Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 14

Ang pamilya Henderson ay maraming kamag-anak. Dahil maraming mga tao, hindi maiiwasan ang gulo. Nasanay na si Diana sa hindi magandang mga salitang naririnig niya sa tuwing may ganitong mga okasyon. Si Yvonne ang pinaka kahanga-hanga sa nakababatang henerasyon ng pamilya Henderson. Bukod pa doon, maganda siya, maganda ang grado, at marunong magpasaya ng mga nakatatanda. Kaya, habang nandito siya, lagi siyang magiging sentro ng atensyon. Maliban doon, gusto ni Vivian si Yvonne kumpara sa lahat ng mga apo niya. “Diana, ang birthday party ay dapat nagsimula kalahating oras na ang nakararaan. Hindi ba’t sobra naman kayong nalate? Kaarawan ni Ina ngayon. Paano mo nagawa maging pabaya?” Habang kumpiyansa si Diana, lumapit siya kay Vivian ng kalmado habang tinitignan siya ng lahat at humingi ng tawad, “Ma, hindi kami sadyang dumating ng late. May aksidente habang papunta dito, may mabigat na traffic.” “Okay lang. Mabuti at nakarating kayo.” Hindi pinagalitan ni Vivian si Diana, pero medyo hindi siya masaya. Pagkatapos, pinilit ni Diana na ngumiti at nagpahiwatig kay Yvonne. Agad naintindihan ni Yvonne at lumapit kay Vivian dala ang mamahaling kahon. “Lola, kaarawan mo ngayon. Sana pagpalain ka ng Diyos at magmakroon ng mahabang buhay. Ito ay regalong inihanda ko. Isa itong lucky charm na gawa sa emerald. Sana magustuhan mo ito!” Tinignan ni Vivian ang kahon at nakita ang emerald na kumikinang sa liwanag. Ngumiti siya at sinabi, “Tulad ng inaasahan, ikaw ang may pinaka nasa tamang pag-iisip! Gustong gusto ko nag regalong ito!” “Lola, may painting din ako na nilikha mismo!” naglabas si Yvonne ng painting at isinwalat ito sa harap ng lahat. Isa itong painting na may mga anghel. Hindi lang ito nababagay para sa okasyon, pero naipakita din niya ang abilidad niya sa painting. “Patingin nga…” isinuot ni Vivian ang reading glasses niya at sinuri ng mabuti ang painting bago siya pinuri, “Gumaling na naman ang painting skills mo!” Hindi niya mapigilang ngumiti habang paulit-ulit na tinitignan ang painting. Dahil hindi kulang sap era ang pamilya Henderson, kaysa mamahaling mga regalo, mas mahalaga ang sinseridad sa kanya. Maaaring masabi na pinakakuntenton siya sa regalo ni Yvonne. “Nagpinta muli si Yvonne? Patingin kami!” Sa oras na ito, isang boses ang mariirnig mula sa gilid. Isa iton malayong kamag-anak ng pamilya Henderson. Noong marinig iyon, nanatiling humble si Yvonne at ngumiti, “Hindi maganda ang pagkakapinta ko. Kailangan ko pa mag-ensayo.” Pagkatapos, ipinakita niya nag paintin sa mga bisita sa venue. “Narinig ko na magaling sa pagpinta si Yvonne. Matapos itong makita ng personal, pasok siya sa expectations ko!” “Tama. Bata pa siya, pero ang painting skills niya ay mature na. Marahil magaling siyang artist sa hinaharap.” “Yvonne, kapag may art exhibit ka na sa hinaharap, dadalo kami para suportahan ka.” “Aaminin ko na tunay talaga na talentado si Yvonne…” Matapos makita ang ibang mga kamag-anak na pinupuri si Yvonne, nainis si Alice. Noong maisip niya ang nagbibigay kabiguan niyang anak na lalake, wala siyang magawa kung hindi purihin si Yvonne habang malamig ang ekspresyon. Napansin ni Diana ang ekspresyon ni Alice at ngumiti ng mayabang. Sa pagkakataong ito, ang mga iniisip ni Yvonne ay naglaho dahil sa mga papuring natatanggap niya mula sa kanyang mga kamag-anak. Ito ang sitwasyon na pinaka pamilyar si Yvonne. Ang lahat ng papuri ay dapat na kanya lang. Siya ang sentro ang atensyon at bida. Simula ng pumasok sila sa kuwarto, walang nakapansin kay Yolanda. Si Yolanda ay nakatadhana na maging background nawalang makakapansin sa kanya. Ngunit, may nakapansin kay Yolanda sa oras na ito. “Diana, narinig ko na si Yolanda ay nakalabas na ng juvenile detention center. Ang tagal na ng huli namin siyang makita. Hindi ba niya kami babatiin?” Simula ng pumasok si Yolanda sa venue, nakatayo