Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 6

Natural na naintindihan ni Lillian ni kung ano ang sinasabi ng tatay niya. Gusto ng mga magulang nila na maging magkasintahan sila ni Steven. Aaminin ni Lillian na isang kalidad na binata si Steven. Gwapo siya at elegante, at pasado siya sa pamantayan ng mga kababaihan. Pero sa kung anong dahilan, hindi naaakit si Lillian kay Steven. Hindi nagtagal ay nagising si Elijah pagkatapos ng acupuncture session ni Matt at nasabik ang Smith family. Pagkatapos ay naghanda si Elijah ng malaking handaan para kina Matt at Steven. Binigyan niya pa ng malaking halaga ng pera si Matt bilang kabayaran. “Pwede mo ba akong samahang maglakad, Lillian?” Tanong ni Steven kay Lillian pagkatapos ng hapunan. “Ano pa bang hinihintay mo? Pumayag ka na,” nagpumilit ang nanay ni Lillian na si Evelyn White. Siniko niya pa ang anak niya. Walang nagawa si Lillian kundi tumango. Tinulungan nang malaki ni Steven ang pamilya nila. Nang aalis na siya kasama ni Steven, bigla silang nakatanggap ng tawag mula sa ospital na magsasabing umubo ng dugo si Elijah. Mabilis na bumalik ang Smith family at si Steven sa ospital. Walang malay si Elijah. Nagulat ang lahat sa nakita nilang dugo sa bibig at kama niya. “Anong nangyayari, Dr. Ricky? Dalian mo at tignan mo ang tatay ko!” Nag-aalalang sabi ni Ronan. “Bakit ka nagmamadali? Wala kayong dapat ikatakot habang nandito ako,” singhal ni Matt. Hindi pa niya napapansin ang bigat ng sitwasyon sa puntong ito. Ngunit bumagsak ang ekspresyon niya sa sandaling tinignan niya si Elijah. Lumala nang matindi ang kondisyon ni Elijah. “Hindi. Bakit nagkaganito?” Bulalas ni Matt. Nagpatuloy siyang tignan ang kondisyon ni Elijah nang matagal bago umiling. “Bakit ka umiiling, Dr. Ricky?” Tanong ni Ronan nang may namumuong masamang kutob sa dibdib niya. “Natatalo si Mr. Smith ng lason. Imposible na siyang maliligtas ngayon. Pasensya na at nakikiramay ako.” “Ano?” “Hindi ba nangako ka na kaya mo siyang iligtas? Bakit hindi mo na kaya ngayon?” Sigaw ni Ronan. Nagsalubong ang mga kilay ni Matt habang sumagot siya, “Iniligtas ko nga siya, pero masyadong malakas ang toxins. Malaki na nga ang dalawang oras na dagdag na palugit sa buhay niya.” “Ikaw…” Galit na tinaas ni Ronan ang mga kamao niya. “Dad, binigyan ako ng pill ni Mr. Wilder kanina. Baka mailigtas pa nito si Lolo,” sabi ni Lillian bago tumakbo papunta sa basurahan, ngunit naitapon na sa labas ang laman nito. “Naku, nalinis na nila ang basurahan. Hanapin natin to sa labas.” Lumabas ng ward si Lillian. “Sumuko ka na, Lillian. Paanong gagana ang gamot ng isang manloloko kung hindi man lang kayang iligtas ng kagaya ni Dr. Ricky si Lolo?” Sinubukang pigilan ni Steven si Lillian. “Pero pinagaling ni Mr. Wilder ang sakit ko sa puso. Baka gumana ang gamot niya! Pwede niyo ba akong tulungang maghanap, please?” “Sige. Maghanap tayo.” Nanlulumong sabi ni Ronan kahit na hindi na siya gaanong umaasa. Pagkatapos ay tinanong nila ang mga naglilinis kung saan tinatapon ang mga basura bago sila naghanap sa tambakan sa labas ng ospital. Gayunpaman, si Lillian lang ang talagang naghahanap. Hindi naniwala sina Jamie at ang anak niyang si Lucas kay Sebastian habang tumingin lang si Ronan sa paligid. Naghanap din si Steven sa mga basura kahit na diring-diri siya. Hindi niya ibaba ang sarili niya nang ganito kung hindi niya gustong makuha ang loob ni Lillian. “Nahanap ko na!” Sabi ni Lillian at sabik na tumakbo pabalik ng ward. Nagsuhestiyon si Steven, “Lillian, ipatingin mo muna kaya yan kay Dr. Ricky. Paano kung lason yan?” “Huli na ang lahat!” Huminto na ang baga ni Elijah ngayon. Ang ventilator na lang ang nagpapanatili sa kanyang buhay sa sandaling ito. Kung kaya't inilagay ni Lillian ang pill sa bibig ng lolo niya. Hindi talaga siya umaasa. Ang nagawa niya lang ay magdasal na gumana ito. Hindi gumanda ang kondisyon ni Elijah kahit pagkatapos ng ilang minuto. “Kita mo? Sabi ko sa'yo hindi mo pwedeng pagkatiwalaan ang isang manloloko. Walang kwenta ang gamot na yun.” Bumuntong-hininga si Steven. Pero sa gulat ng lahat, nagsimulang huminga nang kusa si Elijah sa sumunod na segundo. Mabilis na umayos ang bodily readings niya habang dahan-dahang bumukas ang mga mata niya. “Lolo! Sa wakas ay gising ka na!” Hinawakan ni Lillian ang kamay ni Elijah habang umiiyak sa tuwa. Nanlaki