Kabanata 5 Kaya Mo ‘To
Alas otso na ng gabi. Isinaman ni Guin sa magarbong dinner party si Verian na nakaayos at nakabihis rin nang mabuti.
Nakahanay sa labas ng venue ang mga mamahalin at limited edition na luxury cars. Lahat ng mga dumalo sa party ay mayayaman at maimpluwensyang mga tao tulad ng mga presidente ng kumpanya, mga socialites, at mga tagapagmana. Syempre may iilan ring taliwas sa karamihan tulad ni Verian Mont, and damsel in distress ng North City.
Kahit na tapos na ang insidente, may ilang mga bagay sa nakaraan ang hindi kaagad na bubura sa puso’t isip ng mga tao.
Itinuro ni Guin ang isang matangkad na lalaki sa ‘di kalayuan at bumulong kay Verian, “Ayun si Heaton Fudd, gusto mo ba siyang makausao? Pero ha, Rainie, paalala ko lang sa’yo magdalawang isip ka bago ka kumilos.”
Nababalot ng glamoroso ang lalaki. Nakapalibot sa kanya ang mga naggagandahang kababaihan.
Huminga nang malalim si Verian at inagat bahagya ang mga labi niya para sa maliit na ngiti. Kumuha siya ng isang baso ng alak at maglalakad na sana suot ang kanyang high heels papunta sa lalaki.
Pero bigla siyang hinila ni Guin. “Kakausapin mo siya nang ganito? Girl, alam mo bang mabibigo ka agad kapag pumunta ka dun nang ganito lang? Tignan mo ‘yung mga babaeng ‘yun sa paligid niya, lahat sila…may hinaharap!”
Tumayo nang mas mataas si Guin para tumaas ang dibdib niya. Hinila niya pababa ang neckline ng dami ni Verian hanggang may sapat nang cleavage na makikita.
Mahiyain si Verian at namula ang kanyang mga tenga.
Itinaas naman ni Guin ang kamao niya at sinabing, “Magtiwala ka sakin, Verian. Kaya mo ‘to!”
Nag-ipon ng lakas ng loob si Verian at bahagyang hinawi papunta sa likod ang buhok niya. At kaaya-aya siyang naglakad papunta sa lalaki.
Naakit ni Verian ang atensyon ng marami habang naglalakad siya papunta kay Heaton Fudd. May ilang nagsususpetsa, may ilang nag-aalangan, at mayroon ding mga nagulat.
“Pamilyar ang babaeng ‘to.”
“Tingin ko nakita ko na siya noon…Naalala ko na! Siya ata ‘yung anak ng Mont Family na nalugi three years ago!”
“Huhu…” Miserable ang Mont Family noon. Yung tatay niya, si Grayson Mont, nagpakamatay daw yun kaya tumalon mula sa building. Sabi-sabi noon nakakapanlumo daw yung eksenang ‘yun!”
“Narinig ko rin na pinalayas siya ng stepmother at stepsister niya sa bahay nila at walang natira sa kanya!”
“Ang tagal niyang nawala pero ang lakas ng loob niyang bumalik sa circle na ‘to ha, ‘di niya ba alam na ‘di lumalamang sa isang manok ang kalbong agila?”
Mas tumuwid ang tayo ni Verian sa kabila ng mga bulung-bulungan salikod niya.
Tama ‘yun, siya nga si Verian Mont. Nalugmok man siya noon sa hirap, ‘di naman nun pinigilan ang determinasyon niya ngayon na makuha ang loob ni Heaton Fudd!
Sa ilalim ng chandelier, tumalikod ang lalaking may hawak ng baso rin ng alak. Bigla namang natuon sa mukha ng babaeng papalapit sa kanya ang mapanlamig niyang tingin.
“President Fudd, nice to meet you. Ako nga pala si Verian Mont.”
Inilabas niya ang palad niya para batiin ang lalaki. Pero tinitigan lang ito ng lalaki habang umiinom ng alak at habang nasa ilalim ng pagtitig ng mga manonood. Wala siyang intensyon ibalik ang pagbati.
‘Di rin naman nagalit si Verian at ‘di rin niya naramdaman na ‘di ito akma. Sa halip, nagpatuloy siyang magsalita gamit ang malumanay na tono, “President Fudd, nabalitaan kong nabili ninyo ang lupa sa Navy Road. Andoon po ang villa ng Papa ko sa Navy Road. Baka naman pwede kayong maawa sa’min…”
Bago pa niya matapos ang sasabihin, itinago na ni Heaton ang isang kamay niya sa bulsa at tumalikod na para umalis na parang walang nangyari.
