Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 20

Naninigas si Alex. Napakaganda niya at ang kanyang kagandahan ay hindi maiihahambing kay Dorothy. Ngunit ang pigura ni Dr. Cheryl ay higit na masagana. Parang nananaginip si Alex. Naisip niya sa kanyang sarili, 'Alam ba niya na ang kuwintas ay tunay at nagkakahalagang tatlumpung milyong dolyar? Marahil ay nananahimik lamang siya tungkol dito ngunit ngayon ay agresibong niya na akong hinahabol!' Habang patuloy na nag-iisip si Alex, nagtaka siya bakit nag-iisa si Dr. Cheryl ngayong gabi. Dapat ba siyang sumang-ayon sa kahilingan niya? Habang inaalala niya ang nangyari kanina, ang puso niya ay nasa nagdurusa at hindi niya ito makalimutan. Napagpasyahan niyang sumang-ayon sa kahilingan ni Dr. Cheryl. Sinabi ni Dr. Cheryl, “Buweno, meron akong reunion na pupuntahan ngayong gabi at may lalaking matagal na akong nililigawan. Naiirita ako sa kanya. Gusto kong magpanggap kang boyfriend ko at pigilan mo siya. Papayag ka bang tulungan ako?” May kamalayan si Dr. Cheryl na may asawa si Alex at hindi magiging iba ang pagkaintindi niya sa kanyang hiling. Hindi siya magtatanong sa ibang tao. Medyo nagulat si Alex ngunit nakangiting sumagot, “Naiintindihan ko, may gusto ka lang palang itaboy na peste. Sige, tutulungan kita.” Tiningnan niya ang nakakaakit na katawan nito at nakaramdam ng kaunting pagkabigo ngunit nakampante siya. Anong iniisip niya? Siya ay isang lalaking may asawa. Biglang tumunog ang phone ni Alex, at ito ay tawag mula kay Dorothy. Ikalabintatlong tawag na ito ngunit hindi pa siya handang makipag-usap sa kanya. Habang inaalala niya ang eksenang tumango si Dorothy bilang pagsang-ayon sa proposal ni Spark, siya ay nawalan ng pag-asa muli. Nagpasya siyang patayin ang kanyang phone upang magkaroon siya ng kaunting oras upang mabawi ang kanyang panloob na kapayapaan. Nakita ito ni Dr. Cheryl, ngumiti siya at sinabi, “Alex, anong nangyayari sa pagitan mo at ng iyong asawa? Totoo bang pareho kayong natutulog sa magkahiwalay na kwarto?” Sumagot si Alex, “Sinabi ba sa’yo ni Chloe iyon?” Tumango lang si Dr. Cheryl. Galit na sabi ni Alex, “Napakausisera niya. Bakit wala siya ngayon?“ Umiling si Dr. Cheryl. “Hindi ko alam, narinig kong may pinsala siya at magpapahinga ng ilang araw.” Ngumiti lang si Alex. Alam niya ang nangyari sa kanya. Sinampal siya ng sekyu sa L.G. Balfour at ang mukha niya ay namamaga. Nakipag-away rin siya sa kanyang matabang boyfriend. Ipinagpalagay ni Alex na iyon ang mga sanhi ng kanyang pinsala. Sinabi ni Dr. Cheryl, “Hindi ko sinasadyang maging tsismosa, ngunit sa palagay ko dapat kayong mag-usap nang masinsinan ng iyong asawa. Kung pagkakasunduan ninyo ang mga bagay-bagay, maaari kayong mabuhay nang maayos na magkasama. Kung hindi, tapusin na lamang ninyo ang inyong relasyon nang mabilis. Hindi na kailangang patagalin pa ang paghihirap ninyo.“ Ngumiti lang si Alex dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Tapos na si Dr. Cheryl sa kanyang trabaho at handa nang umalis. Magalang niyang hiniling kay Alex na hintayin siyang magpalit ng damit. Makalipas ang sampung minuto, hindi makapaniwala si Alex sa kung ano ang nasa harap ng kanyang mga mata. Hindi na suot ni Dr. Cheryl ang kanyang unipormeng pangdoktor. Siya ay nagpalit ng itim at fit na dress na nagpakita ng lahat ng kanyang mga kurba. Nakabagsak ang kanyang malasutlang buhok at makikita ang kanyang mahabang pares ng mga payat na binti. Bukod dito, suot niya ang Love in a Fallen City na kwintas na ibinigay sa kanya ni Alex. Maaari lamang siyang ilarawan bilang diyosa ng mga diyosa. Ang kanyang makurbang katawan ay katangi-tangi. Sa kanyang bumabakat na suot na dress, siya talaga ang kryptonite ng kalalakihan! Napansin niyang tinititigan siya ni Alex at agad siyang namula, “Anong tinitingin-tingin mo?” Tanong niya. Pinunasan ni Alex ang kanyang baba na para bang may laway na tumutulo. “Dr. Cheryl, sobrang… Sobrang ganda mo.” Masayang sumagot si Dr. Cheryl, “Mula sa sandaling ito, nagpapanggap kang boyfriend ko, tawagin mo akong Cheryl.” “O sige, ayos!” Sagot ni Alex. Ang pares ay nagtungo sa pintuan at umalis sa opisina ni Dr. Cheryl. Pababa na sila, masikip sa elevator. Nang tumigil ito sa ikalimang palapag, may pumasok na kartero, at ang madla ay kinailangang siksikin ang kanilang mga sarili upang magbigay espasyo para sa kanya. Nawala ang balanse ni Dr. Cheryl at napasandal na lang siya kay Alex.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.