Kabanata 10
Nang gabi na sa Tate Manor, nakaupo si Lucy sa couch suot ang silk nightgown, hinihintay niyang umuwi si Hayden.
Noong kabataan niya, isang magandang dalaga si Lucy mula sa Josona, mahal na mahal siya ni Aaron. Inaalagaan siya nito na parang reyna. Matapos nilang ikasal ni Hayden, namana nito ang business ni Aaron at mas lalo pa niyang pinalago, si Lucy ang naging gracious lady sa kanilang tahanan.
Maayos niyang inaalagaan ang kaniyang sarili, bakas pa rin sa kaniya ang pagiging mahinahon at maganda sa kabila ng mga lumipas na taon.
Sa oras na iyon, binuksan ng housekeeper ang front door ng bahay. Bumalik na si Hayden.
Nagliwanag ang mukha ni Lucy sa saya. Lumapit siya para batiin si Hayden, tinulungan niya ito na tanggalin ang kaniyang jacket. “Honey, bakit late ka na umuwi?”
Kumpara sa pagiging mahinahon at tahimik na personalidad ni Aaron, gwapo at charismatic naman si Hayden noong kabataan niya. Bilang CEO, mas tumaas ang kapangyarihan niya, at mas naging kaakit-akit siya kay Lucy.
Sumagot si Hayden, “May business engagement ako.”
Biglang may napansin si Lucy na pamilyar na amoy na perfume sa jacket ni Hayden. Naalala niya iyon—iyon ang pabango na gamit ng bagong secretary na kinuha ni Hayden.
Habang nakakunot ang noo ay nagtanong si Lucy, “Honey, kasama mo ba ulit ang secretary na ‘yon?”
Tinaas ni Hayden ang kilay niya, halata na nairita siya. “Lucy, huwag ka masyadong paranoid. Galit si Carly dahil hindi siya gagamutin ni Dr. C, kaya dapat pagaanin mo na lang ang loob niya. Pagod ako; aakyat na ako para magpahinga.”
Tumalikod si Hayden, umakyat siya sa hagdan.
Pero mabilis siyang tinawag ni Lucy, “Alam ko kung paano ko sasabihin kay Dr. C na gamutin niya si Carly.”
Huminto sa paglalakad si Hayden, agad siyang tumalikod para tingnan si Lucy. Inakbayan niya ito at ngumiti siya. “Lucy, ang galing mo talaga. Hindi mo ako dinidismaya. Sobrang importante ka sa akin.”
Alam niya kung paano lambingin si Lucy, mahinahon na pagsasalita, paglalambing niya kay Lucy na kaakibat ang kaniyang pamana sa Josona.
Sumandal si Lucy palapit sa kaniya, inaakit niya ito sa kaniyang mga tingin. “May isa akong kondisyon. Kailangan mong tanggalin ang secretary mo.”
Tumawa si Hayden, “Walang problema. Tatanggalin ko siya bukas.”
Matapos iyon, hinila ni Hayden si Lucy palapit sa kaniya.
Niyakap niya ito habang nakatingin si Lucy sa kaniya, masigla ang ngiti niya. “Pero sabi mo pagod ka?”
Binuksan ang robe ni Lucy, makikita ang kaniyang lacy, at nakakaakit na lingerie. Masayang ngumiti si Hayden. “Tingnan mo kung paano mo ako akitin. Paano ako tatanggi?”
Pabiro na hinampas ni Lucy si Hayden. “Bad boy ka.”
Nanghihina na tumawa si Hayden. “Hindi mo ba gusto?”
…
Kinabukasan, nakatanggap ng tawag si Celine mula kay Lucy.
Napaka-kalmado at nakakagaan ng loob ng boses ni Lucy. “Celine, mali ako noong nakaraan sa hospital. Naghanda ako ng pagkain na paborito mo. Bumisita ka naman dito.”
Nakasilip si Robin na nakikinig sa kusina. “Celine, huwag ka pumunta. Utusan lang siya ni Hayden. Sa edad niya, umaakto pa rin siyang isang lovesick teenager. Wala na siyang pag-asa.”
Nanatiling kalmado ang ekspresyon ni Celine at sumagot siya, “Busy ako.”
Ibababa na sana niya ang tawag nang biglang nagsalita si Lucy, “Celine, nag-iwan ng bote ng Château Lafite wine ang dad mo para sayo. Gusto niya na inumin mo ito pag malaki ka na. Nilabas ko na. Pumunta ka dito at inumin natin.
Nanginig ang mga daliri ni Celine. Alam talaga ni Lucy kung paano laruin ang kaniyang kahinaan.
…
Nang dumating si Celine sa Tate Manor, hindi makikita sila Hayden at Carly. Totoo nga na naghanda ng masasarap na pagkain si Lucy, at nakalagay sa mesa ang bote ng Château Lafite wine.
