Kabanata 13
Mukhang nagulat ang bodyguard.
“Anong sinabi mo?” nabigla si Zach.
Mabilis siyang humarap sa katawan. Sa oras na ito, ang bata, na tumutulo ang dugo mula sa bibig, ay hindi na dumudugo. Matapos matulala sandali, agad siyang yumuko sa tabi ni Yolanda.
“Pasensiya na sa mga salita ko ngayon lang. Pakiusap iligtas mo siya. Dapat siyang mabuhay!” pagmamakaawa ni Zach.
“Siyempre, ililigtas ko siya. Hindi mo kailangan umarte ng ganyan.” Habang nagsasalita, ipinasok na ni Yolanda ang acupuncture needle sa PC6 ng bata. “Pero kailangan niya maoperahan sa lalong madaling panahon. Ang magagawa ko lang ay patigilin ang pagdurugo niya para tumagal siya hanggang sa makarating siya sa operating room.”
“Sige. Basta matulungan mo siya hanggang sa dumating ang ambulansiya, maipapangako ko sa iyo ang kahit na ano,” seryosong sinabi ni Zach.
Walang sinabi si Yolanda. Nagfocus siya sa pagpasok ng acupuncture needles sa mga acupoints ng bata. Sa oras na ito, si Yvonne, na nakatayo sa malapit, ay hindi makapaniwala.
Anong nangyayari? Marunong si Yolanda ng acupuncture treatment? Kaya niya magligtas ng tao?
Paano ito naging posible? Tatlong taon siya sa juvenile detention at hindi nag-aral ng high school. Paano niyang natutunan ang first aid?
Habang nakatitig si Yvonne sa likod ni Yolanda ng gulat, tumayo na si Yolanda.
“Tumigil na ang pagdurugo,” sambit ni Yolanda.
“Mabuti iyon! Salamat!” nagsimulang maluha ang mga mata ni Zach dahil si Evan ang pinakamahalagang tao sa buhay niya.
Walang nakakaalam kung gaano siya nawalan ng pag-asa habang nakahiga si Evan sa dugo niya. Kasabay nito, maririnig ang tunog ng ambulansiyang malapit na. Hindi nagtagal, dumating ang ambulansiya.
“Bilisan ninyon at dalhin siya sa ospital.”
Inilagay ni Yolanda ang acupuncture needles pabalik sa cloth bag bago ito itinago. Ngayon at dumating ang ambulansiya, hindi na siya kailangan doon.
“Sandali!” Mukhang may naalala si Zach. Pumunta siya sa sasakyan niya at kumuha ng kahon bago ibinigay kay Yolanda. “Para ito sa iyo, pasasalamat ko. Kapag gumaling ang anak ko, padadalhan kita ng mas malaking regalo!”
“Oo nga pala, ang pangalan mo ay Yolanda?” tanong ni Zach.
Tumango si Yolanda. “Oo.”
Hindi na sila nagformalities at kinuha niya ang kahon mula kay Zach.
Matapos ibigay ang kahon, sinamahan ni Zacha ng medical personnel para buhatin si Evan sa ambulansiya. Samantala, nasa parehong puwesto pa din si Yvonne, tulala.
Noong makita si Yolanda na nilampasan siya at naglakad pabalik sa sasakyan, nahimasmasan si Yvonne at hinabol siya.
“Saan ka nagpunta?”
Noong binuksan ni Yolanda ang pinto at sumakay sa sasakyan, galit siyang kinuwestiyon ni Diana.
Kanina, ang driver ay nakahanap ng madadaanang kalye sa malapit. Pero dahil si Yolanda at Yvonne ay hindi pa bumabalik, kailangan nilang manatili sa parehong puwesto.
“Pinanood ko ang nangyayari,” sagot ni Yolanda ng walang pakielam. Hindi niya sinabi kay Diana na may iniligtas siya kanina lang.
Kahit na sabihin niya kay Diana, hindi siya maniniwala. Bukod pa doon, kung sasabihin niya kay Diana, magtatanong pa siya ng karagdagang mga tanong. Sa ngayon, hindi siya makapagbibigay ng rasonableng paliwanag.
Hindi lang alam ni Yolanda kung anong sasabihin ni Yvonne mamaya. Matapos marinig ang sagot ni Yolanda, nagalit si Diana pero wala siyang mapagbabalingan ng galit.
“Nagmamadali tayo. Paano kang nasa mood pa para panoorin ang nangyari? Dapat bilisan mo at makaiisip ng paraan para mapasaya si Lola at Philip mamaya sa kaarawan ni lola.
“Kung wala kang maisip. Inaasahan mo ba na gagawa ako ng paraan para sa iyo?” habang mas tinitignan ni Diana si Yolanda, lalo siyang mas nagiging sakit sa ulo para sa kanya.
Sa oras na ito, ang magandang impresyon ni Diana kay Yolanda dahil sa nangyari sa jewelry store at exhibition ay nawala.
