Kabanata 5
"Tapos ka na bang tumitig?" Hindi napigilan ni Yara na sitahin si Frank, kitang-kita niya na nakatitig ng maigi si Frank kay Vicky.
Kahit na napatunayan ni Frank ang kanyang husay sa martial arts, naghihinala pa rin si Yara na pinagsasamantalahan lang ni Frank si Vicky, at palusot lang ni Frank na para sa panggagamot ang paghuhubad ng damit ni Vicky.
Ngumiti si Frank, walang bahid ng hiya sa mukha niya habang seryoso niyang sinabi na, "Hindi ko maiwasang mapatitig. Ganun lang talaga kaganda si Ms. Turnbull."
"Haha." Natawa si Vicky. "Hindi ka marunong magsinungaling, ano?"
Talagang nagulat siya na inamin ito ni Frank nang buong tapang, hindi gaya ng mga nagpapakilalang maginoo na hindi kailanman umamin sa mga ginawa nila.
Bigla nginitian ng kakaiba si Frank, at sinabi niya na, "Pwede mo akong titigan hangga’t gusto mo kapag napagaling mo ako."
"Hindi na kailangan. Hindi malilimutan ang mga magagandang bagay mula sa unang tingin," ang sabi ni Frank habang umiiling siya.
Naglabas siya ng isang karayom, at dumampi sa makinis na balat sa dibdib ni Vicky ang mga daliri ni Frank, at biglang nakaramdam ng malamig na sensasyon si Vicky noong sandaling iyon.
Napabuntong-hininga si Vicky at nanginig noong tinusok ni Frank ang karayom sa itaas ng kanyang batok.
Pagkatapos, naglabas si Frank ng isa pang karayom, dinaanan niya ang tiyan ni Vicky at tinusok niya ito sa baba ng kanyang pusod.
Nagpatuloy ito sa sumunod na tatlumpu o higit pang mga karayom, ang bawat isa sa mga ito ay nagdulot ng matinding sakit kay Vicky.
Humigpit ang kapit ng mga daliri niya sa kumot habang pinagpapawisan ng husto ang noo niya, kumakabog ang dibdib ni Vicky habang bumibigat ang paghinga niya.
Napansin iyon ni Frank sa gilid ng kanyang mata.
Kahit na kasal siya kay Helen sa loob ng tatlong taon at magkasama silang tumira sa iisang bahay, walang nangyari sa kanilang dalawa.
Higit pa rito, siya ay nasa kanyang kalakasan, kaya't hindi niya maiwasang manggigil nang makita niya ang isang napakagandang babae na nakahubad at nakahiga sa harap niya.
Kinagat niya ang kanyang dila, pinawi niya ang mga nasa isip niya gamit ang sakit at nagpatuloy siya sa ginagawa niya.
Sa tabi nila, patuloy na pinupunasan ni Yara ng tuwalya ang pawis ni Vicky.
Pagkaraan ng ilang oras, nagtanong si Vicky habang tinitiis niya ang sakit, "Gaano katagal pa ba?"
"Huli na ‘to."
Nakahinga ng maluwag si Vicky—sa wakas ay matatapos na ang sakit. "Kung ganun, pakibilisan mo na lang."
Tumango si Frank at ginamit niya ang mga daliri niya upang sukatin ang distansya papunta sa isang lugar sa baba ng pusod ni Vicky…
Nang mapansin ni Vicky na parang may mali, nagtanong siya agad, "Saan itutusok ang huling karayom?"
"Limang pulgada sa baba ng pusod mo."
Napahinto si Vicky, at biglang namula ang mga pisngi niya. Limang pulgada sa baba ng pusod, hindi ba ‘yun...?!
Kahit na napag-aralan niya ang tungkol sa iba’t ibang mga kultura, konserbatibo siyang tao—umabot na siya sa limitasyon niya noong sinabi sa kanya ni Frank na kailangan niyang maghubad para magamot siya ni Frank.
Hiyang-hiya siya na may itutusok na karayom sa pag-aari niya!
Sa kabilang banda, walang pakialam si Frank—nakita na niya ang lahat, kaya wala na siyang dapat ikatakot.
Sa katunayan, naitusok na ni Frank ang karayom bago pa ito napansin ni Vicky, at nakaramdam siya ng matinding sakit sa buong katawan niya. Nagngitngit ang kanyang mga ngipin at ipinikit niya ang kanyang mga mata, nanigas siya na parang isang bowstring habang unti-unting lumalabas ang lahat ng mga internal energy niya.
Tiniis niya ang sakit gamit ang hiyang nararamdaman niya at pinigilan niya ang sarili niya na gumawa ng ingay.
Talagang nagulat si Frank nang makita niya ang kamangha-manghang katatagan ni Vicky—napakasakit kapag nasira ang Ki ng isang tao. Tunay na isa siyang martial arts prodigy, nagawa niyang pigilan ang sarili niya na gumawa ng anumang ingay.
Sa tabi ni Vicky, alalang-alala si Yara nang makita niya na namimilipit ang mukha ni Vicky. "Ayos ka lang ba, Vicky?"
"Urgh... Ayos lang ako," hiningal si Vicky habang humuhupa ang sakit.
Nawala man ang pangangatawan na hinasa niya sa loob ng isang dekada, pakiramdam niya ay natanggal ang lahat ng nakabara sa mga ugat niya at sa wakas ay muli niyang naramdaman ang kanyang mga binti.
At sa tulong ng improved version ni Frank ng Boltsmacker, hindi siya mahihirapang mabawi ang lakas niya sa loob ng isang taon!
