Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 6

Huminto ang isang Rolls-Royce sa tabi ni Frank noong lumabas siya sa villa ng mga Turnbull. Bumaba si Vicky mula sa kotse, at tinanong niya si Frank, "Saan ka nakatira, Mr. Lawrence? Pwede ba kitang ihatid pauwi?" Pinag-isipan ni Frank ang tungkol dito at napabuntong-hininga siya. "Balak ko lang sanang mag-stay sa isang hotel." Wala siyang sariling bahay sa Riverton, at hindi na siya pwedeng bumalik sa Lane Manor pagkatapos nilang maghiwalay ni Helen. "Oh..." Nabigla si Vicky ngunit hindi na siya nagtanong tungkol dito. "Kung ganun maswerte ka—mayroon kaming mahigit limampung mga hotel sa Riverton. Mag-aarrange ako ng isang suite para sayo, para maihatid ko sayo ang Wonderroot kapag nasa Riverton na ‘to." Pinag-isipan ni Frank ang tungkol dito at tumango siya. "Sige." Sumakay siya sa backseat kasama si Vicky habang nagmamaneho si Yara, ngunit huminto siya sa may gate. “Anong problema?” Tanong ni Vicky. "May kotseng huminto sa unahan natin, at hindi ko alam kung bakit," ang sabi ni Yara. Sumilip si Frank sa labas ng bintana ng kotse at napansin niya ang isang lalaking naka-suit na nakatayo sa tabi ng security booth. "Please ipaalam mo kay Mr. Turnbull ang pagdating ko. Sabihin mo sa kanya na ako si Sean Wesley—nagmamay-ari ng isang malaking negosyo ang pamilya ko sa Riverton." Pagkatapos niyang sabihin iyon, inilabas niya ang isang stack ng hundred dollar bills at ibinigay niya ito sa security guard. Agad namang tumango ang security guard. "Sige, maghintay muna kayo dito. Sasabihan ko agad si Mr. Turnbull." Tumalim ang mga mata ni Frank nang marinig niya ang pangalan ni Sean at pinagmasdan niya ang lalaki habang sinasabi ni Yara na, "Mukhang nandito siya para makita si Mr. Turnbull." "Huwag mo na silang pansinin," ang sabi ni Vicky. Sa labas, hindi nagtagal ay bumalik si Sean sa loob ng sasakyan niya—pinayagan siya ng security guard na pumasok sa loob, dahil malinaw na pinahintulutan siya ni Walter. May isang magandang babae na nakaupo sa loob ng kotse niya—ito ay si Helen. "Huwag kang mag-alala," ang kampanteng sinabi ni Sean. "Nabalitaan ko na bedridden daw ang anak ni Walter Turnbull, at nagdala ako ng isang 100 year-old panacea cap para sa kanya. Gamit ang pambihirang bagay na ‘to, siguradong tutulungan ka niyang makuha ang development project na ‘yun sa west side ng lungsod." Nakahinga ng maluwag si Helen, nagpasalamat siya ng husto kay Sean. "Maraming salamat sa tulong mo, Mr. Wesley." Nalungkot siya ng husto pagkatapos kanselahin ni Trevor ang partnership nila at nagulat siya na gusto siyang tulungan ni Sean na bumuo ng isa pang partnership kasama ang mga Turnbull. Bumili pa siya ng isang panacea cap, para maibigay niya ito bilang regalo sa mga Turnbull—malaking tulong talaga si Sean sa kanya! "Naku, wala ‘yun, Helen," ang sabi ni Sean ng nakangisi. "Magkaibigan tayo, ‘di ba? Nasa likod natin ang isa't isa." Naluha si Helen dahil sa mga sinabi ni Sean—Pinatunayan ni Sean na isa siyang tunay na kaibigan, lalo na’t lagi niya siyang tinutulungan sa tuwing nangangailangan siya. Kabaligtaran naman nito ang dati niyang asawa na malayong-malayo kay Sean. Marahil ay tama ang naging desisyon niya na hayaan ang nanay niya na pilitin si Frank na hiwalayan siya. Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Sean at nagmadali siyang pumasok sa loob ng villa, bagama't sumulyap si Helen sa labas nang madaanan ng kotse nila ang isa pang kotse. Nagulat siya, dahil kamukhang-kamukha ni Frank ang lalaking nakaupo sa backseat! "Ano ‘yun?" Agad na nagtanong si Sean. "Sa tingin ko si Frank yung nasa kotse kanina," ang tahimik na sinabi ni Helen. "Hahaha!" Tumawa si Sean. "Ito ang mansion zone ng Balmung Hill, at puro mayaman o makapangyarihan ang mga taong nakatira dito. Ano naman ang gagawin ng walang kwenta mong ex-husband dito?" Muling sumilip si Helen sa labas ng kotse, ngunit sumang-ayon siya kay Sean. Higit pa rito, tumingin lang siya sa labas at hindi niya nakita ng malinaw ang mukha ng lalaki. Baka kahawig lang ni Frank yung lalaking nakita niya... - Samantala, nagmaneho si Yara patungo sa Verdant Hotel, na pinakamagandang hotel sa Riverton. Mayroon itong eighteen floors na may sukat na higit sa 2,000 square meters, at may dalawang lion statue na nakatayo sa may front entrance nito. Personal na binuksan ni Vicky ang pinto para kay Frank at dinala niya si Frank sa front desk, nag-book siya ng penthouse suite para sa kanya sa loob ng isang