Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 10

Matapos ang pangyayari sa selebrasyon ng kaarawan ni Mrs. Whitfield Senior, ang reputasyon ni Stacy ay umasim ng husto sa nakatataas na lipunan. Ang kailangan ko gawin ngayon ay palalain ang lahat para sa kanya. Parte ng nakatataas na lipunan ay alam ang gulong pinasok niya, pero wala sa unibersidad namin ang nakakaalam. May insidente din na naghanap ng gulo si Luca at pinagbintangan ako na hayop sa forum. Lampa na ako kung hindi ako babawi sa kanya para doon. Gusto ko malaman ni Luca na may inargabyado siyang tao na hindi niya kaya! Ang taong nagmamanage ng forum ng university ay isang junior. Ang pangalan niya ay Sean Jones, at isa siyang henyo. Magtatagumpay siya sa buhay pagdating sa public relations. Ang mga celebrity na may iba’t ibang klaseng iskandalo o kaya bad publicity ay magiging mga A-lister dahil sa mga paraan niya. Pinuntahan ko siya, ang parte ng dahilan ay dahil gusto ko tulungan niya akong bumawi kay Luca at Stacy. Ang mas mahalaga, gusto ko siya na mapailalim sa akin para magamit ko ang buong potensyal niya. Nasa café ako nakaupo sa lamesa sa tabi ng bintana ng makita ko si Sean. Kumaway ako sa kanya at binati siya, “Hi, Sean.” Nagmadali siyang lumapit sa akin. “May kailangan ka ba mula sa akin, Xavier?” Naupo siya, mukhang ilag sa tao. Hindi siya naglakas loob na tumingin sa akin. Tumaas ang kilay ko. “Oo, sa totoo lang. Gusto mo ng kape?” Alam ko na magiging sikat na public relations officer sa hinaharap si Sean. Maaari niyang mabago ang tadhana ng kahit na sinong celebrity… pero mukha siyang duwag ngayon. Hindi mababa ang tingin ko sa kanya o anu pa man, pero ang kahit na sinong kaya magtagumpay sa field niya ay may kakaibang dating at karisma. Ito ay makakaapekto sa hinaharap nila. Kung ang public relations officer ay ilag sa tao at naiilang tulad ni Sean ngayon, walang magtitiwala sa abilidad nila. Ngumiti ng naiilang si Sean sa akin. “Ano, uh, hindi ko gusto ng kape.” Bigla niyang binawi ang mga kamay niyang nasa lamesa. Dito ko napansin na may mga chilblains sa kanila. Magkakaroon ka ba ng chilblains kung mainit ang panahon? Pero, malinaw pa din na hindi niya gusto na makita ko ito. Kaya, umarte ako na parang walang napansin. “Gusto ko humingi ng pabor sa iyo.” Nagbigay ako ng envelope. Binuksan niya ito at nakita ang litrato ni Luca. Nalitratuhan si Luca kasama ang iba’t ibang mga babae sa bawat litrato. Pinanood ko si Sean at nakita na nanlaki ang mga mata niya sa unang litrato. Sumimangot siya at nagtanong, “Para saan ang mga ito?” Bago pa ako makapagsalita, tumayo siya agad at sinabi, “Pasensiya na, pero ang kumuha ng litrato ng walang permiso ng tao ay maikukunsiderang paglabag sa batas. Hindi ako lalabag sa batas kasama ka.” Matapos iyon, tumalikod siya at umalis. “Sandali!” pinigilan ko siya.”Ang mundo ay hindi lang itim at puti, Sean. Ang batas ang bottomline, pero maraming mga bagay na hindi nasasakop nito. Ang moralidad at ethics ay ang mga bagay na namumuno dito. “May mga tao na hindi ethical at walang moralidad. Bakit natin sila hahayaan na makatakas sila sa mga nagawa nila at patuloy na makakapanakit ng mga tao?” Naisip ko na maraming sasangayon sa akin na mga mtao kapag narinig nila iyon. Batid ko na kailangan ni Sean ng pera. Ang mga chilblains sa kamay niya ay pruweba. Sa kasamaang palad, may maling nangyari dito. Hindi sumangayon si Sean na tulungan ako. Nanatili siya sa kung nasaan siya matapos ko magsalita. Sa oras na natapos ako, umalis na siya. Sumandal ako sa upuan ko at humigop ng kape. Interesante na makakita ng tuwid na taong hindi gusto na makuha ang hustisya para sa iba. Isa lang ang paliwanag para sa taong nahihirapan lumanggoy, nalulunod at ayaw kunin ang salbabida—may taong mas mahalaga kaysa sa kaligtasan nila. At ito mismo ang dahilan kung bakit nananatili si Sean na maniwala sa mga prinsipyo niya. Tinignan ko ang mga babae sa litrato. Sino ang pumipigil kay Sean? May inutusan ako para imbestigahan si Sean. Kasabay nito, inutusan ko ang tauhan ko para magpost anonymously sa forum. Ang title ng post, “Si Luca Hodge at mga Girlfriend niya.” Ito pa lang ang simula. Kinalaunan, maglalabas din ako ng balita tungkol sa pagdadalangtao ni Stacy. Napapaisip ako kung matatanggal sa school si Luca sa mga oras na iyon. Bumalik ako ng maganda ang mood ko sa dormitory, kung saan hinihintay ako ng mga kaklase ko. Ang dorm leader namin, si Dwane McNeil ay hindi mapakali ng makita ako. “Nagbalik ka na sawakas, Xavier! May masamang nangyari!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.