May kaunting kaba na si Verian. “President Fudd, alam kong busy kayong tao. Pwede niyo po ba akong mapagbigyan kahit limang minuto lang?”
Sumikat sa mukha niya ang liwanag ng chandelier at lalo nitong ipinapakita ang mahigpit at istrikto niyang mukha. Tinignan lang nito ang dalaga sa gili ng mga mata niya, “Sino ka naman para bigyan ko ng limang minuto?”
Naghihintay lang ang mga manonood sa paligid na ipahiya ni Verian ang sarili niya.
Malakas na ang tibok ng puso ni Verian pero sa labas ay mukha pa rin siyang kalmado. Bumuo ng isang ngiti ang mga labi niyang naging kulay pula dahil sa lipstick. Naglakad pa siya papalapit at tumigil lamang sa harap ni Heaton. Inilapit niya ang mga labi niya sa tenga ng lalaki at bumulong sa di mawaring tono, “President Fudd, kung ayos lang sa’yo, kahit buong gabi pa.”
Hindi hilig ni Verian ang paggamit ng ganitong stratehiya pero kailangan niya talaga ito ngayong gabi. Naiinis siya sa sarili niya pero sa totoo lang ay kailangan niya ring magamit ang natitira niyang baraha.
Lumingon si Heaton nang kaunti; tinitigan ng itim niyang mga mata ang namumulang mukha nang malinaw. At sumagot siya, “Miss Mont, mukhang hindi ito ang una nating pagkikita.”
Sa sitwasyon ngayon, mukhang nagpanggap nga lang ang babae sa aksidente tatlong taon na ang nakalipas?
Naguguluhan si Verian at bahagyang nagtagpo ang mga kilay niya. Inalis ni Heaton ang maliit niyang kamay na nakabalot sa batok nito.
‘Di sumuko si Verian. Sinundan niya pa rin ang lalaki. Sinadya ni Heaton na tumigil at nabangga ng malapad na likod nito ang ilong ni Verian.
Dahil sa suot na high heels, halos ‘di makabalanse si Verian.
“President Fudd, mahalaga po sa akin ang villa, parang awa niyo na…”
Umikot si Heaton at nakita niya ang namumula at nakakaawang mga mata ng babae. Nanatili siyang pasensyoso at tumayo nang tuwid sa makinang at itim na leather shoes niyang suot. Inangat niya ang mga daliri niya at itinaas ang damit ni Verian mula sa sinadyang pagkakababa nito. Walang emosyon sa tono ni Heaton, “Miss, mahalin mo man lang ‘yung sarili mo kung ‘di ka handang ibigay ang lahat.”
Ni hindi maramdaman ang galit, tuwa, o awa sa boses niya. Sobrang mapanlamig lang ito at nakakapangilabot.
Tumayo pa rin siya sa ilalim ng ilaw habang nakatingin sa likod ng lalaking papalayo. Itinuturo at pinag-uusapan siya ng mga taong nanghahamak sa kanya.
“Sabi sa’yo eh! Imposible na interesado sa kanya si President Fudd!”
“’Di ba! Tinanggihan nga ni President Fudd ang isang sikat na celebrity noong nakaraang buwan, bakit naman siya magkaka-interes sa isang damsel in distress?”
Si Guin, na naghahanap ng pagkain, ay napatakbo sa eksena dahil nakakutob siya nang masama. Hinila niya si Verian at lumabas sila kaagad mula sa venue.
Tinapik ni Guin ang dibdib niya at nangako, “’Wag mong pansinin ‘yung mga ‘yun. Lumapit ka kay Heaton para hilingin na ‘wag niyang idamay ang villa ng Mont Family, ‘di ba? ‘Wag kang mag-alala aayusin natin ‘to!”
Napuputol ang boses ni Verian habang kagat niya rin ang labi niya. “Guinnie, ayos lang ako. ‘Di ako napahiya ni Heaton, nag-aalala lang ako na baka ‘di ko mapigilan ‘yung demolition project ng Fudd Group sa loob ng isang linggo.”
Mahinang sinagi ni Guin ang balikat ni Verian. “Palagi namang may mga ‘di inaasahang pangyayari. Malay mo, hindi idemolish ni Heaton ang villa mo?”
“’Wag na natin ‘tong pag-usapan. Siya nga pala, sabi mo sa’kin may alam kang trabaho na malaki ang bayad. Saang kumpanya ‘yun?”
May kapilyahan sa mga mata ni Guin. “Sa Department of Art and Design ng Fudd Group.”