kang nararamdaman para kay Stacy, dapat sinabi mo sa mga magulang mo o ibang mga nakatatanda. Hindi naman kami mga matatandang hindi na nakikinig sa rason.” Sumimangot ako ng kaunti. Pero, nanatili akong magalang habang palapit kay Mrs. Whitfield Senior. “Gusto ko si Stacy, Mrs. Whitfield Senior.” “May gagawin ka ba na ganito kung tunay mo siynag gusto? At bakit ka magkakaroon ng ugnayan sa ibang babae, lalo na sa isang starlet?” hinampas niya ang braso ko. Disappointed akong tinignan ng lahat. Mukhang iniisip nila na naging walang kuwentang trust fund baby ako. Umiling-iling ako. “Gusto ko si Stacy, pero dati na iyon. Sa nakalipas na mga taon, inalagaan ko siya buong buhay ko at tinrato siyang prinsesa. Pero wala siyang nararamdaman para sa akin. “Kaya, hindi ako ang hindi tapat dito. Bukod pa doon, wala naman namamagitan sa amin ng babaeng nasa litrato.” Tumingin ako sa mga mata ni Stacy, pero ang mga salita ko ay nakadirekta pa din kay Mrs. Whitfield Senior. “Alam na alam niyang may pangako kami sa isa’t isa na magpakasal, pero nagkaroon pa din siya ng ugnayan sa ibang lalake. Paano siya nakakahigit doon?” “Linawin mo sang sarili mo, Xavier. Anong sinasabi mo na may ugnayan ako sa ibang lalake?” sagot ni Stacy. Umiling-iling ako. “Gusto ko na hayaan na may dignidad ka, Stacy. Ikaw ang pumilit sa akin. Ang baby na dinadala mo ay sapat na para sabihin kung may kinalaman ka sa ibang lalake o hindi. Hindi akin ang batang iyan; kaya huwag mo isisisi sa akin ito.” Natulala si Mrs. Whitfield Senior sa mga salita ko. Napatingin siya ng salitan sa amin ni Stacy. Panandalian niyang hindi alam kung paano magrereact. Pinanood kami ng mga bisita, napanganga sila. Ang lahat ay naghihintay sa kung ano pa ang mangyayari. “K-Kalokohan ang sinasabi mo!” “Sapat na ang simpleng imbestigasyon para mapatunayan kung kalokohan lang ang sinasabi ko o hindi. Hindi maliit na bagay ang mabuntis, Gina. Sa tingin ko dapat maglaan kayo ng oras ng asawa mo para harapin ang tunay na boyfriend ni Stacy. Tignan ninyo ng mabuti ang walang kuwentang basura na pumukaw sa puso niya!” Matapos iyon, tumalikod ako at umalis. Bago iyon, pinunit ko ang litrato na ginamit ni Stacy para pagbintangan ako. Nagkagulo bigla. Lumapit si Gina kay Stacy at kinaladkad siya palayo. Sumigaw si Stacy, “Sinong may sabi sa iyo nito, Xavier? Sino?” Hindi ko na ako nag-abala na tignan siya. Naiimagine ko kung gaano siya kapangit sa ngayon. “Alam ko na—si Cindy siguro! Paano mo nagawa na sabihin sa kanya ang lahat, ikaw na babae ka?” sigaw ni Stacy. Habang sumisigaw siya, maririnig ang boses ni Mrs. Whitfield na pinapagalitan siya. Ang lahat ng mga dumalo ay mula sa mga maimpluwensiyang mga pamilya. May isa ba sa kanila na nagmula sa mahirap na background? Sinong gusto ko na magkaroon ng kinalaman sa babaeng nabuntis ng hindi kasal? Kung iniisip ni Stacy na kaya niyang ikasal sa kahit na sinong mula sa mayaman na pamilya pagkatapos ng nangyari ngayong gabi, nagkakamali siya. Marahil mahihirapan siya humanap ng lalakeng gugustuhin siya. Alam ko na kung bakit ginawa ni Stacy ang plano niya ngayon gabi. Alam nga naman ng lahat na ipinangako kami sa isa’t isa para ikasal Ang plano niya ay para ipahiya ako sa harap ng mga maimpluwensiyang mga pamilya para tapusin ang ugnayan namin. Sa ganitong paraan, hindi na niya kailangan alalahanin ang kahit na anong makakasagabal sa relasyon nila ni Luca. Hindi ako kontra sa kagustuhan niyang tapusin ang ugnayan namin. Ang pagkakamali niya ay ang subukan na sirain ang reputasyon ko. Dahil sinubukan niya na gawin ito, ipinatikim ko sa kanya ang pinaplano niyang gawin sa akin at sinira ang reputasyon niya. Matagal ng magaling si Stacy sa pagbibigay sa kanyang sarili ng problema.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.