Muli, napaisip si Diana kung gaano kaganda ang buhay niya kung isang anak lang ang isinilang niya. Walang kuwentang basura lang si Yolanda! Dahil walang kuwenta si Yolanda, nilalait si Diana ng mga mayayamang babae.
Habang iniisip ito lalo ni Diana, lalo siyang nagagalit. Napagdesisyunan niyang humarap sa kabilang side dahil ayaw niyang makita si Yolanda.
Sa oras na ito, sumakay si Yvonne sa sasakyan ng tahimik. Wala siyang sinabi na kahit na ano o kaya reklamo kay Diana. Hindi niya napansin na tinignan siya ni Yolanda at nagulat.
Mukhang hindi napansin ni Yvonne ang mga mata ni Yolanda at nanatiling malalim ang iniisip. Hindi pa siya nakakarecover sa gulat. Hindi niya maintindihan kung paano nalaman ni Yolanda na magdala ng acupuncture treatment at magperform ng first aid.
Tatlong taon siyang nasa school, pero imposible para sa kanya ang magkaroon ng ganitong kaalaman, lalo na si Yolanda, na nasa juvenile detention center ng tatlong taon.
Kaya, hindi niya matanggap ang katotohanan napatigil ni Yolanda ang pagdurugo ni Evan.
Hindi nagtagal, nakaisip ng isa pang posibilidad si Yvonne. Paano kung nagkataon lang ang lahat? Paano kung hindi talaga matindi ang pinsala ni Evan? Kahit na hindi kumilos si Yolanda, hindi titigil ang pagdurugo. Kaya, ginamit ni Yolanda ang pagkakataon. Hindi siya dapat pasalamatan!
Ito lang ang rason na may sense. Kung hindi, wala ng ibang paliwanag sa kung bakit may alam si Yolanda sa medisina.
“Yvonne! Yvonne!”
Habang tulala si Yvonne, nakarating na ang sasakyan sa destinasyon nila. Matapos makita na nakaupo pa si Yvonne, hinatak ni Diana ang braso niya.
“Huh? Anong nangyari?” napatingala si Yvonne habang naguguluhan.
Dito lang niya napagtanto na dumating na sila sa entrance ng hotel kung saan ang pamilya Henderson ay gugunitain ang birthday party.
Oras na para bumaba. Anong nangyayari sa iyo? Napansin ko na wala ka sa sarili simula ng bumalik ka sa sasakyan. Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”
Nag-aalala ng kaunti si Diana. Kung hindi maganda ang pakiramdam ni Yvonne at hindi makakadalo sa birthday party, hindi makakaarteng proud si Diana at maenjoy ang papuri ng mga kamag-anak.
Kung ang atensyon ng lahat ay nakay Yolanda, bukod sa hindi magiging sentro ng atensyon si Diana, baka mapahiya pa siya. Noong maisip ang posibilidad na mangyari ito, nagkaroon siya ng udyok na sakalin si Yolanda hanggang mamatay.
Mabilis na ngumiti ng matamis si Yvonne. “Hindi, iniisip ko lang ang research topic ng team namin at nawala sa sarili. Ma, hindi mo ako kailangan alalahanin. Pumasok na tayo sa loob. Huwag natin paghintayin si lola.”
“Sige.” Noong nakita ni Diana ang reaksyon ni Yvonne, nakahinga siya ng maluwag.
Tulad ng inaasahan, may sense si Yvonne at considerate. Pagkatpos, tinignan niya si Yolanda, na medyo chubby, at hindi mapigilang sumimangot. Sa pagkakataong ito, nagsisisi siya at hinayaan niyang makaalis ng juvenile detention center muli si Yolanda.
Noong pumasok si Diana at iba pa sa private room ng hotel, ang ibang mga bisita ay nandoon na. dahil ika-66th na kaarawan ito ni Vivian, kailangan engrande ang birthday.
Kaya, hindi lang ginanap ang birthday party sa sikat na five-star hotel sa Riverdale, pero ang lahat ng mga malalayong kamag-anak ay imbitado din.
Sa oras na pumasok si Dianna, naging sentro sila ng atensyon. Sa mga bisita, isang middle-aged na babae ang lumapit at sinabi, “Paano ninyo nagawang malate?”
Nakakulot ang buhok niya ay kinulayan ng champage. Dahil nakasuot siya ng two-carat diamond ring, sinusuklyan niya nag buhok niya kada ilang minuto.
Ang middle aged na babae ay si Alice Lawson, ang ikatlong anak ng asawa ng pamilya Henderson. Ang karmaihan sa mga taong nakaupo sa lamesa ay mga babaeng kamag-anak ng pamilya Henderson.
Sa oras na nagsalita siya, sumunod din ang iba pa.
“Tama! Maiintindihan namin na hindi makarating si Harold dahil nasa business trip siya, pero nalate kayo. Hindi ito tama!”
“Si Mrs. Henderson Senior ay tinatrato ng mabuti ang pamilya ninyo. Kung hindi ninyo seseryosohin ang party, malulungkot siya!”