Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2

Hinawakan ko ng mahigpit ang tablet habang papalabas ako ng kwarto ni Zachary at dumiretso sa study ni Steven. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangang si Jessica pa. Unang beses kong narinig ang pangalang iyon ay sa kasal namin. Noon, maganda ang pakikitungo sa akin ni Steven. Sa tuwing nalulungkot ako, inaaliw niya ako, sinasabing, "Ayos lang ‘yan. Wala namang perpekto." At matiyaga siyang sumama sa akin hanggang sa bumuti na ang pakiramdam ko. Noong nagkasakit ako, binitawan niya ang lahat para alagaan ako. Dahil doon, nagpasya akong pakasalan siya, kahit na ang ibig sabihin nito ay lumipat sa malayo. Habang nakatayo ako sa aking damit-pangkasal, hawak ang isang bouquet, nangangarap tungkol sa aming hinaharap, narinig ko ang kanyang mga kaibigan na nag-uusap tungkol sa kanyang first love. "Akala ko si Steven at Jessica ang magkakatuluyan. Mahal na mahal nila ang isa't isa noon." "Oo, bagay na bagay talaga sila." "Sayang naman." Ang kanilang tunay na panghihinayang ay naging dahilan upang kwestyunin ko ang sarili ko kung talaga bang mahal ako ni Steven. Kakausapin ko pa lang sana siya, nang nakita ko siyang lumapit sa kanila na may madilim na ekspresyon. Bakas sa boses niya ang matinding galit na hindi ko pa narinig noon. "Ilang beses ko nang sinabi sa inyo na ayaw ko kay Jessica! Marahil hindi ko ito nilinaw noon, kaya makinig kayong mabuti ngayon. Kapag binanggit niyo siya ulit sa harap ko, tapos na tayo!" Nabawasan ang pag-aalala ko nang marinig ko ang mga salitang iyon. Hindi lang niya ayaw kay Jessica. Kinamumuhian niya siya. Pero ngayon, hindi ko maalis ang pagdududang nararamdaman ko. Bakit niya isinama si Zachary para makita si Jessica pagkatapos niyang bumalik? Sa unang pagkakataon, kinuwestiyon ko ang kaligayahan ng aming pagsasama. Hindi ako kumatok sa pinto gaya ng karaniwan kong ginagawa. Sa halip, tinulak ko ito ng diretso. Nakasubsob si Steven sa trabaho, ngunit nang marinig niya ang pinto, lumingon siya. Nang makita niya ako, binitawan niya ang lahat at naglakad palapit sa akin. "Anong problema, honey?" Malumanay ang boses niya, parang nasa honeymoon phase pa rin kami. Pero nang marinig ko ang nag-aalalang tono niya, walang tigil na tumulo ang mga luha ko. Maging sa sandaling ito, mukhang mahal niya pa rin ako. Gayunpaman, ito rin ang taong nagtaksil sa akin. Ilang sandali pa ay huminto siya sa harapan ko. Nakatayo sa taas na anim na talampakan dalawang pulgada, hindi siya gaanong maskulado, ngunit ang kanyang regular na pag-eehersisyo ay nagbigay sa kanya ng maayos na pangangatawan na nagpapakita ng seguridad. Lumapit siya para punasan ang mga luha ko at bumulong, "Sumama nanaman ba ang loob mo kay Zachary?" Nabasag ang boses ko nang sumagot ako, "Hindi." Mukhang may balak pang magtanong si Steven, pero pinutol ko siya at sinabing, "Nakita ko ang group chat." Bumitaw ang kamay niya sa pisngi ko. "Anong group chat?" Tinitigan ko siya sa kabila ng luhaan kong mga mata. Gusto ba talaga niyang magmaang-maangan sa puntong ito? Lumakas ang boses ko nang muntik na akong mapasigaw, "Yung 'Happy Family' group chat niyo kasama si Jessica!" Tila tinamaan siya nang makita niyang masama ang loob ko. Lumapit si Steven at niyakap ako habang marahang tinatapik ang likod ko. "Honey, huminahon ka muna." Tensyonado ang aking katawan, parang isang mahigpit na pisi na malapit nang mapigtal. "Si Zachary ang nagpumilit na gumawa ng group chat na iyon," paliwanag niya. Paano nakilala ni Zachary si Jessica? Anong mga karanasan ang pinagsamahan nila na