siya sa tabi ni Diana. Dahil ang lahat ng atensyon ay nakay Yvonne, walang nakapansin sa kanya. Ang mga kamag-anak ay naalala lang na may kambal si Yvonne matapos may bumanggit nito. Ilang malalayong kamag-anak ay hindi alam na galing si Yolanda sa juvenile detention center noon. Noong marinig ito ni Alice, nagbago ang ekspresyon niya. “Tama. Yolanda, bakit hindi mo kami binati?” “Hindi ka ba tinuruan ng basic manners sa juvenile detention?” Noong mabanggit si Yolanda, nabuhayan muli ng loob si Alice. “Diana, mali ka para dito. Kahit na hindi kasing galing ni Yolanda si Yvonne, anak mo pa din siya. Dapat disiplinahin mo siya ng tama.” Sinubukan ni Diana na makielam. “Hindi pa ganoon katagal ng makalabas siya, kaya hindi pa siya sanay.” Kung hindi lang dahil sa madaming kamag-anak sa paligid, nagmura na sana siya. Sa oras na pumasok si Yvonne sa venue, binati niya si Vivian at iba pang mga kamag-anak. Samantala, si Yolanda ay tumayo lang doon ng walang ekspresyon na tila ba walang kinalaman sa kanya ang birthday party. Paano naging anak ni Diana ang ganitong katanga na anak? Naging malamig ang ekspresyon ni Vivian. “Kalimitan mo na. Ngayon at nakabalik na siya, puwede mo siyang gabayan ng mabagal.” Pagkatapos, tumingala siya at tinignan si Yolanda. Noong makita ang mukha niya, napasimangot siya. Sa pagkakaalala ni Vivian, si Yolanda ay mabait at mabuting anak. Hindi alam ni Vivian kung kailan nawala ang pagiging masunurin ni Yolanda. Noon, hindi kumontra si Vivian na ipadala si Yolanda sa juvenile detention center dahil umaasa siyang matututo siya at magbabagong buhay. Ngunit, ang kasalukuyang itsura ni Yolanda ay lalo siyang nadisappoint. “Yolanda, bilisan mo at batiin ang lola mo ng happy birthday!” tinitigan ng masama ni Diana si Yolanda. Humakbang palapit si Yolanda at sinabi habang nakatingin kay Vivian, “Happy Birthday.” Humuni lang bilang sagot ni Vivian noong naging mas malamig ang ekspresyon niya. Ang ugali niya kay Yolanda at Yvonne ay magkaibang-magkaiba. “Yolanda, nasaan ang regalo mo?” Matapos makita na magiging nakakailang ang katahimikan, agad na ipinaalala ni Diana kay Yolanda. Habang nag-aalinlangan siya, inilabas ni Yolanda ang kahon na binigay ni Zach sa kanya. Noong una, naghanda si Diana ng pangkaraniwang tea set para sa kanya, pero hindi niya ito dinala noong lumabas sila ng sasakyan. Maganda nga naman ang trato ni Vivian sa original na Yolanda noong bata pa siya. Nagkataon lang na naging duwag na siya dahil sa pambibintang lagi ni Yvonne sa kanya. Kaya, nasira lalo ang imahe niya sa mga nakatatanda. Napagdesisyunan ni Yolanda na ibigay kay Vivian ang pasasalamat na regalo ni Zach bilang regalo sa kaarawan. Maaaring ikunsidera ito na pagtupad niya sa hiling ng original na Yolanda para batiin si Vivian sa kanyang kaarawan. “Ano ito?” tanong ni Vivian ng kunin niya ang kahon, pero hindi sumagot si Yolanda. Sa halip, binuksan niya ang kahon at inilagay ito sa harap ni Vivian. Nabigla si Vivian. “Isang bulaklak?” Habang nakatingin sa halaman sa kahon, tumingala siya kay Yolanda. Kahit na mukhang pangkaraniwan ang bulaklak, mukha itong mamahalin. Batid niya na sinsero si Yolanda. “Ano iyon?” namamdali na lumapit si Alice kay Vivian. Noong nakita niya ang bulaklak sa kahon, mapanglait niyang ibinuka ang bibig niya. “Bulaklak lang pala. Bakit kailangan na nakalagay pa ito sa mamahaling gift box? Ang akala ko naman mamahalin!” “Kahit na bulaklak lang ito, sinseridad ito ng apo ko!” tinitigan ng masama ni Vivian si Alice bago sinabi kay Yolanda, “Kakabalik mo lang, kaya wala kang masyadong allowance, pero naghanda ka ng regalo para sa akin. Masaya ako.” Noong una, masama ang impresyon niya kay Yolanda. Pero matapos makita ang regalo niya, nagbago ang impresyon niya. “Ice Lily ito,” ipinakilala ni Yolanda ng makita na walang nakakilala sa mamahaling herb. “Isang Ice Lily?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.