Kabanata 9 Sumama Ka na Sa’kin Pauwi
Si Noel ay nakasuot ng itim na casual suit na may brown na crew-neck na t-shirt sa ilalim. Dahil sa simpleng kasuotan niya, namumukod-tangi pa rin siyang marangal at elegante sa grupo.
Tila napansin niya ang titig nito, nang lumingon siya sa direksyon ni Whitney.
Mabilis na nagkaroon ng reaksyon si Whitney. Kinuha niya ang menu sa mesa para itago ang kanyang mukha.
Kung hindi dahil sa gabing iyon, buong kumpiyansa niyang babatiin ang lalaki. Ngunit ngayon, sobrang nakakailang na gawin iyon.
“Anong tinitingin-tingin mo?” Tanong ni Thomas York na nakatayo sa tabi ni Noel habang sinusundan ang tingin ni Noel.
May mga customer na nag-o-order at mga empleyado ng restaurant na dumadaan—walang kakaiba.
Binawi ni Noel ang kanyang tingin at sumagot, “Yung paligid.”
“Ano? Hindi ba ikaw ang dumisenyo ng restaurant na ito? Hindi na dapat bago sa’yo ‘to,” puna ni Thomas. Pagkatapos ay luminga-linga siya sa paligid na may halong panghihinayang. “Maganda ang design, pero medyo mahirap mag-relax sa ganitong setting. Hindi talaga bagay sa playboy na katulad ko ang lugar na may ganitong klase.”
Palaging napapalibutan si Thomas ng magagandang babae kapag dumadalo sa mga kaganapan.
“Mabuti ‘to para sa kalusugan mo,” walang pakialam na sagot ni Noel.
Napabuntong-hininga si Thomas. “Buweno, salamat kung ganoon.”
Habang nag-uusap sila, pinaakyat ang grupo.
Si Whitney, na sumilip mula sa likod ng menu, ay nakahinga ng maluwag.
Hindi niya inaasahan na makakasalubong niya si Noel dito. Upang maiwasan ang karagdagang ilang, kailangan niyang tapusin nang mabilis ang kanyang hapunan.
“Whitney?” Biglang nanggaling sa itaas niya ang boses ni Damian.
Tumingala siya at nakita niyang nakatitig ito sa kanya na nagtataka. “Pasensya na kung pinaghintay kita. Medyo traffic sa daan.”
Umalis si Damian noong hapon, sinasabing papunta siya sa branch office ng kumpanya.
“Kakarating ko lang dito.” Malamig ang kanyang tono, itinatago ang anumang emosyon.
Inutusan ni Damian ang waiter na ihain ang mga putahe at saka naglabas ng maliit na itim na kahong velvet. “Regalo para sa’yo. Tingnan mo kung magugustuhan mo.”
Ibinaba ni Whitney ang kanyang tingin. Hindi na niya kailangan pang hulaan para malaman na isa itong pares ng hikaw.
Nakaugalian na ng lalaki magpaikot ng mga regalo—mula sa kwintas, hikaw, hanggang singsing. Binigyan siya nito ng diamond na kwintas noong nakaraang kaarawan niya, kaya malamang hikaw na ito sa pagkakataong ito.
“Binili ko ito sa isang auction sa Moslea noong nakaraan. Naisip kong bagay ito sa’yo.” Dahil hindi nito kinuha ang kahon sa kanya, siya na mismo ang nagbukas nito. Sa loob ay pinong hiwa, hugis-luha na brilyante na hikaw. Sila ay malinaw na nagkakahalaga ng maraming pera.
“Isusuot ko sa’yo ‘to.” Gumalaw si Damian para tumayo.
“Kain muna tayo. Gutom na ako.”
Naihain na lahat ng putahe. Kinuha ni Whitney ang kanyang mga kubyertos at nagsimulang tumuon sa pagkain. Gaano man kasama ang kanyang kalooban, hindi niya ito dapat ilabas sa pagkain o sa kanyang tiyan.
Natahimik si Damian ng ilang segundo bago ngumiti at hinikayat itong kumain pa. Patuloy pa rin niya itong tinutulungan sa pagkain.
“Matagal mo nang gustong magtrabaho sa architecture department,” sabi niya habang naglalagay ng pagkain sa plato ng babae. “May opening para sa isang posisyon doon ngayon.”
Tumigil si Whitney at tumingala mula sa kanyang pagkain.
Palagi niyang pinagsisisihan ang pagsuko sa forte na minsan niyang minahal. Sinabi na rin niya kay Damian noon na gusto niyang lumipat sa architecture department, kahit na ang ibig sabihin nito ay ang pangangailangang mag-apply sa loob.
Napansin ni Damian ang pagtataka sa mukha niya. “Tinandaan ko ‘yon. Naghihintay lang ako sa tamang opening. Ngayong nandito na, ililipat na kita sa loob ng ilang araw.
“At saka, naghapunan pala ako kasama ang isang kaibigan kahapon. May kakilala siyang sikat na neurologist. Inareglo ko na para magpa-checkup ang nanay mo sa loob ng ilang araw. Alam kong umaasa kang magising siya para makadalo siya sa kasal natin.”
Awtomatikong hindi pinansin ni Whitney ang huling bahagi ng pangungusap ng lalaki. Hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding kaba nang mabalitaan niyang baka may paraan para matulungan ang kanyang nanay na magising.
Ang kanyang nanay, si Margaret Colin, ay na-coma mula noong aksidente sa sasakyan noong apat na taong gulang si Whitney. 20 taon na ang lumipas.
Sa kabila ng hindi mabilang na mga espesyalista, hindi pa rin gumising si Margaret.
Upang mapangalagaan nang mabuti si Whitney, walang pagpipilian si Westley kundi hiwalayan si Margaret at pakasalan si Rebecca.
“Mapapagising ba talaga ng neurologist na iyan ang nanay ko?” Matiim na tinitigan ni Whitney si Damian.
“Ipinadala ko na ang medical records niya, at sinabi ng kaibigan ko na mataas ang posibilidad.”
Agad na napuno ng luha ang mga mata ni Whitney. Sa hindi mabilang na mga gabi, hiniling niya na magising si Margaret. At siya ay nabigo sa parehong tagal ng panahon.
Kinalaunan, hindi na siya umaasa.
Inabutan siya ni Damian ng tissue para punasan ang mga luha niya. “Whitney, kapag nagising ang mama mo at nakita niyang kasal tayo, sobrang sasaya siya. Iwan na natin ang nakaraan. Sumama ka na sa’kin pauwi, okay?”