Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 9

Hindi binalewala ni Frank ang naging miserableng reaksyon ni Henry. Gayunpaman, kahit na handa si Henry na tanggapin siya, hindi ganun ang pamilya niya. Para bang isang usaping pampamilya ang kasal nila ni Helen at hindi sa pagitan nilang dalawa lang! "Hindi, Lolo. Sa tingin ko hanggang dito na lang kami," ang sabi niya, at umalis siya nang hindi lumilingon. Nanghina si Henry at muntik na siyang bumagsak sa sahig. Mabilis na kumilos si Helen at nagmadali siyang lumapit upang saluhin si Henry, at napansin niya na wala sa ayos ang mga mata ni Henry habang paulit-ulit siyang bumubulong, "Wala na... Katapusan na ng lahat... Katapusan na ng pamilya ko..." Nagtaka si Helen sa mga sinasabi ni Henry. "Anong sinasabi mo, Lolo? Yung totoo, tinulungan ako ni Sean na bumuo ng partnership sa mga Turnbull kanina. Aangat ang pamilya natin at tatayo tayo kasama ng mga elite sa Riverton." "Hah!" Suminghal sa galit si Henry. "Yung Sean Wesley na sinasabi ni Frank?" "Mismo," sagot ni Helen. "Mas may halaga pa nga ang utot kaysa sa kanya kung ikukumpara siya kay Frank," ang sabi ni Henry at naglakad siya pabalik sa kanyang silid, wala na siyang ganang kumain ng hapunan. Napabuntong-hininga si Helen habang nakatingin siya sa lolo niya. "Yung totoo, ano bang kalokohan ang pinakain sa kanya ni Frank?" "Anong malay natin?" Tumawa si Peter. "Mas mabuti ‘to para sa’tin—hindi na natin kailangang itago sa kanya ang tungkol sa paghihiwalay niyo ni Frank." Masayang-masaya si Peter—kung wala ang proteksyon ng matanda, walang makakapigil sa kanya na gantihan si Frank! Tiningnan siya ng masama ni Helen, at tinanong, "Sino ba yung babaeng kasama ni Frank? Yung babaeng nabanggit mo." "Hindi ko alam," sagot ni Peter, napakamot siya ng ulo. "Pero napakaganda niya, parang one in a billion..." Kumunot ang noo ni Helen. "Mas maganda kaysa sa’kin?" Hindi siya mapakali sa mga sinabi ni Peter. Ayaw niyang magkaroon ng ibang babae sa tabi ni Frank, lalo na ang isang babae na mas maganda kaysa sa kanya! "P-Paano ko ba sasabihin ‘to...," biglang nautal si Peter. "Natural ang kagandahan mo, habang yung kagandahan naman ng babaeng ‘yun ay yung tipong makukuha mo sa pamamagitan ng teknolohiya." Sa kabila ng mga sinabi ni Peter, hindi mawala sa isipan niya ang mukha ni Vicky—hindi mapapantayan ang kagandahan niya, lalo na ng mga babae sa nightclub na madalas niyang puntahan! Gayunpaman, nagalit siya nang maisip niya ang tungkol dito, dahil hindi karapat-dapat na makasama ng isang walang kwentang gaya ni Frank ang isang babae na ganun kaganda! Samantala, halatang natuwa si Helen sa sinabi sa kanya ni Peter. - Gabi na nang makabalik si Frank sa Verdant Hotel. Noong nakabalik siya, nakita niya ang isang Rolls-Royce na nakaparada sa labas ng entrance kung saan nakasandal ang isang babaeng nakasuot ng isang windbreaker. Kung titingnang maigi, makikita na si Yara ang babaeng ito, ang kaibigan at bodyguard ni Vicky. Nang makita niya si Frank, nagmadali siyang lumapit sa kanya. "Mr. Lawrence..." "Hello, Ms. Quill. May problema ba?" Tanong ni Frank habang pinagmamasdan niya siya. Maliit at bilugan ang kanyang mukha, at ang kanyang mga mata ay matingkad na itim ang kulay. Nagulo ng malakas na hangin ang buhok niya, at halatang kanina pa niya hinihintay si Frank. Nasa 5 feet ang taas niya, bagama't maliit pa rin siyang tingnan sa harap ni Frank. Magkabuhol ang kanyang mga daliri at patuloy niyang pinaglalaruan ang kanyang mga hinlalaki, at nanatiling nakayuko ang kanyang ulo, sinubukan niyang magsalita ngunit wala siyang masabi. Natawa si Frank. "Sabihin mo kung anong nasa isip mo." Nahihiyang tumingin si Yara sa kanya. "S-Sige... Pwede mo bang ituro sa’kin yung technique na itinuro mo kay Vicky?" Kung sabagay, personal na naranasan ni Yara ang kapangyarihan ng pinalakas na bersyon ni Frank ng Boltsmacker. Ginamot din niya si Vicky, at pinatunayan niya na may mga pagkukulang sa tradisyonal na bersyon ng Boltsmacker. Natural, gusto rin ni Yara na matutunan ang pinalakas na bersyon nito, ngunit hindi tulad ni Vicky, hindi siya isang prodigy na kayang matutunan ang isang bagong technique sa isang tingin lang. "Ah, ‘yun." Ngumiti si Frank. Agad na naglabas ng isang debit card si Yara. "Hindi ko sasayangin ang oras mo, Mr. Lawrence. May laman ‘tong 500,000—anim na zero ang PIN. Sayo na ang lahat ng