Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1

”Kung wala ka nang mga tanong, pirmahan mo na ‘to para ma-finalize na ang divorce niyo,” ang sabi ng babaeng nakasuot ng bulaklaking damit at itinulak niya ang isang piraso ng papel palapit kay Frank Lawrence. Nakaupo sila sa loob ng Lane Manor, at nagsalubong ang matatalas na kilay ni Frank habang pinagmamasdan niya ang divorce agreement bago siya lumingon sa babae, ang mother-in-law niya na si Gina Zonda. “Ano ‘to?” Itinupi ni Gina ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib at sinabing, “Kakabukas lang sa publiko ng Lane Holdings—ibig sabihin lang nito na lalo lang lumalaki ang agwat sa pagitan ninyo ni Helen. Dahil wala ka namang maitutulong sa kanya sa career niya, magiging pabigat ka lang sa kanya, kaya mas mabuting hiwalayan mo na siya sa lalong madaling panahon.” Ngumiti ng mapait si Frank. “Ito ba ang nasa isip ni Helen, o ito ang iniisip mo?” Sumimangot si Gina. “Ito ang nasa isip ng bawat miyembro ng pamilya ko. Siguro nga si Henry ang nagtakda ng kasal ninyong dalawa ni Helen, pero naging mabuti kami sa'yo kahit na naging pabigat ka lang sa pamilya ko sa nakalipas na tatlong taon. Pirmahan mo ‘to kung alam mo kung anong makakabuti sayo.” Huminga ng malalim si Frank. Sa loob ng tatlong taon, ginamit niya ang lahat ng kanyang koneksyon at resources upang tulungan ang Lane Holdings na lumago mula sa pagiging isang maliit na negosyo hanggang sa maging isa itong malaking kumpanya. Subalit, isang walang kwentang asawa lang ang tingin sa kanya ng mga Lane… kalokohan! Gayunpaman, sinabi niya na, “Papayag ako sa divorce, pero gusto ko munang makita si Helen.” “Walang oras ang anak ko para makipagkita sa'yo,” ang galit na sinabi ni Gina. “Talaga?” Tumawa si Frank. “Humiling siya ng divorce pero wala siyang oras para makipagkita sa’kin?” “Hmph.” Suminghal si Gina. “Mukhang hindi mo pa rin tanggap kung gaano kalayo ang agwat sa pagitan niyo ng anak ko. Hinding-hindi mo mauunawaan ang bigat na pasan niya lalo na’t wala kang maayos na trabaho.” “Hindi, hindi ko nauunawaan.” Tumango si Frank bilang pagsang-ayon. “Pero hindi ko ‘to pipirmahan kung hindi ko siya makikita ngayon.” Bang! Hinampas ni Gina ang kanyang kamay sa mesa at tiningnan niya ng masama si Frank. “Matuto kang lumugar, Mr. Lawrence! Kinakausap kita ngayon upang iligtas ang dignidad mo, kaya pumirma ka na!” “Haha! Iligtas ang dignidad ko?” Tumawa ng malakas si Frank bago biglang tumalim ang mga tingin niya kay Gina. “Hindi pa gaanong malayo ang narating ng Lane Holdings sa loob ng tatlong taon, pero lumaki na agad ang ulo mo.” “Anong—” Hindi nakaimik si Gina. “Tama na ‘yan,” isang boses ang nagsalita mula sa taas, na pumigil kay Gina bago siya muling nagbunganga. Lumingon si Frank at nakita niya si Helen na nakasuot ng itim na business suit habang naglalakad siya pababa ng hagdan palapit sa kanila ni Gina. Taglay ang kanyang kaakit-akit na katawan, makinis na balat, at nakakabighaning kagandahan, tunay na isa siyang pambihirang babae. “Gusto mo akong makita?” Ang sabi niya habang naglalakad siya palapit kay Frank. “Ngayon, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin.” Naglaho ang lamig sa mga mata ni Frank habang nakatingin siya sa kanyang asawa. “Sabihin mo sa'kin kung bakit gusto mo ng divorce.” Noong ikinasal sila tatlong taon na ang nakakaraan, walang kahit ano ang mga Lane, ngunit sinuportahan at minahal nila