Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 8

”Maddie, gusto kang kausapin ni Mr. Gildon.” Iniabot ni Kara Spraggins, na sumama sa akin, ang telepono. Minaliit ko ang pagpupursige ni Chris. Sa ganitong sitwasyon, wala akong pagpipilian kundi kunin ang telepono. Pormal na pormal akong nagsalita. “Mr. Gildon, anong maipaglilingkod ko sa’yo?” “Maddie.” Napuno ng pagkakasala ang paos na boses ni Chris. “Bakit ang aga mo umalis ngayon? Umuwi ako pero hindi kita naihatid.” Nang mapagtantong hindi trabaho ang pag-uusapan, naglakad ako nang kanti palayo. “Lumabas ako para mag-almusal.” “Pasensya na. Hindi kasi ako nakaalis kagabi. Kaya hindi ako nakauwi.” Nanlamig ang puso ko, may sarkastikong ngiti sa labi. “Bakit hindi ka makaalis?” Nang hindi niya ako sinagot ay napabuntong-hininga ako at pinarinig ko iyon sa kanya. “Hindi makahanap ng nurse?” Nag-alinlangan niyang sabi, “Oo.” Wala na akong nasabi. Patuloy ni Chris, “Maddie, kailan ka matatapos? Sunduin kita, at sabay tayong mananghalian.” Matagal na kaming hindi sabay kumain ng tanghalian. Ayon sa sinabi ni Yerick kagabi, kasama raw ni Chris si Jewel. Bigla ba niya akong tinanong dahil sa pagkakasala dahil iniwan niya ako sa kalagitnaan kagabi, o bigla siyang nakonsensya? Hindi ko alam, at ayokong mapagod ang utak ko sa paghula. Walang pakialam kong sagot, “Hindi ako sigurado. Baka hindi pa ako tapos ng tanghali. Tsaka, wala ka bang gagawin araw-araw sa tanghali ngayon?” “Maddie.” Nabasa siguro ni Chris ang pamimilosopo ko. Mahigpit niyang tinawag ang pangalan ko, para lang huminto ng dalawang segundo bago niya sinabing, “Huwag kang masyadong mag-isip.” Iniwan niya ako sa kama noong nasa kalagitnaan na kami kagabi. Ano pa ba ang maaari kong isipin? Ayokong pag-usapan ang mga personal na bagay sa oras ng trabaho, sinabi ko sa kanya, “Abala ako ngayon. Ibababa ko na kung wala nang iba pa.” Hindi siya umimik kaya ibinaba ko na ang telepono. Kasama sa trabaho ngayon ay ang mga talakayan sa pagitan ng mga kasosyo at mga inspeksyon sa lugar. Pagkatapos ng mga talakayan ng mga bandang alas-diyes, nagtungo kami ni Kara sa site. Ito ay isang construction project para sa amusement park. Ako ang may pananagutan sa pangangasiwa sa lahat ng mga proyekto. Ngayon, 80% nito ay kumpleto na. Kinailangan kong suriin sa site upang makita kung merong anumang mga pagkakaiba sa pagitan ng natapos na trabaho at mga guhit ng disenyo. Kahit na ang mga pagkakataon ng mga problema ay maliit dahil sinundan ng mga kasosyo ang mga guhit nang metikoloso, kinakailangan ko pa ring siyasatin ito. Pagkatapos kong mag-ikot, namamaga ang mga paa ko, at sumasakit ang mga daliri ko sa paa. Nakahanap ako ng mauupuan para makapagpahinga. Napansin siguro ni Kara na may kakaiba. “Maddie, ayos ka lang ba?” “Oo, masakit lang ang mga paa ko.” pag-amin ko. Kung wala ako sa site, tinanggal ko na ang sapatos ko para makapagpahinga nang maayos ang mga paa ko. “Oh.” Napatingin si Kara sa mukha ko. “Maddie, masama ba ang pakiramdam mo sa ibang parte?” Nang makita akong huminto, tinuro ni Kara ang kanyang mukha. “Maddie, hindi maganda ang kutis mo.” Mas kakaiba kung magmukha akong maayos pagkatapos halos hindi makatulog kagabi. At saka, kahit gaano pa kahusay mag-makeup ang isang babae, walang silbi kung masama ang mood niya. “Siguro kasi malapit na akong reglahin.” Binigyan ko siya ng kahit anong dahilan at kinuha ang phone ko, kunwari nagbabasa ng messages. Si Kara ay madaldal na babae. Natatakot ako na baka hindi ko matuloy ang pagkukunwari kung magtatanong pa siya. Biglang may bumagsak na anino sa akin. Sa pag-aakalang si Kara iyon, hindi ko na pinansin hanggang sa nakaramdam ako ng init sa bukung-bukong ko at may nakita akong pamilyar na mga kamay. Hinubad ni Chris ang sapatos ko, ipinatong ang paa ko sa tuhod niya, at sinimulang imasahe ito. “Hindi ba kasya ang sapatos mo?” tanong niya. Wala akong sinabi; naninikip ang lalamunan ko. Tumingala siya sa akin. “Galit ka pa rin ba?” mahinang tanong niya. “Hindi,” sagot ko, pilit na inaatras ang paa ko. Gayunpaman, hindi bumitaw si Chris habang patuloy ang pagmamasahe niya sa paa ko. “Hindi na mauulit,” tahimik niyang ipinangako. Si Chris ay nakasuot ng navy blue suit na may puting