Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 7 Ikansela ang Kasal sa Susunod na Buwan

Nang makapagtapos ng kolehiyo, bumili si Whitney ng sarili niyang bahay sa Coaska Heights. Ginamit niya ang kanyang ipon mula sa mga scholarship at ang premyong pera mula sa pagkapanalo sa isang kompetisyon sa architecture design para sa paunang bayad. Ayaw ng kanyang ama, si Westley Spencer, na mapagod siya sa buwanang mortgage at nag-alok na bayaran ang buong halaga, ngunit tumanggi siya. Naalala pa niyang sinabi niya sa tatay, “Huwag mong maliitin ang sahod ng isang architect. Kung maganda ang performance ko, mababayaran ko ito agad nang buo.” Sa huli, hindi lamang siya umalis sa larangan ng arkitektura, ngunit nagtrabaho din siya bilang sekretarya ni Damian sa loob ng tatlong taon. Umalis pa siya ng apartment. Kahit na wala itong laman, umupa si Whitney ng mga tao para linisin ito nang regular. Matapos maibaba ang kanyang maleta, naghanda siya ng simpleng pagkain dahil hindi pa siya kumakain noong hapong iyon. Nang matapos siya, lumuhod siya sa sopa at tinawag si Westley. “Dad, uuwi na ako bukas.” “Ayos! Sa wakas ay may oras na si Damian?” Tuwang-tuwa si Westley. “Sasabihan ko si Rebecca na ipagluto kayo ng masarap na pagkain. Agahan ninyo ng dating.” Noon, bumisita lang si Whitney sa bahay kapag libre si Damian na sumama sa kanya, na bihira. Dahil dito, ilang beses lang siyang bumisita sa bahay sa paglipas ng mga taon. “Sige, aagahan ko.” Hindi niya itinama ang tatay. Pagkatapos ng lahat, ang ilang mga bagay ay masyadong kumplikado upang ipaliwanag sa pamamagitan ng phone. Dahil hindi pumayag si Damian na ikansela ang engagement, kailangan niyang sabihin kay Westley at humingi ng tulong sa tatay. Kung tutuusin, ang mga pamilya nila ang nag-ayos ng kasal noong una pa lang. Kung manghihimasok si Westley, kailangang makinig si Damian. … Nang sumunod na hapon, habang nagmamaneho si Whitney papunta sa tahanan ng mga Spencer, nakita niya si Westley, ang kanyang madrasta, si Rebecca Wright, at ang kanyang mga kapatid sa tatay, sina Matthew at Stella Spencer, na lahat ay naghihintay sa pintuan. Pagbaba niya ng sasakyan, napatingin si Westley sa likuran niya. “Ikaw lang? Nasaan si Damian?” “Malamang abala siya,” sagot ni Whitney. Malamang ay abala ang lalaki sa paghahanap at pag-ayos ng mga bagay kay Rachel. “Ang dami kong inihanda. Sana man lang sinabihan mo kami na hindi kasama si Damian.” Hindi nasisiyahan si Rebecca. Nagmamadali siya simula pa kaninang umaga para maghanda ng pagkain, para lang malaman na para lang kay Whitney ang lahat. “Lagi mong sinasama si Damian. Bakit mag-isa ka lang sa pagkakataong ito?” Bulong ni Stella na may pagkadismaya sa kanyang mga mata. “Bakit hindi mo siya tawagan?” Ngumisi si Whitney. Alam na alam niya kung anong ginagawa ni Stella. Bago siya nakipagtipan kay Damian, si Stella ay nagbuhos ng maraming pagsisikap na mapalapit sa lalaki, ngunit si Damian ay palaging nakadistansya. Kung hindi kahit si Whitney ay walang lugar sa puso ni Damian, mas wala nang pagkakataon si Stella. “Dad, tingnan mo siya! Na-curious lang ako ehh!” Bulong ni Stella kay Westley. Sa sandaling iyon, lumapit si Matthew at kinuha ang mga prutas at health supplements mula sa mga kamay ni Whitney. “Natutuwa kaming bumalik ka, Whit.” Bagama’t anak din ni Rebecca si Matthew, iba talaga ang personalidad nito kina Rebecca at Stella. Ramdam ni Whitney na tunay na inaalagaan siya nito at tinuring siyang parang kapatid. Dahil wala si Damian, ang tanghalian ay lumipas nang mas