Kabanata 13 Hayok na Makipagtalik sa Kanya
”Hindi mo ba alam?” Naalala ni Whitney na binanggit ni Damian ang video conference nang umalis siya kagabi.
“Hindi ako sinabihan ni Mr. Howard, at wala akong natanggap na anumang work assignments,” sagot ni Sophie.
Siya ang pangunahing sekretarya ni Damian, na responsable sa pagsubaybay sa lahat ng trabaho nito. Pero walang minutes, at hindi rin alam ni Sophie ang anumang ganoong meeting.
Bakas ng pagdududa ang pumasok sa isip ni Whitney. Nagsinungaling ba si Damian sa kanya?
Ngunit sa malakas na ulan kagabi at basang-basa na siya, marahil ay ipinagpaliban niya ang meeting dahil masama ang pakiramdam niya.
“Siguro nagkamali ako. Akala ko may video conference siya kagabi,” sabi ni Whitney.
Sa tanghalian, nag-message sa kanya si Damian tungkol sa pagsabay kumain hapunan sa gabing iyon para pag-usapan ang paggamot kay Margaret. Walang pagdadalawang-isip na pumayag si Whitney.
Pagkatapos ng trabaho, nagmadali siyang mag-impake ng kanyang mga gamit, para lamang makatanggap ng tawag mula kay Damian na nagsasabi sa kanya na meron itong hindi inaasahang lakad.
Binagalan ni Whitney ang kanyang pag-iimpake. “Ayos lang. Trabaho muna. Magpahinga ka pagkatapos mo. Pwede natin pag-usapan ang pagpapagamot sa nanay ko kapag libre ka.”
Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, medyo nadismaya siya.
Si Margaret ay na-coma sa loob ng 20 taon, at ngayon, nagkaroon ng pagkakataong magamot. Nais niyang makapagsimula sila kaagad.
Gayunpaman, sinubukan niyang aliwin ang sarili. Ang magagandang bagay ay kinakailangan ng sapat na oras. Walang masyadong magbabago sa paghihintay ng isa pang araw.
Sa sandaling lumabas si Whitney sa Howard Tower, nakita niya ang kapansin-pansing pigura.
“Bulaga! Hindi mo akalaing makikita mo ako, ano?” Nakasandal si Yvette sa hood ng kotse, kumakaway sa kanya.
“Hindi ba nasa business trip ka?” gulat na tanong ni Whitney habang naglalakad.
Pumasok na sila sa sasakyan. Ipinaliwanag ni Yvette habang nagmamaneho, “Tapos na ang main translation work. Ang iba ay binilin na sa grupo, kaya nagmadali akong bumalik para makita ka.”
Sina Whitney at Yvette ay magkasamang nanirahan noong kolehiyo, bagaman magkaiba sila ng mga major.
Nag-aral ng pagsasalin si Yvette at nagsimula ng sariling studio pagkatapos ng graduation. Personal niyang pinangangasiwaan ang bawat proyekto at nasa gitna ng pag-unlad ng career.
“Ayos lang ako. Hindi mo naman kinailangang umuwi kaagad,” sabi ni Whitney. Alam niyang isinantabi lamang ni Yvette ang trabaho at umuwi nang maaga dahil nag-aalala ito sa kanya.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant, at bumaba sila.
“Uy, hindi ba ako pwedeng magpahinga ng maaga?” biro ni Yvette.
Pagkaupo at pag-order ng kanilang pagkain, naging seryoso si Yvette. “Bale, anong nangyari sa inyo ni Damian?”
Sinabi ni Whitney sa kanya ang buong kuwento.
“Sina Damian at Rachel? Seryoso? Hindi sila magkadugo, pero ilang taon na siyang tinatawag na ‘Uncle Damian’! Wala bang hiya ang dalawa?” Nagalit si Yvette ngunit hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
“Ang ayos-ayos ng relasyon ninyo ni Damian. Walong taon na. Paano niya nagawa ‘to?”
Hindi niya maintindihan ang mga kinikilos ni Damian at ipinagpatuloy niya ang pagsusumpa kay Rachel sa pagiging mapagpanggap nito. Iniisip niya kung paano posibleng magkagusto si Damian sa ganoong babae.
Sa huli, binuod niya nang may mapait na tawa. “Kahit gaano katino ang isang lalaki, lalaki pa rin siya. Mag-iisip pa rin siya ng babae kahit may girlfriend na siya.”
Napangiti na lamang si Whitney sa kanyang sinabi.
“Pero napagdesisyunan mo na ba talaga na bumalik? Mapapatawad mo ba siya?” tanong ni Yvette.
