Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 3

Natutulog si Frank sa loob ng kotse ni Trevor noong tumunog ang phone niya, dahilan upang magising siya. Nang makita niya na si Helen ang tumatawag, sinagot niya ito at agad niyang narinig ang kanyang malamig na tanong, “Frank, kasama mo ba si Mr. Zurich ngayon?” Tumingin si Frank kay Trevor, na nakaupo sa tabi niya. “Oo.” Huminga ng malalim si Helen upang pakalmahin ang kanyang sarili—tila hindi nagsisinungaling si Peter! “Dismayado ako sayo, Frank,” ang sabi niya. “Kung masama ang loob mo, pwede mo namang sabihin sa pagmumukha ko—bakit kailangan mo pang siraan ang pamilya ko?” Minasahe ni Frank ang kanyang sentido noong sumagot siya, “Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayo na hindi ko kayo siniraan?” “Kung ganun, bakit aalis si Mr. Zurich pagkatapos niyang dumating sa tapat ng pinto ng bahay ko?!” Ang tanong ni Helen. “Hindi niya itinuloy ang partnership namin!” “Desisyon ‘yun ni Trevor at walang kinalaman ‘yun sa’kin.” Kumbinsido si Helen na duwag si Frank at hindi niya ito aaminin, nanggalaiti si Helen at mariin niyang binigkas ang bawat salita. “Dismayado talaga ako sayo.” Bigla ring lumamig ang boses ni Frank. “Mukhang ang tanging mahalaga sayo ay kung ano lang ang gusto mong paniwalaan at hindi ang katotohanan. Wala akong ideya kung ano ang sinabi sayo ni Peter at wala rin akong balak na magpaliwanag—huwag mo na lang ulit akong abalahin tungkol sa mga bagay na gaya nito kahit kailan.” At pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, ibinaba ni Frank ang tawag, naglabasan ang mga ugat sa likod ng kanyang kamay habang mayroong malamig na ekspresyon sa kanyang mga mata. Hindi niya inakala na walang tiwala sa kanya si Helen pagkatapos ng tatlong taon nilang pagsasama, sinisi siya ni Helen nang dahil lang sa mga sinabi ng ibang tao. Marahil ay naniniwala din talaga si Helen na isa siyang walang kwentang talunan! Sa tabi niya, alam na alam ni Trevor na mula sa mga Lane ang tawag. Nagtanong siya, “Gusto mo bang turuan ko sila ng leksyon, Mr. Lawrence?” Bumuntong hininga si Frank at hindi niya tinanggap ang alok ni Trevor. “Kalimutan mo na ‘yun. Lumayo na lang tayo sa kanila simula ngayon.” Hindi pa niya kayang pilitin ang sarili niya na sirain sila sa ngayon, kaya mabulok na lang sila kung gusto nila. - Hindi nagtagal, dahan-dahang pumasok ang Rolls-Royce ni Trevor sa villa ng mga Turnbull na nasa tuktok ng isang burol. Tila alam na ng mga Turnbull ang tungkol sa pagdating nila, isang tagapagsilbi ang naka abang at sumalubong sa kanila, at dinala sila sa drawing room. Pagkatapos silang dalhan ng tsaa ng tagapagsilbi, sinabi niya na, “Please magpahinga muna kayo, mga ginoo. Sasabihin ko kay Mr. Turnbull ang tungkol sa pagdating niyo.” Pagkatapos tumalikod at umakyat sa taas ang tagapagsilbi, nagtingin-tingin sa paligid si Frank at tahimik na nagsalita, “Mukhang walang gaanong mga tagapagsilbi dito, ‘no?” “Hindi mo sila dapat maliitin, Mr. Lawrence,” ang sabi sa kanya ni Trevor. “Isa lamang figurehead ng mga Turnbull si Walter sa Riverton, habang ang majority ng kanilang impluwensya ay nananatili sa Morhen.” “Pambihira din ang heiress ng mga Turnbull na si Vicky, mag-isa niyang itinatag ang isang transnational trading conglomerate limang taon na ang nakakaraan at bilyon-bilyon ang naipon niya. Isa rin siyang apprentice ng gobernador ng Riverton at isa siyang prodigy sa martial arts—isa na sana siyang elite sa mga kabataan ng Riverton kung hindi dahil sa sakit niya.” Ininom ni Frank ang kanyang tsaa at tumawa siya. “Napakataas talaga ng tingin mo sa kanya! Paano mo siya ikukumpara kay Helen?” “Haha!” Humalakhak si Trevor, hindi niya pinigilan ang sarili niya dahil hiwalay naman na sila Frank at Helen. “Parang ikinukumpara mo ang isang lobo sa isang hamak na tupa.” Biglang may naisip si Trevor, at ngumisi siya. “Oo nga pala, Mr. Lawrence, isa kang lalaking may dignidad, matalino, at mapagmahal, habang si Ms. Turnbull naman ay isang magandang babae na matalino din. Kapag nagpakasal kayong dalawa, siguradong magiging isa itong perpektong kasalan—at ako, si Trevor Zurich, ay nakahandang maging guarantor mo.” “Bleurgh!” Halos masamid si Frank sa kanyang tsaa at tiningnan niya ng masama si Trevor. “Sarili mo ang alalahanin mo, huwag ako.” Napakamot ng kanyang ulo si Trevor sa hiya, nagulat siya na hindi interesado si Frank. Noong sandaling iyon, narinig ni Trevor ang nagmamadaling yabag at agad siyang tumayo upang batiin ang lalaking palapit sa kanila. “Mr. Turnbull.” Hinawakan ni Walter ang kanyang kamay at masayang