Sinulat ni Aaron ang mga salitang “Château Lafite” sa kaniyang magulong handwriting. Hindi siya masyadong nakapag-aral, pero naging mayaman siya dahil sa kaniyang kakayahan, hindi tulad ni Hayden na graduate sa isang university dati.
Hinaplos ni Celine ang mga salitang nakasulat gamit ang daliri niya. Naaalala niya kung gaano siya kamahal ni Aaron. Sobrang importante ni Celine para sa kaniya.
Parang maganda ang pakiramdam ngayon ni Lucy. Kumikinang ang kaniyang mukha, at may kaaya-aya siyang ganda. Binuksan niya ang bote ng Château Lafite, naglagay siya sa dalawang glass—isa para sa kaniya, at isa naman para kay Celine.
“Celine, mag-toast tayo.”
Tiningnan ni Celine si Lucy, malamig ang boses niyang tinanong, “Paano ba talaga namatay ang dad ko?”
Sa tanong niya, nanginig ang kamay ni Lucy, halos matapon na ang wine. Umiwas siya sa tingin ni Celine. “Celine, ang dad mo… namatay siya sa sakit niya. Hindi mo maiintindihan kahit ipaliwanag ko sayo. Hindi ka naman doctor!”
Nang tumayo na si Celine para umalis, biglang lumabas si Samson, naglakad siya palapit kay Celine.
Kumunot ang noo ni Celine. “Sino ka?”
Si Samson ay isang middle-age na lalaki na may magiting na postura. Pero may malisya at nakakatakot na ngiti ang tingin niya kay Celine.
Binaba ni Lucy ang cup niya at walang ekspresyon na ngumiti. “Celine, ito si Mr. Stone mula sa ospital. Kilala niya si Dr. C, at siya ang magsasabi kay Dr. C na kailangan niyang gamutin si Carly.”
Nagtatakang tumingin si Celine kay Samson. Kilala ng lalaking ‘to si Dr. C?
Ngumisi si Celine. “So?”
Kinalimutan na ni Lucy ang pagiging mabuting ina na inaakto niya kanina. “Celine, ang kailangan mo lang gawin ay matulog ng isang beses kasama si Mr. Stone, at maliligtas na si Carly.”
Sinasabi sa kaniya ng sarili niyang nanay na matulog kasama ang isang lalaki para ang mailigtas si Carly. Ibig sabihin ito ang rason kaya siya tinawagan ni Lucy.
Nakaramdam si Celine ng galit sa kaniyang puso—bigla siyang nawala sa sarili, nagsimulang mag-init ang buong katawan niya. May hindi tama sa nangyayari. Tiningnan niya ang bote ng Château Lafite at na-realize niyang nilagyan ng droga ni Lucy ang wine na galing kay Aaron.
Ano pa bang kayang gawin ng mom niya?
Nagsimulang mamula ang mata ni Celine. Tinitigan niya si Lucy, wala siyang ibang nararamdaman kundi pagkadismaya. Hindi niya alam kung ano ba ang ginawa niyang mali, bakit hindi siya minamahal.
Iniiwasan ni Lucy ang tingin niya, lumingon siya kay Samson. “Mr. Samson, sayo na siya ngayon.”
Nananabik na dinilaan ni Samson ang labi niya at naglakad siya palapit. “Masaya akong makilala ka, ganda. Tingnan natin kung sweet ka rin sa kama tulad ng mukha mo!”
Umalis na si Lucy sa kwarto.
…
Nang wala na si Lucy, natumba si Samson sa sahig, nawalan siya ng malay dahil sa makapangyarihan na medical herbs na iniinom ni Celine.
Namumula ang mukha ni Celine. Masyado siyang naapektuhan ng droga.
Kinakapa niya ang mga silver needles sa kaniyang bewang, pero wala na ito—baka naiwan niya ito sa villa.
Tumakbo si Celine pabalik doon. Hindi na siya bumalik simula nang umalis siya dala ang kaniyang suitcase.
Pumasok siya sa master bedroom at hinahanap niya ang mga needle pero hindi niya ito makita. Baka natapon na ito ni Sophia nang naglilinis sila.
Hindi sanay si Celine na uminom, nagsisimula na ang epekto sa kaniya ng wine. Nahihilo siya, at unti-unti ng nawawala ang mga nasa isip niya, masyado niyang inaalala ang mabilis na pag-init ng kaniyang katawan.
Maririnig ang pamilyar na tunog ng mga hakbang sa labas ng pinto. Bumalik na ba si Adam?
Lumaki ang mata ni Celine.
Bumukas ang pinto. Nang pumasok si Adam, natumba ang nag-iinit at malambot niyang kataway sa bisig nito.