taon. "Sobra na ‘to," ang sabi ni Frank. "Ilang araw lang akong mananatili dito." Hindi pinansin ni Vicky ang sinabi niya. "Huwag kang mag-alala, Mr. Lawrence. Eksklusibo ‘to para sa mga kaibigan namin, at pwede kang pumunta dito kung kailan mo gusto kahit na makahanap ka ng ibang lugar na matutuluyan mo. Ibibigay din ng hotel ang mga pangangailangan mo—pagkain, entertainment, at pati sports." Tumango si Frank. Nakikita niya na maaari niyang makuha ang kahit anong gusto niya dito noong sandaling pumasok siya sa loob, sa maluwag na lobby na pinalamutian ng gayong karangyaan. Pagkatapos mag-book ni Vicky ng kwarto para kay Frank, iniabot sa kanya ni Vicky ang room card kasama ang isang gold card. "Isa ‘tong gold card, pwede mo ‘tong magamit sa lahat ng mga business na pagmamay-ari ng mga Turnbull. Pwede mong bilhin ang anumang gusto mo gamit ‘to." "Eksklusibo din ba ‘to para sa mga kaibigan?" Ngumiti si Frank habang tinitingnan niya ang card. Ngumiti din si Vicky. "Hindi, para ‘to sa mahahalagang associate ng pamilya ko." "Napakataas ng tingin mo sa’kin." Tinawanan ni Frank ang sarili niya. Hayy, tingnan mo nga naman… Walang kahit anong ibinigay sa kanya si Helen sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama. Sa kabilang banda, halos isang araw pa lang ang lumipas mula nang makilala niya si Vicky, ngunit binigyan na siya agad ni Vicky ng isang gold card. "Hindi naman. Itinuturing lang kitang kaibigan ko." Ngumisi si Vicky. "At sana ituring mo rin akong kaibigan mo." Naningkit ang kanyang mga mata habang nakangiti siya, at walang nakakaalam kung ano ang iniisip ni Vicky sa likod ng ngiti niya. Inilagay ni Frank ang card sa bulsa niya, at tahimik siyang pumayag sa kahilingan ni Vicky. Subalit, bago pa siya makapagsalita, may taong sumigaw sa kanya, "Frank Lawrence! Hayop ka!" Lumingon si Frank at nakita niya si Peter Lane na nakatayo kasama ang isang babaeng nakasuot ng makapal na makeup. Balak ni Peter na 'magpahinga' sa hotel kasama ang bago niyang girlfriend, ngunit galit na galit siya nang makita niya si Frank noong sandaling pumasok siya sa loob. Hindi niya pinansin ang tingin ng ibang mga tao sa paligid nila, naglakad siya palapit kay Frank, dinuro niya si Frank habang sinasabi niya na, "Siniraan mo ang ate ko, hindi ba?! Sinabi mo kay Mr. Zurich na huwag nang ituloy ang partnership nila ng ate ko!" Tiningnan siya ng malamig ni Frank. "Nakita lang ni Trevor ang totoong ugali ng pamilya mo." "Tumahimik ka! Tuturuan kita ng leksyon!" Sigaw ni Peter. Gayunpaman, bago pa siya makakilos, pumagitna sa kanilang dalawa si Vicky, kumunot ang noo ni Vicky habang mariin niyang sinasabi na, "Nasa Verdant Hotel ka, sir. Please mag-ingat ka sa mga kilos mo." Hindi niya alam kung ano ang naging sanhi ng hidwaan sa pagitan ng dalawang lalaki, ngunit nasa panig siya ni Frank. Para naman kay Peter, tila nabigla siya habang pinagmamasdan niya si Vicky, nabighani siya sa kagandahan ni Vicky. Marami na siyang naikamang babae mula noong yumaman ang pamilya niya.. Gayunpaman, ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng isang babae na kasing ganda ni Vicky! Gayunpaman, dahil nagmamadaling pumunta si Vicky sa Verdant Hotel at nakasuot lang siya ng isang business suit, inisip ni Peter na siya ang manager ng lobby at posibleng isa siyang babae na ginamit ang kanyang katawan upang makarating sa tuktok. Agad siyang naglabas ng ilang hundred dollar bills at nilagay niya ito sa kamay ni Vicky, at bumulong siya, "Wala ‘tong kinalaman sayo. Tsaka, kakausapin kita mamaya." Tinikom ni Vicky ang kanyang mga labi—napakabastos niya! Hinagis niya ang pera sa pagmumukha ni Peter at sinabi niya na, "Kaibigan ko si Mr. Lawrence, kaya kunin mo na ang pera mo at umalis ka na. Hindi kami tumatanggap ng mga walang utak na gaya mo." Gayunpaman, lalo lang inisip ni Peter na manager siya ng lobby dahil sa naging reaksyon niya. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Peter sa pagitan nina Vicky at Frank, pagkatapos ay napagtanto niya ang isang bagay! "Ang galing mo, Frank! Kung ganun, nakahanap ka na pala agad ng p*ta mo," ang sabi ni Peter, puno ng galit ang kanyang mga mata habang nakaturo siya sa pagitan ng dalawa. "Kaya pala pumayag ka agad na hiwalayan ang kapatid ko!" Tumalim ang mga mata ni Frank at malamig niyang sinabi na, "Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, Peter. Palalampasin ko ‘to dahil kapatid ka ni Helen. Ngayon, umalis ka na."

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.