Kabanata 1
Ang pamilya ni Stacy Greene at pamilya ko ay matagal ng magkasundo, kaya ang mga pamilya namin ay itinakda na ikasal kami sa isa’t isa noong mga bata pa kami. Subalit, kahit na fiancée ko na siya, nahulog pa rin siya para sa lalake na sikat sa unibersidad na masama ang ugali.
Para maprotektahan siya at mapigilan siya na maloko, ginamit ko ang mga koneksyon ko para matransfer siya sa ibang unibersidad. Pero, bago ang aming graduation, nabangga ako ng truck na inorganisa niya.
Tinignan ako ni Stacy ng mapanghamak. “Anong karapatan ninyong lahat na magdesisyon sa kung sino ang papakasalan ko noong bata pa ako? Kung hindi dahil sa iyo, matagal ko na sanang nahanap ang true love ko!”
Noong iminulat ko ulit ang mga mata ko, napagtanto ko na bumalik ako sa oras noong nasa unibersidad pa ako. Ang lalakeng masama ang ugali ay nakatayo sa harap ko, mukha siyang gagawa ng gulo bago nagtanong, “Ikaw ba ang fiancé ni Stacy Greene?”
Umiling-iling ako “Hindi. Hindi ako.”
…
Habang tumatama sa akin ang liwanag, itinaas ko ang braso ko para protektahan ang mga mata ko. Ipinanganak… Ipinanganak ba ako muli?
Isang lalakeng mukhang basagulero ang tumayo sa harap ko. “Narinig ko na fiancé ka ni Stacy.”
Tinignan ko ang lalakeng pamilyar at ngumisi sa sarili ko, “Hindi, hindi ako. Chismis lang iyon na pinapakalat ng marami.”
“Oh.” Sagot niya, “Akin na si Stacy simula ngayon kung ganoon. Wala akong pakielam kung anong nangyari sa inyong dalawa noon; layuan mo na siya sa hinaharap.”
Hindi ko mapigilan na umirap sa pananakot niya. “Okay lang.”
Tumalikod ang lalake at umalis, mukhang astig ang tingin niya sa sarili niya. Pinanood ko siya.
Ang pangalan ng lalake ay Luca Hodge, at sikat siya sa unibersidad sa pagiging masamang tao. Mas matanda siya ng isang taon sa amin ni Stacy, at may kumakalat na chismis na may nabuntis siya sa oras na nakatungtong siya sa unibersidad.
Muntik na siyang matanggal noon, pero hindi iyon nangyari dahil ipinilit ng babae na hindi niya sinisisi si Luca.
Hindi naparusahan si Luca sa ginawa niya, pero mabilis na kumalat ang nangyari. Kaya, ang batang babae ay nagdrop out mula sa unibersidad habang buntis siya.
Samantala, nagpatuloy siya sa nakakainis na ugali niya at nanliligaw ng ibang mga babae. Si Stacy ay isa sa mga target niya.
Sa nakaraan ko na buhay, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para pigilan sila na magkatuluyan, pero ang napala ko lang dito ay galit at paghihiganti ni Stacy. At bago ako mamatay, nakipagbalikan siya kay Luca.
“Anong problema mo? Paano mo nagagawang magsabi ng iresponsableng bagay?” isang matinis na boses ang maririnig.
Tumingala ako at nakita si Cindy Whitfield, ang bestfriend ni Stacy. “Hahayaan mo lang ba ang hayop na iyon na makuha si Stacy?”
Tinignan ko siya. “Mukha ba na ayaw ni Stacy?”
“Hindi iyon ang punto ko. Gusto man niya o hindi, hindi ka dapat manonood lang at panonoorin siyang mahulog sa patibong! Alam ng lahat sa unibersidad kung anong klaseng tao si Luca—hayop siya…”
Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. “Tama na. Kung alam ng lahat na hayop si Luca, paanong hindi malalaman ni Stacy?”
Hindi makapaniwala akong tinignan ni Cindy ng marinig niya ang sinabi ko. “Hindi mo ba alam kung gaano kadali maimpluwensiyahan si Stacy?”
Tumingin ako sa mga mata niya. “Matanda na siya. May kakayahan siyang humusga at magdesisyon.”
Matapos iyon, tumayo ako at umalis. Hindi makapaniwala ang ekspresyon ni Cindy. “Nabaliw ka na ba? Hindi ba’t ipinagkasundo kayo sa isa’t isa ng mga pamilya ninyo?”
Kumaway ako sa kanya ng hindi lumilingon pabalik at sinabi, “Makalumang napagdesisyunan lang iyon ng mga matatanda. Nabubuhay tayo sa modernong panahon; hindi maganda na mabuhay sa makalumang mga kasanayan.”
Matapos lisanin ang cafeteria, bumalik ako sa dorm. Matanda na si Stacy at may kakayahan siyang magdesisyon para sa sarili niya. Ito ang sinabi niya sa akin sa nakaraang buhay ko.
Sa gabing iyon, hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ni Luca at nagalit sa akin, “Malaki na ako! Kaya ko na humusga at magdesisyon para sa sarili ko!”
Hinatak ko siya palayo bago may inutusan para baliin ang kamay ni Luca. Sa parehong gabi na iyon, ginamit ko ang mga koneksyon ko para itransfer si Stacy sa ibang unibersidad. Pero sa parehong gabi din na iyon nagsimula akong kamuhian ni Stacy.
Sa nakalipas na apat na taon, ginawa niya ang lahat para maging sila ni Luca. Hindi siya titigil hanggang sa magkatuluyan sila.
Galit siya sa akin, at ang isa sa mga bagay na sinabi niya sa akin ay nahanap na sana niya ang kaligayahan niya kung hindi ako nakielam. Dineklara din niya na pagbabayarin niya ako sa mga ginawa ko.
Sawakas, makalipas ang apat na taon, bago ang aming graduation, may inupahan siyang driver mula sa kalapit na construction site. Inutos niya na banggain ako gamit ang truck habang naglalakad ako sa ruta na dinadaanan ko lagi.
Bumagsak ako habang naliligo sa sarili kong dugo, sinagot niya ang isang tawag at malambing na bumulong sa tao na nasa kabilang linya.
Ngayon at nagkaroon ako ng panibagong pagkakataon sa buhay, hindi na ako makikielam sa buhay niya at mga desisyon. Dahil si Luca ang pinili niya, ibibigay ko sa kanila ang blessing ko.
Kasabay nito, maghihiganti ako kay Stacy. Dahil pinatay niya ako, ipapatikim ko sa kanya ang ang pagdurusa ng isang daang ulit na mas masahol pa sa kamatayan!
Isinarado ko ng mahigpit ang mga kamao ko noong gabi.