Kabanata 6 Daddy, pwede mo bang iuwi si Mommy mula sa Mars?
Nilagpasan ng isang itim na Maybach ang dalawang hanay ng matataas na puno ng Chinese parasol at nakarating ito sa mansyon ng mga Fudd na nakatago sa likod ng mga puno.
Sa pagkakabalot sa dilim, nagmukha lalong mataimtim at matayog ang Fudd mansion.
Pumasok si Heaton Fudd sa bahay at nakita si John Fudd na nakaupo sa sofa sa sala. Magalang siyang bumati, “Papa.”
Nakakapit sa saklay ang inuubang kamay ni John Fudd at suminghal siya, “Kung kinikilala mo akong ama mo, maghanap ka na kaagad ng asawa. Ihanap mo ng nanay si Little Jelly Bean! ‘Wag mo nang hintaying mamatay ako nang hindi ka ikinakasal!”
Sa nakaraang tatlong taon, ang pinakamalaking reklamo ni John tungkol kay Heaton ay ang ‘di nito pagkakaroon ng girlfriend at hindi rin niya pagpapakasal. Nitong mga nakaraang araw, mas madalas nang nangungulit ang matandang lalaki.
Kalmadong hinarap ni Heaton ang sitwasyon. “Ayos lang naman sa akin ang mga anak na babae ng Quinn, Zharko, Lewis, o Sullivan family. Walang kaso sa akin kung sino’ng mapangasawa ko. Pero alam niyo naman ho na ayaw ni Little Jelly Bean sa mga babaeng ‘yun.”
Dahil sa galit, kinalabog ng matanda ang sahig gamit ang saklay niya. “Heaton Fudd, sa tingin mo ba ay ‘di ko nakikita? Ginagamit mo si Little Jelly Bean bilang excuse!”
Inilagay ni Heaton ang isang kamay sa bulsa niya at walang bahalang sumagot, “Papa, kung wala na po kayong iba pang sasabihin, aakyat na ako para makita si Little Jelly Bean ngayon.”
“Diyan ka lang!”
Tumayo ang matandang lalaki. Akay-akay ang saklay, naglakad-lakad ito sa kwarto. “Kung ayaw ni Little Jelly Bean sa mga babaeng ‘yun, hanapin mo ang tunay niyang ina! Sa tingin mo ba maloloko mo ‘ko? Paano magiging ama ng isang three-year-old ang isang single father? Malalaman ng mga tao ang tungkol kay Little Jelly Bean kapag lumaki na siya. Gusto mo bang isipin nila na ang apo ko, ang anak mo, ay anak sa labas?!”
Nakatitig lang si Heaton sa hagdan at nagdidilim na ang paningin niya.
“Maghahanap po ako ng daughter-in-law para sa inyo within the month.”
Sumagot si John Fudd habang hinihimas ang hawakan ng saklay. “Siguraduhin mong ‘di mo ako bibiguin.”
…
Nagpatuloy na si Heaton sa pag-akyat at pumunta siya sa baby room – ang pinakamalapit na kwarto sa kwarto niya. Isang maputing bata na may magandang mukha ang nakaupo sa kama sa ilalim ng liwanag. Hawak-hawak ng maliit niyang kamay ang isang drawing book. Naglaho ang panlalamig sa mga mata ni Heaton at napalitan ito ng aliw at pag-aaruga. “Jelly Bean, bakit ‘di ka pa natutulog?”
Binitawan kaagad ni Little Jelly Bean ang libro nang marinig ang boses ng Daddy niya. Inalis niya ang dilaw na kumot na may Snoopy pattern at bumaba agad siya sa kama nang nakapaa. Tinagpo naman siya kaagad ni Heaton dahil nagaalala ito na mahulog ang munting bata. Niyakap niya ang maliit na munchkin na tumalon din papunta sa mga bisig niya. Inakap ng mga braso niya ang bata.
Ngumiti si Little Jelly Bean at makikita ang puting mga ngipin nito. Malaki ang mga mata niya at napaka-cute nang sabihing, “Daddy, hinihintay ka ni Jelly Bean. Five days na kitang ‘di nakikita ‘di mo po ba ako namimiss?”
Humalik si Heaton sa pisngi ng anak niya at malumanay na sumagot, “Syempre namiss ka ni Daddy pero kailangan kasi mag-work ni Daddy para may money tayo para sa pagpapalaki sa’yo. Kung hindi, paano tayo bibili ng snacks at milk para sa’yo?”
