Kabanata 11
Lumapit si Adam, sinalo niya si Celine. Naningkit ang mata niya nang yumuko siya, nakatikom ang labi niya dahil hindi siya natutuwa. “Celine, bakit ka bumalik?”
Hindi inaasahan ni Celine na uuwi na siya. Nakasuot siya ng isang perfect tailored na black suit, kababalik lang niya mula sa labas, nakakapit pa rin sa kaniyang mamahaling damit ang malamig na hangin sa gabing madilim.
Mainit ang katawan ni Celine, at hindi niya napigilan na lumapit kay Adam. Inaasahan niya na ang malamig at mature na presence ni Adam ay magtataboy sa init ng kaniyang katawan.
Kumikinang ang mata ni Celine habang nakatitig siya kay Adam. “Adam…”
Bago pa niya matapos ang sinasabi niya, tinulak siya ni Adam palayo. Nakatingin kay Celine ang malalamig niyang mga mata. “Anong problema mo?”
Natigilan si Celine, na-realize niya kung ano ang nasa isip niya—nanghihingi siya ng tulong. Imposible naman na tulungan siya ni Adam.
“Pinainom ako ng droga.”
Kumunot ang noo ni Adam. Napaisip siya, “Lagi ka na lang gumagawa ng problema. Alam mo talaga lagi kung paano ilagay ang sarili mo sa gulo.”
“Maghintay ka dito.”
Naglakad si Adam sa isang malaking bintana, nilabas niya ang kaniyang phone sa kaniyang bulsa. May tinawagan siya.
Nag-ring ang phone, at hindi nagtagal, maririnig ang boses ni Benjamin. “Anong maitutulong ko sayo, Adam?”
Nagsalita si Adam, “Anong gagawin ko kung may isang babaeng nakainom ng droga?”
Tumawa si Benjamin, nagulat siya. “Si Carly ba? ‘Di ba dapat ikaw mismo ang tutulong sa kaniya?”
Nagsalita siya ulit, “Kung hindi siya si Carly, ilagay mo lang siya sa malamig na tubig. Hindi iyon komportable, pero magiging maayos lang siya kung kakayanin niya. Kung hindi, puputok ang mga ugat niya at mamamatay siya.”
Binaba ni Adam ang tawag at tumalikod siya para tingnan si Celine. “Pwede bang asikasuhin mo na lang mag-isa ang cold shower mo?”
Tumango si Celine, “Oo.”
Mabilis siyang naglakad papunta sa banyo.
Hinubad ni Adam ang itim niyang jacket. Nang marinig na ang tunog ng tubig mula sa banyo, nag-echo ang sigaw ni Celine.
Nagdilim ang ekspresyon ni Adam, lalo siyang nairita. Ano bang ginagawa niya doon?
Lumapit si Adam at binuksan ang pinto. “Anong nangyayari?”
Nakatayo si Celine sa ilalim ng shower, wala na siyang damit, may naiwan na lang na manipis na dress. Nakasabit sa balikat niya ang straps, maputi ang balat niya at malambot.
Hindi pa nakabukas ang shower, at hinawakan niya ang noo niya, at puno ng sakit ang kaniyang mga mata. Namamaos ang boses niya nang sinabi, “Natamaan ko ang ulo ko.”
Nagulat si Adam sa pagiging mahina, hubad at walang pakialam na si Celine. Napahinto ng ilang sandali si Adam bago mahinahon na inalis ang kamay ni Celine. Namumula ang noo niya sa nangyari.
“Hindi ka nag-iingat,” ngumisi si Adam.
“Hindi sa hindi ako nag-iingat. Nahihilo ako!” Sigaw ni Celine.
“Tumayo ka lang.”
“Ano?”
Tinaas ni Adam ang kamay niya para buksan ang shower. Lumabas ang malamig na tubig, agad na nabasa si Celine. Nanginig siya dahil sa malamig na tubig na dumampi sa kaniyang katawan, yumakap diya sa dibdib ni Adam.
“Sobrang lamig. Ayoko ng cold shower.”
Umatras si Adam, mahigpit niyang hinawakan si Celine at dalawa silang nasa ilalim ng cold shower.
Biglang bumaba ang kamay ni Celine, at nakahawak na siya sa bewang ni Adam.
Nag-react ang katawan ni Adam sa hawak ni Celine sa kaniya tulad ng isang normal na lalaki, “Celine, saan pupunta ‘yang kamay mo?”
Nagtatakang nakatingin si Celine kay Adam, mahinahon siyang sumagot, “Nararamdaman ko ang abs mo…”
Hindi makapagsalita si Adam.
Nakadikit pa rin si Celine sa kaniya, tinaas nito ang kaniyang tingin sa gwapong mukha ni Adam. “Ang gwapo mo rin.”
Nawalan na ng pasensya si Adam. Tinulak niya si Celine sa malamig na pader, puno ng babala ang kaniyang boses, “Please behave.”
Hindi pinansin ni Celine ang babala niya, masigla siyang ngumiti. “Wow, sobrang lakas mo. Gusto ko ‘yan.”
Tinanggal ni Adam ang shower head, tiningnan niya ang namumulang mukha ni Celine, at sinubukan niyang ibalik siya sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng cold water.
Nahirapan si Celine na alisin ang kamay ni Adam. “Adam, kung si Carly ang naka-droga ngayon, tutulungan mo ba siya?”
Natigilan si Adam. “Ano?”
Gumagalaw ang mahahaba at basang pilikmata ni Celine habang nakatingin kay Adam. Makikita sa kaniyan mata na nasasaktan siya, mapait ang tono ng kaniyang boses. “Pinaligo mo na lang ako sa cold shower kasi hindi ako si Carly. Wala naman sa inyong lahat ang nag-aalala para sa akin.”
Napansin ni Adam na namumula ang mata niya na parang umiyak siya ngayong araw.
Nang biglang, lumapit si Celine, kinagat niya ang kurba sa leeg ni Adam.
Ang babaeng ‘to…
Humigpit ang hawak ni Adam sa bewang ni Celine at naramdaman niya kung gaano ka-ganda at kalambit ang kaniyang katawan. Hindi pa masyadong nakadiin ang kaniyang mga daliri pero ramdam niya na ang maliit nitong frame. Sobrang fragile niya.
Naramdaman ni Adam ang paghinga niya habang humahawak siya sa magandang mukha ni Celine, hinila niya ito pabalik. Nagsalita siya, “Pagkagat lang ba ang gusto mo?”
Halos hindi na makatayo nang maayos si Celine. Namamaga ang mata niya dahil sa mga luha, nakatitig siya kay Adam. Parang malapit na siyang umiyak.
Natigilan si Adam, mabilis niyang binawi ang kamay niya.
Pero binalot ni Celine ang kamay niya sa leeg ni Adam. “Sorry. Hindi ko naman sinasadya na kagatin ka. Masakit ba?”
Bago pa makasagot si Adam, hinalikan siya ni Celine sa leeg. Hindi na siya wild ngayon dahil mahinahon na siya, hinalikan niya nang dahan-dahan ang dibdib ni Adam.
Tumingin si Celine sa kaniya, nakatitig siya sa labi nito. “Adam, naka-droga ako. Asawa mo pa rin ako. Please tulungan mo ako.”
Nang lumapit siya para halikan ulit si Adam, nag-ring ang kaniyang phone kaya napigilan ang moment nila.
Kinuha ni Adam ang phone niya sa kaniyang bulsa at nakita na si Carly ang tumatawag.