Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 7

Lumapit si Sebastian sa kama at umupo sa tabi nito. Pagkatapos, tinignan niya ang pulso ni Elijah. Dahil patapos na ang tatlong araw, nawalan na naman ng malay si Elijah. Hindi maganda ang lagay niya ngayon. Nanood sina Matt at Herb mula sa tabi. Kahit ngayon, hindi pa rin sila naniniwala na kayang pagalingin ni Sebastian si Elijah. Lalo na't natignan na nila siya. Malapit nang mamatay si Elijah at wala silang magagawa para mailigtas siya. Nabuhay ng tatlo pang araw si Elijah, ngunit ibig sabihin lang nito ay sapat ang bisa ng espesyal na gamot na iyon. Gayunpaman, walang pruweba na si Sebastian ang gumawa ng espesyal na gamot na iyon. Kabadong-kabado sina Ronan at Lillian. Nang nakita nilang nakakunot ang noo ni Sebastian, naramdaman nilang tumalon ang mga puso nila. Hindi lang nila kamag-anak si Elijah, siya rin ang haligi ng Smith family. Kapag namatay si Elijah, magiging malaking dagok ito para sa Smith family. Nang mapansing tapos nang tignan ni Sebastian ang puso ni Elijah, nagmadaling nagtanong si Lillian, “Kumusta? May pag-asa pa ba para sa lolo ko?” “Basta't humihinga pa siya, kaya ko siyang iligtas. Wag kang mag-alala,” sabi ni Sebastian para gumaan ang loob niya. “Magyabang ka lang, bata. Ako nga hindi ko siya kayang iligtas, anong magagawa ng isang binatang kagaya mo? Ano bang masasandalan mo?” namumuhing sabi ni Matt. “Syempre ang kakayahan ko. Kung hindi mo kaya, ibig sabihin nito ay hindi ka nararapat sa kasikatan mo,” walang habas na sagot ni Sebastian. “Ano? Ang lakas ng loob mong sabihin yan sa'kin!” Nagalit si Matt. Noon, nirespeto siya ng lahat at tinawag pa siyang isang naghihimalang doktor, pero ngayon, sinasabi ni Sebastian na hindi siya nararapat sa kasikatan niya. Nakakagalit! Ngumiti si Matt sa kabila ng galit niya. “Sige pala. Tignan natin kung paano mo mapapagaling si Elijah. Kung kaya mo, maglilivestream ako nang nakahandstand at kumakain ng dumi!” Suminghal si Sebastian. “Kadiri ka na nga ngayon pa lang. Pero hihintayin ko pa rin yan.” “Tama na ang kalokohan. Pwede ka nang magsimula,” sabi ni Matt. “Manood ka palang maigi.” Pagkasabi ni Sebastian, kumuha siya ng isang kahon at binuksan nito. Sa loob ng kahon ay siyam na karayom na may magkakaibang haba. Hinubad ni Sebastian ang damit ng pasyente. Dinampot niya ang isang karayom, pinitik ang mga daliri niya, at pinalipad ang karayom papunta sa CV 6 ng pasyente. “Ang Flying Acupuncture!” Kaagad na nanlaki ang mga mata niya sa gulat at hindi siya makapaniwala. Hindi rin makapaniwala si Matt. Mukha siyang nakatulala na para bang nakakita siya ng alien. Nang makita ang gulat na reaksyon ni Herb, nagtatakang nagtanong si Lillian, “Mr. Clinton, talaga bang ganun kagaling ang Flying Acupuncture ni Mr. Clinton?” Pinanood nang maigi ni Herb si Sebastian na magsagawa ng acupuncture. “Higit pa ito sa magaling. Ito ang pinakamahusay na technique sa acupuncture, at kahit ako ay di ko kayang gawin iyon.” “Pinerpekto niya ito sa pamamagitan ng pagsasanay. Walang kwenta ang mga technique. Maganda lang ito pero walang masyadong halaga.” Namumuhi