ang mga mata ni Matt nang hindi makapaniwala. Sa tabi niya, gulat na gulat din si Ronan. “Sinong mag-aakalang gagana talaga ang gamot ng batang yun? Kaya niya talagang iligtas si Elijah! Dalian mo at papuntahin mo siya rito ulit, Lillian!” Iyak ni Ronan. “Hindi ko alam kung nasaan siya!” Natatarantang sigaw ni Lillian. “Sabi mo kayang patagalin ng pill na'to ang buhay ni Dad nang tatlong araw, tama? Ipapadala ko ang mga tao ko para hanapin siya agad-agad!” Kaagad na hinalughog ni Ronan ang buong lungsod para kay Sebastian at hinanap siya gamit ng surveillance footage. … Samantala, nakaupo si Sebastian sa isang sofa sa opisina niya sa Phoenix Corporation branch ng Ravenview City. Isang maganda at maalindog na babae ang nakaupo sa tabi niya at pinapakain siya ng ubas. Ang pangalan niya ay Natalie Green, at itinalaga siya ni Casper para maging sekretarya ni Sebastian. Hindi talaga kailangang makisali ni Sebastian sa operasyon ng kumpanya kung kaya't ibinuhos ni Natalie ang mga araw niya sa pagkuha ng inumin o pagpuno sa pangangailangang materyal niya. Masaya si Sebastian sa ganitong paraan ng pamumuhay. Bigla na lang, kumatok si Casper sa pinto ng opisina at pumasok. “Mr. Wilder, hinahanap ka ngayon ng Smith family kagaya ng inasahan mo.” Ngumisi si Sebastian dahil inasahan na niyang mangyari ito. Hindi niya gustong harapin muna ang Smith family, ngunit nagbago ang isip niya nang naisip niya si Lillian. Kahit ganun, hahayaan niya munang mataranta ang mga Smith nang ilang araw dahil sa pagpapahiya nila sa kanya. Dahil patapos na ang tatlong araw, nanlumo ang Smith family dahil hindi nila mahanap si Sebastian kahit saan. Sobrang nagsisi si Ronan. Siya ang nagpaalis kay Sebastian kaya sisisihin niya ang sarili niya buong buhay niya kapag may nangyari sa tatay niya. Umiiyak din si Lillian sa pagkataranta. Bigla na lang, isang nars ang pumasok sa ward. “Ms. Smith, may nagsabi sa'king ipasa ang papel na'to sa'yo.” Binulatlat ni Lillian ang papel at nakita niya ang mga numerong nakasulat dito—316. “Aalis muna ako, Dad!” sabi niya bago tumakbo palabas nang nagmamadali. Alam niya mismo kung anong ibig sabihin ng mga numerong iyon. Ito ang bumbero ng kwarto kung saan niya nakasama si Sebastian ilang araw ang nakaraan. Nagmadali si Lillian sa hotel at pumunta sa Room 316 sa lalong madaling panahon. Pagkatapos ay pinindot niya ang doorbell. Bumukas ang pinto at nakatayo si Sebastian sa likod nito. “Patapos na ang tatlong araw, Mr. Wilder. Pakiusap, iligtas mo ang lolo ko,” nagmakaawa si Lillian habang hawak ang kamay ni Sebastian. Winasiwas ni Sebastian ang kamay niya at bumalik sa kwarto. “Hindi ko kasalanang sinayang ng pamilya mo ang pagkakataong binigay ko sa inyo noon.” Initsa ni Lillian ang handbag niya sa mesa sa kwarto bago kusang naghubad. “Anong ibig sabihin nito, Ms. Smith?” tanong ni Sebastian. “Hindi ba ito ang dahilan kung bakit mo ko pinapunta rito? Gagawin ko ang kahit na anong gusto mo basta't iligtas mo ang Lolo ko,” sabi ni Lillian habang tumulo ang mga luha sa pisngi niya. Kahit na miserable siya habang naghubad siya, wala siyang ibang magagawa. “Tama na yan.” Pinigilan ni Sebastian si Lillian bago nakangiting nagsabi, “Ipagpapaliban muna natin to sa ngayon. Isang oras na lang bago natapos ang tatlong araw, kaya umalis na tayo.” Mabilis na nagbihis ulit si Lillian bago dinala si Sebastian sa ospital sa pinakamabilis na paraan. “Nandito ka na, Mr. Wilder,” sabi ni Ronan nang nahihiya. Tamad na nag-inat si Sebastian. “Oo nga. Pero takot na takot ako.” “Takot saan?” “Takot na baka palayasin mo ako ulit,” asar ni Sebastian. Mas lalong nahiya si Ronan ngayon. “Pasensya na talaga sa nagawa ko, Mr. Wilder. Kasalanan ko ang lahat.” Tinitigan nang masama ni Steven si Sebastian bago nagsabing, “Dalian mo na at pagalingin mo si Mr. Smith. Babayaran ka namin nang malaki pagkatapos.” “Tanga.” Suminghal si Sebastian. “Anong sabi mo?” Nagwala si Steven, “Ulitin mo ang sinabi mo, subukan mo!” “Pwede ba wag ka nang gumawa ng gulo, Mr. Harris?” sumbat ni Lillian. Kung hindi dinala ni Steven si Matt nitong nakaraang mga araw, hindi niya sana kailangang hanapin pa ulit si Sebastian. Nanatiling galit si Steven dahil sabi ni Lillian ay gumagawa siya ng gulo. Para kay Steven, kasalanan ni Sebastian ang lahat ng ito.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.