Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2

Hindi nagtagal bago naging viral ang post sa forums ng unibersidad. Tungkol ito sa publikong pagtatapat ng pag-ibig ni Luca para kay Stacy, ang pinakamaganda sa lahat ng freshmen. Mayroon din na malinaw na litrato ng pangyayari. Nakaluhod ng isang tuhod si Lucaat may hawak na pipitsuging boquet ng bulaklak para kay Stacy; kung saan si Stacy ay nakatakip ang bibig at mukhang nahihiya. Dapat masaya ang post na ito, pero ang mga kumento ay hindi. Ang mga nagkumento ay mga galit kay Luca. “Hayop na lalake si Luca Hodge. Siya ang pinakamalaking siraulo sa buong campus! Kung hindi lang illegal, matagal ko ng binali ang mga binti niya!” “Sandali, ano ba ang gusto ng mga babae kay Luca?” “Mula siya sa mahirap na pamilya, hindi ba? Okay lang ba siya talaga na umibig sa kanya?” Nag-scroll ako sa mga kumento at nabasa na ang mga ito ang inaasahan ko. Sa kasamaang palad, mukhang nagdesisyon na si Stacy. Sa nakaraan kong buhay, masyado akong nag-aksaya ng effort at oras sa kanya. Gusto ko na magfocus sa career ko. Maraming pera ang pamilya ko, kaya magagamit ko ito para mapaganda ang reputasyon ko at hinaharap. May ganito din na pribilehiyo si Stacy noon. Nilisan ko ang dorm, gusto na magmaneho paalis ng campus ng may makita akong dalawang palapit sa akin. Si Stacy at Luca ay magkahawak kamay, namumula ng husto si Stacy. Habang si Luca naman ay mukhang proud sa sarili niya. Sisindihan ko na dapata ang makina ng sasakyan ng mapansin nila ako. Naging galit bigla ang ekspresyon ni Stacy. “Anong ginagawa mo ngayon, Xavier? Pipigilan mo na naman ba ako?” Tinignan ko siya ng kakaiba. “Ano? Nababaliw ka na ba?” “Anong ibig mo sabihin?” galit pa din siya. Ang akala niya sisirain ko ang relasyon nila tulad ng ginawa ko noon. Sayang lang at mali siya. “Aba, hindi ba’t ito ang dati mong minamahal?” sarcastic ang tanong ni Luca. “Hindi ganoon, Lukey! Magpapaliwanag ako!” hindi mapakali ang ekspresyon ni Stacy. “Walang namamagitan sa amin. Nagkakalat lang siya ng mga chismis!” Hindi ko mapigilan na ngumisi sa sarili ko doon. “Ako, magkakalat ng mga chismis? Wala tayong kinalaman sa isa’t isa, Stacy. Huwag kang nakakadiri.” Pagkatapos, sinindihan ko ang makina ng sasakyan at nagmaneho palayo. Mula sa rearview mirror, nakikita ko si Stacy na nahihirapang sumakay sa electric scooter ni Luca. Hindi pa siya nakakasakay sa ganoon, mukha siyang nasa perya. Nagmaneho ako palayo, mero nakahabol sa akin si Luca. Noong tumigil kami sa stop light, sumipol siya sa akin, mayabang ang itsura. Tila ba nagyayabang siya sa akin na nakuha niya si Stacy. Si Stacy naman ay nakabaon ang mukha sa likod niya habang nakayakap ng mahigpit sa kanya. “Pagkakataon nga naman, huh?” tanong ni Luca na tila naghahamon. “Oo,” kalmado ko na sagot. Tumingin si Stacy, mukhang hindi niya magawang tumayo habang nasa scooter. Tinignan niya ako na mukhang nagmamakaawa ng kaunti at sinabi, “Pupunta kami sa city center. Puwede mo ba kami ihatid doon?” Tinignan ko siya. “Hindi ako dadaan doon.” Pagkatapos, itinaas ko ang bintana. Naging determinado ang ekspresyon niya. Noong puwede na umandar, nagmaneho ako habang nagsisindi ng sigarilyo. Hindi ako nagsinungaling—anumang landas ang gusto niyang tahakin ay hindi ko siya sasamahan. Simula sa oras na pinili niyang ipasagasa ako sa truck para ipaghiganti si Luca, naghiwalay na ang mga landas namin. Kahit na matagal na ang pinagsamahan ng mga pamilya namin, naging magkaaway na kami sa puntong iyon. Si Stacy ang nag-iisang anak na babae ng pamilya Greene, ito ang dahilan kung bakit nangako ang mga pamilya namin sa isa’t isa noong mga bata pa kami. Ang plano ay puwede namin imanage ni Stacy pareho ang family business kapag lumaki na kami. Habang bata, ang nanay ko, si Abby Tucker, ay laging sinasabi sa akin na si Stacy ay magiging asawa ko sa hinaharap, kaya dapat ko siya pasayahin at sundin ang mga gusto niya. Kailangan ko iwan ang mga magagandang mga bagay para sa kanya at matuto na protektahan siya para lumaki siya ng ligtas at maayos. Ito ang tungkulin ng lalake. Tinupad ko ang tungkulin ko sa nakalipas na 20 taon; hindi sumagi sa isip ko kahit na isang beses na si Stacy ang papatay sa akin. Hindi ko inaasahan na mamamatay ako sa mga kamay ng babaeng inalagaan ko buhay buhay ko. Pero ngayon, iba na ang lahat. Kung hindi mapapanatili ni Stacy na ligtas ang yaman ng pamiyla Greene, aangkinin ko ito. Dahil gusto ni Stacy na maging kalunos-lunos siya, hindi ko siya pipigilan! Hindi ako makapaghintay na makita ang mga magulang niyang magmakaawa sa aking habang lumuluha. Simula sa oras na nabuhay ako muli, nagbago na ang tadhana. Kakadating ko lang sa highway ng tumunog ang phone ko.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.