Sumimangot ang malalambot na mga labi ng little munchkin. May kaunting pagkunot din ng mga kilay niya, “’Di kailangan ni Jelly Bean ng rice, snacks, or milk. Pwede bang samahan na lang ako ni Daddy nang mas madala? Lahat ng mga bata sa kindergarten sinasamahan ng mom at dad nila, pero si grandpa ang naghahatid sa’kin. ‘Di ako happy.”
Buhat ang kanyang anak, naupo si Heaton sa kama at hinaplos ang ulo ng munting bata. “Paano ka lalaki kapag ‘di ka kumain ng snacks at ‘di ka uminom ng milk? Be a good girl, dadalhin ka ni Daddy sa zoo this weekend, okay ba ‘yun?”
Lumiit ang mga kulay itim na mata ni Jelly Bean na tila cute na mga crescent moon. Niyakap ng maliliit niyang braso si Heaton at sabik na sabik, “Daddy, bawal magsinungaling sa’kin!”
Tumatalon talon ang malilit na paa ni little munchkin sa kandungan ni Heaton. Inilabas ng bata ang hinliliit niya sa kamay, “Pinky swear!”
Natawa si Heaton. Ikinapit niya ang daliri niya sa hinliliit ng anak niya. “Okay sige, magiging aso si daddy kapag ‘di niya tinupad ang promise niya.”
Umangat ang pajamas ng munting bata at lumabas ang pulang marka sa braso niya. Nagsalubong ang kilay ni Heaton at hinawakan ang kamay ng anak niya. “Sinong nang-bully sa yo, Little Jelly Bean?”
Nawala ang ngiti sa mukha ng bata nang mabanggit ng daddy nya. Sumimangot ito at naupo sa yakap ni Heaton. Malungkot siyang nagkwento, “Si Grandpa ang naghahatid sa’kin sa school araw-araw kaya ‘di nakikita ng mga classmate ko yung parents ko. Sabi ni Cherry sinungaling daw ako, sabi niya wala akong magulang!”
Nawala ang kunot sa noo ni Heaton. “So nakipag-away ka kay Cherry?”
Isiniksik lang ng bata ang sarili niya sa dibdib ng daddy niya at malungkot na nagtanong, “Daddy, nasa Mars po ba talaga si Mommy? Kailan ko pwedeng mahanap si Mommy?”
Sabi ng daddy niya ay masyadong mainit sa Mars at masyado rin siyang bata para magpunta sa Mars. Pwede lang siyang pumunta sa Mars at hanapin ang mommy niya kapag malaki na siya, pero gaano ba dapat siya kalaki para makapunta doon?
Nandilim nang bahagya ang mga mata ni Heaton. “Little Jelly Bean, gusto mo ba talaga ng mommy?”
Seryosong tumango si Little Jelly Bean at malambing na sumagot, “Kanina, sabi ni teacher sa’min i-drawing daw namin ang sarili namin kasama ang parents namin. Sa drawing ko si daddy lang ang kasama ko at may hawak sa kamay ko kaya napagsabihan ako ni teacher. Daddy, pwede mo na bang iuwi si mommy mula sa Mars?”
Tinitigan ni Heaton ang naluluhang mata ng anak niya. Nanahimik siya nang ilang saglit. Saka niya naalala ang imahe ni Verian na biglang pumasok sa isip niya. Noon niya lang napagtanto na kahawig ng babaeng lumapit sa kanya ang mga mata ni Little Jelly Bean.
Niyakap ni Little Jelly Bean ang daddy niya at inalog ang leeg nito dahil nananahimik ang ama niya. “Daddy, pwede bang sunduin mo na si mommy?”
Mahal na mahal ni Heaton ang anak niya pero ang nagawa lang niya ang tumingin sa kanyang orasan. Binuhat niya si Little Jelly Bean at inihiga na sa kama. Sabi niya, “Late na, matulog ka na. Si daddy ang maghahatid sa’yo bukas sa school.”
Kinapitan ng maliliit na kamay ni Little Jelly Bean ang malaking kamay ni Heaton, “Daddy, promise mo sa’kin iuuwi mo na si mommy mula sa Mars!”
Yumuko lang si Heaton at humalik sa noo ng anak niya, “Good night, Jelly Bean.”
Maamong ngumiti si Little Jelly Bean sa kanya at kumurap, “Good night, daddy.”
…
Lumabas na si Heaton sa baby room at tinawagan ang assistant niyang si Kush Xavier. “Alamin mo kung sino ang surrogate three years ago.”
Sa kabilang linya, bahagya namang nagulat si Kush. Three years ago, matinding seguridad ang pinairal nila para makaiwas sa mga problema. Bakit naman biglang naisipang hanapin ni boss ang babaeng ‘yun ngayon?
“Sige po, Boss. Aalamin ko kaagad.”