shirt. Ang custom cufflinks sa kanyang kamiseta ay kumikinang sa sikat ng araw, katulad ng mismong lalaki. Minasahe niya ang kaliwang paa ko saka lumipat sa kanan ko, hindi pinapansin ang mga taong dumadaan. Ang ilang mga dalagang dumaan ay nagpakita ng naiinggit na mga tingin, nagbubulungan na sa wakas ay nakakita ng tunay na bersyon ng buhay ng guwapong lalaki na nagmamahal sa kanyang kasintahan. Inaamin ko, naantig ako. Natunaw ang sama ng loob kagabi habang minamasahe niya ang paa ko. “Maddie, napakaswerte mo!” Bumulong sa akin si Kara mula sa malayo. Ibang klase ang ginawa ni Chris. Kung patuloy kong pinanghahawakan ang pangyayari kagabi, magmumukha akong mababaw, na para bang sabik na sabik akong malaman ang nangyari. “Anong gusto mong tanghalian?” tanong sakin ni Chris. “Kahit ano,” sagot ko na wala talagang ganang kumain kahit medyo gumaan na ang pakiramdam ko. “Kumain tayo ng inihaw na isda. May pan-seared foie gras sila; masarap iyon,” mungkahi ni Chris habang inalalayan ako papasok sa sasakyan. Habang inaabot ko ang seatbelt, sumandal siya, ang mabango niyang halimuyak na umaagos sa ilong ko, dahilan para bumilis ang paghinga ko. Nang maramdaman niya ang reaksyon ko, ngumiti siya, inayos niya ang seatbelt ko, at saka mahinang hinalikan ang pisngi ko habang nag-ayos siya ng upo. “Maddie, mukha kang mahiyain gaya ng hitsura mo dati noong maliit pa tayo.” Hindi ako nakasagot sa kanya. Kahit panandalian lang ang halik ay napaangat nito ang aking kalooban ko. Lagi akong kinikilig sa tuwing ginagawa sa akin ito ni Chris. Iniisip si Jewel, tinanong ko, “Kamusta si Jewel?” Sagot niya, “Ayos lang siya. Na-discharge na siya sa ospital.” Nang wala na akong masabi, sinulyapan ako ni Chris at nagtanong, “Bakit ang tahimik mo?” “Hindi ko alam ang sasabihin,” matapat kong sagot. Habang sinasabi ko iyon, umalingawngaw sa pandinig ko ang mga salita niya tungkol sa kung paano namin masyadong kilala ang isa’t-isa. Sa totoo lang, masyado kaming pamilyar ni Chris sa isa’t-isa. Alam namin ang lahat tungkol sa isa’t-isa. Kilalang-kilala namin ang isa’t-isa hanggang sa puntong wala na masyadong masabi sa pagitan namin. Dinala ako ni Chris sa restaurant, kung saan dinala kami ng waiter sa mesa sa may bintana na may kasamang bouquet ng mga putting rosas na nagustuhan ko. Doon ko napagtanto na nakapagpareserba na siya nang maaga. Inihain ang inihaw na isda at foie gras, kasama ang paborito kong dessert. Malinaw na pinag-isipan niya ang pagkain na ito. Ang masarap na pagkain, ang magagandang bulaklak, at ang mahaba at eleganteng mga kamay ni Chris; Kumuha ako ng mga litrato at ibinahagi ko iyon sa social media ko. Agad na ni-like ng mga kasamahan ko sa opisina ang post, at sumagot si Kara na may nakangusong emoji at komentong nagsasabing, “Dapat ako na lang palang mag-isang pumunta!” Bago kami pumunta dito, sinabihan na ni Chris si Kara na mag-isang kumain ng tanghalian at isumite ang resibo para sa reimbursement mamaya. Nakita rin ni Lisa ang post ngunit hindi niya ito ni-like. Sa halip, pinadalhan niya ako ng pribadong mensahe. “Mukhang nagsusumikap siya para bumawi sa pagkakamali niya. Pwede na. At saka, tinanong ko ang nurse kagabi; nasa kwarto lang siya ni Jewel. Walang nangyari.” Tahimik kong binasa ang text niya. “Tumigil ka na sa pagtingin sa phone mo at kumain,” paalala ni Chris sa akin habang pinuputol niya ang foie gras at inilagay sa harapan ko. Kinuha ko ang tinidor ko at kakagat na sana nang may pumasok na pamilyar na pigura sa paningin ko. Si Jewel, na nakakita rin sa akin, ay lumapit nang nakangiti. “Ms. Crown.” Tapos lumingon siya kay Chris. “Chris, nandito ka rin pala.” Seryoso, makatuwiran ba para sa ibang tao na hindi ko fiancee na umupo sa harap ko? “Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, Ms. Massey. Bakit ka nandito?” diretsong tanong ko. “Binisita ko ang puntod ni Ian. Napadaan ako nang maamoy ko ang foie gras mula rito at nag-crave ako,” sagot ni Jewel, ang boses ay kasing-lambot at dalisay ng kanyang hitsura. “Mag-isa ka lang?” tanong ni Chris. “Oo! Kung ayos lang, pwede ba akong sumama sa inyo?” Tanong ni Jewel habang nilapag ang coat niya sa upuan katabi ni Chris.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.