ang isa't isa. Nangako naman si Frank na gagawin niyang pinakamakapangyarihang dinastiya ang pamilya ni Helen sa buong Riverton. Subalit, habang lumalago ang business ng Lane Holdings sa paglipas ng mga araw, mas humaba ang oras na ginugugol ni Helen sa opisina, na naging dahilan upang lumamig ang pagsasama nila. Gayunpaman, ikinatuwa at ipinagmamalaki ni Frank na ang bata at inosenteng binibini ay naging isang malakas at matatag na babae. Sa kasalukuyan, iniwasan lamang ni Helen ang tanong at pinadulas niya ang isang debit card papunta kay Frank. “Naiintindihan ko na masama ang loob mo, Frank, at ako ang may mali sa pagkakataong ito. May laman na ten million ang card na ‘to, at sayo na rin ang downtown villa—ituring mo itong alimony mo.” Bumuntong hininga si Frank. “Hanggang ngayon, iniisip mo pa rin na pera ang sagot sa lahat ng bagay?” “Oo naman.” Tumango si Helen. “Kung hindi pa nasolusyonan ang problema, ibig sabihin lang nun na kulang pa ang perang ginamit mo.” Dismayadong umiling si Frank. “200 million na ang halaga ng Lane Holdings, at hindi pa ‘yun sapat sayo?” Inunat ni Helan ang kanyang mga braso at tumingin siya sa paligid nila. “Masyado kang naging komportable, Frank—mababaw ka at kuntento ka na sa barya-barya lang, kaya dito na magtatapos ang lahat sa mansyon na ito. Pero para sa'kin, ito pa lang ang simula.” “Totoo ‘yun… Mababaw akong tao, pero sino ba ang nagsabi na gawin mo ang lahat ng ‘to?” Nagtanong si Frank, at nagkibit balikat. “Ikaw ba, o baka naman si Sean Wesley?” Nabigla si Helen, nagulat siya na alam ni Frank ang tungkol kay Sean kahit na nasa bahay lang siya lagi. Bagama't naging malapit siya kay Sean kamakailan, ang tanging gusto niya ay ang magkaroon ng koneksyon kay Sean upang lalo pang lumago ang Lane Holdings. Ipapaliwanag sana ni Helen ang tungkol dito kay Frank, ngunit pinigilan niya ang sarili niya at sa halip ay bumuntong hininga siya. “Oo, tagapagmana siya ng isang elite family sa Rivertion, at mahusay siyang magdesisyon. Sa yaman at impluwensyang taglay ng pamilya nila, walang masama kung kakaibiganin ko ang pamilya nila—magagandang bagay lang ang idudulot nito para sa Lane Holdings.” Tumango si Frank bilang pagsang-ayon, alam niya na wala nang makakapagpabago sa isip ni Helen. Nagbago na ang asawa niya, at malabo nang magbalikan pa sila. “Kung ganun, sana maging masaya ka,” Ang sabi ni Frank.” Napirmahan na ni Helen ang divorce agreement, at pinirmahan na din ito ni Frank. Pagkatapos, lumamig ang ekspresyon ng kanyang mukha at itulak niya ang debit card pabalik sa mag-ina. “Sa inyo na ‘to. Simula sa araw na ‘to, wala nang kahit anong namamagitan sa’tin.” “Masyado kang mayabang.” Suminghal si Gina at inirapan niya si Frank, ngunit agad niyang kinuha ang debit card. Sa kabilang banda, naramdaman ni Helen na naluluha ang kanyang mga mata habang pinapanood niya ang pag-alis ni Frank. Wala siyang naramdaman na kapanatagan ng loob—tanging kawalan at kalungkutan lang ang naramdaman niya, na para bang may mahalagang bagay na nawala sa kanya. “Mom…” Bumulong si Helen. “Sa tingin ko pagsisisihan ko ang ginawa ko.” “Ano bang dapat mong pagsisihan? Tandaan mo lang na mas dalasan mo yung pagsama mo kay Mr. Wesley,” mariin siyang sinagot ni Gina. “Maghintay ka lang—hindi magtatagal ay mapapabilang ang pamilya natin sa mga elite ng Riverton!”
Previous Chapter
1/300Next Chapter

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.