ang mukha ni Steven. “Hindi.” Umiling si Herb. “Hindi ito tungkol sa pagsasanay. Kailangang sa Flying Acupuncture na kontrolin ng gumagawa nito ang mga karayom gamit ng vital energy. “Ang kahit na sinong nakamaster sa technique na ito ay napakagaling sa medisina. Nagkamali ako ng husga sa kanya.” Habang nagsalita ang iba pa, anim na karayom na ang naitusok ni Sebastian sa katawan ng pasyente. Pagkatapos, iniunat niya ang kamay niya at diniin ito sa katawan ng pasyente. Pagkatapos nito, isang hindi kapani-paniwalamg eksena ang nangyari sa harapan ng lahat. Nagsimulang gumiwang nang bahagya ang anim na karayom sa katawan ng pasyente at mabilis itong naging itim. Puno ng gulat ang ekspresyon ni Lillian. Doon niya lang napagtantong hinubad ni Sebastian ang damit niya noon hindi para pagsamantalahan siya, kundi dahil kailangan ito sa paggamot sa kanya. Pagkatapos ng isang minuto, dahan-dahang dumilat si Elijah. “Dad, gising ka na.” “Lolo.” Mabilis na nagtipon ang mga Smith sa paligid ni Elijah. Sobrang naging emosyonal si Lillian at bumaha ang mga luha sa mata niya. “Dr. Ricky, salamat sa pagligtas mo sa'kin mula sa bingit ng kamatayan,” tumingin si Elijah kay Matt nang naluluha. Sa isang iglap, sobrang nahiya si Matt. Hiniling niya na sana maglaho na lang siya. “Itong binatang ito ang nagligtas sa'yo,” paliwanag ni Herb. “Siya?” Tinignan ni Elijah si Sebastian. Pagkatapos, umiling siya. “Mr. Clinton, binibiro mo yata ako. Ang bata pa niya; paanong siya ang nagligtas sa'kin?” “Nakakahiya nang aminin, pero inisip ko rin noon na isa akong naghihimalang doktor. Nang nasasaksihan ko ang medical skills ng binatang ito ay doon ko lang napansin na lumaki pala ang ulo ko.” Mula rito, yumuko si Herb kay Sebastian. “Binata, patawad at nagkamali ako ng husga sa'yo kanina. Patawarin mo ako.” “Ayos lang.” Ipinahayag ni Sebastian na ayos lang ito sa kanya. “Binata, ikaw ba talaga ang nagligtas sa'kin?” Tumingin si Elijah kay Sebastian. Hindi pa rin siya makapaniwala. Lalo na't masyado pang bata si Sebastian. Nasa 26 taong gulang pa lang yata siya. “Lolo, si Mr. Wilder talaga ang nagligtas sa'yo,” sabi ni Lillian. Umupo si Elijah sa kama. “Salamat sa pagligtas mo sa buhay ko, Mr. Wilder.” Bigla na lang, naglabas ng isang bank card si Ronan at iniabot ito kay Sebastian. “Salamat sa pagligtas mo sa tatay ko. May sampung milyon sa card na ito. Tanggapin mo ito.” Hindi ito tinanggihan ni Sebastian. Nilagay niya ang bank card sa bulsa niya. “Mr. Wilder, kasal ka na ba?” Biglang tanong ni Elijah. “Hindi.” Umiling si Sebastian. “Mayroon ka bang nagugustuhan?” Nagpatuloy na magtanong si Elijah. “Wala.” Umiling ulit si Sebastian. Isang tuwang-tuwang ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni Elijah. “Ano palang opinyon mo sa apo ko?” Tumingin si Sebastian kay Lillian, sabay nagsabing, “Isang maganda at mabait na babae si Ms. Smith, at marangal din siya.” “Gusto mo ba siyang pakasalan?” Mabilis na tanong ni Elijah. Sa sandaling sinabi niya iyon ay nagulat ang lahat. “Syempre naman. Pero ikinakatakot kong hindi pumayag dito si Ms. Smith.” Tumingin si Sebastian kay Lillian. Kahit