“Spencer pa rin ako. Hindi ako pwedeng maging makasarili. At kung tutuusin, nakahanap pa siya ng neurologist para magamot ang nanay ko, gusto kong subukan at patawarin mo siya.”
Pinasadahan ni Whitney ang kanyang daliri sa gilid ng kanyang tasa at nagpatuloy nang walang magawa, “Siguro talagang napagtanto niya ang pagkakamali niya.”
Minsan, ang mga tao ay walang kontrol sa kanilang sariling buhay.
Nakaramdam ng pagkadismaya si Yvette ngunit tila may naisip na iba nang sumilay ang bahagyang ngisi sa kanyang mukha. “Buweno, kahit papaano pinagmukha mo siyang hangal. Hindi naman sobrang lugi.”
Hindi binanggit ni Whitney kung sino ang lalaki noong gabing iyon sa bar. Nang marinig niya ang mga salitang iyon, muntik na niyang maibuga ang tubig na nainom niya.
Wala siyang pakialam kung malugi siya o hindi. Pinagsisisihan niya ito hanggang sa kaibuturan.
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Yvette habang nakatingin sa likod ni Whitney. Nang mapansin iyon, lumingon si Whitney.
Naglalakad sina Noel at Thomas mula sa pintuan at patungo sa kanilang direksyon.
Nagulat si Whitney na muli niya itong nakasalubong. Mabilis siyang tumalikod at nagkunwaring hindi niya ito napansin.
“Oh, so inii-stalk mo na ako ngayon?” Nakangiting tumingin si Thomas kay Yvette.
“Huwag ka ngang mahangin. Mas gugustuhin ko pang mag-translate ng sampung dokumento kaysa mag-aksaya ng oras sa pag-stalk sa’yo,” pakli ni Yvette.
Alam ni Whitney na may kasintahang si Yvette na matagal na niyang crush. Gayunpaman, dahil hindi interesado ang lalaki kay Yvette, naramdaman niyang walang dahilan para ipakilala ang lalaki kay Whitney.
“Huwag kang umasta na parang hindi mo pa ako naii-stalk, Yvette. Kung kinamumuhian mo talaga ako, ikansela mo na lang ang engagement.” Suot niya pa rin ang mapanuksong ngiti na iyon.
Ang kamay ni Yvette, na nakahawak sa kanyang tinidor at kutsilyo, ay humigpit bilang tugon. Bigla niyang itinaas ang kanang kamay at itinutok ang kutsilyo kay Thomas. “Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita na kumakain ako kasama ang bestie ko?”
“Ngayon, gusto mo akong patayin?” Itinulak ni Thomas ang kamay niya at saka tumingin sa kabilang panig ng mesa. “Bestie?”
Ramdam ni Whitney ang mga mata ng lahat sa kanya ngayon.
Hindi siya pwedeng magpatuloy na magpanggap na walang naririnig, kaya nag-aatubili siyang nagpakilala, “Hi, ako si Whitney Spencer, roommate at best friend ni Yvette.”
Sinadya niyang hindi pansinin ang ekspresyon ni Noel. Sa kabutihang palad, hindi kumilos ang lalaki na parang nakilala siya nito.
“Girlfriend ka ba ni Damian? O dapat ko bang sabihing fiance? Ikakasal ka na sa susunod na buwan, tama?” Tanong ni Thomas habang nakatingin sa kanya na may pag-aalinlangan.
Bago pa makasagot si Whitney ay nilingon niya si Noel. “Malamang ay kilala mo siya, tama?”
Sumulyap si Noel kay Thomas, saka sumagot, “Mukhang mas kilala mo siya kaysa sa akin.”
“Matalas ang memorya ko sa mga magandang babae. Naaalala ko sila sa isang sulyap lang,” nakangiting sabi ni Thomas.
Napangisi si Yvette. “Hindi karangalan na maalala mo!”
Pagkatapos, lumingon siya kay Noel na may masamang tingin. “Sabihin mo kay Damian na si Whitney ay hindi taong pwede niyang lokohin. Hindi lang siya ang lalaki sa mundong ito. Hindi niya dapat isipin na walang ibang interesado kay Whitney. Kamakailan lang, isang hot na lalaki ang hayok na makipagtalik sa kanya, pero nanatili siya sa kanyang mga prinsipyo.”
Nang marinig iyon, nais lamang ni Whitney na takpan ang bibig ni Yvette, ngunit hindi niya maabot ang tapat ng mesa. Gusto niyang maglaho siya sa lugar.
Lumipat ang tingin ni Noel kay Whitney. May bakas ng mapaglarong aliw na sa kanyang tono na tanging si Whitney lang ang makakaintindi nito. “Hayok na makipagtalik sa kanya?”