mabilis kaysa karaniwan. Pagkatapos, sa sala, humigop ng kape si Westley. “Whit, kumusta kayo ni Damian? Napuntahan ninyo na ba si Mr. Howard Senior at mga magulang ni Damian? Siguraduhin mong ikumusta mo ako sa kanila.” “Maayos naman silang lahat.” Pagkasabi noon, huminto si Whitney. Inipon niya ang kanyang lakas ng loob bago siya nagpatuloy, “Dad, A... yoko pang magpakasal ng ganito kaaga...” Dahil sa takot sa magiging reaksyon nito, ayaw niyang sabihin ito nang diretso, kaya mas malambot ang paraang pinili niya. Ngunit si Westley, isang batikang negosyante, ay nahuli kaagad ang ipinararating sa kanyang mga salita. “Nag-away ba kayo ni Damian?” Ibinaba niya ang kanyang tasa. “May mga pagsubok talagang pinagdadaanan ang mga magkasintahan. At saka, pinapatakbo niya ang buong Howard Group. Siguradong magiging abala siya. Kailangan mong maging maunawain.” Sa mga mata ng lahat, si Damian ay nagmamahal at magiliw sa kanya, at siya ay lubos na nakatuon sa kanya. Walang mag-aakalang maghihiwalay sila. Kung merong anumang tensyon, ito ay magiging maliit na hindi pagkakasundo lamang. Hinawakan ni Whitney ang tela ng kanyang kamiseta. Mukhang kailangan niyang maging mas prangka. “Gusto kong ikansela ang kasal sa susunod na buwan.” Sa kanyang mga salita, si Westley ay napalapit sa gulat. “Anong sabi mo?” Ganoon din, nagpalitan ng tingin sina Rebecca at Stella. Nagulat man ay may bakas ng tuwa sa mukha ni Stella. “Pwede ka bang pumunta sa Howard residence at kausapin ang lolo ni Damian tungkol dito? Ikansela natin ang kasal.” Matiim na tumingala si Whitney kay Westley. Naging solemne ang ekspresyon ni Westley. Ang kanyang karaniwang init ay napalitan ng mahigpit na ekspresyon. “Gusto mong kanselahin ang engagement dahil sa maliit na argumento? Sa tingin mo ba ay laro ang engagement na ito? Kailan ka pa naging napaka-immature?” Umiling si Whitney. “Hindi lang iyon away, Dad. May seryosong problema sa pagitan namin. Hindi na kami pwedeng magsama. A—” “Anong problema? Ganoon na ba kalala iyon para hindi mo malutas?” Hinampas ni Westley ang kanyang kamay sa mesa, dahilan para mapatalon lahat ng tao sa kwarto. Nang makita siyang galit na galit, mabilis na humakbang si Rebecca at marahang tinapik ang kanyang dibdib para pakalmahin siya. “Bakit ka ba nadadala? Hindi ka ba nag-aalala sa kalusugan mo? “Kung ganyan ang sinasabi ni Whitney, malamang ay sobrang seryoso ng mga bagay sa pagitan nila kaya kailangang ikansela ang kasal. Hindi sila para sa isa’t-isa, kaya bakit dapat ipilit? Pumunta ka lang at—” “Anong alam mo?” Putol ni Westley, pinapatahimik si Rebecca. Sinubukan niyang tingnan si Whitney nang buong kalmado hangga’t kaya niya. “Whit, alam mo naman ang estado ng pamilyang Howard. Hindi ito isang bagay na basta-basta mong makakansela. Hindi mo pwedeng balewalain ang pamilya natin dahil lang sa gusto mo. Sa tingin mo ba ay tulad pa rin tayo ng dati?” Ang pamilyang Howard ay may pinakamataas na katayuan sa mga maharlikang grupo ng Seabourke, isang tunay na powerhouse. Ang pamilyang Spencer ay dati ring naging prestihiyoso, ngunit sa paglipas ng panahon, ang kanilang impluwensya ay humina. Hindi na sila kapantay ng mga Howard. “Palagi ka namang may kunsiderasyon. Hindi mo ba pwedeng ayusin ‘to para sa kapakanan ko at ng pamilya natin?” Seryosong tumingin sa kanya si Westley. Hindi inaasahan ni Whitney na magsusumamo ng ganito si Wesley. Inakala niyang kakampihan nito siya, nang walang anumang tanong. “Paano kung... siya ang mali?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.