na sandali pa lang niyang nakilala si Lillian, nahulog na nga siya sa babaeng ito. Para naman sa dahilan, aaminin niyang isa siyang mababaw na tao. Gusto lang talaga niya ng magandang babae. Masyadong maganda si Lillian. Masarap siyang tignan at hawakan, at maipagmamalaki niya ring nasa tabi niya siya. Kaagad na nataranta si Steven. “Mr. Smith, ako ang lalaking gustong pakasalan ni Lillian. Wag sana kayong gumawa ng padalos-dalos na desisyon.” “Tama, Papa. Kapantay natin ang Harris family, at mahal din ni Harris si Lillian nang tunay. Kung may papakasalan si Lillian, si Mr. Harris iyon,” sabi ni Ronan. “Totoo ba yun, Lillian?” Mabilis na tanong ni Elijah. Umiling si Lillian. “Hindi. Kaibigan lang ang turing ko kay Mr. Harris.” Nagalit si Steven. Isa siya sa top four na binata ng Ravenview City at napakaraming babae ang nangarap na makasama siya. Gayunpaman, niligawan niya si Lillian nang dalawang taon, ngunit wala pa rin siyang pakialam tungkol sa kanya. Nakakainis itong pakiramdaman. “Paano kung sabihan kitang pakasalan si Mr. Wilder? Gugustuhin mo bang gawin iyon?” Umaasang tanong ni Elijah. “Hindi.” Umiling si Lillian nang walang pag-aalangan. Wala siyang nararamdaman para kay Sebastian at medyo nandiri pa siya sa kanya. Kung hindi niya kinailangang pakiusapan siya na gamutin ang lolo niya, hindi niya siya gugustuhing makita, lalo na ang maikasal sa kanya. “Papa, napagaling ka ni Mr. Wilder, at nagpapasalamat kaming lahat. Pero hindi mo sila pwedeng sabihang magpakasal nang basta-basta. Masyado itong padalos-dalos,” tutol ni Ronan. “Tama si Tito Ronan. Binigyan mo na rin siya ng sampung milyon. Kung hindi pa sapat yun, pwede ko siyang bigyan ng sampu pang milyon.” Kahit na tinanggihan siya ni Lillian, hindi sumuko si Steven. Basta't hindi pa kasal si Lillian, mayroon pa siyang pag-asa. May gustong sabihin si Elijah, ngunit pinutol siya ni Sebastian. “Mr. Smith, nagpapasalamat ako sa kabutihan nito, pero dahil ayaw ni Ms. Smith, kalimutan na natin ito. May iba pang bagay akong kailangang puntahan kaya aalis na ako.” Mukhang sobrang nadismaya si Elijah. “Lillian, tulungan mo kong ihatid si Mr. Wilder pauwi.” … Hindi nagtagal, inihinto ni Lillian ang kotse sa tabi ni Sebastian. Umupo si Sebastian sa harapan nang walang kahit na anong pagbati. Bago nakapagsalita si Sebastian, inapakan ni Lillian ang gas pedal. Kaagad na humarurot ang kotse sa malayo. Pagkatapos ng ilang minuto, bumalik ang dalawa sa hotel room. Kagaya kanina, pagkatapos isara ang pinto, nagsimulang maghubad si Lillian. “Ms. Smith, naiinitan ka ba?” Nagtatakang tanong ni Sebastian. “Anong ibig mong sabihin?” Nagtaka si Lillian. “Kung hindi ka naiinitan, bakit mo hinubad ang mga damit mo sa sandaling pumasok ka rito?” Tanong ni Sebastian nang nagtataka. Kaagad na namula ang mukha ni Lillian. Sabi niya nang mabangis at nahihiya, “Alam mo na kung bakit, kaya wag ka nang magtanong.” “Isa akong babaeng tumutupad sa sinabi ko. Iniligtas mo ang lolo ko, kaya tinutupad ko ang pangako ko sa'yo. Pero ito na ang huling beses. Ayaw na kitang makita pang muli.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.