ito." Inilagay lamang ni Frank ang mga kamay niya sa likuran niya, nananatili siyang kalmado habang sumasagot siya, "Walang halaga sa’kin ang pera." Medyo nataranta si Yara. "Kung ganun... Anong gusto mo?" "Mayroon ka bang mga natural relic o iba pang mahahalagang herb?" Umiling si Yara. "Wala." "Mga mahiwagang sandata?" Lalong nalungkot si Yara. "Wala." "Kung ganun, hindi ang sagot ko..." Iniyuko ni Yara ang kanyang ulo at tumalikod, handa na siyang umalis… Bigla siyang tinawag ni Frank, "Sandali lang. Totoo bang ang tatay mo ang governor ng Riverton?" "Oo siya nga! May maitutulong ba ako sayo?" Ang sabi ni Yara, puno ng pag-asa ang kanyang mga mata. "Pwede kong ituro sayo ang pinalakas na Boltsmacker, pero kailangan mong hanapin ang isang tao para sa’kin," ang sagot ni Frank. "Talaga?" Ang masayang sinabi ni Yara. "Madali lang 'yun. Sabihin mo lang sa’kin kung sino siya, at siguradong hahanapin ko siya!" "Winter Lawrence ang pangalan niya." Nanatiling tahimik si Yara habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Frank… Ngunit iyon lang ang sinabi ni Frank. "Teka, ‘yun lang ba ang impormasyon na ibibigay mo sa’kin?" Tanong ni Yara. Tumango si Frank. "Oo. Pangalan lang niya ang mayroon ako. Wala na akong ibang impormasyon." Siya ang nag-iisang anak na babae ng kanyang guro. Noong malapit nang mamatay ang kanyang guro pagkatapos ng labanan sa South Sea tatlong taon na ang nakakaraan, ibinilin niya sa kanya na hanapin ang anak niyang babae na nakatira sa Riverton. Bagama’t ang tanging ibinigay niya kay Frank ay isang pangalan at wala nang iba, naglakbay si Frank papunta sa Riverton at nanatili siya doon ng tatlong taon pagkatapos ng kanyang kasal. Patuloy siyang naghahanap ng mga impormasyon tungkol kay Winter, ngunit wala siyang nakita. Sa kasalukuyan, kinagat ni Yara ang mga labi niya. Napakaraming mamamayan sa Riverton na iisa ang apelyido at pangalan—imposibleng mahanap niya ang isang tao gamit lang ang pangalan niya. Gayunpaman, pumayag siya agad para matutunan niya ang pinalakas na Boltsmacker. "Sige. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mahanap siya... Pero, pwede ko bang malaman kung kailan mo ako tuturuan?" Biglang nagsimulang magbigay ng direksyon si Frank, at agad niyang ginawa ang itinuro ni Frank. Habang idinidirekta niya ang daloy ng kanyang Ki, kumilos si Frank nang kasing bilis ng kidlat, at inilihis ang daloy ng kanyang Ki mula sa kanyang pusod pataas sa mga intersecting node, na pinagbubuklod ang Ki mula sa iba pang mga ugat. Agad na naramdaman ni Yara bumubulusok at mabilis na umiikot ang Ki sa loob ng kanyang katawan, na nagpadala ng umaapaw na enerhiya sa kanyang mga ugat. Kinabisa niya ang bawat landas na tinatahak ng kanyang Ki, at nakaramdam siya ng matinding puwersa habang ginagalaw niya ang kanyang palad, higit na mas malakas ito kaysa sa Boltsmacker na sinasanay niya noon! "Iyan ang paraan kung paano mo ididirekta ang iyong Ki upang ilabas ang aking pinalakas na bersyon ng Boltstmacker," ang sabi ni Frank. "Natatandaan mo ba?" "Oo, Mr. Lawrence," sabi ni Yara, na abot tenga ang ngiti habang sumasaludo sa kanya. "Salamat sa iyong pagtuturo... oo nga pala, pwede ko bang ituro ‘to sa iba pang mga apprentice ng angkan ko?" Sa katunayan, kung malalaman ito ng buong angkan niya, ang kanilang impluwensya bilang isang faction ay higit na aangat! Gayunpaman, umiling si Frank. "Ang pinalakas na bersyon na ito ay angkop lamang para sa mga kababaihan. Kung gagamitin ito ng mga lalaki sa loob ng matagal na panahon, magkakasakit sila tulad ng nangyari kay Ms. Turnbull." "Ganun ba. Salamat sa payo mo, Mr. Lawrence." Mahinhin na tumango si Yara. Tumango naman si Frank. "Aalis na ako. Pakiusap huwag mong kakalimutan ang hinihiling ko sa’yo." "Huwag kang mag-alala, sir. Hindi ko kakalimutan," siniguro ito sa kanya ni Yara, bagama't bigla siyang napahinto nang may pumasok sa isip niya. "Oo nga pala, may isa pa akong gustong sabihin..." "Ano ‘yun?" "Mas mabuti kung dumistansya ka kay Vicky, Mr. Lawrence." Nagtaka si Frank. "Bakit?" "Mula siya sa isang mahalagang pamilya at ipinagmamalaki ang parehong kagandahan at talento," sabi ni Yara, na pinaaalalahanan siya dahil nag-aalala siya sa kanya. "Hindi mabilang ang mga manliligaw niya dahil dito, at maaaring may magselos kapag masyado kang maging malapit sa kanya."

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.