Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 3

Isa itong tawag mula sa nanay ni Stacy, si Gina Payne, “Narinig ko mula kay Cindy na nag-away kayo ni Stacy.” “Ano? Hindi, hindi kami nag-away. Nagsimula lang siya na makipagdate sa iba,” kaswal ko na sinabi. “Nakipagdate sa iba? Hindi ba’t ikaw ang kadate niya?” mukhang nagulat si Gina. “Ako? Kailan iyon nangyari? Ginagamit niya ba ako na palusot?” tanong ko. Pagkatapos, prangka ko na sinabi, “Anuman ito, magkaibigan lang kami. Wala akong masyadong alam sa buhay niya.” Ibinaba ko na ang tawag. Noon, laging lumalapit sa akin ang pamilya Greene sa tuwing gusto nila malaman kung anong ginagawa ni Stacy. Kung isusumbong ko siya, agad siyang lalapit sa akin para gumawa ng gulo para sa akin. Kaya, pinagtatakpan ko siya lagi. Pero ngayon, hindi ko na iyon gagawin. … Nilisan ko ang campus para magsimula ng kumpanya. Nasa memorya ko pa ang mga malalaking magaganap sa susunod na apat na taon, at nasa panig ko ang kapangyarihan ng aking pamilya. Sa pagkakataong ito, mas madali na lalapit sa akin ang tagumpay kaysa sa nakaraan kong buhay. Kasabay nito, umiisip din ako ng plano para makuha nag business ng pamilya Greene. Dahil gusto ko maghiganti, kailangan ko kunin ang lahat ng mayroon si Stacy. Hindi mahirap na magsetup ng kumpanya. Sa tanghali din na iyon, nagkaroon ako ng lisensiya para mag-operate. Para naman sa layunin ng business, napagdesisyunan ko na magtayo ng multimedia company, na may kinalaman sa business ng pamilya ko. Sa susunod na apat na ataon, bagong media nag magiging major trend. Ang tradisyunal na media ay magbabago din. Hindi lang ito pagsesetup ng company para kunin ang business ng pamilya Greene; gusto ko din paunlarin pa lalo ang business ng pamilya ko. … Noong nakabalik ako sa campus, nakasalubong ko si Stacy, na mukhang galit. “Tumigil ka dyan, Xavier!” “Anonng kailangan mo ngayon?” tumigil ako habang nakatingin sa kanya ng naguguluhan. “Hindi ko inaasahan na ganito ka! Nakikipagdate lang naman ako, hindi ba? Paano mo nagawangi sumbong iyon sa nanay ko? Wala kang kuwenta talaga! Kung malakas ang loob mo, makipagkumpitensiya ka kay Luca! Anong punto ng gumagamit ng ganitong taktika?” galit na sinabi ni Stacy. Nakatayo kami sa harap ng dorm ng mga lalake, at ilang mga tao ang napatingin sa akin. Dahil sa ganda ni Stacy, hindi mapigilan ng mga lalake na tignan ako ng masama at mayabang. “Huwag kang pa-victi, Stacy. Kung makipagdate ka man sa iba o kaya makipagdate sa kung sinong ponsyo pilato, wala akong pakielam,” seryoso ko na sinabi. Pagkatapos, tumalikod ako at umalis. Hindi malayo ang mararating niya sa buhay kung kayamanan ang tingin niya sa katulad ni Luca. Ano pa ang punto ng pakikipagtalo sa kanya? Hindi ito kailangan. Mukhang hindi naniwala sa akin si Stacy. Sinundan niya ako hanggang sa entrance ng dorm. “Kung wala kang pakielam, bakit mo sinabi sa pamilya ko? Kapag may naging problema sa relasyon ko dahil sa iyo, hindi kita mapapatawad!” Malinaw ang pananakot niya. Sa isang iglap, naalala ko kung gaano siya kayabang matapos ako patayin sa nakaraan ko na buhay. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sampalin siya. Napaatras siya, hawak ang mukha niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. “Ang lakas ng loob mo na sampalin ako!” sigaw niya. Sinugod niya ako, gusto niyang gumanti. Umatras ako at pumasok sa male dormitory. “Makinig ka, Stacy—walang kinalaman ang kagustuhan mo sa buhay ko; gawin mo kung anong gusto mo gawin. Kung hindi lang nagtanong ang nanay mo sa kung anong ginagawa mo, wala akong balak na magsabi ng kahit na ano. Lumayo kang babae ka!” Aaminin ko, ang sarap sa pakiramdam na murahin si Stacy. Tila ba nabunutan ako ng tinik. Natulala ang lahat sa dormitory buiding sa ginawa ko. Ang ibang mga estudyante ay napatigil para titigan ako at si Stacy. Gulat akong tinitigan ni Stacy at nanginig ng galit habang nanonood ang lahat. “Maghintay ka lang, Xavier!” Matapos iyon, tumakbo siya ng hawak ang mukha niya. Sumimangot ako at umiling-iling. Alam ko na may problemang parating. Tulad ng inaasahan, kailangan ko pagbayaran ang ginawa ko. Ang mga babaeng tulad ni Stacy ay gulo ang dala kahit na saan sila pumunta. Bumalik ako sa dorm ko, kung saan ako tinitigan ng mga dormmates ko. Alam nila ang relasyon ko noon kay Stacy, kaya hindi na sila nagtanong. Sa loob ng sampung minuto, tumunog ang phone ko. Tawag ito mula kay Cindy. Sa oras na sinagot ko ang tawag, sumigaw siya, “Ang lakas ng loob mo na sampalin siya, Xavier Wright!” “Oh? Bakit? Hindi mo ba aalamin ang nangyari at isisisi sa akin agad ang lahat?” tanong ko ng kalmado. “Walang maayos na lalake ang magiging pisikal sa babae, at si Stacy ang sinampal mo! Hayop ka!” Malayo sa tenga ang pagkakahawak ko sa phone ko, pero hindi ito nakatulong para mabawasan ang tinis ng boses ni Cindy. “Uh-huh. Kung ganoon, sabihin mo sa kanya na guluhin ang ibang maayos na lalake. Tantanan niyo ko.” Ibinaba ko ang tawag. Si Cindy ay isa pang hangal na ang alam lang gawin ay sigawan ako. Ito lang ang ginawa niya ng kunin ni Luca si Cindy. Ang masasabi ko lang ay nagiging boring na siya sa ginagawa niya. Bukod pa doon, marami pa akong dapat asikasuhin para maging abala ako. Kakasimula ko lang sa pagtaguyod ng kumpanya, at kailangan ko mag-invest ng oras para lumikha ng ma short films at short videos.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.