Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 8

Si Sarah Kent, or kilala bilang Mrs. Whitfield Senior, ay ginunita ang kanyang kaarawan kada taon. Ngunit, dahil 80 na siya sa taong ito, mas engrande na ngayon ang selebrasyon. Ang lahat ng mga maimpluwensiyang mga pamilya sa lungsod ay dadalo sa selebrasyon. Natural lang na ang pamilya ko at pamilya Greene ay dadalo. Naging abala ako hanggang tanghali dahil sa kumpanya ko. Pagkatapos, nagmadali akong magmaneho patungo sa Whitfield Manor. Sa oras na nakapasok ako sa manor, nakita ko na masama ang titig sa akin ng mga magulang ko. Mukhang galit din ang mga magulang ni Stacy. “Lumapit ka dito, Xavier!” sigaw ng nanay ko. Wala akong nagawa kung hindi sundin ang utos. Pagkatapos, nagalit siya, “Ang lakas ng loob mo na saktan si Stacy!” Sinampal niya ako. Hindi ako umiwas, inilagay ko lang ang kamay ko sa aking pisngi habang nakatingin kay Stacy na nasa mga bisig ni Gina. Mukha siyang mayabang, taas noo niya akong tinignan ng makita ako. Ngumisi ako sa loob-loob ko. So, ito pala ang pinaplano niya. Alam ko na sinampal lang ako ng nanay ko para sa kapakanan ng pamilya Greene. “Bilisan mo at humingi ng tawad kay Stacy!” Sa oras na iyon, sinabi ni Gina, “Tama na. Kumalma ka. Kaarawan ngayon ni Mrs. Whitfield; hindi ito event na puwede nating guluhin. Huwag natin ito gawin ngayon. Bukod pa doon, mabuti ang trato ni Xavier all this time kay Stacy. Sigurado ako na may dahilan siya para sa ginawa niya.” Sa oras na lumabas ang mga salitang iyon mula sa bibig ni Gina, sinabi ni Stacy, “Anong sinasabi mo, Ma? Masama ang ugali ni Xavier sa akin!: “Alam mo kung anong ginawa mong bata ka. Bakit hindi mo sabihin sa akin kung bakit siya galit sa iyo?” kalmado si Gina habang pinapagalitan si Stacy. Umasim ang mukha ni Stacy at hindi ako pinansin. Hindi nagtagal at nagsimula ang selebrasyon. Si Mrs. Whitfield Senior ay inilabas ng nakawheelchair. Nagsimula ang lahat na batiin siya, at masaya ang pakiramdam sa paligid. Pagkatapos ng selebrasyon, may masama na namang pinaplano si Stacy. Naglabas siya ng litrato at lumapit kay Mrs. Whitfield Senior, mukhang galit. “Kailangan ko ang tulong mo, Mrs. Whitfield Senior. Gusto ko tapusin na ang kalokohang pangako na pakasalan si Xavier.” Tumingala si Mrs. Whitfield sa kanya. “Teka, hindi ba’t naghahanap ka ng gulo dyan? Mabait naman si Xavier, hindi ba? Guwapo siya at responsable.” Ang tono niya ay mabait at palakaibigan. Pero, dahil siya ang rason kung bakit nagtipon ang lahat sa Whitfield Manor, hindi nagtagal at napukaw ang atensyon ng lahat ang pinag-uusapan nila ni Stacy. “Tignan m ang ginawa ni Xavier.” Naglabas si Stacy ng litrato sa mga kamay niya. “Sinampal pa niya ako para sa babaeng ito. Paano ako magpapakasal sa lalakeng may anger issues?” Napahinga ng malalim ang lahat sa sinabi niya. Ang iba pa ay nagsimulang magbulungan sa kanilang mga sarili. Nagalit si Gina, “Bumalik ka dito, Stacy! Alam mo dapat na hindi mo iniistorbo si Mrs. Whitfield Senior sa kaarawan niya!” “Dahil ayaw mo ako ipaglaban, Ma, wala akong magagawa kung hindi hilingin kay Mrs. Whitfield ito!” sagot ni Stacy. Sumimangot ako. Anong pinaplano niya ngayon? Wala akong intensyon na gumawa ng gulo dahil kaarawan ni Mrs. Whitfield Senior, pero mukhang ayaw niyang palampasin ang pangyayari. Lumapit ako sa kanila at tinignan ang litrato. Kinunan ito noong audition ni Makayla. Sa litrato, nakatayo ako. Dahil sa angulo ng pagkakakuha ng litrato, mukhang nasa mga bisig ko si Makayla. Hindi ko mapigilan na magalit. “Sa tingin mo ba nakakatuwa na gumawa ng gulong ganito, Stacy?” Tinitigan niya ako ng masama at inihagis ang litrato sa mukha ko. “Ang tawag mo dito gumagawa ng gulo? Mrs. Whitfield Senior, ito ang dahilan kung bakit kita nilapitan. Gusto ko na tapusin mo ang pangako namin sa isa’t isa na magpakasal habang nanonood ang lahat!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.