Nagulat si Yara noong itinaas ni Vicky ang kanyang mga kamay, tuwang-tuwa niyang sinabi na, "Ayos na ba ang pakiramdam mo, Ms. Turnbull?"
"Oo," sagot ni Vicky, puno ng pananabik ang kanyang mga mata.
Kamangha-mangha ang pakiramdam na mabawi niya ang kontrol sa sarili niyang katawan!
Dahan-dahan siyang lumingon kay Frank. "Kahanga-hanga ang kakayahan mo bilang isang manggagamot, Mr. Lawrence."
"Napahanga din ako sa tibay mo," sagot ni Frank.
Ngumiti si Vicky ngunit nagtanong siya ng may pag-aalinlangan, "Yung totoo... Pwede bang lumabas ka muna ng kwarto?"
Sa wakas ay naalala ni Frank na hindi pa rin nakasuot ng damit si Vicky, at wala na siyang dahilan para manatili pa ngayong magaling na si Vicky.
Tumalikod si Frank at umalis, at nagtungo siya sa drawing room.
Sila Walter at Trevor, na matagal nang naghihintay, ay natuwa nang makita nila si Frank.
"Kamusta si Ms. Turnbull?" Agad na tanong ni Trevor.
"Ayos na siya ngayon," sagot ni Frank.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Walter.
Bumaba si Vicky noong sandaling iyon matapos siyang magbihis ng malinis na damit.
Nang makitang hindi na siya nakaratay sa kama, namula ang mga mata ni Walter, at agad niyang niyakap si Vicky.
"Magaling ka na, Vicky... Salamat!" Umiyak siya. "Napakasaya nito!"
"Dad, ayos na ako—huwag ka nang mag-alala." Ngumiti si Vicky. "Salamat kay Mr. Lawrence."
"Haha!" Tumawa si Walter nang lumingon siya kay Frank. "Huwag kang mag-alala, Mr. Lawrence—sinabi sa’kin ni Trevor ang tungkol sa Wonderroot. May inutusan na ako para kunin ito mula sa capital para dalhin ito dito, at makukuha mo ito sa loob ng tatlong araw."
Sumimangot si Frank, ngunit bago pa siya makapagsalita, lumapit sa kanya si Trevor at bumulong sa kanya, "Huwag kang mag-alala, Mr. Lawrence. Mamatay man ako ngayon, ipinapangako ko na hindi tatalikuran ng mga Turnbull ang pangako nila."
Noong napansin ni Frank kampante si Trevor, huminahon si Frank. "Dahil malaki ang tiwala sayo ni Trevor, aasahan ko na tutuparin mo ang pangako mo. Dahil magaling na ang anak mo, hindi na kami magtatagal."
Pagkatapos, tumalikod na si Frank para umalis, na ikinagulat naman ni Vicky.
Isang magaling na martial artist at isang mahusay na manggagamot?! Dapat nila siyang kaibiganin!
"Sandali lang, Mr. Lawrence. Hayaan mong samahan kita at pasasalamatan kita ng maayos," ang sabi ni Vicky at agad niyang hinabol si Frank kasama si Yara.
Sa tabi nila, nakangisi si Trevor—talagang matalas ang mga mata ni Vicky gaya ng inaasahan sa tagapagmana ng mga Turnbull.
"So, Walter. Anong tingin mo kay Mr. Lawrence?" Ang tanong ni Trevor.
Tumango si Walter at sinabi niya na, "Biniyayaan siya sa parehong martial arts at medisina... Ang dalawang talentong iyon ang naghihiwalay sa kanya mula sa dinami-rami ng mga bigatin sa capital."
Ngumiti si Trevor. "Hindi ako magsisinungaling sayo—hindi lang 'yan ang lahat ng talento ni Mr. Lawrence. Walang sinuman ang maikukumpara sa kanya kahit sa buong bansa, at kakaunti lang din ang mga babaeng karapat-dapat sa kanya. Gayunpaman, sigurado ako na isa sa kanila ang anak mo."
Napangiti si Walter nang mapagtanto niya ang sinasabi ni Trevor. "Masyado mo akong pinupuri, pero engaged na ang anak ko."
"Haha!" Tumawa lang si Trevor. "Pero hindi pa siya kasal. May panahon ka pa para mag-isip, at huwag mong kalimutan si Mr. Lawrence kapag ginawa mo ‘yun."
Biglang kumunot ang noo ni Walter at lumingon siya kay Trevor. "Nagtataka lang ako… sa ibang bansa ka nagtatrabaho dati. Bakit bigla kang bumalik at nanatili sa Riverton ng maraming taon? At parang masyadong malaki ang tiwala mo kay Mr. Lawrence..."
Sa huli, ang anumang strategic marriage ay itinakda sa pagitan ng dalawang importanteng pamilya.
Kahit na isang pambihirang indibidwal si Frank, wala mga clan na sumusuporta sa kanya at samakatuwid ay wala siyang gaanong halaga para sa mga Turnbull.
Malamang may alam si Trevor dahil siya ang tagapagmana ng mga Zurich, at nakakapagtaka na napakataas ng respeto at paghanga ni Trevor kay Frank.
"Haha. ikinalulungkot ko na hindi ako maaaring magkomento tungkol diyan, Walter." Nagkibit balikat si Trevor. "Pero dapat pag-isipan mong maigi ang tungkol sa sinabi ko. Tsaka, kailangan ko na ding umalis ngayong tapos na ang pakay namin dito. Please, dalian niyo na lang at dalhin niyo ang Wonderroot kay Mr. Lawrence."
Naiwan si Walter na pinag-iisipan ang mga sinabi ni Trevor pagkatapos niyang umalis, at agad na tinawagan ni Walter ang kanyang secretary upang i-background check si Frank.