nagtanong, “Trevor, kaibigan… Nasaan yung mahusay na manggagamot na sinasabi mo?” Agad na ipinakilala ni Trevor si Frank. “Ito siya—si Frank Lawrence. Matagal siyang nagsanay ng mag-isa sa south pole, at pambihira ang mga kakayahan niya bilang isang manggagamot.” Naglaho ang ngiti sa mukha ni Walter nang makita niya kung gaano kabata ang itsura ni Frank. “Nagbibiro ka ba, Trevor? Napakabata pa niya!” “Kailanman ay hindi ako magsisinungaling sayo, Mr. Turnbull,” ang seryosong sinabi ni Trevor kay Walter. “Kung hindi kayang pagalingin ni Frank ang anak mo, wala nang makakapagpagaling sa kanya.” Kahit na duda si Walter tungkol kay Frank, wala siyang magagawa kundi subukan ito, lalo na’t inirekomenda siya ni Trevor. “Kung ganun, pakiusap sumama kayo sa’kin, Mr. Lawrence.” “Ituro niyo ang daan, sir,” ang sabi ni Frank, at sinundan nila ni Trevor si Walter papunta sa isang kwarto sa may second floor. Sa loob, nakita ni Frank ang isang babae na nakahiga sa kama. Kasing ganda talaga siya ng gaya ng inilarawan ni Trevor, maputi ang kanyang balat, malinaw ang mga mata, at kaakit-akit ang kanyang mukha. Kahit na mukha siyang payat at may sakit, hindi maitatago ang mapagmataas niyang presensya—nakadagdag ito sa kagandahan niya. Isang babaeng nakaitim na suit ang nakatayo sa tabi ng kama ng babae, at tila siya ang kanyang bodyguard. Nagmadaling lumapit si Walter sa anak niya, at kinausap niya siya, “Vicky, dinalhan ka ni Trevor ng isang manggagamot. Siguradong matutulungan ka niya sa pagkakataong ito.” “Maraming salamat, Mr. Zurich.” Pinilit ngumiti ni Vicky, ngunit mas kabisado niya ang kondisyon niya. Kung sabagay, hindi na mabilang ang mga naging konsultasyon niya sa ibang mga manggagamot sa nakalipas na limang taon… at walang kahit isa sa kanila ang may nagawa upang tulungan. Natural, hindi rin siya umaasa na mapapagaling siya ni Frank. Ang kanyang pasasalamat ay isa lamang promalidad. “Hindi mo kailangang magpasalamat, Ms. Turnbull.” Ngumiti si Trevor at lumingon siya kay Frank. “Ikaw na ang bahala sa kanya, Mr. Lawrence.” Tumango si Frank, kampante siya habang naglalakad siya palapit kay Vicky upang hawakan ang kanyang pulso. Nabigla si Vicky, nagulat siya na napakabata pa ni Frank, at pinagmasdan niyang maigi ang pagkunot at paghinahon ng mga kilay ni Frank. Pagkaraan ng ilang sandali, nagtanong si Frank, “Madalas ka bang mag-ensayo ng martial arts, Ms. Turnbull?” “Nag-ensayo ako ng kaunti kasama ang guro ko, madalas para sa kalusugan ko,” mahinang sagot ni Vicky. “Hanggang saan ang inabot ng pag-eensayo mo?” Bahagyang kumunot ang noo ni Vicky. “Initiate—bakit mo ako tinatanong tungkol sa pag-eensayo ko imbes na sa kondisyon ko?” Nginitian ni Frank si Vicky. “Dahil ang pag-eensayo mo ng martial arts ang dahilan ng kondisyon mo.” “Ano?!” Napasigaw sa gulat ang lahat—maaaring humantong sa ganitong sakit ang martial arts?! “Kalokohan!” Si Yara Quill—ang nakaitim na bodyguard na nakatayo sa tabi ng kama ni Vicky—ay nagalit noong sandaling iyon. “Pinag-aaralan ni Vicky ang Boltsmacker, isang technique na ipinamana sa angkan ko sa loob ng maraming henerasyon! Kung ‘yun ang nagdulot ng sakit niya, bakit hindi nagkasakit ang tatay ko?” “Hindi lahat ng tao ay nababagay sa pagsasanay ng martial arts na ‘yun,” ang sabi ni Frank. “Ang technique na nabanggit mo ay ginawa para sa mga lalaki at hindi ito angkop para sa mga babae. Titigil sa pagdaloy ang Ki ni Vicky, dahilan upang mabarahan ang kanyang mga vein at mga nerve—higit pa rito, naabot na niya ang Initiate. Bagama’t isa itong accomplishment, maswerte siya na naparalisa lang ang katawan niya—Kung sakaling mas malala pa ang nangyari sa kanya, pwede siyang patayin ng sarili niyang Ki.” Lumingon siya kay Yara, at sinabing, “Dapat tumigil ka na rin. Mapaparalisa ka sa loob ng tatlong taon kapag nagpatuloy ka sa pagsasanay.” “Tumahimik ka!” Biglang winasiwas ni Yara ang kanyang palad papunta sa mukha ni Frank! Parang kapatid na niya si Vicky—nagsanay silang pareho sa ilalim ng kanyang ama, at lagi siyang nasa tabi ni Vicky mula noong nagkasakit siya. Sigurado si Yara na gumagawa ng gulo si Frank upang magkasira sila ni Vicky at malinaw na sinasabi ni Frank sa kanya na ang technique ng kanyang angkan ay isang kalokohan. Kailangan niyang turuan ng leksyon si Frank upang humupa ang galit na naramdaman niya! “Tigil!” Ang sabi ni Trevor habang namumutla siya sa takot—hindi niya inasahan na aatakihin ng bodyguard ni Vicky si Frank! Gayunpaman, hindi si Frank ang inaalala niya. Sa halip, nag-aalala siya para sa ignoranteng bata na ‘yun!

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.