naging dahilan para tawagin niya siyang "Mommy"? Gusto lamang ibaling ni Steven ang sisi sa kanya, binalewala niya ang katotohanan na nag-ugat ang lahat ng ito sa kanya. Pumikit ako. "Steven..." Naubos ang buong lakas ko sa pagtawag sa pangalan niya. "Nakita ko ang lahat, kaya huwag mo akong pagmukhaing tanga, okay?" Natahimik si Steven. Naghintay ako ng napakatagal, ngunit hindi siya sumagot. Tumalikod ako para umalis sa study, pero niyakap niya ako mula sa likod. "Patawarin mo ako." Nangangatal ang mga hakbang ko. Maingat na sinabi ni Steven, "Makinig ka. Kasalanan ko ito. Hindi ko ito pinag-isipan. Gusto lang kitang tulungan sa lahat ng pressure sa pagpapalaki kay Zachary." Hah! Ano ang ibig niyang sabihin sa tulong? Ni hindi nga siya makapaglaan ng kahit isang araw para makasama kami ni Zachary, pero lagi niyang nagagawang magsingit ng oras para magsaya kasama si Jessica. Pinilit kong kumawala sa yakap ni Steven, ngunit ayaw niyang bumitaw. "Hindi ko inasahan na sasama ang loob mo. Patawarin mo ako. Pinapangako ko na hindi na ako makikipag-usap ulit sa kanya. "Aalis ako sa group chat kasama si Zachary. Iba-block ko siya at buburahin din namin ang contact niya. Pakiusap bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon, Annalise. Pinapangako ko na tatratuhin kita ng maayos mula ngayon. At iiwas din ako sa iba pang mga babae." Napuno ng sakit ang tono ni Steven. "Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin, at para sa kapakanan ni Zachary... Pakiusap huwag mo akong iwan, Annalise." Nang marinig ko ang nakakaawang pakiusap ni Steven, naisip ko si Zachary. Napakabata pa niya. Wala siyang naiintindihan. Ang kaunting panahon pa lamang kasama si Jessica ay nagsimula nang masira ang kanyang mga gawi. Dahil sa pangungunsinti ni Jessica, mas madalas siyang maospital. Kung hihiwalayan ko talaga at hahayaan kong makasama ni Steven si Jessica, si Zachary ang magdurusa sa huli. Kaya wala akong pagpipilian kundi makipagkompromiso sa kanya. "Sige." Isang salita lang iyon, ngunit napakahirap sabihin. Sa sagot ko, hinila ako ni Steven palapit, at pinilit akong humarap sa kanya. Tumingin ako sa mga mata niya. Habang hawak niya ang aking mukha, ang kanyang mga mata ay napuno ng kagalakan na mabawi muli ang isang mahalagang bagay, at pagkatapos ay lumapit siya upang halikan ako. Bagaman naayos na ang lahat, parang tinik pa rin sa puso ko ang pagtataksil nila ni Zachary. Ayaw kong magkaroon ng kahit anong intimate contact hangga’t hindi ko pa nakakalimutan ang insidenteng ito, kaya inilihis ko ang ulo ko mula sa halik niya. Sa sumunod na sandali, natagpuan ko ang aking sarili na nakaangat sa lupa. Nataranta ako sa bigla niyang pagbuhat sa’kin, at napakapit ako kay Steven. Marahan siyang tumawa. "Masama pa rin ang loob mo?" "Kailangan ko ng oras." Hindi ko ito itinanggi. Ang kanyang boses—malalim at kaakit-akit—ay may nangungumbinsing tono. "Paano kung bumawi ako sayo ngayong gabi? Baka naman pwede mo akong pagbigyan?" Karaniwan, nahihirapan akong labanan ang mga peace offering niya, ngunit sa pagkakataong ito, talagang wala akong interes. Mukhang naramdaman ni Steven ang sagot ko. Bago pa man ako makatanggi ay inihagis na niya ako sa malambot na kama. Habang sinusubukan kong umupo ay agad niya akong inibabawan. Idiniin ko ang mga kamay ko sa dibdib niya, sinubukan ko siyang itulak palayo. Pero hinawakan niya ang magkabilang pulso ko gamit ang isang kamay at inilagay ito sa taas ng ulo ko. Mas malakas siya kaysa sa akin. Hindi ako makatakas sa pagkakahawak niya sa’kin.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.